Share

CHAPTER 3

" Sinasabi ko na nga ba, eh. " inis na naglakad si Jillian papunta sa isang box na nakalagay sa harap ng labas ng aming inuupahang bahay at nagmamadaling kinuha roon 'yung baseball bat na ginagamit niya na panlaban noon. " Sinasabi ko na, na dapat hindi na tayo pumasok sa organization na 'yon dahil hindi tayo makakaalis diyan nang hindi nila tayo mapapatay kahit ano mang oras. Pero, ano?? Hindi kayo nakinig sa akin. Mas inuna niyo pang isipin 'yang kagustuhan niyong makapasok sa 'Black Feathers' na 'yan, " hindi gaanong malakas na sabi sa amin ni Jillian ngunit alam kong naiinis ito.

Tama naman si Jillian…...bakit ba kasi kami nag-pumilit noon na sumali riyan sa bwiset na organization na 'yan??!

Pero kung hindi naman kami sumali ay walang mga taong matatakot sa amin…..

" Eh, bwiset pala sila, eh! Dapat ay pinagbubogbog na lang nila tayo noon bago tayo pinaalis! Eh, hindi nila ginawa, eh! Plinastic lang nila tayo at hinayaang mag-leave na parang walang nangyari at parang wala silang gagawin sa ating masama! Kainis! "

**TING**

Biglang tumunog 'yung cellphone ko, Kaya naman binuksan ko ito at nakita na may nag-send sa akin ng message sa isang unknown number.

" Paanong may mag-tetext sa number ko, eh, kayong tatlo lang naman 'yung pinagbigyan ko ng number ko, " takang sabi ko sa kanila.

" Baka naman inilagay mo sa mga requirements natin sa school nung enrollment, " ani Denice.

" Pwede ba?? Kayong dalawa?? Kahit minsan naman ay paganahin niyo 'yang utak niyo sa seryosong sitwasyon?? Sino pa ba ang mag-tetext pagkatapos ng lahat ng ito?? "

Oo nga, 'no??! Bakit hindi ko ba naisip 'yon?

" Black Feathers, " sabay na sagot namin ni Denice; nagkatinginan pa.

Napasapo ng noo si Jillian dahil ngayon lang namin na-realize.

Nang binuksan ko na ang text message ay agad silang naglapitan sa akin.

" See you sa ating pinaka-unang meet up, bandana girls. " pagbasa ko roon sa text message.

" Yuck! Bakit ayan pa 'yung naisip na sabihin niyan??! Talagang pinaalala niya pa??! Teka, sigurado akong sina Dave at Lucas 'yan! " reklamo ni Denice.

Napasapo ng noo si Jillian dahil sa mga pinaggagawa ni Denice.

" Talagang nagagawa mo pang isipin 'yan?? Nasa panganib ang buhay natin, Denice. Kahit anong oras ngayon ay pwede tayong pagpapatayin ng mga miyembro ng organization na 'yon, " naiinis na sabi ni Jillian kay Denice.

" Sorry naman! Joke lang, eh! "

" Tama na 'yan. Kailangan nating maging seryoso at alerto ngayon. Pumunta na tayo kung saan nila tayo gustong papuntahin. " tumayo ako.

" I am so excited! Makakaharap ko nanaman ang mga miyembro ng 'Black Feathers' at sisiguraduhin kong mahubugbog ko silang lahat! "

Napailing na lamang si Jillian dahil sa hindi pagiging seryoso ni Denice.

Napakapasaway rin kasi. Palagi na lang ginagawang biro lahat ng bagay, eh.

Pagkatapos kong tumayo ay pumasok muna ako saglit sa sa loob ng bahay para uminom ng tubig. Kanina pa kasi ako nauuhaw pagkatapos ay nadagdagan pa 'yung uhaw ko dahil sa mga nangyayari ngayon.

Nang matapos na akong uminom ay naglakad ako palabas pero hinarangan ako ni Bumper.

" Bakit? " takang tanong ko.

" Manganganib ang buhay natin kung pupunta tayo roon, Amelia. Maaari tayong mamatay. Malay ba natin, baka trap lang 'yon, " sabi sa akin ni Bumper.

