Share

Chapter 4

Azrael POV

"Bakit ba kasi ito pa ang napili mong set-up, Azrael." lintaya ni Ange sa akin ang kapatid ni Aingelle. Gusto ko kasing makasama ang babaeng mahal ko.

Pero natatakot ako, natatakot ako na pag nalaman nito ang totoo kung damdamin ay baka layuan niya ako.

Aingelle is my childhood friend. Magkakaibigan na kami simula noon pa man. Magkapitbahay kami sa iisang village at magkaibigan din ang mga magulang namin.

"Azrael, hindi bobo si Aingelle, para sa ganito. Really? Magpapaturo ka sa mathematic? Really, Azrael?"

Gusto ko kasing makasama si Aingelle n di nahahalata ang damdamin ko para dito, kaya magpapaturo na lang ako sa kanya sa isa naming subject at kunwari, may di ako nagegets sa lesson namin na iyo.

"Iyon lang ang naisip kong paraan eh."

"Magkaibigan tayo, bakit di mo na lang siya lapitan as a friend." sabi nito sa akin.

"Kinakabahan nga ako, palagi akong nauutal pag nasa harapan ko na siya." sabi ko dito.

Literal na kinakabahan talaga ako at para bang gusto kong tumakbo palayo dito. Palagi din akong nauutal sa tuwing kinakausap ko siya.

"Azrael the heartthrob? Nauutal at kinakabahan sa isang babae lang?" natatawang sambit nito.

"Sige asarin mo pa ako" 

"Azrael," patigil ito sa pagsasalita. "Ang speaking of Aingelle, nandito na siya!" bulong ni Ange sa akin.

Agad kong nilingon si Aingelle na papalapit dito.

"Sorry, Azrael nahuli ako. May pinuntahan pa kasi ako." sabi sa akin ni Aingelle.

"Ano ang ginagawa mo dito, Ange?" tanong ni Aingelle kay Ange.

"Sinasamahan ko lang si Azrael. Nababagot eh." sabi nito.

Luminga-linga ito. "Si Angel?" tanong nito.

Kunot-noo itong tinignan ni Ange. "Ewan ko doon. Hindi araw-araw, oras-oras ay magkasama kami, Ain. Baka kasama na naman noon ang mga alipores noon." sabi nito sa kapatid.

"Dapat binantayan mo."

"Bantayan? Nahihibang ka na ba Ain? Ako!" turo ni Ange sa sarili. "Magbabantay kay Angel? Ako ang bunso, dapat ako ang batayan hindi siya."

"Alam mo naman ang utak noon!" sabi nito sa kapatid, sabay upo sa aking tabi.

Napakislot ako ng dumampi ang balat nito nito sa braso ko. Labis ang kaba sa aking dibdib, para bang may mga daga na nag-uunahan sa pagtakbo.

"Oh, anong nangyayari sa iyo, Azrael?" kunot-noo niya akong tinignan, sobrang layo ko kasi sa kanya.

"Maiwan ko na nga kayong dalawa. Baka mainggit ako." sabi ni Ange, sabay kindat sa akin.

"Si Angel, Ange. Hanapin mo!"

"Bahala niya ka ko sa buhay niya." sigaw nito.

"Hays, talagang hindi magkasundo ang dalawa." bulong nito.

"Azrael, lumapit ka nga dito." utos nito sa akin.

Lumapit naman ako sa kanya, pero nakayuko naman ako.

"Really, Azrael? Malapit ka nga nakayuko ka naman!"

"Hi, Ain! Nandito ka lang pala. Oh, hi bro!" bati ni Jake kay Aingelle at sa akin. Si Jake ay pinsan ko, may gusto din ito kay Aingelle. "Flowers for you!" sabay abot nito sa bulaklak kay Aingell.

"Di ka na sana nag-abala pa. Busy ako ngayon." sabi nito. "Tuturuan ko si Azrael sa math!" sabi ni Aingelle.

"Si Azrael, magpapaturo? Are you kidding me, Ain. Di naman bobo si Azrael, ahh!" sabi nito.

"May di kasi siya maintindihan daw sa lesson nila. Kaya shhoo, alis ka na. Nanggugulo ka lang dito eh!" taboy nito sa pinsan ko.

"Sige, date tayo mamaya!" nakangisi nitong sabi.

"Hindi pwede. Kaya alis na."

Umalis na ang pinsan ko. "May gusto ba sayo si Jake, Ain?" tanong ko sa dalaga.

"Ewan, di ko alam."

"Ain, paano kung may gusto ako sa iyo at manligaw ako, tatanggapin mo ba ang alok ko?" sabi ko dito.

