LOGIN“Takbo dito, takbo doon ang ginawa ni Baby Thearonna sa loob ng studio. Halos hingalin na ang maliit niyang katawan sa kakahanap sa kinaroroonan ni Elina. Sa pagmamadali niya ay hindi niya napansin ang isang ginang na paparating. BANG! Direkta siyang nabangga rito at muntik pang matumba. “Are you okay?” tanong ng ginang habang yumuyuko upang tulungan ang bata. Ngunit nang makita niya ang mukha ni Thearonna ay napansin niyang ito rin ang batang nakita niyang kausap kanina ng pamilyang MH—ang batang kalalabas lang kanina ng studio. “What are you doing here?” malamig nitong tanong habang sinusuri ang itsura ng bata mula ulo hanggang paa. “Hindi ka nababagay dito,” dagdag pa ng ginang na may halong pangmamaliit. Ngunit hindi iyon pinansin ni Ronna. Agad siyang tumayo, pinunasan ang bahagyang luha sa kanyang pisngi at muling tumakbo papunta sa kinaroroonan ng pamilya Huston at Montale. Halos hingal na hingal siya nang makarating sa harapan ng maliit na stage kung saan nakaupo si
“Pagpasok nila sa loob ng Arena, agad naupo sina Thearonna at Theariza. Kasama na rin si Darryl at magkakatabi silang tatlo sa isang VIP viewing room—isang silid na may malalaking salamin kung saan malinaw nilang mapapanood ang iniidolo ni Thearonna sa entablado. Sa loob ng arena ay nagliliwanag ang makukulay na ilaw. Umaalingawngaw ang sigawan at palakpakan ng mga fans habang patuloy ang pagtatanghal sa stage. Mahigpit na hawak ni Thearonna ang kamay ng kanyang ina habang nakasilip sa salamin. “Mommy… si Elina MH!” mahinang bulong ng bata, puno ng pananabik ang boses. “Ang ganda-ganda po niya, Mommy.” Nakangiti sana si Theariza, ngunit sa halip ay napabuntong-hininga siya. Saglit niyang pinagmamasdan ang anak—ang inosenteng paghanga sa mga mata nito. Uhmmm… kung alam mo lang, anak, kung ano ang katotohanan… baka maglaho ang paghanga mo sa kanya. Baka magbago ang lahat ng tingin mo sa mundong ito… Tahimik na bulong iyon ng kanyang isip habang patuloy siyang nakatitig kay Thearo
“Beeep! Beeep! Beeep!” Malakas na busina mula sa labas ng bahay nina Theariza ang bumasag sa katahimikan ng umaga. “Mommy! Si Daddy Darryl!” sigaw ni Thearonna, sabay takbo sa maliit nilang bintana para sumilip. Napangiti si Theariza habang nagmamadaling ayusin ang damit sa harap ng salamin. “Sandali lang, anak! Nagpapalit lang ako,” sagot niya. Humarap siya sa salamin at sandaling napahinto. Tinitigan ang sarili. “Parang… tumaba ata ako nang husto, anak. Hindi na kasya yung mga dati kong panlakad,” wika niya, may halong pag-aalinlangan. “Okay lang ‘yan, Mommy,” mabilis na tugon ni Thearonna mula sa bintana. “Maganda ka pa rin naman kahit tumaba ka na!” Napangiti si Theariza, ngunit napailing. Mula sa labas, sumabat si Darryl: “Tama si Baby Ronna,” biro niya. “You still look beautiful kahit medyo nagbago ka na.” Napatawa si Theariza nang bahagya, kahit aminado siyang marami nang nagbago sa kanya. Matapos niyang ipanganak si Thearonna, napunta na lahat ng atensyon niya sa ana
Kinagabihan…Halos hindi mapakali si Thearonna sa loob ng maliit nilang kwarto. Nakalatag sa kama ang ilang damit—mga simpleng bestida na halatang ilang beses nang nalabhan ngunit maingat na inalagaan. Paulit-ulit niyang pinipili at pinapalitan ang mga iyon, tila ba bawat detalye ay mahalaga. “Mommy, ito po ba? O ito?” tanong niya habang hawak ang dalawang damit—parehong may kaunting kinang ngunit kapansin-pansing luma na. Napangiti si Theariza habang pinagmamasdan ang anak. Kahit sa simpleng sitwasyon, ramdam niya ang inosenteng pananabik nito. “Kahit alin diyan, anak. Maganda ka naman kahit ano ang suotin mo,” sagot niya nang malumanay. Ngunit umiling si Thearonna, seryosong-seryoso ang mukha. “Hindiii… kailangan po perfect! Pupunta tayo kay Elina MH!” diin niya, parang napakalaking okasyon ang haharapin, kahit iyon naman talaga ang totoo. Napatawa si Theariza, pero may bahagyang kirot sa dibdib. Alam niyang sa mundong pupuntahan nila, hindi ganoon kasimple ang “magand
3 YEARS LATER… “MOMMY!” Masiglang tinig ng isang batang babae ang biglang umalingawngaw sa maliit ngunit maayos na sala ng kanilang bahay. “Mama, kilala mo ba si Elina MH?” Napangiti si Theariza habang abala sa pagtitiklop ng mga damit. Huminto siya sandali at napatingin sa kanyang anak. Si Thearonna, ang kanyang tatlong taong gulang na anak, ay nakaupo sa sahig habang hawak ang isang tablet at nanonood ng video. Malaki ang mga mata nito at puno ng kuryosidad. “Ah, si Elina MH?” sagot ni Theariza habang lumalapit sa anak.” “Oo naman, anak. Siya ‘yung batang idol na singer sa internet, ‘di ba?” Mas lalo pang lumiwanag ang mukha ni Thearonna. “Yes, mommy!” masigla nitong sabi. “I love Elina MH!” Napatawa si Theariza sa sobrang excitement ng bata. “Kailan po kaya tayo makakapunta sa studio?” tanong ni Thearonna habang nakatingala sa kanya. “Gusto ko po siyang mapanood nang live!” Napaupo si Theariza sa tabi ng anak at marahang hinaplos ang buhok nito. “Studio? Naku, anak
“Kung ganoon…” malamig na tanong ng tinig sa kanyang isipan. “Sumusuko ka na ba, Theariza? Dito na ba magtatapos ang laban mo?” Nanatiling nakapikit si Theariza. Patuloy ang pag-agos ng luha mula sa kanyang mga mata habang nakatayo siya sa gilid ng madilim na kalsada. Muling kumulog ang kalangitan. RUMBLE—RRRRUMBLE! Napayakap siya sa sarili habang nanginginig ang buong katawan. “Hindi…” mahinang bulong niya. “Hindi ko alam kung paano lalaban.” Unti-unti siyang napaupo sa gilid ng kalsada. Ang mga ilaw ng poste ay kumikislap sa madilim na paligid habang ang malamig na hangin ay humahampas sa kanyang mukha. “Sa nakaraang buhay ko… pinatay nila ako,” pabulong niyang sabi habang nanginginig ang kanyang boses. “Pinaniwala nila ang lahat na ako ang masama.” Mahigpit niyang kinuyom ang kanyang mga kamay. “At ngayon… ganito ulit ang nangyayari.” Saglit na natahimik ang mundo sa kanyang paligid. Tila pati ang hangin ay tumigil sa paggalaw. Pagkatapos ay muling