" Mas mapanganib kung hindi tayo pupunta roon, Bumper. Baka mas lalo lang lumala at baka may madamay pang ibang tao, " sabi ko at naglakad palabas at mabilis na kumuha ng ice pick sa isang box at agad na inilagay sa bulsa ko.

Pinakausapan din namin si Aling Koring na kung pwede ay pabantay lang muna ng mga gamit namin kahit sandali lang dahil may importante lang kaming pupuntahan.

Nang matapos na namin siyang kausapin ay huminga muna ako nang malalim.

Sana ay manatili kaming ligtas sa pupuntahan namin kahit na marami kaming mga taong naperwisyo.

" Ano? Tara na?? Pero saan tayo sasakay? Ang pangit naman kung sa jeep o taxi tayo sasakay, 'di ba? Pagkatapos ay pupunta tayo roon sa black mansion? Edi, mas lalo tayong napahamak? " takang sabi sa amin ni Denice habang naka-krus ang mga kamay niya.

" Ako na ang bahala. Doon na lang tayo sasakay sa isang sasakyan ko. Sundan niyo ako. " naglakad si Bumper kaya naman agad namin siyang sinundan at takang tumingin sa kaniya.

May sasakyan pala siya?? Pero bakit hindi man lang niya sinasabi sa amin??

" May sasakyan ka pala?! Bakit hindi mo sinasabi sa amin? Edi, sana ay ikaw na palagi ang naghahatid sa amin sa school. Para Hindi na kami nagsisiksikan doon sa motor, " sabi ni Denice na kunyari ay nagtatampo.

" Ayokong sabihin sa inyo dahil sa mga importanteng bagay ko lang 'yon ginagamit. 'Tsaka, huwag ka nang magreklamo, kasi ngayon ay alam mo na.

" Bakit? Hindi ba importante sa 'yo 'yung pagpunta namin sa school? "

" Makapagsalita ka naman…..akala mo ay palagi kang pumapasok sa school, ah. "

" Hoy! For your information, kami lang namang tatlo ang isa sa mga pinakamatatalinong estudyante sa school namin, 'no! "

" Sabi ko: 'hindi pumapasok' hindi matatalino. "

" Hays. Ewan ko sa 'yo! " pinagkrus ni Denice 'yung dalawang braso niya at 'tsaka sumimangot.

" Kaysa, mag-talo kayong dalawa riyan ay maging alerto at seryoso naman kayo. Akala niyo ba na biro lang 'tong pupuntahan natin? " masungit na sabi sa kanila ni Jillian.

" Sinusubukan ko lang naman na pagandahin 'yung sitwasyon sa pamamagitan ng pagpapatawa sa inyo, eh. Para matulungan ko kayong kumalma gano'n, " si Denice.

" Pwes, walang nakakatawa at hindi ka nakatutulong. "

" Ay, galit 'yarn? Scary! "

Napairap na lang si Jillian dahil nasasawa na siya sa mga pinaggagawa ni Denice.

Tama naman kasi si Jillian, eh. Hindi nakakatulong 'yubg mga ginagawa ni Denice

Pero na-aapreciate ko 'yubg pagpapagaan niya ng loob namin kahit hindi naman gumagana.

Nang makarating na kami sa pinag-paparkingan ng kotse ni Bumper ay agad kaming lumapit dito.

Wala akong masyadong alam tungkol sa mga kotse pero alam ko na isa itong pickup truck. Kung i-dedescribe ko ay kulay itim siya at kung titignan din ay para pang bago

Saan ba ito nakuha ni Bumper?

" Ang ganda, ah. Bulletproof ba ito?? " hinawak-hawakan ni Denice 'yung kotse.

" Hindi ko alam. Basta, pumasok na lang kayo riyan at nang mabilis tayong makapunta roon sa Black Mansion. " agad na kaming pumasok sa kotse.

Si Bumper ang mag-dadrive, Si Jillian naman ay naka-upo sa shotgun seat, at kaming dalawa naman ni Denice ay nakaupo sa likod.

Papaandarin na sana ni Bumper ang sasakyan ngunit bigla nanamang nagsalita si Denice.

" Teka!! "

" Ano nanaman?? " sabay-sabay naming tanong sa kaniya.

