Share

CHAPTER 4

Hindi ko alam ang mga binabalak ni Lucas ngayon pero…...alam kong may inutos sa kaniyang masama kaya alam kong nasa panganib ang buhay namin ngayon.

" Ano ba ang kailangan mo sa amin? Bakit niyo ba kami pinapunta rito, ah? " seryosong tanong ni Jillian kay Lucas.

" Ammm…..Alam niyo kasi….. " nakangiting naglakad-lakad si Lucas sa pwesto niya. " May maganda kaming sasabihin sa inyo na TIYAK na magugustuhan niyo! "

" At bakit naman namin magugustuhan 'yang sasabihin mo?! Yayaman ba kami riyan?! 'Tsaka, hinding-hindi namin magugustuhan ang isang bagay kapag galing sa isang tulad mo , 'no! " " mataray na sabi ni Denice kay Lucas.

Ano nga ba ang sasabihin nila?? Oh, baka naman may masama silang binabalak pero dinadaan lang nila sa kwento.

Tinignan ko ang buong paligid dahil pakiramdam ko ay may kakaiba rito. Feeling ko ay may nakatingin sa amin; may nagmamasid; at nagtatago.

" Hindi ka pa rin talaga nagbabago, Denice. Alam mo, simple lang naman ang sagot para magustuhan niyo talaga 'to. Kasi…..kikita Kasi kayo ng limpak-limpak na salapi kapa— "

" Kapag, ano? " putol ni Jillian kay Lucas. " Kapag sumali nanaman kami sa walang kwentang Black Feathers na 'yan? Pagkatapos niyong saktan tong kuya ko? At bantaan 'tong kuya ko na papatayin niyo kami? " mahinang sabi ni Jillian ngunit galit ang tono nito.

" Napakahusay! " malakas na tumawa si Lucas habang pumapalakpak. " Napakahusay talaga! Hindi talaga kayo nagbago! Hindi talaga nagbago ang bandana girls! Ikaw, Jillian! Hindi ka pa rin nagbago! Napakatalino mo pa rin! Ikaw naman, Denice! Loko-loko at tanga ka pa rin! "

" Gago ka! " taas kilay na tumingin si Denice kay Lucas.

" Manahimik ka muna! Dahil nagsasalita pa ako! " pigil ni Lucas kay Denice habang nakalagay ang kaniyang hintuturo sa kaniyang bibig. " Teka! Teka! Parang may nakalimutan ata ako! " dahan-dahan akong tinignan ni Lucas at nagkukunwaring nagugulat.

" Woah! Woah! Woah! Huwag mong sabihin na pati ikaw, Amelia?! Huwag mong sabihing hindi ka pa rin nagbabago! Huwag mong sabihin sa akin na mapagmasid ka pa rin! "

Taas kilay kong tinitigan si Lucas at inis siyang inirapan.

Nakakaasar na talaga 'tong si Lucas. Sumubra na ang pagiging mayabang Niya. Dati ay sunod-sunuran lang siya sa mga inuutos namin, pero ngayon ay pinagtatawanan at inaasar na lang niya kami?! Humanda siya sa akin mamaya.

" Ano? Narinig niyo naman ang sinabi ng matalino niyong KAPATID hindi ba?? Hmmmmmm…..mukhang hindi niyo narinig, eh! " inilagay niya ang mga daliri niya sa kaniyang ulo na wari mo'y nag-iisip siya.

Dami mong alam, gago.

" Okay! Okay! Uulitin ko na lang! Ano?! Papayag ba kayo na bumalik at sumali sa pinakamagandang 'Mafia organization' sa balat ng lupa?! Bumalik na kayo! Malaking pera din ang naghihintay sa inyo!! Kaya huwag na kayong nag-aalinlangan pa! Balik na! " tumawa Si Lucas na parang clown habang sumasayaw.

Hibang ka na.

" Alam mo rin ba na huwag mo na kaming hikayatin pang sumali sa pangit, bulok, at walang kwenta niyong BLACK FEATHERS na 'ywn dahil hinding-hindi na kami babalik pa sa bwiset na 'yan! " taas kilay at pasigaw na sagot ni Denice kay Lucas.

