Share

Chapter 130

Penulis: Raine
last update Terakhir Diperbarui: 2025-07-26 20:46:34

"Czarina..."

Sa harap ng bukas na pintuan ng hospital room ng lolo ni Czarina, ay isang matikas at istriktong boses ang narinig.

Sabay na napalingon sina Czarina at Zayden kay Samuel Laude, ang ama ni Czarina. Seryoso ang mga mata nitong nakatingin sa kanyang anak at sa lalaking kasama nito.

Napaatras si Czarina palayo kay Zayden.

"Dad," sambit nito.

Bumati din si Zayden.

"Dad," anito.

Hindi inaasahan ni Samuel Laude na makikita niya rito si Zayden. Gusto niyang magalit pero walang dahilan para roon lalo na't sinamahan nito si Czarina patungo rito.

Gayunpaman ay seryoso nitong tinignan ang lalaki at sinabing, "Salamat sa pagsama mo sa anak ko rito. Pero pwede bang sa mga susunod ay 'wag ka ng lalapit pa sa kanya at sa amin? That will be better for all of us. Nawa'y naiintindihan mo ang pinupunto ko."

Parehong natigilan sina Czarina at Zayden. Kinakabahan si Czarina, ayaw niya namang magkaroon ng kakampihan.

Lumapit si Czarina sa kanyang ama at hinawakan ang kamay nito upang pakal
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (1)
goodnovel comment avatar
carolantonio600
wow ang bilis mag update ngayon ............more and more updates please
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 131

    Sa kagustuhan at pagpipilit na makasal kay Zayden ay nasaktan niya ng sobra ang kanyang pamilya. Bilang nag-iisang anak, prinsesa talaga siya tulad ng sinabi ng kanyang ama. Hindi siya pinagagalitan, sinisisi, o ipinapahiya. Pero lahat iyon ipinadama ni Zayden sa kanya. Gusto niya ring magsumbong sa lalaki. Mahirap din para kay Czarina na masaktan ang sariling pamilya, gusto niya rin ng mapagsasabihan ng tunay na damdamin niya. Na kung kailangan ni Chloe si Zayden, ay mas lalong kailangan niya ang lalaki. Lahat ng mga laman ng kanyang isipan ay kitang-kita sa kanyang mga mata. Hindi niya iyon sasabihin at wala rin naman ng sense pa para sabihin iyon. Wala namang pakielam si Zayden sa kahit na ano pang sabihin niya. Nagmamadaling naglakad si Czarina at hinayaan si Zayden sa kanyang likuran na nakasunod. Nang medyo malapit na sa exit ay huminto siya at hinarap ang lalaki. "Dito na lang kita maihahatid. Pasensya na sa abala ko sa'yo ngayong araw." "Hmm." Tumango si Zayden habang

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 130

    "Czarina..." Sa harap ng bukas na pintuan ng hospital room ng lolo ni Czarina, ay isang matikas at istriktong boses ang narinig. Sabay na napalingon sina Czarina at Zayden kay Samuel Laude, ang ama ni Czarina. Seryoso ang mga mata nitong nakatingin sa kanyang anak at sa lalaking kasama nito.Napaatras si Czarina palayo kay Zayden."Dad," sambit nito.Bumati din si Zayden. "Dad," anito.Hindi inaasahan ni Samuel Laude na makikita niya rito si Zayden. Gusto niyang magalit pero walang dahilan para roon lalo na't sinamahan nito si Czarina patungo rito.Gayunpaman ay seryoso nitong tinignan ang lalaki at sinabing, "Salamat sa pagsama mo sa anak ko rito. Pero pwede bang sa mga susunod ay 'wag ka ng lalapit pa sa kanya at sa amin? That will be better for all of us. Nawa'y naiintindihan mo ang pinupunto ko."Parehong natigilan sina Czarina at Zayden. Kinakabahan si Czarina, ayaw niya namang magkaroon ng kakampihan. Lumapit si Czarina sa kanyang ama at hinawakan ang kamay nito upang pakal

