Share

Chapter 169

Author: Raine
last update Last Updated: 2025-09-13 20:38:52

Nag-ayos at naghandang mabuti si Czarina para sa kaganapan ngayong gabi. Naka-high ponytail ang buhok niya at may ilang strands na nakababa sa gilid ng kanyang mukha.

Isang mamahaling dress din ang isinuot nito, kilalang designer brand, at nag-uumapaw sa karangyaan ang itsura.

She wants to look presentable. Ngayon lang siya makakadalo ng event na inorganisa mismo ng kanyang Tito Yvo. At madalas ay sa ibang bansa rin ginaganap ang mga events nito kaya naman hindi niya hahayaang mapahiya ito dahil sa kanya.

Bukod sa ito ang organizer ng event ay kilalang mga artista, direktor, producer, at businessman ang mga dadalo sa event na iyon.

She's a Laude. Tiyak na pag-uusapan at lalapitan siya roon. At bilang tagapresenta ng pamilya ay hindi niya ipapahiya ang mga ito.

Madami ng tao sa exclusive garden resort na siyang pagdadausan ng event nang dumating sila Czarina.

May ilang mesa ang nakaayos.

Pagdating pa lang nila ay nagtinginan na ang karamihan na naroon. Agaw-pansin din ang suot
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Melani Angcahan
I thought you trying a daily update Ms. A, thank's 🫰🏼🩷 God Bless 🤍 trying!!!!!...........,,,,,,or let's say, do it pls🫂🫶🏼 atleast one or two chap a day ...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 169

    Nag-ayos at naghandang mabuti si Czarina para sa kaganapan ngayong gabi. Naka-high ponytail ang buhok niya at may ilang strands na nakababa sa gilid ng kanyang mukha. Isang mamahaling dress din ang isinuot nito, kilalang designer brand, at nag-uumapaw sa karangyaan ang itsura. She wants to look presentable. Ngayon lang siya makakadalo ng event na inorganisa mismo ng kanyang Tito Yvo. At madalas ay sa ibang bansa rin ginaganap ang mga events nito kaya naman hindi niya hahayaang mapahiya ito dahil sa kanya. Bukod sa ito ang organizer ng event ay kilalang mga artista, direktor, producer, at businessman ang mga dadalo sa event na iyon. She's a Laude. Tiyak na pag-uusapan at lalapitan siya roon. At bilang tagapresenta ng pamilya ay hindi niya ipapahiya ang mga ito. Madami ng tao sa exclusive garden resort na siyang pagdadausan ng event nang dumating sila Czarina. May ilang mesa ang nakaayos. Pagdating pa lang nila ay nagtinginan na ang karamihan na naroon. Agaw-pansin din ang suot

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 168

    Zayden frowned. Hindi niya nagugustuhan ang mga naririnig mula kay Czarina. Nakaramdam siya ng matinding iritasyon.Itinaas ni Czarina ang kamay at tinignan sa kanyang relo ang oras."Gabi na, umuwi ka na," malamig na sabi ni Czarina.Zayden's heart melted for unknown reason."Czarina," he called her name softly.Sinalubong ng babae ang mga mata ni Zayden. Hanggang kailan ba sila magiging ganito? Hindi ba pwedeng matapos na lang lahat? "Please," halos pabulong na sambit ni Czarina. "Zayden, pakawalan na natin ang isa't isa. I don't want anything to do with you anymore. Ayaw ko na ng kahit na anong koneksyon o dahilan pa para makita ka. Let's just try our best to stay away from each other."Walang luhang lumabas sa kanyang mga mata habang sinasabi iyon na nakatingin sa mga mata ni Zayden.Hindi niya ma-imagine na dumating na siya sa puntong ito.Masakit, mahirap...Pero at least wala siyang kailangang pagsisihan. Ginawa niya lahat para mahalin siya ni Zayden. Inilaban niya hanggang sa

