LOGINSi Alexis ay isang dalagang puno ng pangarap sa buhay. Pero paano niya matutupad ang pangarap kung puro naman kamalasan ang nangyayari sa kanya? Nawalan na ng magulang, at ngayon namang binubuhay ng mag-isa ang sarili ay natanggal pa siya sa trabaho? Hanggang panaginip nalang ba ang kanyang mga pangarap? Paano kung isang araw ay makatagpo at makilala niya si Colt isa sa mga top billionaires sa bansa.Subalit sa kabila ng pagiging bilyonaryo nito ay marami ang naghahangad sa kanyang kayamanan at kapangyarihan na naging mitsa ng buhay nito. Ang binata na kaya ang makakapagpabago ng kanyang kapalaran o isa rin ito sa magdadala ng kamalasan sa kanyang buhay?
View MoreALEXISKINABUKASAN nagising ako sa ingay kaya tumayo ako at lumabas nakita ko si Aling Pinang na patakbong pumasok sa kwarto ni Tito Steve at nang lumabas ito aya bitbit niya ang gamit ni Tito."Aling Pinang, ano pong nangyayari? Ba't parang nagkakagulo kayo?" takang tanong ko sa nag-alalang mukha ni Aling Pinang."Si sir Steve po kasi inatake kaya sinugod nila sa hospital sa bayan." nag-aalalang sagot ni Aling Pinang."PO?!" biglang umahon ang kaba sa dibdib ko dahil sa narinig. Kaya nagmamadali akong pumasok sa kwarto at nagbihis gusto kong puntahan si Tito Steve sa hospital kahit kumikirot pa ang sugat ko ay pilit pa rin akong gumalaw. Pagkabukas ko ng pinto ay nagkasalubong kami ni Colt na papasok din sana sa kwarto ko."Ano nanaman kaya naisipan nitong kumag na ito at nandito ngayon sa harap ko, na ilang araw niya akong di pinapansin at maalaan ko nalang na may relasiyon sila ni Miles. Tapos ngayon ang lakas ng loob na humarap sa akin?!" inis na sabi ko sa sarili ko."A-anong ka
Parang gusto niya maglaho na parang bula ng mga oras na iyon dahil sa nakikita niyang galit sa mukha ni Colt. Hindi niya maintindihan kung ano ang nangyayari nabigla nalang siya sa sumunod na eksena. Nakita niyang natumba si Roax sa buhanginan sapo ang bibig na duguan. Nang makita kong susugurin ulit ito ni Colt ay hinarang ko ang sarili. "COLT, please tama na! Ano bang nangyayari sayo?!" Galit na sigaw ko sa kanya. Pero wala akong sagot na nakuha sa kanya at bigla nalang siyang umalis. Kaya tinulungan kong tumayo si Roax. "Tshhh, ano ba kasi napasok sa isip mo at ginawa mo yun?" mapanuyang tanong ko sa kanya. Imbes na sagutin niya ang tanong ko ay ngiti lang ginanti sa akin na sagot. Pagkarating namin sa Rest House ay ginamot ko agad ang sugat ni Roax. Natatawa ako sa itsura niya pagnilalapatan ng gamot ang mga sugat ay para itong bata. KINAGIBIHAN ay di siya sumabay sa hapunan ng mga ito pinuntahan niya lang ang Tito Steve niya para kumustahin ito. At pagkatapos nilang m
COLT Tumawag sa akin si Roax para ipaalam na nagising na si Alexis kahit gusto ko na makabalik agad sa Resort pero kailangan ko muna asikasuhin ang importanteng bagay na ito. Para kahit sa pagbabakasyon naming ito ay maging tahimik at safe ang mga buhay namin. Pagkababa namin ng sasakyan ni Rocky ay may sumalubong agad sa amin na tauhan ng kakausapin namin ngayon. Habang nakikipag-negosasyon si Rocky sa mga taong nasa harapan namin ngayon ay lumilipad ang isip ko kay Alexis. Di ko hahayaan na mauulit sa kanya ang nangyari kahapon halos mabaliw ako sa pag-alala sa kalagayan niya kahapon. Alam kong kasalanan ko ang lahat ng ito kaya siya napapahamak kung hindi ako nanghingi ng tulong sa kanya ng gabing iyon naging tahimik sana ang buhay niya ngayon. Dahil sa lalim ng iniisip ko ay di ko na namalayan na tapos na pala ang pakikipag-usap ni Rocky sa mga kameeting namin. "Dude parang kanina pa kita napapansin na wala sa sarili, okay ka lang ba talaga?" untag ni Rocky. "Iniisip
ALEXIS Nagising akong mag-isa sa kwarto ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyari kahapon ang huli ko lang naalala ay nung nabaril ako at nawalan na agad ako ng malay. Tatayo na sana ako ng pumasok si Miles."Uh, Alexis, mabuti naman at nagising ka nag- alala kami nang sobra sayo kahapon.""Pa-pasensya na kayo at pinag-alala ko kayo," tugon ko. Medyo kumikirot pa ang sugat ko pero nakakaya ko naman ito."Ammm, siyanga pala wala sila Colt at Rocky, may importante silang pinuntahan." sabi niya."Ah, ganun ba?" tugon ko sa nadidismaya na boses."Gusto mo ba dalhan kita ng pagkain mo dito?" "Ah, huwag na Miles nakakahiya naman sayo, nakakaabala na ako masyado. Kumusta na pala yung paa mo? okay ka lang ba?" tanong na nag-alala din sa kanya."Okay naman na," mahinhin niyang sagot.Alam ko na nag-aalangan din siyang makipag-usap sa akin. Kahit hindi kami ganun ka close ni Miles ay ganun pa rin ang pag-alala ko sa kanya. Gusto ko naman na maging malapit sa kanya pero parang siya yung umiiwa


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews