Share

Chapter 328

Author: Raine
last update publish date: 2026-04-04 20:53:28

Napulot ng boss ng mga kidnapper ang kutsilyo ay nasalisihan nito si Zayden. Bago pa makalapit si Zayden at tuluyan na nitong naputol ang lubid.

Nanigas ang buong katawan ni Czarina at naramdaman niya ang pagbaba ng kanyang katawan.

Ngunit bago pa iyon makababa ng tuluyan ay naramdaman niya ang kamay ni Zayden na nakahawak sa kanyang kamay. He tried to reach her and somehow he succeeded.

Puno ng luha ang mukha na nag-angat ng tingin si Czarina kay Zayden. Kitang-kita sa mukha niya ang panic
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (7)
goodnovel comment avatar
aira...
sana dyan na bumalik ang ala ala ni zayden sa totoong nagligtas sknya sana sumariwa sa isip nya si cza un...hay
goodnovel comment avatar
Mercedes Pasion
wow ang ganda nasa climax ng novel. tapusin nyo na po. thanks
goodnovel comment avatar
michelle salvador
ano bayan paisa isa hayta
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 330

    "Boss!" / "Czarina!" Sabay na bumisita sina Viktor at Ichan sa hospital room ni Czarina, ilang minuto pagkaalis ng mga magulang niya. "Wow! Ang tagal kong nawala, hindi niyo man lang ako hinanap?" "Hoy, malay ba namin na na-kidnap ka na pala, wala namang nagsabi sa amin," sabi ng Kuya Viktor niya. "Nalaman lang namin halos ngayon-ngayon lang." "Nawala yung location ko, hindi mo man lang napansin?" aniya na pinukol naman ang tingin kay Ichan. "Sorry, boss, hindi ko napansin..."Nakalagay ang location niya sa main computer nila sa basement at kapag may suspicious place siyang pinuntahan ay mag-re-red warning iyon lalo na't hindi niya sasakyan ang gamit.Pero dahil gabi na rin kanina ay posibleng nakauwi na si Ichan. Naka-share naman din ito sa phone ng dalawa pero kailangan pang i-check ang application, bagay na hindi naman talaga ordinaryong ginagawa."Anyway, kailangan kong hanapin kung sino ang nasa likod ng pag-kidnap sa akin," aniya sa malamig na boses at tumingin sa may binta

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 329

    Gabi na nang magising si Czarina. Una niyang nakita ang puting ceiling at alam niya na agad kung nasaan siya. May dextrose din na nakatusok sa kanya. "Gising na siya!" nanginginig ang boses ng mommy niya na mukhang galing pa sa pag-iyak. "Call her doctor! Gising na ang anak ko!" Alam niya na matinding pag-aalala ang inabot ng mga magulang niya dahil sa kanya. Tipid siyang ngumiti dahil nanghihina pa rin siya sa mga oras na iyon bagaman mas maayos na ang pakiramdam kaysa kanina. Hinawakan niya ang kamay ng kanyang ina. "M-mom," mahinang wika niya na halos hindi marinig. Tumulo ang luha lalo ni Karina Laude. May mga pagkakataong hindi sila nagkakasundo ng anak, may mga desisyon ito minsan na taliwas sa gusto niya, pero sa kahit anong paraan ay hindi niya gustong nasasaktan ito at napapahamak. Habang nakatingin sa lumuluha niyang ina ay nanliit at mas lalong nahiya si Czarina. She did everything, she even learned how to protect herself. Magaling siyang hacker at doctor, pero

