Share

Chapter 8:

ALEXIS

Di ko maintindihan ang nararamdaman ko ng makapasok ako sa kwarto ko parang ang bigat bigat sa pakiramdam. Tumulo nanaman ulit ang mga luha ko sa isiping niloloko lang ako ni Colt.

Kinabukasan ay bumangon ako ng maaga para ipaghanda ng pagkain si Tito Steve. Di rin naman ako nakatulog kagabi sa kakaisip kaya kahit sobrang sakit ng ulo ko ay napilitan akong bumangon.

Pagkababa ko sa may kusina ay naabutan ko si Miles na maaliwalas ang mukha di tulad kahapon na parang akala mo may galit sa mundo. Kasama nito si Aling Pinang na katiwala dito sa resthouse nila tito Steve.

"Oh, iha halika ka sabayan mo kaming magkape ni Miles. Sandali at kukuhanan kita ng tasa."

"Ah, ako na po Aling Pinang," sabi ko na nakangiti sa kanila.

"Oh, sige halika dito sa tabi ko umupo at masarap itong tinapay na kakabili ko lang kanina sa panaderya malapit dito."

Ngumiti lang ako at napatingin din kay Miles na nakangiti din sa akin n
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status