LOGINBumukas ang pintuan ng hospital room ni Zayden at iniluwa no'n ang alalang-alala na si Chairwoman Hart. Mabilis itong naglakad palapit sa kanyang apo at ineksamin ang itsura nito."Anong nangyari?" Nilingon nito ang mommy ni Zayden. "Bakit hindi niyo man lang sinabi sa akin na may ganito palang nangyari? Kailangan sa ibang tao ko pa malalaman?"Nagtinginan ang mag-ina, parehong hindi alam kung sino ang dapat magpaliwanag sa matanda. Sinadya nilang hindi na sana ito sabihan dahil tiyak na mag-aalala ito ng husto."M-mom, ayaw ka lang namin mag-alala lalo na't okay naman po si Zayden...""May problema ba sa kanya? Ano ang sabi ng doctor?""Ayos lang po siya, kailangan niya nalang magpahinga at may ilang gamot lang na kailangang inumin," sagot naman ng ginang.Mabigat pa rin ang paghinga nang matanda. Tinignan niyang muli ang apo at sinigurong nagsasabi ng totoo ang mommy nito. Ngumiti naman si Zayden bilang patunay na ayos lang siya."Alright," aniya na medyo kumalma na. "Kung ayos ka n
Hindi natuloy ang pag-alis ni Czarina dahil biglang nagsalita si Zayden kaya naman hinarap niya na lang ito."Wala," tipid niyang sagot sa tanong nito kung may sasabihin daw ba siya.Ang totoo ay hindi niya talaga alam ang sasabihin sa lalaki. Magte-thank you ba siya? Mag-so-sorry? Maaawa sa lagay nito? Magtatanong kung bakit ito naroon?O 'wag na lang dahil quits naman na sila. She did it then for him. He did it now for her."You'd rather die than call me, huh?" may halong sarkasmo sa boses ni Zayden nang sabihin iyon."Hindi ako mamamatay do'n," kalmadong sagot ni Czarina bagaman hindi niya iyon sigurado.Zayden looked at her straight in the eye. Kitang-kita ni Czarina ang paggalaw ng adams apple nito at ang hindi maunawaang mga emosyon sa mukha. Hindi niya magawang iiwas ang mga mata dahil parang lalong magiging awkward ang sitwasyon."Czarina, na-kidnap ka, hindi iyon basta-basta lang. You're life is at stake the moment they took you out from your car! Paano ka nakakasigurong hind
Pagkadating ni Czarina sa tapat ng kwarto ni Zayden ay narinig niya na agad ang nag-uusap sa loob. "Zi, huwag mo ng uulitin ito. Huwag mo nang ipahamak pa ulit ang sarili mo. Saka, talaga bang kailangan mo pang itaya ang buhay mo para kay Czarina? You're making me worry!" Aatras na sana at aalis si Czarina dahil mukhang naroon si Chloe at ayaw niya itong makita sa ngayon. Zayden tried to clear her name but she is still one of the main suspects. Pero bago siya makaalis ay sakto namang nakita siya ng kararating lang na mommy ni Zayden. "Czarina?" kunot-noong sambit ng ginang habang sinisilip kung si Czarina nga talaga ang natanaw niya. Nang masigurong si Czarina iyon ay bumilis ang hakbang nito at niyakap si Czarina. "Czarina, hija! Ayos ka lang ba? May masakit ba sa'yo?" "I'm okay, mom," aniya na sanay pa ring tawagin ang ginang sa ganoon. Ayos lang naman siguro lalo kung sila lang naman dalawa ang nakakarinig. "Sigurado ka?" bakas ang pag-aalala sa boses nito. Nadurog
"Boss!" / "Czarina!" Sabay na bumisita sina Viktor at Ichan sa hospital room ni Czarina, ilang minuto pagkaalis ng mga magulang niya. "Wow! Ang tagal kong nawala, hindi niyo man lang ako hinanap?" "Hoy, malay ba namin na na-kidnap ka na pala, wala namang nagsabi sa amin," sabi ng Kuya Viktor niya. "Nalaman lang namin halos ngayon-ngayon lang." "Nawala yung location ko, hindi mo man lang napansin?" aniya na pinukol naman ang tingin kay Ichan. "Sorry, boss, hindi ko napansin..."Nakalagay ang location niya sa main computer nila sa basement at kapag may suspicious place siyang pinuntahan ay mag-re-red warning iyon lalo na't hindi niya sasakyan ang gamit.Pero dahil gabi na rin kanina ay posibleng nakauwi na si Ichan. Naka-share naman din ito sa phone ng dalawa pero kailangan pang i-check ang application, bagay na hindi naman talaga ordinaryong ginagawa."Anyway, kailangan kong hanapin kung sino ang nasa likod ng pag-kidnap sa akin," aniya sa malamig na boses at tumingin sa may binta