" Bump, alam mo ba kung saan 'yung Black Mansion? Mamaya kasi ay hindi mo alam at baka maligaw pa tayo. "

" Oo nga, Bump. Alam mo ba kung saan pa 'yon? Ilang taon na rin ang lumipas nung huli tayong nagpunta roon, eh, " tanong ko rin.

" Oo, alam ko pa rin. Nakalimutan niyo na bang matalas ang memorya ko?? Kaya alam ko pa rin kung saan 'yung bwiset na Black Mansion na 'yan, " mayabang na sagot ni Bumper.

Wala na kaming sinabi pa at tuluyan nang nanahimik si Denice kaya naman wala nang maingay sa sasakyan. Pinaandar na ni Bumper 'yung kotse nang mabilis para mabilis kaming makapunta roon.

Wala na akong masyadong maalala sa lugar kung saan 'yon nakadestino. Basta ang naaalala ko lang ay walang masyadong sasakyan ang dumaraan kapag malapit ka na sa Black Mansion.

Habang papunta na kami roon ay hindi ko maiwasang kabahan nang sobra. Oo. Matapang kami sa halos lahat ng bagay na nakakahanap namin. Pero alam din namin na sobrang lakas ng Black Feathers kaya talagang kakabahan kami.

Hindi ko nakikita ang mga itsura nila at hindi ko alam ang mga nararamdaman nila pero alam kong kinakabahan din sila nang sobra

Habang papunta kami ay naalala ko nanaman ang araw na nakilala ko sila Bumper.

4 years ago. 11 years old pa lang ako no'n. Naglayas ako matapos akong pagalitan ni Mama at matapos na palaging saktan ni Papa.

Nakakalungkot ang panahon na 'yon. Gusto kasi nila na palaging mataas ang grades ko, ngunit nung time kasi na 'yon ay sobra na akong pagod at na-pepressure sa kanila. Pinagsasabay-sabay nila na utusan ako habang gumagawa ako ng assignment. Napakabata ko pa no'n kaya sobrang nahirapan talaga ako sa dami ng mga pinapagawa nila sa akin.

Napakapangit ng ugali ng mga magulang ko. Pero 'yung bunso kong kapatid ay hindi. Kaya naman nung nagreklamo ako sa kanila ay binugbog nila ako. Kaya lalo akong nagalit sa kanila. Sumagot ako sa kanila at sinabi lahat ng hinanakit ko. Pagkatapos no'n ay ikinulong nila ako sa kwarto ko. Iyak ako nang iyak nung time na 'yon…...Hindi ako makapaniwalang nagagawa nila sa akin 'yon…..Kaya naman nung naramdaman kong tulog na sila at alam kong gabing-gabi na ay agad akong kumuha ng ilang pirasong damit at short ko at inilagay ko ito sa bag ko pang-school. Binuksan ko 'yung bintana namin non at sinubukan kong bumaba nang dahan-dahan ngunit nalaglag ako dahil hindi ako nakahawak nang mabuti.

Dahil don ay iika-ika akong naglakad. Nag-ikot ako non sa buong Barangay para maghanap ng pwedeng tulugan b walang taong makakakita sa akin. Pero habang nag-iikot ako no'n ay nakita ko 'yung kaklase ko na si Denice and nung oras na 'yon ay naghahalungkat siya ng basura sa gilid ng daan. Nilapitan ko siya at tinanong kung ano ang ginagawa niya non. Sabi niya sa akin ay nangangalakal daw siya. Nagtaka ako no'n dahil sabi niya sa mga kaklase namin ay mayaman siya pero yun pala ay nagsisinungaling lang siya.

Nagulat din ako no'n dahil bakit namamasura siya kahit napakagabi na. Umupo muna ako no'n sa tabi niya. Nagkwentuhan kami Ng mga bagay tungkol sa pamilya namin. Sinabi ko no'n na masama ang mga magulang ko ngunit siya sabi niya ay namimiss na raw niya ang mga magulang Niya, patay na raw kasi ang mga ito dahil sa isang malagim na aksidente. Nang matapos na kaming magkwentuhan no'n ay tinanong ko siya kung pwede ba muna akong sumama sa kaniya kahit isang araw lang. Pagkatapos kong sabihin 'yon ay itinigil niyq ang pangangalakal at agad niya akong sinama papunta roon sa bahay niya.

