공유

Chapter 5

작가: Dragon88@
last update 최신 업데이트: 2024-03-26 22:56:55

Zanella’s Point of view

“Lola…” halos mamaos na ako dahil sa labis na pag-iyak, habang nakaluhod sa harap ng puntod nang aking lola. Nang mamatay siya kahapon ay kaagad namin itong inilibing sa likod ng bahay. Wala namang ibang pamilya si Lola maliban sa akin, at malaki ang pasasalamat ko sa matandang si Don dahil tinulungan niya akong mailibing ng maayos ang aking abuela. Kung ako lang mag-isa, marahil ay hindi ko kakayanin, O baka, mas gugustuhin ko pang sumama na lang din sa libingan nito.

Ano pa ba ang gagawin ko sa buhay? Ang mamuhay na mag-isa sa bundok at hintayin kung kailan ako mamamatay? Mula sa himpapawid ay naririnig ko ang malakas na huni ni Sky, batid ko na maging siya ay nagluluksa rin na tulad ko. “Lola, ang daya mo naman, alam mo naman na ikaw lang ang pamilya namin ni Sky. Pero bakit mo kami iniwan?” Humihikbi kong sabi habang inaayos ang lupa sa ibabaw ng kanyang puntod. Patuloy lang ako sa pagtatanim ng mga rosas habang kinakausap ko ang aking abuela. Gusto ko na maganda ang kanyang libingan at sa pagsapit ng tagsibol ay siguradong mapupuno ng mga pulang rosas ang buong puntod ng aking abuela.

“Iha, masakit na sa balat ang sikat ng araw, maari nating ipagpatuloy ‘yan mamayang hapon.” Narinig kong sabi ni tandang Don, malungkot na umiling ako sa kanya habang patuloy naman sa pagpatak ang aking mga luha. Sinipat ko ang sinag ng araw bago tumingin sa aking anino.

“Mag-a-alas-onse pa lang, maaari na kayong maunang umuwi at susunod na lang ako.” Ani ko sa matamlay na tinig, nakita ko ang labis na pagkamangha sa mukha ni Tandang Don ngunit hindi ko na siya pinansin pa at ipinagpatuloy ko na lang ang pagtatanim sa mga halamang rosas.

“Iha, paano mo nalaman ang oras gayung wala ka namang relo?” Nagtataka niyang tanong sa akin, kaya saglit na nilingon ko s’ya at kita ko na nakatingin siya sa suot nitong relo.

“Bumabase lang ako sa sikat ng araw at sa direksyon ng aking anino.” Matamlay kong sagot dahil wala akong ganang makipag-usap ngayon.

“Ah, ganun pala ‘yun, matalino kang bata. By the way, ngayong patay na ang lola mo, Zanell, kailangan mong sumama sa akin dahil hindi ligtas para sayo ang mapag-isa dito sa gitna ng kagubatan. Ako na ang bago mong pamilya, Iha, at huwag kang mag-alala dahil ituturing kita ng higit pa sa isang anak.” Nang marinig ko ito ay biglang natigil ang mga kamay ko sa paghuhukay ng lupa. Nagsimula na namang lumabo ang aking mga mata kaya ng lumingon ako sa matandang Don ay halos hindi ko na siya maaninag.

“T-Talaga?” Naninigurado kong tanong sa garalgal na tinig. Nakita ko ang katapatan mula sa mga ngiti nito at nang ibuka niya ang kanyang mga braso sa ere ay tumayo ako at lumapit dito. Umiiyak na yumakap ako sa kanya. “Oo, naman, anak.” Malambing niyang sagot.

“S-Salamat, sa totoo lang ay hindi ko na alam kung paano na kami ni Sky. Napakabait ni Bathala dahil kahit wala na ang lola ko ay nagpadala siya ng tulong sa katauhan mo. Salamat, tandang Don.” Ani ko sa pagitan ng aking pag-iyak. Natigil ako ng bigla siyang tumawa.