Gabi na nang magising si Czarina. Una niyang nakita ang puting ceiling at alam niya na agad kung nasaan siya. May dextrose din na nakatusok sa kanya. "Gising na siya!" nanginginig ang boses ng mommy niya na mukhang galing pa sa pag-iyak. "Call her doctor! Gising na ang anak ko!" Alam niya na matinding pag-aalala ang inabot ng mga magulang niya dahil sa kanya. Tipid siyang ngumiti dahil nanghihina pa rin siya sa mga oras na iyon bagaman mas maayos na ang pakiramdam kaysa kanina. Hinawakan niya ang kamay ng kanyang ina. "M-mom," mahinang wika niya na halos hindi marinig. Tumulo ang luha lalo ni Karina Laude. May mga pagkakataong hindi sila nagkakasundo ng anak, may mga desisyon ito minsan na taliwas sa gusto niya, pero sa kahit anong paraan ay hindi niya gustong nasasaktan ito at napapahamak. Habang nakatingin sa lumuluha niyang ina ay nanliit at mas lalong nahiya si Czarina. She did everything, she even learned how to protect herself. Magaling siyang hacker at doctor, pero
Napulot ng boss ng mga kidnapper ang kutsilyo ay nasalisihan nito si Zayden. Bago pa makalapit si Zayden at tuluyan na nitong naputol ang lubid. Nanigas ang buong katawan ni Czarina at naramdaman niya ang pagbaba ng kanyang katawan. Ngunit bago pa iyon makababa ng tuluyan ay naramdaman niya ang kamay ni Zayden na nakahawak sa kanyang kamay. He tried to reach her and somehow he succeeded. Puno ng luha ang mukha na nag-angat ng tingin si Czarina kay Zayden. Kitang-kita sa mukha niya ang panic. "Sshh, it will be okay, you'll be fine," magaang sabi ng lalaki kay Czarina kahit na nahihirapan na itong hawakan siya. Hindi maganda ang pwesto ni Zayden at dahil sa panghihina ay ramdam niya ang bigat. Naroon pa rin ang kidnapper at hindi pa nakakaakyat ang mga pulis ng tuluyan. Sinubukang iangat ni Zayden si Czarina. Kitang-kita ng babae kung gaano kadesperado si Zayden na iangat siya, na iligtas siya. She can't help but to shed tears even more. Bakit kailangang sa ganitong pagkakataon
Tahimik at kunot ang noo na binasa ni Czarina ang mga komento sa mga posts at article na nakalagay ngayon sa social media. Dahil sa dami ng mga sunod-sunod na issue nilang tatlo nila Zayden ay ang daming nakaabang sa bawat balita. Pero nakakapagtaka na bakit lumabas pa ito? Eh, napakatagal na no'
"Czarina, p'wede bang habang kasal pa tayo at hindi pa official ang divorce natin ay lumayo-layo ka muna sa Adrian na iyon?" Tumingin si Czarina kay Zayden, nagtatanong ang mga mata nito. Nagseselos ba siya? "Nakakahiya sa mga taong nakakaalam na kasal tayo," dugtong nito na gumising sa ulira
Sa mismong tapat ng nurse station nanggagaling ang sigaw na iyon nang silipin ni Czarina ang nangyayari sa labas ng opisina nila. Lalabas na sana siya nang bigla siyang harangin ni Sanya, hinila siya nito."Czarina, ang sabi ni Dra. Garcia ay magtago ka raw muna.""Bakit? Ano ba ang nangyayari?""Y
Pumasok sa loob ng kwarto niya ang nag-aalalang si Grandma at ang mommy ni Zayden. Nakahinga nang maluwag ang babae nang makita na hindi naman pala masamang tao ang kumakatok. "Apo, ano ang nangyari? Nabalitaan namin ang nangyari kaya agad kaming pumunta rito. Kumusta ka? Nasaktan ka ba?" dire-di







