LOGIN"Alam mo, kalimutan na natin ang mga nangyari sa nakaraan," sabi ni Chloe at ngumiti kay Czarina. "Basta't hindi mo na ako papakielaman pa o guguluhin o idadamay sa kung ano'ng trip mo, wala na sa akin ang nakaraan, Chloe." Kabisado ni Chloe si Czarina. Kapag sinabi nitong titigil na o tapos na siya ay totoo iyon. It made her happy. Basta't walang Czarina Laude sa buhay niya, maayos silang dalawa ni Zayden, maikakasal na siya sa pinakamamahal niya... that will be it. She'd be very satisfied and happy. "Thank you, Cza." Nilagpasan na ni Czarina si Chloe at sakto namang papunta sa pwesto nila si Zayden. Nagkasalubong ang dalawa pero mabilis na naglakad na paalis si Czarina at hindi pinansin ang lalaki. Sinundan ni Zayden ng tingin si Czarina bago dumiretso kay Chloe. "Ano'ng pinag-usapan niyo?" Natanaw niya ang dalawa na nag-uusap kanina. Chloe shook her head. "Wala naman, nabanggit ko lang din sa kanya na may balak na tayong magpakasal. Sorry, medyo napadaldal ako,
Pagdating ni Czarina sa hospital ay agad niyang nakita ang mga taong hindi niya gustong makita ngayong araw.Sina Brent Smith at ang mommy nito. Mukhang may follow-up check-up ang ginang. Nang magkatinginan silang tatlo ay mabilis at kalmadong iniwas ni Czarina ang tingin sa mga ito at dire-diretsong naglakad palayo sa kanila.Ayaw niya ng gulo. Hangga't wala namang ginagawa muli ang mga ito sa kanya ay wala naman siyang balak gawan din ang mga ito ng masama.Medyo nahiya rin si Brent nang makita ang babae dahil alam niyang kasalanan naman ng mommy niya ang nangyari kaya iniwas niya na lang din ang mukha sa babae."Mom, huwag mo nang uulitin ang ginawa mo kay Czarina. Ni hindi natin siya masisisi dahil ikaw naman pala ang nauna," pangangaral ni Brent sa mommy niya."Hay!" pabuntong-hiningang saad ng ginang. "Ayaw ko lang namang makita na nasasaktan ang kapatid mo."Tipid na ngumiti na lamang si Brent sa mommy niya at hindi na nakipagtalo.*****Pagpasok ni Czarina sa staff room ay nar
Latest News:Calix Javier finally speaks up about the viral video involving him and an actress."I'm the one at fault here. Pasensya na sa mga naabala, sa mga na-disappoint sa video, at sa lahat ng mga naguluhan sa mga nangyari. I'm in love with Klarisse for a long time now. Yesterday, I wasn't able to control myself and I kissed her, I kissed Klarisse. Kaya tigilan niyo na po siya, she's innocent. Gusto ko na ring gamitin ang pagkakataon na ito upang humingi ng tawad sa kanya. Klarisse, I'm really sorry for what happened. So, please, everyone, stop dragging her name into this issue anymore." - Calix Javier*****Matapos mabasa ang buong laman ng kalalabas lang na article na iyon ay nagkatinginan ang dalawa, parehong naguluhan sa nangyari, at parehong hindi makapaniwala.Tila nawalan ng sasabihin si Klarisse. Hindi niya alam kung bakit at nakakagulat talaga na sinalo lahat ni Calix iyon.The whole context of Calix's words is just clearing her name. Ni wala itong pakielam kung siya man
Disgust is evident on Klarisse's face. Hindi niya gusto si Calix Javier, she absolutely hates the guts of him. Kaya ano itong katangahan na ginawa niya?Nakaupo lang ito sa sulok at nakayuko, nilalaro niya ang mga kamay na tila naglalabas ng inis doon. "Bakit sa dami ng gagawin... the hell? Bakit iyon pa? Bakit ko iyon hinalikan?" Sinabunutan niya ang sarili. "At sa dinami-rami pa ng tao, ng lalaki sa bar na iyon... bakit kailangang si Calix Javier pa? Sh*t naman talaga."Nilapitan ni Czarina ang kaibigan. Gusto niyang matawa sa reaksyon nito pero naaawa rin siya sa sitwayon nito ngayon.May tumunog muli na cellphone pero sa pagkakataon na iyon ay hindi na kay Klarisse.Itinaas ni Czarina ang cellphone niya at ipinakita sa kaibigan ang caller."Tumatawag ang kissing mate mo," pabirong wika ni Czarina.Tinapunan ni Klarisse ng masamang tingin ang kaibigan.("Czarina, kasama mo ba si Klarisse ngayon") tanong ng nasa kabilang linya pagkasagot ni Czarina sa tawag."Oo, kasama ko siya. B
