“Agnes!” malakas na tawag ni Melinda sa assistant niyang si Agnes.Si Agnes ay ang personal assistant niya. Sa lahat ng kasambahay na nagtatrabaho sa mansyon kay Agnes lang palagay ang loob niya. Marahil, dahil nang bumalik siyang muli sa mansyon na ito ay ito ang bagong pasok kaya ang loyalty nito ay nasa kaniya.Ilang sandali pa ang lumipas ngunit wala man lang siyang narinig na ano mang kaluskos sa loob ng kuwarto.‘Nasaan ang babaing iyon?’“Agnes!” tawag niya ulit, ngunit wala pa rin itong sumasagot.Naiinis na inalis niya ang eye mask sa mata niya kapagkuwan ay umupo sa kama. Isinandal niya ang likuran sa malambot na unan.‘Relax, Melinda,’ paalala niya sa sarili.‘Inhale.” Huminga siya nang malalim. ‘Exhale!’Ilang beses niyang ginawa ang breathing exercise para pigilan ang inis na nararamdaman niya. Habang hinihintay niya si Agnes na pumasok sa kuwarto ay umayos siya ng upo at maingat na inilapat ang paa sa malabot na carpet.Kinuha niya sa nightstand ang isang baso at nilagya
Nakatitig si Isabelle sa mataas na gate ng Caballero’s Residence. Hindi niya alam kung pipindutin ang buzzer o tatalikod na lang at aalis. Madali lang sabihin na hihingi siya ng tulong sa ama, pero ang multong pagtalikod nito sa kaniya ay paulit-ulit na bumabalik sa isip niya.“C’mon, Isay! You can do it! Para sa Mama Ana mo ito!” pagkumbinsi pa niya sa sarili.Nakailang hinga nang malalim muna siya bago niya napagdesisyunan na pindutin ang buzzer sa gate. Pakiramdam niya tuloy para bang sumali siya sa isang game show dahil sa kaba na nararamdaman niya.Sandali pa lang, may nagsalita sa intercom. “Sino ho sila?”“Si Isabelle Caballero ho ito.”“Sinong pangalan ang sinabi mo? Isabelle ba? Isay, ikaw ba iyan?”“Oho! Si Isabelle ho ito—”“Isabelle, iha, ikaw ba talaga iyan?” parang gumaralgal ang boses.“Oho. Ako po talaga si Isabelle—”“Oh, Diyos ko! Sandali! Hintayin mo ako diyan!” Nang mawala ang kausap ni Isabelle sa intercom, tumayo siya nang maayos. Huminga nang malalim at pinisil
KINABUKASAN sa kabila ng puyat at pagod ni Isabelle ay maaga pa rin siyang gumising. Wala pang alas singko ‘y medya ng mga sandaling iyon.Gusto man niyang namnamin ang mga sandaling naging komportable ang kaniyang pagtulog ay hindi na niya magawa dahil sa dami ng kaniyang gagawin ngayon.Pupungas-pungas siyang bumangon siya sa kama.Inayos niya ang mga nagulong unan at ibinalik sa dating pagkalalagay nito. Ang comforter ay maayos niyang inilapat sa kama.Nakatayo siya habang nakatingin sa kama kung saan siya natulog kagabi. Malaki at malawak ang kama na hinigaan niya.Hindi niya akalain na makatutulog siya nang mahimbing sa ospital, lalo na sa kalagayan nila ni Shann at ng kaniyang ina.Nasa loob ng ICU ang kaniyang ina habang si Shann naman ay isinama ni Wendy sa bahay nito upang doon muna manatili. Ipinagbabawal sila ni Dr. Santiago na magtagal si Shann sa ospital dahil mahina ang immune system nito at madaling kapitan ng sakit. Lalo na nga't nasa ICU ang kanilang pasyente.Huminga
Sa labas ng Intensive Care Unit (ICU), naghihintay si Isabelle nang may pag-aalala at pagkabahala. Ang kaniyang mga mata ay puno ng luha, at ang kaniyang dibdib ay nag-aalab sa kaba.Lumabas na ang mga resulta sa ginawang mga test sa mama niya, at ito ay nagpapatunay na kailangan nang operahan ito sa lalong madaling panahon.Subalit ang perang kailangan niya ay hindi pa rin nasosolusyunan. Walang malinaw na pag-asa na binigay ang Z Legacy Foundation sa kaniya kaya hindi niya rin iyon puwedeng asahan. Kung saan niya kukunin ang ganoong halaga ay hindi pa niya alam.“Ate,” mahinang tawag ni Shann sa kaniya.Kaagad niyang niyakap ang kapatid para doon umamot ng kaunting lakas. Pakiramdam niya, hindi na niya kaya ang ganitong sitwasyon.“Ayos ka lang ba, ate?”“Oo, ayos lang si ate, Shann.” Halos wala nang boses ang lumalabas sa kaniyang bibig dahil mula pa kanina ay umiiyak na siya.Tila naman naramdaman ng kapatid niya ang bigat na nararamdaman niya kaya hindi na ito nagtanong pa ng kun