Tinignan niya ako. "May lagnat ka ba?" tanong nito sa akin. "Kung ano-ano kasi ang lumalabas dyan sa bibig mo eh."

Umiwas na lang ako ng tingin. "Sige, next time mo na lang ako turuan." sabi ko sabay tayo.

Iniwan ko siya doon, nasaktan ako sa sinabi ni Aingelle. Di ba ako kapani-paniwala? Gusto ko siya, mahal ko na nga. Pero sabagay sino ba ang maniniwala sa akin.

Dahil sa tuwing nakikita ako ni Aingelle. May kasama akong ibang babae, yes I am a playboy too, ginagawa ko lang iyon, para madivert ang feelings ko para kay Aingelle. Pero, iyon lang pala ang akala ko. Dahil lalong tumatagal, lalong lumalalim at nahuhulog ako kay Aingelle.

Isang linggo mula ng magpaturo ako kay Aingelle at nag walk-out, iniiwasan ko na din siya, para mawala na talaga ang feelings ko for her. Pero, nasasaktan ako pag nakikita kong magkasama si Jake at Aingelle.

"Pare, wag mo ng tingnan sila Aingelle at Jake, masasaktan ka lang lalo nyan eh. Ang mas mabuti pa, bar tayo mamaya. Hanap tayo ng chikababes." akbay na sabi sa akin ni Daryl.

Siguro, mas mabuti nga iyon na lang ang gawin ko. Kesa mas lalo akong masaktan. Kahit na anong gawin ko, di ko magawang umamin kay Aingelle. Ayaw kong masira ang pagkakaibigan naming dalawa.

"Sige, after last subject!" pagpayag ko sa paanyaya nila.

Sumapit ang hapon at last subject na namin. Nasa parking lot na ako ng lumapit sa akin si Angel.

"Saan ka pupunta Az?" nakangiti nitong sambit sa akin. Nagpapacute ito, di rin naman lingid sa akin na may gusto sa akin si Angel, kaso, si Aingelle talaga ang laman ng puso ko.

"Bar!" walang gana kong sambit.

"Pwedeng sumama?" tanong nito.

"Di pwede, Angel. Minor ka palang, baka ako ang pagalitan ni Tita at Tito!" sabi ko dito.

Ngumuso ito. "Sige na Az, gusto kitang makasama." pamimilit nito.

Pero biglang may humila kay Angel. "Halika nga ditong babae ka. Uuwi na tayo, malalagot na naman tayo ni Mama at Papa." lintaya ni Ange.

Umiling-iling na lang ako. Ganun talaga si Ange, parang siya pa ang Ate, eh bunso lang naman siya. Pasaway kasi itong si Angel. Sa kanilang tatlo ay si Angel ang pinakamatigas ang ulo.

"Pwede ba, Ange. Bitawan mo ako!" pagpupumiglas na sigaw ni Angel. Ayaw kasi itong bitawan ni Ange.

"Hindi pwede. Kailangang iuwi kita. Gusto mo bang maparusahan ni Mama at Papa? Isama mo pa na nasa bahay sila Kuya!" sambit ni Ange dito.

Tumigil ito sa pagpupumiglas at naging maaliwalas ang mukha nito.

"Really Ange? Halika na uwi na tayo!" nakangiting sambit ni Angel sa kapatid. Ito pa ang humila kay Ange.

"Sa susunod na lang tayo, mag bar Az. Uuwi muna ako!" masaya nitong sambit.

Alam ko kung bakit masaya si Angel, dahil umuwi lang naman ang mga Kuya nito. Ang mga kapatid na lalaki lang ang sinusunod ni Angel, kahit sa magulang nito at sinusuway nito palagi.

Aingelle POV

AKO ANG nababahala para kay Angel, galit na galit sila Kuya dahil sa ginawa ng nakakabata kong kapatid.

"Bakit ang tagal nilang umuwi!" dumagundong ang tinig ni Kuya Xander sa loob ng aming mansion. Kahit ako ay natatakot sa boses ng mga Kuya ko. Di namin pwedeng sumayin ang mga Kuya namin, dahil kami ang malilintikan.

"Baka hinihila pa ni Ange, si Angel Kuya. Alam mo naman ang isang iyon, matigas ang ulo." sabi ko sa kanila.

Napalingon kami sa pintuan ng bumukas iyon. "I am home!" sigaw ni Angel. "Kuya!" tili nito sabay takbo.

Agad na yumakap si Angel kay Kuya Xander. Pero walang response galing sa Kuya Xander ko, agad akong umiwas ng dumapo ang kamay ni Kuya Xander sa mukha ni Angel na siyang naging dahilan kung bakit nakasalampak ito sa sahig ngayon, binigyan niya kasi ito ng isang sampal.

