Se connecterNaramdaman agad ni Czarina na may kakaiba sa turing sa kanya ni Dra. Becca ngayon. Hindi sila magkaaway pero hindi rin naman sila close. Ano't biglang nag-aaya ito kumain sa labas na para bang magkaibigan silang matalik? Sigurado siya na may iba itong balak."Para saan, Dra. Becca?" Gusto niya pang idagdag na hindi naman sila ganoon ka-close para lumabas ng sila lang at biglaan pa, pero hindi niya nalang ginawa.Maikling ngiti ang pinakawalan ni Becca."Hindi ko alam kunh paano siya ipapaliwanag, eh. Mas okay sana na mamaya na lang..."Mukha namang sinsero si Dra. Becca sa harap ni Czarina ngayon at mukhang harmless naman ito kaya sa huli ay pumayag na lang din ang babae."Okay, magkita nalang tayo doon mamaya after duty."Pagkarinig ng pagpayag ni Czarina ay nagpaalam na rin agad si Becca. Sinundan ng tingin ni Czarina ang babaeng doctor habang napapaisip kung para saan ang pag-uusap nila.*****Nahuli ng ilang minuto si Czarina sa napag-usapan nilang oras ni Becca. Gayunpaman ay na
"Bakit ka lumabas? Hinayaan mo siya mag-isa roon?""Kapag may nangyaring masama sa kanya ay hindi namin ito palalampasin!"Paglabas ni Dra. Becca ay sunod-sunod na reklamo ang narinig niya mula sa pamilya. Malakas ang boses ng mga ito at halos dinig na dinig ng mga katabi nilang pasyente.Ilang saglit lang ay nagmamadaling dumating ang kanina pa nila hinahanap na si Dra. Garcia."Anong nangyayari dito?" tanong ng babaeng doctor sa nurse na una niyang napansin.Nang marinig ang pamilyar na boses ay agad na nilingon ng pamilya ng pasyente si Dra. Garcia."Dra! Buti naman ag nandito ka na," tila nakahinga nang maluwag ang nagsalita. "Lumala ang sitwasyon ng kapatid ko."Bago sumagot ay pinagmasdan muna sandali ng doctor ang mga nasa paligid. Tumaas ang isang kilay niya nang mapagtanto na nasa labas silang lahat, maging si Dra. Becca na assistant doctor niya sa case na ito."Bakit nandito kayong lahat sa lahas? Sino ang nasa loob?""Uhh, Dra..." kinakabahan si Sanya. "S-si Dra. Czarina po
"Nandito ba si Dra. Garcia?" Hindi pa man naibababa ni Czarina ang gamit niya ay nakita na niya agad ang natataranta at tumatakbong si Sanya. Mabilis ang ulo at mata nito sa paglingon-lingon, hinahanap ang taong kailangan niya. Lumapit si Czarina rito at hinawakan ang kamay ng babae. "Bakit?" Tumingin sa kanya si Sanya, medyo hinihingal pa. "Czarina," sambit nito. "Nakita mo ba si Dra.?" Naguguluhan si Czarina sa nangyayari. "Bakit? May problema ba?" "May pasyente kasi na bigla na lang lumala ang symptoms niya. Hindi ko alam kung anong posibilidad na sakit ang rason no'n, o kung anong gamot ang dapat na ibigay bilang first aid. Nandoon din si Dra. Becca pero hindi niya rin alam ang gagawin." Nanlaki ang mga mata ni Czarina. Mabilis niyang ibinaba at iniayos sa gilid ang mga gamit niya, at agad sinuot ang puting coat niya. "Sasama ako sa'yo. Nasaan ang pasyente?" "Ha?" litong saad ni Sanya. Sa isipan niya ay napapatanong siya kung bakit sasama si Czarina. "Bilis!"
