Share

The Billionaire and his Maid
The Billionaire and his Maid
Penulis: ladyaugust

Prologue

Nakakainis naman anong kamalasan ba tong nangyayari sa buhay ko bakit ganito lage nangyayari, wala na ba talagang swerte na mangyayari?

Lord naman bigyan mo naman ako kaswertehan sa buhay, nagsasawa na po ako sa kamalasang nangyayari sa akin. Kahit isang beses lang naman Lord bigay mo na ang swerte ko. Bulong ko na nakatingala sa langit.

Bakit ba naman kasi ako pa napagtripan ng bruha naming manager, ako pa talaga ang pinatanggal sa trabaho.Paano na ako nito ngayon, ilang araw na akong naghahanap ng mapapasukan. Lahat ng ma-aapplyan ko iisa ang sinasabi tatawagan nalang.

  Malapit na bayarin ko sa apartment na inuupahan ko baka palayasin na ako nang may-ari nito pag di pa ako makabayad. Saan naman ako maghahanap nito ng perang pambayad.

Pagmamaktol niya sa sarili.Hindi na niya alam ang gagawin niya.

Habang naglalakad siya sa madilim na bahagi ng daanan na to pauwi sa apartment niya.Nang di inaasahan ay may nakita siyang tao na nakahandusay sa may daanan.

"Aba, gagong tao to ah dito pa talaga naisipang matulog sa daan. Magpapakalasing hindi naman pala kaya, anong palagay niya sa kalsada hotel?! " usal ko sa sarili ko."

Lalagpasan nalang sana niya ito nang marinig niya itong umungol na parang nahihirapan.Wala pa naman masyadong nagdadaan sa lugar na yun pag sobrang gabi na.

Sa sobrang curious niya nilapitan niya ito ng dahan dahan at tinignan at laking gulat niya na ang suot nito ay maraming dugo. Sa sobrang takot niya ay umatras siya ng dahan dahan. Ngunit sa di inaasahang pangyayari ay nahawakan nito ang kanyang isang paa at....

"Ayyy,,,,  ano ba!!  bitawan mo ako!!"

Bigla ay sinipa niya ito sa tagiliran at nabitawan siya nito sa pagkakahawak sa kanyang paa. Napaigik ang lalaki, ng lingunin niya ito ay namimilipit ito sa sakit.At dahil sa mabuti ang kanyang puso naawa naman siya dito.

"Bakit ba kasi hinawakan mo paa ko? May mga sugat ka na nga nangmamanyak ka pa! "

"H-help me, pp-please, " pagmamakaawa pa nito.

"Uyyy, inglis yun ah," nagawa niya pang magjoke kahit sobrang takot na niya.

"P-please tulungan mo ako, babayaran kita kahit magkano, basta tulungan mo akong ilayo  dito. "

"Anong sabi mo? Babayaran mo ko kahit magkano basta malayo kita dito?  Bakit mayaman ka ba? "

"Sh*t,,hey woman tutulungan mo ba ako magtatanong ka nalang diyan? Hanggang sa abutan nila tayo dito?"

"Hoy,,!!  lalaki anong tayo?  walang tayo! ambisyoso ka rin noh! at hoy pwede nga huwag mo akong idamay dyan sa gulong pinasok mo."

Inis ko turan sa kanya. Bigla ay nagulat ako sa ginawa niya.

Pilit na tumayo ang lalaki at dahil sa natamo nitong sugat sa balikat at tagiliran ay nahilo at parang mabubuwal na ito. Nakahawak pa man din to sa kanya para di matumba. .

At sa kamalas malasan ay naout balance ang lalaki dahil sobrang nanghihina na ito. Bigla ay nagulat siya dahil nakayakap na ito sa kanya. Nang tignan niya ito ay natulala siya.

"Ohh,,, ang gwapo pala ng mokong na to. Kahit sobrang pawis na ito ang bango pa rin, ang mga mata,ilong,labi,hulma ng panga nito na bumagay sa mukha niya napakaperfect naman talaga oo. "

"Miss, pwede ba mamaya mo na ipagpatuloy ang pagtitig sa akin? baka maabutan na nila tayo."