Umiiyak na si Angel, gusto ko siyang daluhan, pero ayaw kong madamay sa galit ni Kuya, kaya umiwas na lang ako.

"Ano ba ang sabi ko sa iyo Angel. Di ba sabi ko sa iyo, magpakatino ka." sigaw ni Kuya Xander. Pero si Kuya Michael ay tahimik lang sa isang tabi, ayaw makialam.

"I try so many times Kuya, But I failed." umiiyak na sambit ni Angel.

"You, try? O di mo ginawa. Bakit hindi ka tumulad kay Aingelle o kay Ange. Di naman sila naging pasaway ahh. Bakit ikaw, sobrang tigas ng ulo mo." galit na sambit ni Kuya Xander.

"Ayan na naman kayo, palagi nyo ako kinukumpara kina Ange At Aingelle. Di kami magkaugali. Di kami magkatulad. Magkaiba kami Kuya. Sana ay maintindihan mo iyon." umiiyak na sabi ni Angel.

Alam naman namin na magkaiba talaga kami ng ugali, sobrang pasaway, takaw sa gulo si Angel, tumatakas din ito pag nagbabar. Habang kaming dalawa ni Ange ay nasa bahay lang, school at bahay lang ang routine namin.

"Dahil d `yan, Angel at grounded ka. Bahay at school ka lang. Pag summer doon ka kina Tita, kayo ni Aingelle at Ange. Doon muna kayo!" seryosong sambit ni Kuya.

"No, Kuya, please." nagmamakaawang sambit ni Angel kay Kuya.

Malungkot kung tinignan si Angel. Nang bumaling ito sa akin.

"Ain, please. Sabihin mo kay kuya na di ako pupunta doon. Di ako mabubuhay doon. Please." umiiyak na pagsusumamo ni Angel sa akin.

"I am sorry, Angel. Hindi ko kayang suwayin si Kuya!" mahina kong sabi sa kapatid ko.

"Ganyan naman kayo eh. Pinagkakaisahan ninyo akong lahat!" sigaw na sabi ni Angel.

"Go to your room Angel, at di ka lalabas. Hanggang di ko sinasabi." mapanganib na sambit ni Kuya Xander.

"Buong buhay ko, sinusunod ko kayo, Kuya. I do my best na magbago at magtino. Ano ang magagawa ko? Tinatapakan na nila ako, anong gusto ninyong gawin ko, magpa-api ako? Walang Samonte ang nagpapa-api Kuya. Wala!" sabi ni Angel, bago ito umakyat sa itaas.

Alam ko naman iyon. Walang Samonte ang nagpapa-api, pero ang ginagawa ni Angel ay malayo sa prinsipyo namin, di kami basta-basta nanakit, maalam kami sa self defense. Pero di namin ito ginagamit sa dahas. Ginagamit namin ang nalalaman namin to protect our self.

"How's your study, Aingelle?" malumanay sambit ni Kuya Xander. Walang bakas na galit sa mukha nito.

Ang nakikita ko sa mukha nito at stress at pagod.

"I am good Kuya. And I on top again. Baka makagraduate ako ay may latin honor ako!" proud kong sambit kay Kuya Xander.

"Good, how about you, Ange!"

"I am good too, Kuya. I am on top too!" nakangiting sambit ni Ange. Lahat kami ay masipag mag-aral, sabi nga nila matatalino daw kaming magkakapatid na Samonte.

Yes, at proud kami doon. Pero si Angel ay di lang basta talino ang nasa kanya, she know everything, nag champion na din ito sa mga academic na nasa school.

"May nanliligaw na ba sa inyo?" tanong ni Kuya, di agad ako nakapagsalita. Bawal kasi talaga sa amin ang magpaligaw.

"Si Aingelle, Kuya, dalawa manliligaw nyan! Si Azrael at Jake." nakangising sambit ni Ange.

Kunot-noo ko siyang tinignan. "Shut up, Ange. Si Azrael ay hindi nanliligaw sa akin  Lalo na si Jake. We're just friends." sabi ko.

"Okay," suko na sambit ni Ange.

"But, if they court you. I like Azrael, than Jake,"

Tiningnan ko si Kuya. "Why, Kuya?" tanong ko.

"Kasi, mas matino si Azrael, kesa Jake."

"Si Azrael? Matino? Eh, araw-araw ko ngang nakikitang may kasamang babae iyon eh."

"Don't just him, Ain. Baka may pinagdadaanan lang!"

NASA KWARTO na ako ngayon, iniisip ko ang sinabi ni Ange na may gusto sa akin si Azrael. Napaka impossible kasi, Azrael is a playboy. Kaya impossible na magkagusto sa akin ang lalaking iyon.

Nakatulogan ko ang isipin na iyon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status