Nagpunta siya roon para mag-dinner mag-isa pero mukhang mapupurnada pa ang katahimikang gusto niya nang lumapit sa pwesto niya si Calix. "Ano'ng ginagawa mo dito? Bakit ka nandito?" pag-u-usyoso ng lalaki. Napansin agad ni Czarina ang medyo gulo-gulo nitong damit at ang lipstick stain sa kwelyo ng damit nito. Tsk. "Para kumain?" sarkastiko niyang sagot sa lalaki. Ngumiti si Calix at tila nagkaroon ng enerhiya, ibang-iba sa Calix na nasa kabilang table kanina. Para itong nakakita ng kakilala at gustong makipaglaro. "Czarina, pwede ba'ng humingi ng favor?" "Wala akong maitutulong sa'yo," agad na sagot ng babae. "Grabe naman, wala pa nga akong sinasabi," anito na nagkunwari pa na na-offend. "Sige na, I'll treat you anything you want. Hmm, bag? shoes?" Sa halip na matuwa ay tinignan niya ng masama ang lalaki. Hindi ba ito marunong makiramdam? At mukha bang masusuhulan siya ng mga ganoong bagay? Ang siko ng lalaki ay nakapatong sa mesa. Magkasiklop ang dalawang palad niya na til
"Woah!" Pinunasan ni Zayden ang dugo sa labi niya. "You're really good at this, huh?" "Mr. Hart, hiwalay na tayo, hindi na kita asawa, kaya kung ano man ang trato ko sa'yo ngayon ay trato na lang iyon sa normal na taong nakakasalamuha ko. Just take that as it is." Tinalikuran ni Czarina si Zayden pero bago pa siya makapunta sa gate nila ay muli niyang nilingon ang lalaki. "You know what? Jerks like you will definitely go to the pits of hell." "Jerk?" he sneered. "But you love this jerk though." Napasinghal si Czarina sa narinig. Gusto niyang masuka o kaya hampasin ng bag niya ang lalaki. Saan ba ito kumukuha ng kapal ng mukha? O baka nahawa na kakasama niya kay Chloe? "Yuck! Don't even say that! It's nakakadiri," sabi niya at pinunasan pa ang damit na animo'y may germs na nakalapit. Pagkasakay ni Czarina ng sasakyan ay ramdam niya pa rin ang inis sa lalaki. Bakit ba ganoon iyon? Zayden used to be so nice and gentle. Napakalayo sa Zayden na kilala niya ngayon. Totoo nam
Tumaas ang isang kilay ni Czarina nang marinig ang sinabi ni Zayden. Talagang specific pa nito na sinabi kung sino ang pupuntahan niya. Pasimpleng tinignan ni Czarina si Grandma dahil tiyak niyang magre-react ito. At tama nga siya dahil pansin na pansin niya ang talim ng tingin ng matanda sa lalaking malapit na sa pintuan. Hinawakan ni Czarina ang kamay ni Grandma at pinigilan itong magsalita ng kung ano. "Grandma," ngumiti siya sa matanda at umiling-iling. "Huwag na po kayong magalit. Kung gusto niyang umalis ay hayaan niyo nalang po siya. Bakit mo pa siya pipigilan? Saka huwag na po kayo ma-stress sa bagay na iyan, siya pang iniisip niyo." "Czarina--" "Grandma, mahal niyo po siya, hindi ba? At kasama sa pagmamahal ang gusto mong maging masaya siya. He will be happy if he marries the love of his life," marahang wika ni Czarina. Humigpit ang hawak ni Zayden sa kanyang coat habang nagngingitngit ang mga ngipin. Wala na nga siyang reaksyon na nakuha ay talagang tinutulungan pa si
"Buksan mo ang pinto!" nilingon ni Czarina si Zayden at tinapunan ito ng matalim na tingin. "Bilisan mo!" Hindi siya pinansin ni Zayden. Dahil doon ay mas lalong nainis si Czarina at pinagpilitan ang gusto niya na lumabas ng sasakyan, pero sa lalong pagpipilit nito ay lalong hindi binuksan ni Zayd
Napatanga si Czarina maging ang mga kasama niya sa pagsaksi sa ginawa ni Chloe. Kahit gaano sila hindi magkasundo, hindi naman yata tama ang ginawa nito. Sana ay binigay niya nalang iyon sa may gusto hindi yung sasayangin niya."Well, ano naman ang espesyal dito? Wala naman," singit naman ng isang
Pakiramdam ni Czarina ay mas lalong nadurog ang puso niya sa nasasaksihan. Pero hindi tulad ng dati ay hindi niya na hahayaang makitaan siya ng kahit kaunting reaksyon tungkol doon. Unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi niya. Inatras niya ang card na hawak niya at muling ibinalik sa bag. Si
Nang marinig ang mga salitang iyon ay iisa lang ang pumasok sa isipan ni Czarina... na iba ang tingin sa kanya ni Zayden, na inaakala nito na isa siyang malanding babae na naghahanap lang ng kung sino-sinong lalaki. "Saan ako pupunta? Maghahanap ako ng matangkad na basketball player, masarap kasa







![[Tag] My Step-Uncle's Plaything](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)