Share

Chapter 1:TRABAHO

ALEXIS POV

ANDITO ako ngayon sa mansion ng mga Razon.And yes tinanggap ko ang offer na trabaho ni sir Steve mas mataas pa nga sahod ko dito kesa mag apply ako sa iba noh kaya ba't mag iinarte pa ako trabaho lang naman hanap ko libre pa lahat, ito na nga yung swerte na matagal ko nang pinagdasal. Akala ko nga kamalasan nanaman ang dala sa akin ng pagtulong kay Colt ng gabing yun.

Umalis na ako dun sa inuupahan kong apartment kasi sayang lang din naman yung ibabayad ko dun kung di ko naman titirhan. Pinag stay in ako ni sir Steve para matutukan ko pag aalaga kay Colt.Ilang araw ng hindi pa nagigising si Colt kaya sobrang nag-aalala yung tito niya. Para na rin tuloy akong nurse nag-aalaga ng pasyente.

May nurse din naman kaso wala na kasi daw masyadong tiwala si sir Steve sa mga nurse na naha-hire nila imbes kalusugan nila ang tutukan iba naman daw tinutukan.Matanda na rin kasi si sir Steve at kailangan na rin talaga ang mag-aalaga sa kanya lalo na minsan nahihirapan na rin tong maglakad kahit ang tikas pa nitong tignan.

Pupuntahan ko si Colt sa kwarto niya oras na kasi sa pag-inject ng gamot sa swero niya.Inahabilin nalang lage ng nurse yung mga gamot na dapat ibigay sa oras na yun. At magpapalit na rin ako ng benda sa sugat niya.

Pagkapasok ko sa kwarto niya ay dumeretso muna ako sa closet niya para magkuha na pamalit ng kanyang damit syempre sa pangbaba niya hindi na ako ang nagpapalit may inuutusan na si sir Steve.

Inenject ko muna ying gamot na kailangan niya ng oras na ito. Pagkatapos ay binasa ko na yung bimpo para punasan siya, araw-araw ko yung ginagawa sa kanya bago matulog sa gabi

Bakit napakaswerte ng mga toh, nung nagsabog ng kaswertehan si papa God eh nasalo ata lahat ng pamilyang ito. Mayaman na, ang popogi pa, hay naku ako hanggang ilusyon nalang siguro.

Pinunasan ko ang mukha, niya napatitig ako dito habang pinupunasan siya, ang tangos ng ilong niya, ang mga matang na kahit parang galit lagi pero pag tinitigan mo parang namumungay bumagay din dito ang bughaw na kulay, may lahi kasi sila kaya siguro bughaw ang kulay ng mga mata nito,napahinto ako sa may labi, na kahit na natutuyo ay malarosas pa rin ang kulay nito na parang nang-aakit lagi.

Ang swerte siguro ng girlfriend nito. Pero sa ilang araw ko dito wala pa naman akong nakikitang dumalaw na babae. Siguro wala pang time o di kaya baka nasa ibang bansa. Malabo kasing walang girlfriend to sa pogi nito.

Maya-maya ay may kumatok sa pintuan kaya tumayo muna ako at pinagbuksan.

"Oh, kayo po pala sir, magandang gabi po, "

"Magandang gabi din iha, kamusta na ang pamangkin ko dito? "

"Ganun pa rin po, bakit di pa po kayo natutulog? dapat po di na pi kayo nagpupuyat nakakasama po yan sa kalusugan niyo."

"Hay naku iha siguro kong may anak lang ako na kasing bait at ganda mo, ako na siguro pinakaswerteng magulang sa mundo, alam kong masaya na ang mga magulang mo kasi nawala man sila ng maaga sa mundo napalaki ka naman nilang maganda at napakabait na bata. "

"Naku, di naman po, pero salamat po sa papuri niyo. Alam niyo po maswerte pa rin naman kayo kahit di an kayo nagkaanak ng asawa niyo. "

"Naku iha, hindi ako nakapag-asawa tumandang binata na rin ako dahil yung babaeng minahal ko dati na pingako na siya na ang babaeng papakasalan ko maagang binawi ng panginoon, kaya sabi ko sa sarili ko wala na akong ibang mamahalin bukod sa kanya, kaya ito matandang binata.Ito nalang si Colt ang parang tinuring kong anak, mahal na mahal ko ang batang ito kaya ayaw kong matulad siya sa akin na tumandang binata."