Nang makarating na kami ay kumatok siya at agad naman itong binuksan ni Jillian noon. Nung time na 'yon ay tahimik lang si Jillian. Medyo masungit siya pero mabait naman siya sa kin. Agad na tumakbo no'n si Denice kay Bumper at agad akong Ipinakilala sa kaniya. Napakabait ni Bumper no'n. 15 years old pa lamang siya non. Pagkatapos akong ipakilala ni Denice ay agad akong binati ni Bumper at binigyan ng isang pirasong tinapay. Sinabi lahat ni Denice kay Bumper lahat ng kinuwento ko sa kaniya no'n kaya tinanong ako ni Bumper kung bakit daw ba ako naglayas. Sinabi ko lahat sa kaniya. Habang nagkekwento ako no'n ay nalaman ko ring magkapatid si Bumper at Jillian at kinupkop lang nila si Denice.

Kinuwento rin sa akin ni Bumper noon na wala na silang mga magulang dahil simula nang makulong ang mga ito ay nawalan na sila ng balita sa kanila.

Nagkwentuhan pa kami nang nagkwentuhan no'n at pagkatapos ay sinabi sa akin ni Bumper na pwede raw akong makitulog sa kanila pero dapat kinabukasan daw ay umuwi na ako dahil baka hinahanap na raw ako ng mga magulang ko. Ngunit kinabukasan nang nagpaalam na ako kina Bumper na uuwi na ako ay nakita ko sina Mama at Papa sa daanan na sumasakay sa isang Taxi at may dala-dalang maleta. Dahil sa gulat, galit, at iba't ibang emosyong naramdaman ko ay agad akong napabalik kina Bumper 'tsaka nag-iiyak nang nag-iiyak. Hindi ko alam kung bakit ako iniwanan nila Mam at Papa noon…..at kahit ngayon ay hindi ko pa rin alam…..

Nung time na 'yon ay sina bunper lang ang naging karamay ko noon. Pilit nilang sinasabi sa akin na babalik Sila…...pero hindi sila bumalik…..hindi nila ako binalikan….

Ilang buwan ang lumipas no'n ay hindi ko na lang sila hinintay pa…..dito na ako natutong magnakaw dahil wala kaming pera pambili ng pagkain. Sobrang nakakalungkot no'n. Natuto na rin ako no'n na makipaglaban dahil tinuruan kami nina Bumper. Hindi raw kasi pwedeng lumabas na walang sa pakikipaglaban.

At nung time na 'yon nagsimula ang lahat kung bakit kami napasama sa Black Feathers. Ninakawan namin ang isang lalaki na may hawak na briefcase at naglalaman ito ng napakaraming ginto. Nang manakaw namin ito ay hinabol kami tatlong miyembro ng Black Feathers. Pero na-counter nila kami. Pero dahil marunong na kami sa pakikipaglaban ay natalo namin ang mga ito kaya naman namangha sa amin ang isang matandang lalaki at hinikayat kami na sumali sa Black Feathers. Sinabi niya sa amin na kikita raw kami. Kaya naman agad kaming napa-oo. Sinabi namin ito kina Bumper at sinabi sa kaniya na sumali rin sila ni Jillian. Nung una ay nag-aalinlangan pa siya dahil nga mapanganib raw ang pinapasok namin ngunit sa huli ay napapayag namin siya at dito, ditp sa Black Mansion na ito kami unang binasbasan.

Nakarating na kami sa Black Mansion at kinakabahan kaming naglakad papasok doon. Tahimik kaming lahat dahil sobra ang pag-fofocus namin at sobra din akong kaba namin. Nang makapasok na kami ay walang katao-tao ang dinatnan namin.

" Joke ba 'to??! Bakit walang tao?? Akala ko ba sabi nila ay makikipagkita sila sa atin?? " galit na sigaw ni Denice.

Trap ata 'to, ah.

" Napakagaling talaga nitong si Denice. Hindi pa rin nagbabago! " biglang lumabas si Lucas habang pumapalakpak at tumatawa.

Lucas……

" Welcome back, bandana girls! Maligayang pagdating sa Black Mansion!! " itinaas ni Lucas ang mga kamay niya at 'tsaka nag-iikot.

Ano ba ang pinaplano niyong gawin sa amin……..

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status