“Honey, gusto mo ba akong samahan sa hospital?” tanong ni Theariza. Ngayon kasi ang araw ng pagkikita nila ni Althea Montoya, ang kaklase niya noong college. Ngayon lang ulit sila magkikita.“Ano ang gagawin mo sa hospital, honey?” tanong ng kanyang asawang si Alexander Huston.“Hindi ba napag-usapan na natin ito dati? Limang taon na tayong nagsasama pero hanggang ngayon, hindi pa rin tayo nabibiyayaan ng anak.”“Oh, tapos?”“Tapos na ang paghihintay natin para magkaroon tayo ng anak… Ito na ang pagkakataon para magkaanak na tayo, para pagbalik nila Mama at Papa, hindi na nila ako aapihin at sasabihan ng wala akong kwentang babae.” Matagal nang nagtitiis si Theariza sa pang-aapi sa kanya ng pamilya Huston. Lumaki kasi siya sa bahay-ampunan at walang kinalakihang pamilya.“Honey naman, hindi mo pa rin ba iyon nakakalimutan? Matagal na panahon na rin ang lumipas. Alam mo namang kahit wala tayong anak, mahal na mahal pa rin kita, honey. Wala ka bang tiwala sa akin? Pero ano bang plano mo
Terakhir Diperbarui : 2026-02-23 Baca selengkapnya