Share

199

Author: Anoushka
last update publish date: 2026-06-08 15:27:14

Pagkauwi ni Cassie, hindi na siya dumaan para hanapin si Calix. Dumiretso na siya sa bahay at naghanda ng hapunan para sa kanilang dalawa.

Tahimik ang buong bahay habang abala siyang nagluluto. Paminsan-minsan ay sumusulyap siya sa kanyang cellphone, umaasang may matatanggap na mensahe mula kay Calix, ngunit nanatiling blangko ang screen.

Habang tumatagal, lalo siyang nakukumbinsi na baka hindi na ito umuwi ngayong gabi.

Nang tuluyan nang lumamig ang mga pagkaing inihanda niya, napabuntong-hini
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Billionaire Doctor’s Hidden Marriage (RATED 18+)   199

    Pagkauwi ni Cassie, hindi na siya dumaan para hanapin si Calix. Dumiretso na siya sa bahay at naghanda ng hapunan para sa kanilang dalawa.Tahimik ang buong bahay habang abala siyang nagluluto. Paminsan-minsan ay sumusulyap siya sa kanyang cellphone, umaasang may matatanggap na mensahe mula kay Calix, ngunit nanatiling blangko ang screen.Habang tumatagal, lalo siyang nakukumbinsi na baka hindi na ito umuwi ngayong gabi.Nang tuluyan nang lumamig ang mga pagkaing inihanda niya, napabuntong-hininga na lamang siya. Kumuha siya ng isang mangkok ng kanin at tahimik na umupo sa dining table upang kumain.Ilang subo pa lamang ang nakakain niya nang makarinig siya ng ugong ng sasakyan mula sa labas ng bakuran.Kasunod nito ang liwanag ng headlights na tumagos sa malalawak na bintana ng sala at nagbigay ng panandaliang ningning sa madilim na bahay.Napahinto si Cassie.Agad niyang ibinaba ang kutsara at tinidor at naglakad papunta sa entrada.Kasabay ng pagbukas ng pinto ay ang pagpasok ni Ca

  • The Billionaire Doctor’s Hidden Marriage (RATED 18+)   198

    Pagdating nila sa ospital, agad nilang nadatnan si Melanie na nakahiga sa kama. Maputla ang kanyang mukha, nakapikit nang mahigpit ang mga mata, at halos wala nang kulay ang kanyang mga labi. Para siyang isang kandilang unti-unting nauubos ang apoy.Tahimik na nakaupo sa tabi niya si Ramil. Nang makita niya sina Cassie at Calix, agad siyang tumayo. Mabigat ang bakas ng pag-aalala sa kanyang mukha.“Nandito na kayo,” mahina niyang sabi. “Hindi maganda ang kalagayan niya. Let's talk outside.”Hindi maipaliwanag ni Cassie ang nararamdaman habang nakatingin kay Melanie. Ilang beses niya itong pinangarap na makilala bilang isang ina, ngunit ngayong nasa harapan niya ito sa ganoong kalagayan, hindi niya alam kung awa, lungkot, o sakit ang dapat niyang maramdaman.Wala siyang sinabi at tahimik na sumunod kay Ramil papunta sa opisina nito.Pagdating doon, pinaupo sila ni Ramil at pinaghain ng tsaa ng kanyang assistant. Sandaling nanahimik ang silid bago siya nagsalita.“Kagabi ko lang nalaman

  • The Billionaire Doctor’s Hidden Marriage (RATED 18+)   197

    “Wag… pakiusap, huwag!” Halos mawalan ng boses si Melanie habang desperadong kumakatok sa pinto. Nanginginig ang kanyang mga kamay at halos mabasag ang mga kamao niya sa kakapukpok.“Aaron, hindi ba sapat ang ginawa mo noon? Alam mong pinilit mo lang ako noon! Hindi mo ba naisip kung anong magiging kapalit ng ginawa mo?”Mula sa loob ng silid, malamig na tumawa si Aaron. “At ano naman ang nangyari?” walang pakialam niyang sagot. “Tumakas ka kasama ng first love mo? Kinamuhian mo ako habambuhay? Maraming tao ang galit sa akin. Hindi ko iyon ikinababahala.” Huminto siya sandali bago muling nagsalita. “Basta masaya ako, sapat na iyon.”Ang bawat salitang lumabas sa bibig niya ay parang kutsilyong paulit-ulit na tumataga sa puso ni Cassie.Sa sandaling iyon, tuluyan niyang naunawaan ang desperasyong naranasan ni Melanie noon.Ang lalaking ito ay isang tunay na halimaw.Wala itong pakialam sa reputasyon, moralidad, o damdamin ng ibang tao. Kapag may gusto siya, kukunin niya iyon kahit ano