"Aba gago to ah,, O-oo na, ito na nga oh,,, lakas nang loob mo ah. Kumapit ka sa akin ng mabuti tutulungan kitang makatayo ng maayos, kaya mo pa bang maglakad? Papara lang ako ng taxi. Hoyyyy, ikaw magbabayad sa taxi ha?!  wala akong pera dinamay mo lang ako dito. "

Habang pumapara ako ng taxi ay nakaakbay pa rin siya sa akin parang doon na lang siya kumukuha ng balanse para makatayo ng maayos pero ramdam ko na ang panghihina niya.Pagkapara ko nang taxi ay inalalayan ko siyang makasakay muna bago ko siya tinabihan.Kahit nagulat man ang taxi driver sa duguan na katawan ng kasama niya ay di pa rin itong nag atubili na pasakayin sila.

"Hoy,,! lalaki huwag ka mamamatay diyan, wala akong pambayad sa taxi at di ko alam kung san ka nakatira,baka mamaya ako pa pagbintangan sa nangyari sayo eh,,at hoy!  pag namatay ka diyan wala akong perang pangpalibing sayo naku!!!  ano ba kasi tong pinasok kong gulo,,kung mamalasin ka nga naman oh."

"Miss, can you please stop talking?!  lalo akong nahihilo sayo eh. "

"Ah,,, ano?!  soooo,, kasalanan ko pa na nahilo ka?!  Aba kapal din ng apog mo noh!  ikaw na nga yong tinulungan ko nagmamalaki ka pa,,,,,, Ahhh,eeehhh kunsabagay,malaki ka naman talaga eh. "

Nakarating na kami sa address na ibinigay niya kanina sa taxi driver ay ginising ko na siya, nakatulog kasi to kanina sa habang nasa byahe kami.Medyo malayo layo din ang lugar na ito.

"Hoy gising andito na tayo, pogi mo talaga kahit tulog ka, tsssshhh.. Taman kaya tong binigay na address ng mokong halos nakikita ko sa di kalayuan ay halos ang lalaki ng mga mansion."

Di ako makapaniwala sa ng mansion nato.Sa kanya kaya ito? Hay,, naku paki ko ba kung sa kanya ito o hindi. Basta ang importante naihatid ko siya ng ligtas, "may good sides din ako noh." pero dapat tuparin niya pa rin yung sinabi niya sa akin na babayaran niya ako sa pagtulong ko sa kanya malaking tulong din yun sa akin.Buwis buhay din yung ginawa ko noh paano kong malaman nung mga naghahabol sa kanya na ako ang tumulong? delikado din ang buhay ko.

Naihatid ko nga siya dito ng ligtas eh ako kaya magiging ligtas ba ako sa lalaking ito?. Sa kinasangkutang gulo nito at ang sinasabi nitong may humahabol sa kanya mukhang malabong ligtas ako.

Nauna na akong bumaba sa taxi at pagkatapos ay tinulungan ko siyang makababa. Halos wala ng kulay ang mukha nito namumutla na, nanghihina na rin ito kaya sobrang bigat na rin niya marami ng dugo ang nawala sa kanya kaya kailangan na nito agad magamot.

"Ooyy,, ang bigat mo, saglit lang andito na tayo magagamot ka na, huwag ka munang sumuko magbabayad ka pa sa akin. "

Nagdoorbell ako at bumukas naman agad ang napakalaking gate at ang daming bodyguard ng lalaking ito at hindi lang ito basta basta mga bodyguard mukhang mga mahuhusay din to sa bakbakan. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat ng palibutan nila kami.

"Men, search niyo muna ang area baka may nakasunod sa kanila."

Sabi nung isang tauhan niya. Ano kaya mga trabaho ng mga ito hindi kaya to mga sindikato? "omg, may tinulungan siyang isang sangkot sa sindikato?" huwag naman sana.

"Boss, are you okay. " tanong ng isang bodyguard na lumapit sa amin. Sa totoo lang may mga hitsura ang mga ito ang gaganda rin ng mga katawan nila.

"E-excuse me po,pwede pakitulungan niyo po muna ako sobrang bigat niya rin po kasi. At sa tingin niyo po ba sa kalagayan niyang ganyan, okay pa siya? "

Pagtataray ko ,kasi ang sakit na kaya ng mga balikat ko noh, tapos uunahin niya pa pagtanong alam naman niyang di okay kalagayan nito eh halos wala na ngang malay ito.

Napahiya pa ako sa kolokoy na bodyguard nito. Tinaliman ba nama. ako ng tingin. Sarap tusukin ang mata eh, kahit ang pogi.At iniwan ako dito wala man lang thank you sa pagtulong ko sa boss nila.