"Po??! ibig niyong sabihin wala pang girlfriend si Colt?! " tumingin si sir Steve sa akin na tatawa tawa.

"Mahirap bang paniwalaan iha. " tumango lang ako.

"Iwan ko sa batang ito ni isang beses wala akong matandaan na may pinakilala itong girlfriend sa akin. Nakatutok lang to sa trabaho niya, kaya natatakot akong tumandang binata tin ito.

"Ganun po ba, sayang naman ng lahi niyo pagnagkataon. " mahinang usal ko pero narinig  pala ni sir Steve. Kaya tumawa nalang ito.

"Naku iha, ikaw na bahala dito, at akoy matutulog na."

"Sige po sir ako na po bahala kay Colt. "

Hinatid ko nalang siya hanggang sa labas ng pinto. Naku sayang pala talaga lahi mo kung wala kang balak mag girlfriend. Dapat kahit magka-anak ka man lang para pag tumanda ka may mag-aalaga sayo.

Tinapos ko na ang pagpupunas sa kanya at pinalitan ko na ng damit at benda yung sugat niya. Maya-maya di ko namalayan nakatulog pala sa upuan na katabi lang ng kama ni Colt at nakayuko ang ulo ko sa may kama niya.

Nagising ako kinaumagahan na parang may nakamasid sa akin. Kaya dahan dahan kong minulat ang aking mata.At nagulat ako sa taong nakaupo sa kama mag-isang naglilinis ng kanyang sugat.

"Ayyy tipaklong!! naku sorry po sir, ako na po gagawa niyan. " sabi ko at inagaw na sa kanya ang panlinis ng sugat.

"Why are you here in my room?"

"Naku po, pasensya na po napagod lang ata ako kagabi kaya nakatulog po ako dito."

"Tsssshh, inaantay mo ba ang bayad ko sayo sa pagtulong mo sa akin? "

"Ah,hindi naman sa ganun sir. "

"I will pay you later, "

"Hindi naman kailangan sir,kaya ko naman pagtra-" pinutol niya ang dapat ko pang sabihin sa kanya.

"Di ba nga kaya mo lang naman ako tinulungan dahil sa kapalit na pera?! bakit mo pa tatanggihan?!"

"Sir hindi porket tinanggap ko ang offer niyo na pera para tulungan ka lang ay ganun mo nalang ako maliitin.Marunong din naman po akong tumulong kahit walang kapalit.Hindi po ba pwedeng  tinanggap ko lang yun dahil kailangang kailangan lang grabe kayo makapagsalita nakakahurt kaya you know!?"

Habang nililinisan ko ang sugat niya ay nakatitig lang siya sa akin. Ako naman na walang kamalay malay patuloy lang sa paglilinis sa sugat niya.

"Can you sto biting your lips?!" nagulat ako sa sinabi niya.Kaya ngumiti ako.

"Why are you smiling?!"

"Eh kasi sir sa mga nababasa ko sa mga romance novel pag sinabi nung bidang lalaki na can you stop biting your lips, eh it means kaya niya pinapatigil na pakagatin ang bidang babae sa labi nito dahil naeengganyo siyang halikan ang girl. Hahhaha,,,naku sir ha? baka may balak kayong manghalik wag niyo na ituloy hindi ako marunong nun."

Pagbibiro ko sa kanya na ikinagulat niya.

"What the hell are you thinking woman? your so unbelievable?!"

Nang mag-angat ako ng mukha at tignan siya ay titig na titig to sa akin.Kaya nairita ako sa titig niya.Kaya kinuha ko na ang mga ginamit kong panlinis sa sugat niya at tumayo. Pagkatayo ko di ko inaasahan na tatayo din siya kaya nagkasabayan kami at ang lapit ng katawan namin sa isa't isa kaya umatras ako dahil ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Pagkaatras ko ay di sinasadyang may maapakan akong isang bagay na muntikan ko ng ikatapilok at matumba mabuti at maagap ang kamay ni Colt at nahawakan ako sa beywang para di tuluyang matumba. Bigla ay naitulak ko siya ng mahina para mailayo ang sarili ko sa kaniya.

"Ah,,so-sorry s-sir  sige po lalabas po muna ako ipatawag niyo nalang po ako pag may kailangan kayo."

Iniwan ko siyang nakatulala at di na inantay ang kanyang sagot ng magsalita ako ulit bago lumabas.

"Ah siyanga pala sir baka magtaka kayo na bakit ako nandito kasi po ako po ang nakatukang mag-aalaga muna sa inyo hangga't di niyo pa po kayang gumalaw ng maayos."

At lumabas na ako ng dere-deretso at ng tuluyan na akong makalabas ay isinarado ko na ang pinto dun in lang ako nakahinga ng maayos.

"Ikaw na dibdib ka kanina ka pa nagpapasaway ha!para may kabayong nagwawala dyan kanina eh...haaayyyyy ano ba naman yan"usal ko sa sarili ko.

Pababa na ako ng hagdan ng natawagin ako ni sir Steve.

"Alexis,iha kumusta ang pamangkin ko?"

"Ayyy,sir Steve alalayan ko na po kayo."

"Salamat iha"

"Nagising na po si sir Colt kani-kanina lang ho, medyo okay na rin po siya maliban nalang sa mga sugat niya.Gusto niyo po bang puntahan siya?"

"Yes,please iha,"

"Sige po hatid ko na po kayo."

..............................

COLT POV

Nagulat akong paggising ko mukha ng isang babae ang bumungad sa akin akala ko nananaginip lang ako na makita muli ang babaeng tumulong sa akin ng gabing yun.

Kahit hilong hilo ako nun di ko makalimutan ang itsura niya.Yung mukha niya ng gabi yun na gulat ang ganda pa rin napakasimple niya walang kaarte arte sa mukha yung mukhang inosente pero palaban.

"Tssshh bakit ko ba iniisip ang babaeng yun." Pero pagtingin ko ulit mukha pa rin niya ang nakikita ko.Kaya naengganyo akong hawakan ang kanyang mukha.Nagulat akong totoo nga ang nakikita ko siya nga ito.

"Pero bakit siya nandito?" ang akala ko ng gabing yun pagkatapos niya akong ihatid dito ay aalis nalang siya. Naiisip ko baka kaya di pa ito umaalis dahil inaantay nito ang kabayarang napag-usapan namin para tulungan ako "tssssh tao nga naman pag pera pag-uusapan."

Bumaba nalang ako sa hinigaan ko at tinitigan ko siya.Bakit kahit tulog siya ay ang cute niyang tignan napakainosente pa pero pag gising ito parang akala mo amazona ang tapang tapang,tsssshhh.

Nang bigla ay gamalaw siya ay nataranta ako,kaya pinulot ko nalang yung lagayan ng benta at nagkunwaring naglilinis ako ng sugat ko at nagpapalit ng benda.

Pagkagising niya ay inagaw niya sa akin ang panlinis at siya na ang nagpatuloy sa paglilinis at di ko maiwasang titigan kaya parang naaasiwa siya.Pagkatapos niya akong palitan ng benda ay nagkasabayan pa kami ng tayo kaya muntikan na siyang matumba at buti naagapan kong saluhin.At alam kong kinakabhan siya dahil dinig na dinig ko ang kabog sa kanyang dibdib.Kaya itinulak niya ako ng mahina para makalayo sa akin.At nagpaalam na lalabas na siya.

Bakit ganun nalang ang pagka-attract ko sa kanya ngayon ko lang siya nakilala pero iba na ang nararamdaman ko sa kanya.Kanina habang kagat kagat niya ang labi niya para akong naiingganyong halikan siya.Napapangiti nalang ako pag naiisip ko pagsusungit niya.

Nang bigla at may kumatok kaya pinagbuksan ko ng pinto.Nang mabungaran ko nanaman ang mukha ng babaeng kanina pa laman ng isip ko.Kasama niya ang titi Steve ko,inalalayan niya ito.

"Sige po sir iwan ko po muna kayo dito,ipatawag niyo nalang po ako pag may kailangan kayo."

Paalam niya ka tito Steve at ngumiti.Bagay na bagay sa kanya pag nakangiti siya.Nakatitig pa rin ako sa pintong pinaglabasan niya.Nabalik ako sa aking huwisyo ng tumikhim si tito Steve.

"Iho,kamusta ka na?okay na ba pakiramdam mo?"

"Yes tito okay na ako except sa mga sugat ko medyo okay na rin naman pakiramdam ko."

"Okay lang ba sayo na kinuha ko si Alexis para dito na magtrabaho?"

Nagulat ako sa sinabi ni tito inofferan niyang magtrabaho ang babaeng yun dito,"Alexis pala pangalan niya."