  • The Billionaire Doctor’s Hidden Marriage (RATED 18+)   196

    Ang kayabangan at pagiging lantad ng pamilya Benetiz ay lampas sa inaasahan ni Cassie.Dinukot siya, pero dinala siya ni Aaron sa isang mamahaling hotel nang walang pagtatago. Para bang wala siyang pakialam kung may makakita.Hindi ba siya natatakot? pumasok sa isip ni Cassie.Sa dami ng mata at CCTV sa lugar, napakadaling patunayan ang ginawa nitong pagdukot. Ngunit tila wala itong iniintindi. Parang sanay na sa ganitong kapangyarihan, parang walang sinasanto.Kinuha na ng mga tauhan ni Aaron ang cellphone ni Cassie, kaya wala siyang paraan para humingi ng tulong kay Calix. Sa halip, pilit niyang kinalma ang sarili at nag-isip kung paano makakalusot. Umaasa siyang makakahingi siya ng tulong sa mga staff ng hotel kapag nakababa na siya ng sasakyan.Ngunit naging malinaw agad kung gaano siya ka-naïve.Mula nang ipasok siya sa lobby hanggang sa elevator, may mga staff na nakapansin, ngunit karamihan ay umiwas ng tingin. May ilan pang tumalikod na parang walang nakita.Parang lahat ay sa

  • The Billionaire Doctor’s Hidden Marriage (RATED 18+)   195

    Nagising si Cassie dahil sa gutom.Tahimik niyang iminulat ang mga mata at bumangon mula sa kama. Nang bumaba siya para maghanap ng makakain, sinalubong siya ng isang malawak ngunit napakatahimik na bahay. Sa halip na magbigay ng kapanatagan, lalo lamang siyang nakaramdam ng lungkot.Napakaraming nangyari nitong mga nakaraang araw. At sa sandaling iyon ng katahimikan, tila nagsabay-sabay ang lahat ng iniisip niya. Para bang pinipilipit ang puso niya sa dami ng emosyon na hindi niya mailabas.Wala sa sariling kumuha siya ng kaunting makakain, ngunit hindi rin niya nagawang ubusin iyon. Sa halip, dahan-dahan siyang umakyat sa ikalawang palapag at tinungo ang dating study ni Antonio.Matagal na silang nakalipat, ngunit ang silid na iyon ay nanatiling halos hindi nagagalaw, parang naiwan sa nakaraan. Parehong-pareho pa rin sa alaala niya.Umupo siya sa upuan, sumandal, at tumingin sa bintana.Sa harap niya, ang parehong tanawin na minsang pinagmamasdan ng lalaking tinuring niyang ama.No

  • The Billionaire Doctor’s Hidden Marriage (RATED 18+)   194

    Saglit na nag-isip si Aaron, saka dahan-dahang nagsalita, tila may pinaplano nang mas malalim kaysa sa ipinapakita niya. “Pasensya na, Mom, pero ako na ang bahala sa bagay na ’to. Hangga’t hindi ko pa nalalaman kung anong balak nina Cassie at Melanie… I’ll get Celes first.”Matapos iyon, bahagya siyang yumuko bilang paggalang kay Mrs. Benetiz, saka tumalikod at umalis. Sa katahimikan ng gabi, ang tunog ng hangin mula sa malayo ay tila may dalang lamig na unti-unting sumisingit sa dibdib, parang babala ng paparating na gulo.Samantala, si Cassie ay mahimbing man sa una, hindi pa rin naging payapa ang kanyang tulog. Kung anu-anong imahe ang pumapasok sa kanyang isip, dahilan para magising-gising siya sa kalagitnaan ng gabi. Bandang madaling-araw lang siya tuluyang nakatulog nang maayos, ngunit hindi rin iyon nagtagal.Bigla siyang ginising ng sunod-sunod at halos desperadong tunog ng kanyang cellphone.Inabot niya iyon nang hindi pa mulat ang mga mata. Nang umilaw ang screen, bahagya si

  • The Billionaire Doctor’s Hidden Marriage (RATED 18+)   74

    “Hindi mo puwedeng sabihin ‘yan, Aurora,” mahinahong sabi ni Michelle, direkta at walang paligoy-ligoy. “Si Axel ang ayaw bumitaw. Hindi si Cassie ang lumalapit, siya ang nilalapitan. At kung titignan mo, may katabi siyang tulad ni Calix. Sa gano’ng klaseng lalaki, siguradong hindi na niya kailanga

  • The Billionaire Doctor’s Hidden Marriage (RATED 18+)   73

    Hindi pa tapos ang kwento ni Donya Carol pero lalong sumama ang mukha nito habang humihirap ang tono. “Huwag mong banggitin sa akin ang babaeng si Mrs. Solomon!” naiinis na sabi niya. “Tuwing magkikita kami, lagi niyang ipinagmamalaki kung ilang girlfriends na raw ang pinalit-palit ng apo niya. Kes

  • The Billionaire Doctor’s Hidden Marriage (RATED 18+)   71

    Hindi naman tanga si Axel. Alam niyang hindi pa niya hawak nang buo ang kumpanya, kaya hindi niya puwedeng awayin si Aurora. Kaya nang magalit ito, pinaamo niya muna, mahina siyang nambola, nagbigay ng ilang pangako, at sinabing hindi na niya hahayaang si Cassie ang mag-alaga sa kanya. Doon lang tu

  • The Billionaire Doctor’s Hidden Marriage (RATED 18+)   70

    Umikot ang mga mata ni Cassie at nanahimik na lamang, ayaw nang patulan ang kahit ano.Samantala, si Aurora, kung gugustuhin lang niya, madali lang sanang malaman kung saan nagpunta si Axel. Hindi lang niya ginagawa, dahil ayaw niyang maging masyadong tensyonado ang relasyon nila. Pero nang may mag

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status