Masuk“Ngayon lang ako kinabahan nang ganito…” mahinang bulong ni Theariza, habang nakasandal sa matipunong dibdib ni Darryl. Bawat pintig ng puso niya ay tila sumasabay sa init na unti-unting bumabalot sa kanilang dalawa. “Pwede na ba kitang halikan?” marahang tanong ni Darryl, ang boses ay halos pabulong ngunit punong-puno ng pagnanais. Hindi na sumagot si Theariza. Sa halip, siya na ang kusang humila kay Darryl palapit. Bahagya pa siyang tumingkayad, sapat lang para magtagpo ang kanilang mga labi sa isang halik na puno ng damdamin. “I love you, Darryl… umpisahan na natin ito,” sambit niya, halos kapos ang hininga. Sandali siyang kumalas sa pagkakayakap, at dahan-dahang hinubad ang kanyang suot—parang hinuhubad din ang lahat ng alinlangan sa kanyang puso. Napapikit siya saglit. Ano itong nararamdaman ko…? Para bang ngayon ko lang tunay na naranasan ito… “I’m hot now… honey. Hindi na ako makapaghintay pa,” paos na sabi ni Darryl. Maingat niya itong binuhat, parang isang bagay
“Kung tatanggapin ko ang pagkakataong ito… paano na ang anak ko kay Alexander? Paano si Thearonna?” Mahina ang boses ni Theariza habang naglalakad sa aisle. Nanginginig ang bawat hakbang niya, parang anumang sandali ay uurong siya. Paano ang anak ko…? “Mommy…” Napahinto siya. Nanlaki ang kanyang mga mata. “A-anak…? Thearonna… ikaw ba ‘yan?” “Opo, Mommy. Ako po ito,” malambing na sagot ng tinig. Napapikit si Theariza, tuluyang pumatak ang luha. “Akala ko nawala ka na… iniwan kita…” puno ng sakit ang kanyang boses. “Hindi po,” agad na sagot ng bata. “Hindi niyo po ako pinabayaan. Mahal na mahal niyo po ako.” “Kung gano’n… bakit wala ka?” tanong niya. “Dahil may bago po kayong simula,” sagot ng tinig. “At kasama niyo po doon si Daddy Darryl.” Nanginginig na napahawak si Theariza sa kanyang dibdib. “Pero ikaw…?” “Babalik po ako, Mommy.” Napatigil siya. “Babalik… paano?” “Maghihintay po ako,” sagot ng bata. “Hihintayin ko po kayo… hanggang sa mabuo ulit a
“Theariza, wake up! Hindi ka pwedeng mahuli sa kasal niyo ni Darryl!” Parang umalingawngaw muli ang sigaw ni Secretary Susan sa buong pagkatao ko—hindi lang sa tenga ko, kundi sa isip, sa dibdib, sa kaluluwa ko. Paulit-ulit. Malakas. Pilit akong hinahatak palabas sa kung anumang dilim ang kumakain sa akin. Napasinghap ako. At sa isang iglap—nagmulat ang mga mata ko. Ngunit wala na ako sa bangka,hindi na rin ako nasa kama. Hindi na rin sa ospital. Nasa loob na talaga ako ng simbahan. Napahinto ako. Parang bigla akong inihagis sa isang eksenang hindi ko maalala kung paano nagsimula. Tahimik ang paligid, pero hindi nakakabingi. May mga taong nakaupo sa magkabilang gilid, lahat nakatingin sa akin. Ang liwanag na pumapasok sa mga bintana ay tila masyadong malinaw—parang hindi lang basta liwanag, kundi may dalang kakaibang pakiramdam. Hawak ko ang laylayan ng suot kong wedding gown. Nanginginig ang mga daliri ko. “Bakit…” mahina kong bulong. “Nandito ako…?” Dahan-dahan akong t
“Ayokong magpakasal hangga’t hindi ko nakikita ang groom ko!” mariing sigaw ko, habang humihigpit ang hawak ko sa laylayan ng damit-pangkasal. Parang may humihila sa loob ko—hindi takot lang… kundi pagdududa na hindi ko maipaliwanag. Huminga nang malalim si Secretary Susan, halatang nauubusan na ng pasensya. “Malamang hindi mo siya makikita rito,” sagot niya, iritado. “Nasa simbahan na siya, naghihintay! Bilis na!” “Hindi,” umatras ako, umiiling. “Hindi ganito dapat… may mali…” “Ay naku, Theariza!” bigla niyang inikot ang mata niya. “Ano ba talaga?!” Tumingin siya sa akin nang mas matagal, parang may naiisip. Tapos bigla siyang nagsalita, mas mababa ang boses. “Ah… alam ko na,” sabi niya, parang may naiintindihan na siya. “Baka ang sinasabi mong ‘anak’ ay yung baby daughter ni Darryl?” Natigilan a