"AAAHHHH!!!"Nagising si Czarina nang marinig ang malakas na boses ni Klarisse sa kanyang tabi."Hmm," ungol ng babae na tamad na tamad pang magmulat ng mata.May narinig siyang nag-ring kaya tumingin siya sa gawi ng kaibigan. Kagat-kagat nito ang kanyang daliri habang nakatingin sa cellphone niya. Mukhang tumatawag ang manager nito."Wala na, sh*t, katapusan ko na," tila naiiyak na sabi ng babae.Doon lang parang nagising ang diwa ni Czarina. Napaupo siya at agad dinaluhan ang kaibigan.Kinuha rin ni Czarina ang phone niya at hindi na niya kailangang tanungin pa ang kaibigan kung para saan ang reaksyon nito.Tumambad sa kanya ang mga trending articles tungkol sa nangyari kagabi.'HOT ISSUE: FAMOUS ACTRESS CAUGHT KISSING WITH A HOTSHOT BUSINESSMAN LAST NIGHT''JAVIER GROUP HEIR AND A FAMOUS ACTRESS WENT HOME TOGETHER LAST NIGHT'At may larawan pa iyon ng pagsakay ng dalawa sa sasakyan hanggang sa pumasok ang sasakyan sa bahay nila Czarina."Czaaa!" pag-iyak ni Klarisse. "Sh*t ginawa k
Pagbalik ni Czarina na may dalang tubig ay nakasakay na si Klarisse sa likod ni Calix."Czarina, ako na ang maghahatid sa inyo," mababa at paos ang boses ni Calix ng sabihin iyon kay Czarina.Kumunot ng bahagya ang noo ng babae."Hindi na," sagot nito at sinubukang kunin ang kaibigan mula sa lalaki. Pero bago pa niya magawa iyon ay hinigpitan ni Klarisse ang pagkakayakap sa leeg ng lalaki.Bahagyang nagulat si Czarina sa ginawa ng kaibigan."Klarisse," mariing tawag ni Czarina sa kaibigan upang mahimasmasan ito kahit paano.Bumukas nang kaunti ang mga mata ng babae."Hmm," ungol nito at muling pumikit."Bumaba ka na diyan at ihahatid na kita. Bitiwan mo na si Calix," namomroblemang turan ng Czarina."Ayaw," parang bata na sagot nito at muling niyakap nang mahigpit ang lalaki. "Dito muna ako."Halos malaglag ang panga ni Czarina sa mga naririnig. Nang wala na siyang matinong sagot na makuha kay Klarisse ay tinapunan niya ng mapanghusgang tingin si Calix. Ano ang ginawa nito sa kaibiga
Habang nasa taxi pabalik ng hospital ay sinigurado ni Czarina na walang makakalabas na balita tungkol sa nangyari kanina. Ayaw niya ng lumala pa ang gulo o kumalat pa iyon.Nagawa niyang ma-delete ang mga videos and pictures na nai-post na. At blocked and muted na rin lahat ng mga magbabanggit tung
Madaming nagsisigawan at kitang-kita ang kaguluhan sa parteng iyon ng hospital. Natigilan si Czarina at tuluyang naagaw ng kaguluhang iyon ang atensyon niya.Sinubukan niyang silipin kung ano ang nangyayari at nagulat siya nang makita kung sino ang naroon.Mabilis siyang naglakad patungo sa pweston
"Oo nga pala, nakasalubong ko si Zayden kanina," Umiling-iling si Yvo. "Tsk, that man!"Nilingon ni Czarina ang kanyang Tito Yvo, nagtataka."Bakit?""Hindi mo pa siya nakita? Tsk. Kitang-kita ang mga marka ng kuko sa leeg niya. Isang tingin ay alam mo na agad ang nangyari. He probably had a very s
"Ano ba ang nangyayari, anak? May problema ba sa trabaho? Bakit ka ba naglalasing ng ganoon?" Nagbuga ng malalim na hininga ang kanyang ina. "May hinanda akong mainit na soup para sa'yo. Inumin mo muna bago ka umalis.""Thanks, mom."Tumango ang ina niya bago siya iniwan doon para magsimula na rin