“Ano ba talaga ang itatawag mo sa akin, Iha?” Nakangiti niyang tanong na mukhang nagigiliw sa akin. Nahihiya na napahawak ako sa aking ulo dahil maging ako ay naguguluhan din. Paano nga ba napunta sa tandang Don ang tawag ko sa kanya? “Pasensya na, Lolo na lang siguro.” sagot ko sabay ngiti.

“Oh, hala sige Lolo, bilisan na natin at kailangan na nating umalis ng maaga para hindi tayo abutan ng dilim sa daan.” Nababahala niyang wika. Kahit papaano ay gumaan ang aking pakiramdam, dahil hindi pa rin ako nag-iisa, sapagkat may bago na akong pamilya. Nalulungkot man ako sa pagpanaw ng aking abuela ay masaya na rin ako para sa kanya dahil batid ko na hindi na siya nagdurusa sa kanyang sakit. Marahil ay masaya na ito sa piling ni Bathala.

Mabilis kong tinapos ang pagtatanim sa puntod ni Lola, nang matapos ay inaya ko na si Lolo na umuwi na sa bahay upang maayos ko na ang mga dadalhin naming gamit.

“Iha, huwag mo ng dalhin ang mga damit na ‘yan dahil maraming damit sa bahay, at maaari din tayong bumili ng mga kakailanganin mo.” Narinig kong bilin ni Lolo kaya pinili ko na lang ang dalawang pares ng damit at inilagay ito sa loob ng isang bag na yari sa dahon ng bulǐ. Napansin ko na natigilan si Lolo at lumapit siya sa higaan ng aking Lola. Inangat ni Lolo ang higaan at mula sa ilalim nito ay nakita ko na kinuha niya ang isang kahon na nilala pa ni lola gamit ang dahon ng niyog.

“Huh? Ano ‘yan?” Nagtataka kong tanong bago lumapit kay Lolo at nakiusyuso na rin. Mula sa maliit na kahon ay inilabas niya ang isang kumikinang na gintong kwintas na may nakasabit na singsing. Biglang nagliwanag ang mukha ko ng maalala ko, na ito ‘yung nawawala kong kwintas. Halos araw-araw akong pinapagalitan ni Lola dahil madalas kong maiwala ang kwintas na ito. Patunay ang sinulid na nagdurugtong sa kwintas upang muli itong mabuo. Hindi ko alam na itinago pala ito ni lola.

Kinuha ko ang kwintas sa kamay ni Lolo at isinuot ito sa aking leeg.

“”S-Sa iyo ba ang kwintas na ‘yan? Zanella?” Hindi makapaniwala na tanong ni lolo, ang mukha niya ay parang akala mo ay nakakita ng multo.

“Hm, sa akin ito, ang sabi ni lola ay suot ko na raw ang kwintas na ito bago pa ako ibinigay sa kanya ng isang babaeng hindi niya nakikilala. Hindi ko na kasi matandaan ang lahat dahil masyado pa akong bata nun.” Nakangiti kong sagot habang pinagmamasdan ang singsing. Nakakatuwa kasi, dati-rati ay hindi ito kasya sa kamay ko pero ngayon ay sakto na s’ya kaya pwede ko na itong suotin.

“Tingnan mo nga naman ang tadhana, hindi ko inaasahan na ang batang ito ay nasa harapan ko na mismo. Mas lalo kitang dapat na ingatan at masigurado ang iyong kaligtasan.” Makahulugan niyang sabi na hindi ko naman naunawaan.

Nang masiguro na maayos na ang lahat ay nagsimula na kaming maglakbay pababa ng bundok. Medyo nahihirapan pa si Lolo dahil sa paika-ika niyang lakad. Dala na rin ng katandaan ay mabilis na itong mapagod at halos hingal kabayo na rin ito. Habang si Sky ay nanatiling naka-hapon sa aking balikat.

Pinaghalong saya at lungkot ang aking nararamdaman ng mga oras na ito, masaya ako dahil ito ang unang pagkakataon na makakarating ako sa lungsod. Malungkot, dahil iiwanan ko na ang lugar na naging bahagi ng buhay ko.