Tama. Hinding-hindi na kami babalik pa sa bwiset na BLACK FEATHERS na 'yon. Matapos nilang saktan si Bumper?? Papabalikin pa nila kami? Hindi kami madaling magpatawad at lalong hindi kami tanga para sumali pa ulit sa bwiset na organization na 'yan.

" Owwww! " kunyaring umiyak si Lucas. " Final answer na ba 'yan?? Sure kayo?! Alam niyo kasi sobrang sayang ng opportunity! Malay niyo, mahigitan niyo pa ang posisyon ko ngayon at yumaman kayo dahil sa sobrang daming perang ibibigay nila sa inyo! Alam niyo kung hindi niyo lang maitatanong, kayo ang pinakafavorite ng Mafia Boss. Kaya napakaswerte niyong lahat! Dahil kinakausap ko pa kayo ngayon bago ko kayo patayin! Ay! Sorry na spoil ko kayo sa mga susunod na mangyayari! " tuwang-tuwa ito at nagtatalon.

"

Sabi ko na nga ba at may masama silang balak, eh. Tangina talaga ng mga 'to

" Ang kulit mo, ah! Hindi ka ba nakakaintindi? Gusto mo rin bang ulitin ko 'yung sinabi ni Jillian kanina?? AYAW NA NAMING BUMALIK PA SA WALANG KWENTANG MAFIA ORGANIZATION NA 'YAN AT NAGSISISI KAMINA PUMASOK PA KAMI SA HAYOP NA 'YAN!! Ano??! Naintindihan mo na ba??! "

Pagkatapos sabihin 'yon ni Denice ay biglang inilagay ni Lucas ang mga kamay niya sa kaniyang bibig at naglabas ng reaksyon na para bang natatakot sa mga sinasabi ni Denice.

" Awww! Mukhang maling desisyon ang nagawa ninyo, ah! Sobrang! Sobrang nakakalungkot! " inipit ni Lucas ang boses niya.

Sobrang nakakaasar na talaga 'tong lalaki na 'to! Konti na lang talaga ay sasapakin ko na 'tong lalaki na 'to!

" Oh, Dave! Oh, Dave! " ipinagdikit ni Lucas 'yung mga kamay niya na para bang nagdadasal. " Kung nasaan ka man ngayon aking kaibigang hibang! Ibigay mo sa isang bata ang isang bala na dapat nilang matanggap! "

Ano raw?!

Nagkatinginan kaming lahat dahil sa mga sinabi niya. Isa?! Ibig sabihin ay isw sa amin ang papatayin nila? Mga gago Pala 'to, eh!

" At ako na ang bahala sa tatlong daga na dapat kong patayin nang sabay-sabay! Huwag kang makikialam, ha?! " tumawa ito ng parang demonyo.

Ibig sabihin ay papatayin kami ni Lucas at si Bumper….. papatayin ni Dave?? Nasaan si Dave??!!

**BENG**

Malakas na putol ng baril ang aming narinig kaya naman napatakip kami ng tainga. Ngunit kasabay nito ay biglang pagkatumba ni Bumper sa sahig.

Mga gago! Talagang papatayin nila kami!!

" Aray! " sigaw ni Bumper habang nakahandusay siya sa sahig.

" Bumper! " agad kaming lumapit sa kaniya at umupo dahil sa pag-aalala.

" Ayos ka lang ba?? " nag-aalalang tanong namin sa kaniya.

" Ayos lang ako…..umalis na kayo….baka kung ano pa ang mangyari sa inyo...ako na ang bahala rito….." nahihirapang sabi sa amin ni Bumper.

" Aww!!! Nakaka-touch naman! Akalain mo 'yon?! Magsasakripisyo ang isang lalaking tulad niya para sa inyo!! So, sweet!!!"

" Manahimik kang gago ka! Ano ang ginawa mo kay Bumper?! " galit na galit na sigaw ni Denice kay Lucas.