"Malaki ang utang na loob natin sa kanya sa pagtulong niya sayo para makaligtas sa mga taong gustong pumatay sayo.At naawa din ako dahil nung gabi na tinulungan ka niya ay pauwi pa lang siya sa mga inapplyan niyang trabaho at mag-isa nalang siya sa buhay.Kaya tinaggap ko nalang siyang mag-aalaga sayo habang wala kang malay."

Hindi pa rin ako nagsalita sa mga sinabi ni tito.Kasi ukopado ng babaeng yun ang isip ko.Kaya ko kayang kontrolin sarili ko lalo na at nandito na rin siya sa mansion nakatira maiiwasan ko kaya siya.

"Iho may tintanong ako sayo pero parang lumipad ata ang isip mo.Sino ba yang iniisip mo si Alexis ba?" nagulat ako sa tanong ni tito.

"Sige iho mag-usap nalang tayo next time okay, aalis muna ako magpapasama ako kay Berting at Rosing.May appointment ako ngayon kay doctor Sebastian."

Kanina pa nakaalis si tito Steve pero di pa rin ako mapakali sa sinabi ni tito Steve bakit kasi natutulala ako pag naiisip ko ang babaeng yun...

..................

ALEXIS POV

Naabutan ko sa may kusina si Rocky na nakikipag usap kay Miles isa rin sa mga katulong dito halos kaedaran ko lang din si Miles.Maganda din ito makinis din ang balat nito. Mapagkakamalan pa nga itong anak mayaman dahil sa mga galawan nito.

Naging magkasundo agad kami ni Miles. Mabait ito at napakahinhin pa.Napansin nila ako ni Rocky kaya binati ko silang dalawa at kung di ako nagkakamali may pagtingin si Rocky kay Miles kasi lagi ko tong nakikitang nakatingin kay Miles. Ngumiti lang ako sa kanilang dalawa.

"Hi Alex,"bati ni Rocky.

"Hi,kukuha lang ako ng pagkain ni Colt.Oras na rin ng gamot niya eh."

"How's Colt?"

"Medyo okay naman na siya need niya lang muna ng mahabang pahinga,sige iwan ko muna kayo.Miles ano na kumusta diskarte ni Rocky." pang-aasar ko sa kanya.Nakayuko lang siya,sobrang hiyain lang siguro talaga.

Paakyat na ako sa kwarto ni Colt kumatok ako pero walang sumasagot.Kaya pumasok nalang ako at dahan-dahang naglakad at ilalapag ko nalang sana sa mesa ang pagkain baka kako nakatulog na ng biglang may nagsalita sa likuran ko.

"What are you doing?"

"Aaaaayyy kabayong bakla,,,,ano ba naman kayo sir halos humiwalay ang kaluluwa ko sa katawang lupa ko sa sobrang gulat."

Nang paglingon ko ay natulala ako sa taong nasa harap ko.Bagong ligo at basang basa pa katawan nito,at kahit may mga sugat pa ito sa balikat at tagiliran ay ang macho nitong tignan ang bato batong abs nito na halatang alagang alaga sa pagwo-workout.

"Hey close your mouth,baka tumulo laway mo."

"Aba't, hoyyy,anong tingin mo maglalaway ako sayo?naku wag mo ko igaya sa ibang babae noh makakita lang ng pandesal ay tulo laway agad! kapal nito."

"Bakit, sa tingin mo di ako nakaka-aattract  tignan?"

"Hindi!! at sir huwag ka ambisyoso na feeling mo lahat ng babae ay mafa-fall at maghahabol sa iyo.At sir ang ipinunta ko dito trabaho hindi paglalandi."

Minsan talaga pahamak din tong bunganga ko eh,nakakahiya pero wala na akong magagawa nasabi ko na feeling mo rin self.

"Talaga ba?kahit lapitan ko ng ganito kalapit?"

Napaatras ako sa gulat ng bigla ay lumapit siya sa akin at ibinaba ang mukha niya at pinantay sa akin.

"oh,s-sir,ang sinasa-" hindi ko na matapos ang sinsabi ko ng magsalita siya ulit.

"Don't tease me, maybe if I can't stop myself we will end up in bed?"

Sabi niya ng nakangiti.Na agad nakapamula ng mukha ko at kinakabhan ako sa di malaman na dahilan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status