Hindi ko alam kung anong buhay ang haharapin ko pagdating sa lungsod. Pero hindi naman ako natatakot dahil batid ko na hindi ako pababayaan ni Lolo. Isa pa, kasama ko naman si Sky at alam ko na kailanman ay hindi ako nito iiwan.”

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • The Billionaire Conquer My Heart [Book lll]   Title: Desperate Move

    TEASER“Alas tres ng hapon at katatapos lang ng huling klase ko. Kasalukuyan akong naglalakad sa gilid ng kalsada patungo sa sakayan ng jeep. Ngunit, hindi ko inaasahan ang biglaang pagsulpot ng isang puting kotse sa aking harapan kaya natigil ako sa paghakbang. Napaatras ang aking mga paa ng lumabas ang tatlong lalaki na pawang may mga baril na nakasuksôk sa kanilang mga baywang. “S-Sino kayo?” Nahintakutan kong tanong, ngunit, imbes na sumagot ay mabilis na lumapit sa akin ang mga ito. Tinangka kong tumakbo ngunit napakabilis ng mga pangyayari dahil hawak na nila ako sa magkabilang braso. Nalaglag ang mga libro ko at nagsabog ang mga ito sa lapag. “Bitawan ninyo ako!” Naiiyak kong sigaw habang pilit na nagpupumiglas mula sa mahigpit na pagkakahawak nila sa aking mga braso. Nagsimula na akong mag hysterical ng kaladkarin nila ako papasok sa loob ng sasakyan. “Tulong! Parang awa nyo na! Tulungan ninyo ako!” Halos mabasag na ang boses ko at kulang na lang ay mapatid ang mga litid ko

  • The Billionaire Conquer My Heart [Book lll]   Chapter 102

    Prenteng umupo si Mr. Smith sa isang swivel chair na nasa kabilang dulo ng mahabang lamesa habang ang mga tauhan niya ay nagkalat sa labas ng conference room. Tanging ang dalawang tauhan lang nito ang kanyang kasama sa loob ng silid. Tumitig sa mukha ni Alexander ang seryoso nitong mga mata at ilang sandali pa ay umangat ang sulok ng bibig ni Mr. Smith. “Tulad ng inaasahan ko, Aragon, let’s stop this, we know na walang patutunguhan ang lahat ng ito. Huwag na rin tayong maglokohan pa dito alam naman nating pareho kung ano ang totoong pakay mo sa anak ko.” Diretsahang pahayag ni Mr. Smith, kaya mahigpit na naikuyom ni Alexander ang kanyang mga kamay. Balewala na napako ang tingin ni Mr. Smith sa nakakuyom na kamay ng kanyang manugang. Iniisip niya na nanggagalaiti na ito sa galit dahil nabuko niya ang totoong hangarin nito. Nasaktan si Alexander sa mga salitang lumalabas sa bibig ng kanyang biyenan, dahil nasagi nito ang kanyang ego, para kay Alexander ay isa itong klase ng panghah

  • The Billionaire Conquer My Heart [Book lll]   Chapter 101

    “Kalimutan mo na ang lalaking iyon, Zanella, hindi ka talaga minahal ng iyong asawa, pera lang ang habol niya sa’yo!” Matigas na pahayag ni Harris sa kanyang anak, labis na nasaktan si Zanella sa sinabi ng kanyang ama kaya hindi na maampat ang mga luha nito sa mata. “Mali ka, Dad, mahal ako ni Alexander! At batid ko na babalikan niya ako.” Matatag na sagot ni Zanella habang ang ina niyang si Zaharia ay masuyong hinagod ang likod ng kanyang anak. “Harris, tama na, pabayaan mo na ang anak mo na makasama ang kanyang asawa, lalo na at may anak na sila.” Naaawa na wika ni Zaharia, ngunit matigas ang kanyang asawa. “Hindi ko pwedeng pabayaan ang anak ko sa kamay ng mga kriminal na ‘yun, Zaharia! Hindi ko hahayaan na saktan pa nilang muli ni dulo ng daliri ng aking anak! Kung noong una pa lang ay nalaman ko na ang mga kalokohang ginawa nila sa anak ko ay baka matagal ko na silang inilibing ng buhay!” Umuusok sa galit na pahayag ni Harris, nanlaki ang mga mata ni Zanella dahil hindi niya