" Hindi ba obvious?! Binaril lang naman siya ng napakagaling kong kaibigan na si Dave!!!!! Hayaan niyo! Bago kayo mamatay mamaya ay magpapakita siya sa inyo! Pagkatapos ay sabihin niyo sa kaniya ang mga huling habilin ninyo, HAHAHAHAHA! "

" Bwiset kang hayop ka! "

" Aba! Wala akong ginagawa, ah! Nakikita niyo naman na nakatayo lang ako rito! 'Tsaka, kasalanan niyo 'yan, 'no! Dahil hindi niyo tinanggap 'tong ino-offer namin sa inyo! Ayan tuloy! Malapit na tuloy kayong mamatay, HAHAHAHA!! "

Dahil sa galit ay agad na sinugod ni Jillian si Lucas dahil sa galit. Ako naman ay kinausap si Denice.

" Dito ka lang, Denice. Bantayan mo si Bumper dito. Huwag na huwag mo siyang papabayaan at tulungan mo siyang patigilin ang pagdurugo ng sugat niya. "

" Ikaw? Saan ka pupunta?? Ano ang gagawin mo?? " takang tanong sa akin ni Denice.

" Hahanapin ko si Dave para pigilan siyang mapatay si Bumper dahil alam kong siya ang target nito. Ikaw naman ay gawin mo lahat ng makakaya mo para harangan ang katawan ni Bumper sa kahit ano mang direksyon dahil sigurado akong hindi ka papatayin o tatargetin ni Dave. Maliwanag ba? "

" O-oo. Sige. Mag-iingat ka. " tumango ako at tsaka pasimpleng naglakad nang nakayuko para umakyat sa hagdanan at makapunta sa 2nd floor. Para din hanapin si Dave at pigilan siya sa masamang binabalak niya.

Nasaan ka, Dave…..alam kong nasa paligid ka lang….Humanda ka sa akin, Dave….. sisiguraduhin kong mauuna kang mamatay kaysa sa amin…...at isusunod ko lahat ng mga miyembro ng Black Feathers…...

SPIN'S POV

Nandito na ako ngayon sa lokasyon na iti-next sa akin kanina ng hindi ko pa nakikila kung sino.

**FLASHBACK**

Wala pa rin akong mahanap na pulidong impormasyon tungkol sa Black Feathers na 'yon.

Pinipilit kong maghanap sapagkat gusto kong makakuha ng magandang impormasyon tungkol sa kanila na pwede kong ipanglaban sa kanila. Nang sa gayon ay mabigyan ko ng hustisya ang pagkamatay ng mga mahal ko sa buhay.

Manang…..Mama…..Papa…... sisiguraduhin kong magbabayad silang lahat sa mga ginawa nila…...hinding-hindi ko sila mapapatawad.

Naghanap pa rin ako nang naghanap dahil sobrang desperado akong makahanap ng impormasyon tungkol sa kanila ngunit habang naghahanap ako ay biglang tumunog 'yung cellphone ko.

Agad kong kinuha 'yung cellphone ko sa bulsa ko at binuksan ito. Galing sa isang unknown number 'yung message.

Sino ito???

Dahil sa pagtataka at gulat ay mabilis ko binuksan 'yung message at binasa ito nang mabilis

' Magkita tayong dalawa sa location na ito. Makikita mo at malalaman kung sino ang totoong pumatay sa mga mahal mo sa buhay. '

Dahil sa sobrang gulat ay napatayo ako sa kinauupuan ko. Kaya naman halos lahat ng tao sa cafeteria ay pinagtinginan ako.

Totoo ba 'to?! Baka trip lang to??

Hays! Bahala na! Kailangan kong malaman at mahanap kung sino ang mga pumatay sa mga mahal ko sa buhay. Kaya naman dapat kong puntahan 'to kahit ano man ang mangyari.

Agad akong pinatay 'yung laptop ko at agad na binuhat ito. Inilagay ko na rin ulit sa bulsa ko 'yung cellphone ko agad na lumabas sa cafeteria para pumunta sa parking lot at sumakay sa kotse ko. Nang makasakay na ako rito ay mabilis kong inilapag ang laptop ko sa shotgun seat at agad na pinaandar nang mabilis ang kotse ko upang makarating ka agad sa location na ibinigay sa akin nung hindi ko nakilalang tao.

**END OF FLASHBACK**

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status