Share

Chapter 124

Author: Raine
last update publish date: 2025-07-22 22:27:50

Paglabas ni Czarina ng area department nila ay natanaw niya na agad ang lalaking nakaupo sa may sofa sa visitor's area na naghihintay sa kanya. Medyo malayo ang pwesto nito sa mga dumadaang mga tao at wala ring nakaupo sa malapit.

Nakasuot ng itim na suit si Zayden at modelong-modelo ang dating nito habang nakaupo at nakadekwatro ng upo. Seryoso lang ang mukha habang pasilip-silip sa kanyang mamahaling relo.

Lumapit si Czarina at agad napansin ni Zayden ang pagdating niya. Nag-angat ng mukha
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (9)
goodnovel comment avatar
Farrah Bin't
tapos ending aada c chloe na paka kasalan tapos hahabulin nmn ni zayden c czarina dahil likigawan na ni Adrian ohhh diba bongga hahahah
goodnovel comment avatar
amethyst
Maghiwalay daw muna cla bago malaman ni zayden na c czarina ang nagligtas diba miss a
goodnovel comment avatar
adik sayo to
sana manligaw na c Adrian ...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 362

    "Alam mo, kalimutan na natin ang mga nangyari sa nakaraan," sabi ni Chloe at ngumiti kay Czarina. "Basta't hindi mo na ako papakielaman pa o guguluhin o idadamay sa kung ano'ng trip mo, wala na sa akin ang nakaraan, Chloe." Kabisado ni Chloe si Czarina. Kapag sinabi nitong titigil na o tapos na siya ay totoo iyon. It made her happy. Basta't walang Czarina Laude sa buhay niya, maayos silang dalawa ni Zayden, maikakasal na siya sa pinakamamahal niya... that will be it. She'd be very satisfied and happy. "Thank you, Cza." Nilagpasan na ni Czarina si Chloe at sakto namang papunta sa pwesto nila si Zayden. Nagkasalubong ang dalawa pero mabilis na naglakad na paalis si Czarina at hindi pinansin ang lalaki. Sinundan ni Zayden ng tingin si Czarina bago dumiretso kay Chloe. "Ano'ng pinag-usapan niyo?" Natanaw niya ang dalawa na nag-uusap kanina. Chloe shook her head. "Wala naman, nabanggit ko lang din sa kanya na may balak na tayong magpakasal. Sorry, medyo napadaldal ako,

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 361

    Pagdating ni Czarina sa hospital ay agad niyang nakita ang mga taong hindi niya gustong makita ngayong araw.Sina Brent Smith at ang mommy nito. Mukhang may follow-up check-up ang ginang. Nang magkatinginan silang tatlo ay mabilis at kalmadong iniwas ni Czarina ang tingin sa mga ito at dire-diretsong naglakad palayo sa kanila.Ayaw niya ng gulo. Hangga't wala namang ginagawa muli ang mga ito sa kanya ay wala naman siyang balak gawan din ang mga ito ng masama.Medyo nahiya rin si Brent nang makita ang babae dahil alam niyang kasalanan naman ng mommy niya ang nangyari kaya iniwas niya na lang din ang mukha sa babae."Mom, huwag mo nang uulitin ang ginawa mo kay Czarina. Ni hindi natin siya masisisi dahil ikaw naman pala ang nauna," pangangaral ni Brent sa mommy niya."Hay!" pabuntong-hiningang saad ng ginang. "Ayaw ko lang namang makita na nasasaktan ang kapatid mo."Tipid na ngumiti na lamang si Brent sa mommy niya at hindi na nakipagtalo.*****Pagpasok ni Czarina sa staff room ay nar

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 360

    Latest News:Calix Javier finally speaks up about the viral video involving him and an actress."I'm the one at fault here. Pasensya na sa mga naabala, sa mga na-disappoint sa video, at sa lahat ng mga naguluhan sa mga nangyari. I'm in love with Klarisse for a long time now. Yesterday, I wasn't able to control myself and I kissed her, I kissed Klarisse. Kaya tigilan niyo na po siya, she's innocent. Gusto ko na ring gamitin ang pagkakataon na ito upang humingi ng tawad sa kanya. Klarisse, I'm really sorry for what happened. So, please, everyone, stop dragging her name into this issue anymore." - Calix Javier*****Matapos mabasa ang buong laman ng kalalabas lang na article na iyon ay nagkatinginan ang dalawa, parehong naguluhan sa nangyari, at parehong hindi makapaniwala.Tila nawalan ng sasabihin si Klarisse. Hindi niya alam kung bakit at nakakagulat talaga na sinalo lahat ni Calix iyon.The whole context of Calix's words is just clearing her name. Ni wala itong pakielam kung siya man