Damang-dama ang tensyon sa loob ng VIP room ng Z’ Oasis Hotel and Casino. Hindi pa nakakalipas ang kinse minuto mula nang mag-umpisa ang Texas Hold’em poker, ngunit ang mga pusta ay umabot na sa milyon. Ang mga manlalaro ay nagmumula sa iba't ibang antas ng buhay, at ang bawat hakbang ay may kasamang pagtaya ng kanilang kapalaran.Umalingaw-ngaw ang malakas na tawa ni Madam Claudia habang kinukuha ang mga chips sa gitna. Bagamat unang panalo pa lamang, tila ba alam na niya ang magiging resulta. Hindi rin kataka-taka—sa anim na manlalaro, hindi bababa sa kalahating milyon ang pusta, kasama na si Melinda Caballero.“Mukhang hindi mo araw uli, Melinda,” biro ni Claudia kay Melinda, na tila ba nauubos na ang chips sa harap nito.Halos kalahating milyon ang ipinusta ni Melinda, at sa takbo ng laro, mukhang mauubos ito sa loob ng maikling panahon.Napaismid si Melinda habang nakatingin sa chips niya na nasa tapat na ngayon ni Madam Claudia. Halos kalahating milyon din ang ipinusta niya, at
Hindi pa man nakakalapit nang husto ang tricycle na sinasakyan ni Isabelle, parang gusto na niyang ipahinto. Mula kasi sa malayo, tanaw na niya ang mahabang pila sa labas ng tanggapan ng Z Legacy Foundation.“Manong, sigurado ho ba kayo na ito ang tanggapan ng Z Legacy Foundation?” kaagad na tanong niya nang huminto ang tricycle sa tapat nito.“Oo, ‘Neng, ganiyan talaga kahaba ang pila palagi diyan!”“Ganoon ho ba, ito ho.” Iniabot ni Isabelle ang kaniyang bayad at bumaba na sa tricycle.“Shann, dito ka lang, magtatanong muna ako sa guard para hindi tayo pumila nang matagal.”“Opo, Ate Isay.”Lumapit si Isabelle sa guard na nakatayo sa labas ng Z Legacy Foundation.“Sir, itatanong ko lang kung dito ho ba ang Z Legacy Foundation?”Tiningnan si Isabelle ng guard na para bang sinusuri siya nito.“Anong pangalan mo, Ma’am?” tanong nito sa kaniya, habang tumitingin sa logbook na nasa ibabaw ng lamesa.“Ah, Sir, hindi pa po ako nagpunta rito, ngayon pa lang.”“Ah, ganoon ba?” Isinara ng gua
Ang kapatid ni Isabelle ay nakatulog na sa tabi niya, siya naman ay lumuhod sa kneeler para muling magdasal nang taimtim.Ang kanyang mga kamay ay naglalakbay sa mga rosaryo, at ang mga salita ng mga dasal ay umaalingawngaw sa kaniyang isipan. “Panginoon, tulungan mo po akong makahanap ng paraan,” bulong niya sa sarili. “Kailangan ko ng tatlong milyong piso para sa operasyon ng nanay ko. Paano ko ito magagawa? Kayo lang ang alam ko na makakatulong sa’kin, sa kahit na anong paraan basta sa mabuti, kahit mahirap, gagawin ko.” Sa bawat pagdarasal, si Isabelle ay nagpapakatatag. At sa pagtitiwala sa Diyos at sa sarili, umaasa siyang may paraan, kahit pa hindi pa niya alam kung ano iyon. Ang kaniyang pagmamahal sa ina ay nagbibigay liwanag sa kanyang landas, at ang kanyang determinasyon ay nagpapalakas sa kanyang puso.Sa pagitan ng mga pagluha at pag-iyak, si Isabelle ay nagpupumilit na maging matatag. Ang kaniyang mga mata ay puno ng takot at pag-aalala, ngunit hindi niya hinahayaang a
Mariin na ipinikit ni Isabelle ang mga mata at pilit na pinapakalma ang sistema. Hindi niya alam kung para saan ang kaba n’ya ngayon, kung para ba iyon sa kalagayan ng ina na nasa loob ng emergency room o sa lalaking pumukaw ng interest niya na hanggang ngayon ramdam niya na tila nakatingin sa kaniya. Nang bumukas ang pinto ng emergency room, saka lang nagawa na iangat ni Isabelle ang ulo mula sa pagkakayuko.Doon nakita niya ang doktor na sumuri sa Mama Ana niya. Tatlong oras na rin silang naghihintay bago ito lumabas. Tumingin ang doktor sa kanila. “Ikaw ba ang kamag-anak ng pasyente?”"Anak ho niya kami,” maagap niyang sagot. “Please follow me, Ms. Caballero.” Walang salita, sumunod si Isabelle sa doktor habang iniwan niya pansamantala si Shann na nakaupo sa labas ng emergency room. Nilingon niya ang dulo ng papaliko na pasilyo ngunit wala na ang lalaki na kausap ni Nurse Grace. May panghihinayang man siya na naramdaman ay hindi na niya pinansin iyon dahil kailangan siya ngay
Plush carpets absorbed whispered deals in the opulent penthouse atop the Z' Oasis Hotel and Casino, while crystal glasses glistened against the walls.Sa lugar na iyon, na binabalutan ng malamlam na liwanag dahil sa kapal ng kurtina na siyang humaharang sa liwanag ng araw papasok sa loob ng kuwarto, nakatayo ang isang lalaki na kilala lamang bilang si Mr. Z. His enigmatic presence weighed heavily in the room.Hawak nito sa isang kamay ang baso na may laman na alak. Si Lucca Mallari ang assistant ni Mr. Z ay tila tinatantiya kung papaano babasagin ang katahimikan."Mr. Z.""Speak, Lucca." "Melinda's here, playing our VIP Texas poker.""And?""She's losing, Mr. Z."Mr. Z's eyes blink, calculating. Melinda Caballero—the high-stakes player—is a pawn in their game. Mr. Z manages the money flow like a master conductor, and the money flows like a river."Give her more," he ordered, his voice full of urgency. "Make sure it is larger than before."Lucca nodded and took the cell phone out of