Share

KABANATA 28

Author: Mhiekyezha
last update Last Updated: 2025-05-22 11:59:03

Napatakip si Isabelle ng bibig para pigilan ang hagulgol na kanina pa nagbabadyang sumabog mula sa dibdib niya.

Sunod-sunod ang pag-agos ng luha sa mga mata niya habang pinagmamasdan mula sa salaming pinto ang katawan ng ina—nakahiga, walang malay, at nakakabit sa kung anu-anong makina at tubo.

Parang hindi siya makahinga sa nakikita. Ang

“Ate...” tawag ni Shann, halos pabulong, paos na paos ang boses.

Paglingon niya, nakita niyang nanginginig ang bunso, takot na takot.

Dali-daling nilapitan ni Isabelle si Shann, hinaplos ang ulo nito at marahang tinakpan ang mga mata. Dahan-dahan siyang napaluhod sa harap nito, parang nawalan ng lakas ang mga tuhod niya.

Parang kandilang nauupos. Hindi na niya alam kung saan huhugot ng lakas para paglabanan ang mga hamon sa buhay niya.

Buong akala niya na kapag may pera na siyang hawak ay sapat na iyon. Gagaling na agad ang mama niya ngunit hindi pala.

Sinabi ni Doc Santiago na naging maayos ang operasyon at nagising na si Mama kaninang alas-kuw
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 28

    Napatakip si Isabelle ng bibig para pigilan ang hagulgol na kanina pa nagbabadyang sumabog mula sa dibdib niya.Sunod-sunod ang pag-agos ng luha sa mga mata niya habang pinagmamasdan mula sa salaming pinto ang katawan ng ina—nakahiga, walang malay, at nakakabit sa kung anu-anong makina at tubo. Parang hindi siya makahinga sa nakikita. Ang “Ate...” tawag ni Shann, halos pabulong, paos na paos ang boses.Paglingon niya, nakita niyang nanginginig ang bunso, takot na takot. Dali-daling nilapitan ni Isabelle si Shann, hinaplos ang ulo nito at marahang tinakpan ang mga mata. Dahan-dahan siyang napaluhod sa harap nito, parang nawalan ng lakas ang mga tuhod niya.Parang kandilang nauupos. Hindi na niya alam kung saan huhugot ng lakas para paglabanan ang mga hamon sa buhay niya. Buong akala niya na kapag may pera na siyang hawak ay sapat na iyon. Gagaling na agad ang mama niya ngunit hindi pala. Sinabi ni Doc Santiago na naging maayos ang operasyon at nagising na si Mama kaninang alas-kuw

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 27

    Medyo lampas tanghali na sila nakarating sa ospital ni Shann matapos dumaan sa bahay nila para kumuha ng ilang piraso na damit nila. Apat na maleta ang dinala nila, ang isa para sa ospital at ang tatlo naman ay sa bahay ni Leon dadalhin. Hindi naman kumontra si Leon ng makita ang mga dala nilang gamit. “Ate,” untag ni Shann sa kaniya, habang nakatanaw pa rin sa kotse ni Leon na kaaalis-alis lang.“Hmmm...” Yumuko siya sa kapatid na nakatingala sa kaniya na tila ba naguguluhan.“Ano kasi ate?”Nangunot ang noo niya. “Ano?”“Pansin ko lang po kanina, hindi po tayo kinakausap ni Kuya Leon. Galit po ba siya sa ‘tin, ate?”Iyon din ang napansin niya kanina pa. Kibuin-dili siya ni Leon hanggang sa pagbaba nila ngayon, ay hindi rin ito nagsasalita.“Hindi naman siguro. Bakit mo naman naitanong ‘yan?”“Ang weird niya kasi, ate. Napansin mo ba kanina nagmumula ang mga tainga niya at mukha niya tapos kunot na kunot ang mga noo niya. Tapos iyong kilay nakaganito, oh.” Ipinakita pa ng kapatid