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 359

    Disgust is evident on Klarisse's face. Hindi niya gusto si Calix Javier, she absolutely hates the guts of him. Kaya ano itong katangahan na ginawa niya?Nakaupo lang ito sa sulok at nakayuko, nilalaro niya ang mga kamay na tila naglalabas ng inis doon. "Bakit sa dami ng gagawin... the hell? Bakit iyon pa? Bakit ko iyon hinalikan?" Sinabunutan niya ang sarili. "At sa dinami-rami pa ng tao, ng lalaki sa bar na iyon... bakit kailangang si Calix Javier pa? Sh*t naman talaga."Nilapitan ni Czarina ang kaibigan. Gusto niyang matawa sa reaksyon nito pero naaawa rin siya sa sitwayon nito ngayon.May tumunog muli na cellphone pero sa pagkakataon na iyon ay hindi na kay Klarisse.Itinaas ni Czarina ang cellphone niya at ipinakita sa kaibigan ang caller."Tumatawag ang kissing mate mo," pabirong wika ni Czarina.Tinapunan ni Klarisse ng masamang tingin ang kaibigan.("Czarina, kasama mo ba si Klarisse ngayon") tanong ng nasa kabilang linya pagkasagot ni Czarina sa tawag."Oo, kasama ko siya. B

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 358

    "AAAHHHH!!!"Nagising si Czarina nang marinig ang malakas na boses ni Klarisse sa kanyang tabi."Hmm," ungol ng babae na tamad na tamad pang magmulat ng mata.May narinig siyang nag-ring kaya tumingin siya sa gawi ng kaibigan. Kagat-kagat nito ang kanyang daliri habang nakatingin sa cellphone niya. Mukhang tumatawag ang manager nito."Wala na, sh*t, katapusan ko na," tila naiiyak na sabi ng babae.Doon lang parang nagising ang diwa ni Czarina. Napaupo siya at agad dinaluhan ang kaibigan.Kinuha rin ni Czarina ang phone niya at hindi na niya kailangang tanungin pa ang kaibigan kung para saan ang reaksyon nito.Tumambad sa kanya ang mga trending articles tungkol sa nangyari kagabi.'HOT ISSUE: FAMOUS ACTRESS CAUGHT KISSING WITH A HOTSHOT BUSINESSMAN LAST NIGHT''JAVIER GROUP HEIR AND A FAMOUS ACTRESS WENT HOME TOGETHER LAST NIGHT'At may larawan pa iyon ng pagsakay ng dalawa sa sasakyan hanggang sa pumasok ang sasakyan sa bahay nila Czarina."Czaaa!" pag-iyak ni Klarisse. "Sh*t ginawa k

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 357

    Pagbalik ni Czarina na may dalang tubig ay nakasakay na si Klarisse sa likod ni Calix."Czarina, ako na ang maghahatid sa inyo," mababa at paos ang boses ni Calix ng sabihin iyon kay Czarina.Kumunot ng bahagya ang noo ng babae."Hindi na," sagot nito at sinubukang kunin ang kaibigan mula sa lalaki. Pero bago pa niya magawa iyon ay hinigpitan ni Klarisse ang pagkakayakap sa leeg ng lalaki.Bahagyang nagulat si Czarina sa ginawa ng kaibigan."Klarisse," mariing tawag ni Czarina sa kaibigan upang mahimasmasan ito kahit paano.Bumukas nang kaunti ang mga mata ng babae."Hmm," ungol nito at muling pumikit."Bumaba ka na diyan at ihahatid na kita. Bitiwan mo na si Calix," namomroblemang turan ng Czarina."Ayaw," parang bata na sagot nito at muling niyakap nang mahigpit ang lalaki. "Dito muna ako."Halos malaglag ang panga ni Czarina sa mga naririnig. Nang wala na siyang matinong sagot na makuha kay Klarisse ay tinapunan niya ng mapanghusgang tingin si Calix. Ano ang ginawa nito sa kaibiga

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 196

    "Siguradong takot na takot iyon pagkagising niya bukas," sabi ni Viktor habang nasa loob ng sasakyan.Natawa si Ichan, "Sino ba ang hindi matatakot sa itsura ni SH?"SH o Secret Hacker ang magiging tawag ni Ichan kay Czarina, sinasanay nila ito at baka biglang madulas ang lalaki sa kung sino. Magal

    last updateLast Updated : 2026-03-29
  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 204

    Nagsilapitan na ang mga rescue, maging ang mga pulis, upang tumulong."Bakit niyo pa ba ako inililigtas? Mas okay na na mamatay na ako!" umiiyak at nagpupumiglas pa rin ang babae.Nagwawala ito at hindi halos makalapit ang iba pa na gustong umalalay. Sumasakit na ang kamay ni Czarina sa patuloy na

    last updateLast Updated : 2026-03-29
  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 195

    Malalim na ang gabi, wala ng mga bisita sa hospital, at tahimik na ang paligid.Umupo si Chloe sa kanyang pagkakahiga. Hindi siya makatulog. Wala siyang kasama sa loob ng kwarto ngayon at aminado siya na kahit papaano ay takot siya sa mga kwentong multo sa hospital.Kinakabahan na kinuha niya ang k

    last updateLast Updated : 2026-03-29
  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 198

    Habang palabas si Czarina ng inpatient department ay narinig niya ang boses ni Sanya na tinatawag siya. "Czarina!" Lumingon si Czarina at hinintay makalapit sa kanya ang ngayong hinihingal na na si Sanya. "Bakit?" kalmadong tanong ni Czarina pero sa loob niya ay kabado siya sa posibleng marin

    last updateLast Updated : 2026-03-29
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status