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 167

    "By the way," lumingon si Yvo Laude kay Zayden. "Nabalitaan ko na nakikipag-agawan ka sa lupa na malapit sa airport." Nagkibit ng balikat ang lalaki. "Narinig ko dahil family friend din namin ang may-ari no'n at malapit iyon kay Czarina."Isang tango ang naging sagot ni Zayden."Ano ba ang balak mong gawin doon?" kuryosong tanong ni Yvo."Plano ko pong gawing pribado ang lugar," sagot ni Zayden na medyo mahina pero sapat lang para marinig din ni Czarina.Nag-angat ng mukha si Czarina. Makulimlim ang mga mata nito at nagbabadya ang matitinding emosyon na maaaring lumabas.Yumuko siya at kumuha ng baso ng tubig at doon itinuon ang atensyon.S'yempre, kagaya ng laging nangyayari, ay tama na naman ang mga narinig niyang balita. Na binili at pinagkagastusan ni Zayden iyon upang patayuan ng mansyon para kay Chloe. Isa na namang matinding patunay kung gaano kamahal ni Zayden si Chloe. Sa buhay na ito ay natitiyak ni Czarina na dalawang tao lang ang kayang mahalin ni Zayden ng sobra sobra. S

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 166

    "Oh, Czarina's husband?" Tumingin ang lalaki kay Czarina. "Woah, Akala ko ba ako ang paborito mong tito pero hindi mo pa ako pinapakilala sa asawa mo," sabi ng lalaki.Napatanga si Zayden. Ang galit sa mga mata niya ay napalitan ng matinding pagkalito. Napatingin siya kay Czarina na tila nanghihingi ng paliwanag.Tumingin si Czarina sa lalaking kapapasok lang at inirapan ito."Husband? He's not, okay? Sinabi ko na nga na we're in the process of filing divorce," sabi ng babae."Pero hindi pa, 'di ba? So, we're still all related," sabi ng lalaki at hinarap si Zayden. Ngumiti ito at kita sa mukha na wine-welcome siya taliwas sa mga pinakitang reaksyon ng mga magulang ni Czarina kanina. "Come eat with us, young man.""Tito!" malakas na tutol ni Czarina at tinignan ng masama ang lalaki.Tumingin si Yvo Laude sa kanyang pamangkin na medyo namumula na sa inis."Bakit ka ba sumisigaw, eh, magkalapit lang naman tayo," sabi niya."Private dinner ito kasama ang pamilya ko. Alam ko na alam mo rin

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 165

    Malalim ang iniisip ni Zayden habang nakatingin sa restaurant. Naglalaro pa rin sa isipan niya ang mga nabanggit na salita noon ni Czarina. Hindi man nito diretsahang sinabi pero alam niya na may chance si Adrian sa babae. At sa hindi maipaliwanag na dahilan ay hindi niya iyon gusto. Sumandal siya sa sasakyan at marahas na inalis ang nakasuot sa kanyang tie. Matagal siyang nakatayo roon at nakatingin lang sa restaurant bago pumasok ng muli sa loob ng sasakyan. Madilim ang mukha niya habang nagsisindi ng sigarilyo. Napapadalas na namang muli ang paninigarilyo niya na naitigil na niya dati. Hindi niya rin maintindihan ang sarili. Ano nga ba at sino nga ba siya sa buhay ni Czarina ngayon? Clearly, kung hindi lang siya nadadala ng galit at ng pride niya, kung malinaw lang ang isipan niya palagi, aminado siyang wala naman siyang karapatan na kontrolin ang babae. Kung sina Czarina at Zayden na nga talaga, wala namang masama roon. Pinaandar niya ang sasakyan at pinaharurot paalis. Pero

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 164

    Pagkatapos ng shift ni Czarina ay nagmamadali itong muli na umalis. Nagtitinginan at nag-uusap ang mga katrabaho niya, ang iba ay kinikilig, ang ilan ay nacu-curious. Nitong mga nakaraan ay napapadalas na talaga ang maagang pag-uwi niya.May dala siyang sasakyan ngayon at iyon ang ginamit niya patungo sa hotel. Hindi niya napansin na may isa pang sasakyan ang nakabuntot sa kanya.Huminto ang sasakyan sa tapat ng hotel. Lumabas siya at iniabot sa isang lalaki ang kanyang susi upang mag-park ng sasakyan niya para sa kanya. Malayo ang tingin ng lalaki kaya sinundan iyon ng tingin ni Czarina."Bakit?" kuryosong tanong ng babae."Parang nakasunod sa inyo ang sasakyan na iyon, Ma'am," bulalas ng lalaki habang nakatingin pa rin sa sasakyang naka-park sa kabilang kalsada.Tinignang mabuti ni Czarina ang sasakyan pero agad na rin itong umalis palayo. Pamilyar ang sasakyan na iyon sa kanya, kamukha ito ng isa sa mga sasakyan ni Zayden na bihira niya gamitin. Gayunpaman, hindi niya naman pwedeng

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status