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 26

    Bago pa man makalabas si Isabelle ng silid, bumukas ang pinto—si Leon.Napako ang mga mata nito sa kanya. Biglang dumilim ang ekspresyon sa mukha nito at bahagyang nangunot ang kanyang noo.Isang loose T-shirt lang kasi ang suot ni Isabelle, hanggang hita lang ang haba. Wala siyang bra, at bakas sa ilalim ng tela ang kinis ng balat niya. Isa lang ‘yon sa mga nakita niya sa cabinet ni Leon, at dahil wala naman siyang dalang damit, iyon na ang nasuot niya.“Hiniram ko lang,” bulalas ni Isabelle agad, halos pabulong, kahit hindi naman siya tinatanong. Para bang kailangan niyang ipaliwanag agad ang sarili niya.Tumango si Leon, pero hindi nawala ang malamig at matalim na titig nito. Parang sinisiyasat siya nito—mula ulo hanggang paa. Hindi bastos, pero may bigat. May tension.Nakaramdam si Isabelle ng awkwardness. Gusto niyang gumalaw, pero parang may magneto sa mga mata ni Leon na hindi siya pinapalayo.“May pupuntahan ka?” tanong nito, malamig ang boses, halos walang emosyon.“Sa osp

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 25

    Mataas na ang araw ng magising si Isabelle ng umaga na iyon, kinabukasan. Kay gaan ng pakiramdam niya at tila ba gaya ng bagyo ay may bagong umaga na magbibigay sa kaniya ng pag-asa at lakas. Huminga siya nang malalim habang nakatitig sa kulay krema na kisameMay antigo na chandelier na hindi naman ganoon kalakihan. Para bang ang kuwarto ay may pagkahalong Spanish style dahil sa mga kagamitan nito. Napadako ang tingin sa labas. Malawak na lupain ang natatanaw niya na para bang nasa isang hacienda sila. Ang mga puno at halaman ay tila ba sumasayaw sa ihip ng hangin, nagbibigay ng sariwang simoy na pumapasok sa bintana.Uminat ang kaniyang mga kamay at humiga ng patagilid habang yakap ang isang malaki at malambot na unan. Ipinikit niya ang mga mata at para bang hinihila siya ulit ng kaniyang antok, ngunit sa pagkakataong ito, may ngiti sa kaniyang mga labi. Parang sa ilang nagdaan na gabi, ngayon lang siya nakatulog nang komportable.Tama si Leon kailangan niya ng pahinga. “Ate!” n

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 24

    Halos isang oras na ang lumipas bago dumating si Leon sa ospital.Nakasuot lang siya ng simpleng puting T-shirt na hapit sa matipuno niyang katawan, at kupas na maong. Pero kahit ganoon kasimple ang porma niya, hindi ito nakatakas sa mapanuring mga mata ng mga nurse at dumadaan. Para bang may sariling spotlight si Leon habang naglalakad sa pasilyo—parang isang Greek god na bumaba mula sa langit, diretsong papunta kay Isabelle.Tila hindi rin nakaiwas ang sarili ni Isabelle sa kagwapuhan nito. Wala na ang balbas at bigote, kaya mas lalong lumitaw ang makinis nitong balat—sun-kissed, yes, pero in a way that made him look even more masculine and magnetic.“Ate…” mahina pero may kurot sa braso niyang tawag ni Shann.Napakunot si Isabelle at saka lang niya napansing halos ilang pulgada na lang ang layo ng mukha ni Leon sa kaniya. Nakayuko ito, isang kamay ay nakapatong sa gilid ng upuan kung saan siya nakaupo.Bakit parang hindi ko siya napansin habang papalapit?“Anong iniisip mo?” tanong

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 23

    Pagkapasok pa lang ni Mr. Z sa loob ng kaniyang penthouse, inihagis niya agad sa sahig ang peke niyang balbas at bigote. Parang apoy ang galit na kumukulo sa mga mata niya—nakakadama ng panganib kahit hindi pa siya nagsasalita.Hindi niya matanggap ang panlilinlang ni Melinda. Niloko siya, at para kay Mr. Z, iyon ay kasalanang may kapalit.Tahimik lang na nakasunod sa likod si Lucca Mallari. Alam niyang masama ang loob ng kaniyang amo. Hindi kasi inaasahan ni Mr. Z na si Isabelle ang makikita niya sa munisipyo, hindi si Willow.“Fanculo,” mariing mura ni Mr. Z, halos pabulong pero punong-puno ng init.Pabalik-balik ito sa sala, mabigat ang bawat hakbang. Nang bigla itong huminto, agad tumama kay Lucca ang malamig nitong tingin—parang binabalatan siya ng buhay.“Speak.”“Our contacts in Italy reported that your Uncle Roman met with Mr. Caballero. Ms. Isabelle—” Lucca paused for a moment, sensing the sharp weight of Mr. Z’s gaze. “I mean, Ms. Caballero—and her brother are currently in a