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 129

    Maya-maya lang ay inilabas na nila ang lolo ni Czarina, wala pa rin itong malay habang tinutulak ang higaan nito para ilipat sa private room. Sumunod ang buong pamilya doon at nahuli si Zayden. Habang naglalakad ay nahagip ng mata niya ang isang babae na nakasuot ng puting coat. Kumunot ang noo niya nang mapansin na tila kapareho ng figure ni Czarina ang babae. Si Czarina ba iyon? Nagtataka niyang sinundan ang babae pero hindi nang dumaan sila sa maraming tao at ilang mga doctor na nakasuot din ng puting coat ay nawala sa paningin niya ang sinusundan. Luminga-linga ito sa paligid pero hindi na niya nakita pa ulit ang babae. Samantala, sa likod ng isang poste ay pinagmamasdan ni Czarina si Zayden na tila may hinahanap. Tinanggal na niya ang suot na coat na medyo masikip sa kanya. Muntik na siyang makita ni Zayden! Nang tumalikod na ang lalaki ay umalis na rin si Czarina sa pwestong iyon. Habang naglalakad ay nag-ring ang phone niya. Halos mapatalon siya sa gulat, hindi pa nakaka

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 128

    "Padaanin niyo muna kami," sabi ni Zayden sa medyo nakakatakot na boses kaya napaatras ang ilan at nagkaroon ng kaunting espasyo para makaalis na sila doon. Agad ding tumulong ang mga guards ng hospital hanggang sa tuluyan na silang makapasok sa hospital. Nagmamadali at halos takbuhin ni Czarina ang daan patungo sa may emergency room. Nasa likod at nakasunod sa kanya si Zayden na bukod sa sinasabayan ang bilis ni Czarina ay nakaantabay din siya sa babae dahil baka bigla na lang itong matumba o may mabunggo dahil wala itong pakielam sa paligid niya ngayon. Sa labas ng emergency room ay namataan ni Czarina ang kanyang pamilya, ang kanyang ama na nakatayo at nakabantay sa kanyang ina at lola. Umiiyak ang dalawang babae at kita ang labis na pag-aalala sa kanila. Napatingin sa kanya ang dad niya nang mapansin na may dumating. Lumagpas din ang paningin nito sa taong nasa likuran niya. Nagulat ito nang makita si Zayden. Ano naman ang ginagawa ng lalaki rito? At kasama pa ni Czarina.

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 127

    Habang nasa loob ng sasakyan ay umilaw ang phone ni Czarina. May nag-send sa kanya ng isang article na naglalaman ng tungkol sa nangyari sa lolo niya. 'The Chairman of the Laude family had a sudden heart attack and is currently in the hospital' Dumoble ang kaba ni Czarina nang mabasa iyon. Hindi niya alam kung saan galing ang balita na iyon pero batid niyang posibleng totoo iyon bagamab ikipinagtataka niya kung bakit heart attack. Healthy naman ang lolo niya, nagpapa-check up din ito taon-taon. Kaya paanong nagkasakit ito sa puso? O hindi niya lang alam dahil abala siya sa ibang bagay? Hindi na natiis ni Czarina at muling tinawagan ang ama. Naiiyak na siya sa sobrang sakit na nararamdaman. Hindi pa pwedeng mawala ang lolo niya, kailangan niya pang makasama ito ng matagal, kailangan pa niyang bumawi ng oras, panahon, at atensyon dito. "D-dad, kumusta ang lolo?" nanginginig ang boses na tanong ni Czarina nang sagutin ng kanyang ama ang tawag. ("Nasa loob pa, anak, eh. Hindi ko pa

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 126

    "ID and Marriage Certificate," sabi ni Zayden kay Czarina. Agad kinuha ng babae ang mga kailangan at ibinabang muli sa may window.Medyo gulat pa rin ang officer sa nasasaksihan. Tumingin ito sa dalawa at sinubukang kausapin ang mga ito."Sigurado na ba kayo na gusto niyong maghiwalay? Bilang mag-asawa ay talagang madami kayong kakaharapin na pagsubok at normal naman iyon sa lahat kahit na kayo pa ang pinakamayaman sa mundo. Ang totoo--""Napag-usapan na naman ito at final na ang decision namin," putol ni Czarina sa sinasabi ng officer.Mahalaga ang oras nila ni Zayden pareho, bihira sila magkaroon ng extra na oras para sa mga ganitong bagay kaya hindi na nila kailangan pang magsayang pa ng oras.Wala namang bagay na sumusubok sa kanilang dalawa. Wala silang pinagtatalunan na pinagtatalunan ng normal na mag-asawa.Ang isyu dito ay hindi siya mahal ni Zayden. At sa loob ng maraming taon ay ipinilit niya ang sarili sa lalaki. At ngayon ay pagod na siya. Gusto na niyang kumawala sa kasa

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status