"Maam pasok na po sa loob baka may makakita pa sa inyo dito na kalaban. "

Sabi nung isa pang bodyguard. Kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod dun sa antipatikong body guard na umalalay dun sa lalaking tinulungan ko. Pagka bungad namin sa pintuang malaki ay may sumalubong na lalaki.

"Oh,,,holy sh*it dude! Colt what happen to you?"

Sabi nung lalaking halos makalaglag panty din ang kagwapuhan.

"Diyoskolord, nasa heaven na ba ako? bakit parang mga greek god tong mga nakapalibot sa akin? "

"Oh, and this beautiful lady who are you? "

"Ha,oh,,beautiful lady daw, luminga linga ako baka kako may sumunod sa likod ko pero wla naman akong makita, so ibig sabihin may nakikita silang di ko nakikita?  napakacreepy pala ng mga ito. " usal ko sa sarili ko."

"Hi miss beautiful, " at lumapit siya sa akin.

"B-beautiful, ako? beautiful,,, hahahahaha, grabe natawa ako sa joke mo. "

"I like you, youre so funny. "

"Anong tingin ng kumag na to sa akin clown?  kung makafunny wagas, " usal ko sa isip ko.

Pero grabe ha, napapalibutan ako ng mga pogi ngayon ha ang swerte naman? pero noooo, hindi itong swerte na to ang gusto ko Lord kahit di na ako palibutan ng pogi basta kailangan ko ng pera. Marami akong bayarin,kelan pa ba kasi magkakamalay yung taong tinulungan ko,, (eh ano ba! wag kayo magulo nakikibasa lang kayo, di ko yun kilala).

"I'm Rocky, bestfriend ko si Colt, ahhh,,,yung lalaking tinulungan mo."

Pagpapakilala niya na nakangiti, naku ngingiti to lalong malalaglag panty ko sayo, pero wow ha pati mga pangalan ang uunique. Iba na talaga pag mga mayayaman.

"I'm Alexis, ako yung nakakita sa kaibigan niyo sa na nakahandusay sa daan."

"Owww,,ang maswerteng babae na nakaligtas sa buhay ng isang Colt Zachary Razon."

At sino namang tong lalaking kakababa lang ng hagdan.Kahit matanda na ito ay makikita mo pa rin sa kanyang itsura na gwapo to nung kabataan niya. Makisig din ito kahit may edad na.

"Thank you iha, at di ka nagdalawang isip na tulungan ang pamangkin ko. Sa katunayan niyan kanina pa kami nag-aalala dahil di namin makontak ang phone niya. Napakatigas kasi ng ulo ng batang yan,tinakasan ang mga bodyguard kaya ayun nakahanap ng pagkakataon ang mga kalaban,buti nalang at di siya napuruhan, mamatay ako ng maaga sa sobra pag-aalala sa batang yan. "

"Naku,tito di na kayo nasanay sa pamangkin niyo. " sabi ni Rocky sa matanda.

"By the way iha, I'm Steve, Colt's is my one and only nephew at nag-iisang anak ng namayapa kong kapatid.Kaya ayaw ko na may mangyaring masama sa kanya nag iisang pamangkin ko yan at tagapagmana ng mga Razon."

"Naku po sir, napakatapang po ng pamangkin niyo kaya huwag po kayong mag-alala kaya niyang protektahan  sarili niya."

"Nakakatuwa ka naman iha.Napapalakas mo ang loob ko. "

"Ganun na ba ako ka clown sa itsura ko at natutuwa sila sa akin? " usal ko sa isip ko.

"Anong trabaho mo iha? anong pangalan ng mga magulang mo? "

Bigla tuloy akong nalungkot sa mga tanong niya, paano ba naman kasi wala na akong magulang wala na rin akong trabaho.

"Ahhh,, matagal na pong patay mga parents ko sir,  at wala na rin po akong trabaho. Sa katunayan nga niyan kanina habang naglalakad ako at makita ko pamangkin niyo galing pa po ako nun sa pinag-applyan ko. "

Malungkot kong pag-amin sa kanya.

"Ganun ba, ikinalulungkot kong malaman na wala ka na palang magulang iha, alam kong mahirap din yun sa kalooban mo, magkapareho pala kayo ni Colt.By the way may e-ooffer ako sa iyong trabaho iha. "

"Talaga ho!? "

Tuwang tuwa ako sa narinig ko na oofferan ako ni sir Steve ng trabaho. Siguro ito na yung swerte na ipinagdasal ko.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status