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 22

    Tahimik si Isabelle habang nakaupo sa mahabang bench sa labas ng emergency room. Mahigpit ang hawak niya kay Shann, na nakasandal sa kanya at nakatulog na sa pagod. Sa loob pa rin si Mama. Inaoperahan.She closed her eyes for a moment.Everything’s a blur. Mula sa biglaang kasal hanggang sa ospital na ito. Wala siyang ibang pinanghahawakan kundi dasal—at si Leon Montenegro.Leon. Her strange husband.Hindi pa rin siya makapaniwala. Sa edad na bente ay tunay na kasal na siya at sa lalaking ni sa hinagap ay hindi niya aakalain na makakatuluyan niya. Kay bilis ng pangyayari na hindi niya inaasahan ang lahat. Noon, pangarap niyang maikasal sa simbahan, hindi man magarbo ngunit hindi minadali ang lahat. Iyong kasal na masasabi niyang kaniya. But everything that happens has a reason.Kagaya ni Leon, hindi man niya giusto pero ito ang sagot sa kaniyang dasal. Akala niya aalis na ito pagkatapos ng kasal. Pero nagulat siya nang abutan sila nito sa labas ng munisipyo—tahimik, hindi ngumiti,

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 21

    Hindi na alam ni Isabelle kung gaano siya katagal na nakaupo sa sahig—umiiyak, nawawala sa sarili. Parang lahat ng sakit, lahat ng takot, binuhos ng langit sa kanya.Kung hindi pa siya kinatok, baka hindi pa siya matauhan.Manhid na ang mga paa’t tuhod niya, at kahit papaano ay pilit siyang tumayo. Mabigat ang katawan, pero mas mabigat ang nararamdaman.Pagbukas niya ng pinto, biglang nanikip ang dibdib niya.Si Shann.Ang kapatid niyang si Shann ang nasa harapan niya, at hindi na niya inalam kung paano ito nakarating doon. Basta ang alam niya, may isang batang umaasa sa kanya.At hindi siya puwedeng matalo ng emosyon.“Shann…” tawag niya, sabay yakap sa kapatid. Mahigpit. Parang gusto niyang siksikin doon ang lahat ng sakit at pigil na sigaw.“Ate…” bulong ni Shann, parang litong-lito.Doon siya muling napaiyak. Hindi na para sa sarili. Kundi para sa kapatid. Para sa Mama nila. Para sa lahat ng hindi niya kayang kontrolin.“Ate, kanina ka pa hinahanap ni judge…”Napasinghap si Isabel

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 20

    Napalunok si Isabelle habang nakatitig sa likod ng lalaking nagpakilalang si Leon Montenegro. Matangkad. Matikas. Mysterious. And there was something in the way he walked—calm, commanding—that made her heartbeat go wild. Ang mga mata nito na para bang may ibig ipahiwatig sa kaniya. Bakit ganito kabilis ang tibok ng puso ko? Napahawak siya sa dibdib at huminga nang malalim.Hindi niya alam kung kaba ba ito o takot. Pero habang kasunod niya ang lalaki sa mahaba at tahimik na pasilyo ng munisipyo, the anxiety in her chest kept growing stronger.What if he’s not really Leon? Bigla siyang napatigil. Hindi ba't hindi naman talaga siya nito direktang pinakilala sa sarili kanina? Walang ID. Walang ebidensya. Walang kahit ano.“Anong ginagawa mo, Isabelle?” bulong niya sa sarili, pilit pinipigilan ang panic.Napatingin siya sa paligid. Tahimik. Walang ibang tao. Tila sinadyang sila lang ang naroon.At ang lalaking nasa unahan niya, hindi man lang lumilingon. Deretso lang sa paglalakad, pa

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status