  • The Billionaire Conquer My Heart [Book lll]   Chapter 100

    “Sir, hindi makatarungan ang ginawa sa aming mga manggagawa. Ilang dekada na akong empleyado ng kumpanyang ito pero simula ng mamatay si Sr. Smith ay nagsimula na ring bumagsak ang kumpanyang ito. Bigla na lang kaming sinisante ng walang dahilan. At ang masakit pa dun ay naghired sila ng mga bago ngunit ilang buwan lang ay tinanggal din sila sa trabaho. Maayos kaming nagtatrabaho pero para kaming mga basura na basta na lang itinapon na parang akala mo ay mga walang pakinabang.” Naluluha sa galit na pahayag ng matandang lalaki na siyang namumuno sa kanilang grupo. Maging ang tatlo pa nitong mga kasama ay umiiyak na rin. Nag-igting ang aking mga bagâng dahil ngayon ko lang naunawaan kung bakit tila puro mga baguhan ang lahat ng empleyado ng Smith Corporation. “Do you think bakit nila ginagawa ang mga bagay na ‘yun?” Curious kong tanong na ang tinutukoy ay ang kanilang mga Manager at Supervisor. “Sa pagkakaalam namin sir, upang sa kanila mapunta ang aming mga sweldo mula sa long servi

  • The Billionaire Conquer My Heart [Book lll]   Chapter 99

    Alexander’s Point of view “Your fire!” Matigas kong sabi sa isang empleyado na nakatayo sa aking harapan. Halos ganito na lang ang eksena araw-araw at hindi ko na alam kung pang-ilang empleyado na ang nasisante ko. I got a stress sa kumpanyang ito, at parang gusto ko ng patayin ang lahat ng tao na nasa harapan ko. Umuusok sa galit na sinipat ko ng tingin ang mga empleyado na nakahilera sa aking harapan. “Alam ko na may sabwatan na nangyayari dito, kung hindi n’yo titigilan ang pagnanakaw sa kumpanya ay mapipilitan ako na sisantehin kayong lahat. Huwag ninyong ubusin ang pasensya ko dahil may kalalagyan kayo sa akin! Now, Get out!” Nanggagalaiti kong saad sabay turo sa pintuan ng aking opisina. Malakas ang tahip ng dibdib ko dahil sa matinding galit. Hindi ako makapaniwala na may mga ganitong klaseng mga employee na masyadong garapal ang mukha! Dahil harap-harapan na kung pagnakawan ng mga ito ang kumpanya. Paano nga ba ako humantong sa ganitong sitwasyon? Pabagsak na umupo ako

  • The Billionaire Conquer My Heart [Book lll]   Chapter 98

    “Hindi ko matatanggap ang asawa mong ‘yan Zanella! Ngayon din ay hiwalayan mo siya at paalisin mo ‘yan dito.” Matigas na pahayag ni Mr. Smith, makikita mula sa mga mata nito ang di pagka gusto sa kanyang manugang na si Alexander. Ito ang gumimbal sa lahat ng harap-harapang ipagtabuyan ni Mr. Smith ang asawa ni Zanella. “P-Pero, Dad, asawa ko na si Alexander at may anak kami! Kaya hindi pwede ang nais mong mangyari!” Nagugulumihanan na sagot ni Zanella dahil tutol siya sa nais mangyari ng kanyang ama. Kararating lang nila sa mansion ng kanyang mga magulang upang harapin ni Alexander ang kanyang mga biyenan ngunit hindi nila inaasahan ang matinding pagtutol ni Mr. Smith sa kanilang relasyon. Akala ni Zanella ay maayos na ang lahat dahil ni minsan ay hindi niya naringgan ng pagtutol ang kanyang ama ng malaman nito ang tungkol sa kanyang asawa. Kaya labis siyang naguguluhan dahil sa naging pahayag ng kanyang ama. Habang ang kanyang asawa na si Alexander ay nanatili sa kanyang kinatatayu

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status