“Dahan-dahang pumikit ang mga mata ko…” Hindi ko na maramdaman ang paligid. Ang sakit… parang unti-unting nilalamon ang buong katawan ko. Pero mas masakit— yung takot na hindi ko na siya makikita pa. “Darryl…” mahina kong bulong, halos hindi ko na marinig ang sarili kong boses. “Ang anak ko… ikaw na ang bahalang magprotekta sa kanya…” Humigpit ang hawak ko sa hangin, na parang may yakap akong pilit pinanghahawakan kahit wala naman. “Alam kong… hindi mo siya pababayaan…” Unti-unting nanlalabo ang lahat. Ang ilaw… nagiging anino. Ang ingay… nagiging katahimikan. Ang sakit… nagiging manhid. Hanggang sa— wala na. — “G-gising!” Biglang may sumabog na boses. Malakas. Mataray. Totoo. “THEARIZA! Ano pang hinihintay mo?!” Napasinghap ako. Parang hinatak ang kaluluwa ko pabalik sa katawan ko. Mabilis akong napamulat. Humahangos ang dibdib ko, parang kakagaling ko lang sa ilalim ng tubig. “Ano—?” napaupo ako, nanginginig. “Nasaan…?” Wala ang dugo. Wa
“Wala ka nang magagawa, Ailyn,” malamig at walang emosyon na saad ni Rereio, bawat salita ay parang patalim na dumidiin. “Dahil bangkay na ang darating dito—ang anak mo sa labas!” “Kung nakakatayo lang ako…” nanginginig ang boses ni Ailyn, pero nag-aapoy ang galit sa kanyang mga mata. “Kanina pa kita sinampal ng paulit-ulit, Rereio!” gigil niyang sigaw. “Anak mo siya! Dugo mo ang nananalaytay sa ugat niya!” “Tumigil ka!” bulyaw ni Rereio, ngunit saglit siyang napakurap—isang bakas ng pag-aalinlangan na mabilis din niyang itinago. “Hindi ako titigil!” sagot ni Ailyn, halos mapaiyak na. “Pakiusap… kahit ngayon lang… iligtas mo ang sarili mong anak!” “Hindi ko siya anak!” mariing putol ni Rereio. “At wala akong obligasyon sa kanya!” “Meron!” sigaw ni Ailyn. “Bilang ama niya—meron kang obligasyon!” “Hindi ako ama niya!” galit na sigaw ni Rereio. “Dahil ayaw mong tanggapin!” balik ni Ailyn. “Mas pinipili mong maging bulag kaysa harapin ang katotohanan!” “Tumigil ka na!” sigaw ni Re
Nakaraan… Ngunit napatingin siya kay Elina at sa yaya kaya bigla siyang napatigil sa pagsasalita. Karugtong… Bahagyang kumunot ang noo ni Althea. “Wala na ang… sino?” tanong niya habang pinagmamasdan ang mukha ni Alexander. Ngunit mabilis na nagbago ang ekspresyon ni Alexander. Parang wal
Kinabukasan… Maaga pa lamang ay gising na si Elina. Mula sa malaking bintana ng kanyang silid ay pumapasok ang ginintuang liwanag ng umaga, tumatama sa mamahaling kurtina at sa malapad na kama na tila yari sa purong seda. Dahan-dahan siyang tumayo at lumapit sa salamin. Maingat niyang inayos an
“Bakit ninyo sinasaktan ang batang ‘yan na ang gusto lang naman ay isang larawan o pirma ni Princess Elina MH?” seryosong sabi ni Secretary Manzano. Biglang natahimik ang buong studio. Napatingin ang lahat sa kanya, lalo na ang mga staff na kanina pang humahawak kay Thearonna. “Ibigay na lamang
“Takbo dito, takbo doon ang ginawa ni Baby Thearonna sa loob ng studio. Halos hingalin na ang maliit niyang katawan sa kakahanap sa kinaroroonan ni Elina. Sa pagmamadali niya ay hindi niya napansin ang isang ginang na paparating. BANG! Direkta siyang nabangga rito at muntik pang matumba. “Are y