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 328

    Napulot ng boss ng mga kidnapper ang kutsilyo ay nasalisihan nito si Zayden. Bago pa makalapit si Zayden at tuluyan na nitong naputol ang lubid. Nanigas ang buong katawan ni Czarina at naramdaman niya ang pagbaba ng kanyang katawan. Ngunit bago pa iyon makababa ng tuluyan ay naramdaman niya ang kamay ni Zayden na nakahawak sa kanyang kamay. He tried to reach her and somehow he succeeded. Puno ng luha ang mukha na nag-angat ng tingin si Czarina kay Zayden. Kitang-kita sa mukha niya ang panic. "Sshh, it will be okay, you'll be fine," magaang sabi ng lalaki kay Czarina kahit na nahihirapan na itong hawakan siya. Hindi maganda ang pwesto ni Zayden at dahil sa panghihina ay ramdam niya ang bigat. Naroon pa rin ang kidnapper at hindi pa nakakaakyat ang mga pulis ng tuluyan. Sinubukang iangat ni Zayden si Czarina. Kitang-kita ng babae kung gaano kadesperado si Zayden na iangat siya, na iligtas siya. She can't help but to shed tears even more. Bakit kailangang sa ganitong pagkakataon

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 327

    Hindi makapaniwala si Czarina sa narinig. Maging ang lalaking kidnapper na kasama niya ay nagulat. Talaga bang si Zayden ang nandoon? "Tignan mo nga naman, oo..." sabi ng kidnapper niya at naglakad-lakad pa na tila nang-aasar. "Yung ayaw mo pang makita ang nagpunta rito." Matapos sabihin iyon ay sakto namang nakarating na sa palapag na iyon si Zayden. Tagaktak ang pawis nito at mabilis ang pagtaas-baba ng kanyang dibdib. He's tired, nervous, and worried at the same time. Inalis ng kidnapper ang tape sa bibig ni Czarina, gusto niyang maaliw sa pag-uusap ng dalawa. Nang huminto sa palapag na iyon ay nagtama ang mata nila ni Czarina. Czarina's eyes are wide and surprised while Zayden's are soft and it looks like there's a relief. "Czarina..." mahinang turan ni Zayden na tila pinapaniwala pa ang sarili na nasa harapan na nga niya ang babaeng kanina niya pa hinahanap. His body is tired. May mga sugat na siya sa iba't ibang parte ng katawan. Hindi pa siya kumakain. Pero hindi n

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 326

    Napangiwi si Czarina sa narinig. Tawagan sila Becca at sabihing ligtas siya? "What? Sa tingin mo ba ay maniniwala sila? What a stupid freaking idea," hindi niya napigilang sabihin. "Ano'ng sabi mo?" galit na sabi ng kidnapper na agad nag-init ang tainga nang marinig ang tinuran ng babae. "Talagang gusto mo ng matapos ang buhay mo ha!" Hindi umimik si Czarina. Iniisip niya kung makakatulong ba sa sitwasyon niya ang pagpatol dito. Sa huli ay hindi niya rin napigilan ang sariling bibig. "Then what do you want me to do? Wala kang tinawagan sa mga kakilala ko, tingin mo ba ay mahahanap nila ako sa kung saang kalibliban na lugar na ito?" bakas ang inis sa boses ni Czarina. "Hmm, may naisip na ako. Bakit hindi nalang natin tawagin ang mayaman mong asawa, si Zayden Hart. Tignan natin kung ililigtas ka ba niya!" Napairap si Czarina. P'wede naman iyon pero hindi niya iyon gagawin. Ayaw na niyang magkaroon pa ng kahit na anong ugnayan kay Zayden, at hindi para idamay pa ito sa mga ganito

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 325

    Hiniwa ng lalaki ang lubid at mas lalong bumaba ang pwesto ni Czarina. Mas naging marupok din ang pwesto niya at halos mapahiyaw siya sa gulat. Dumulas din ang pwetan niya at sa munting sandali na iyon, akala niya ay katapusan na niya. "Sa tingin mo ba ay mauuto mo ako?" "Pakawalan mo ako at ako ang bahala sa'yo," pangungumbinsi pa rin ni Czarina. "Work for me, binibigyan kita ng pagkakataon ngayon. Forget all these and work for me." "Ha! Sa tingin mo ba pinangarap kong maging aso na sunod-sunoran sa gusto ng iba? Sa gusto mo? Gusto ko ako ang boss, nag-uutos lang at hindi inuutus-utusan. Iisang tao lang ang hahayaan kong gawin iyan sa akin." Kuryosong nagtaas ng isang kilay si Czarina. "And who could that be?" tanong ng babae sa pag-iisip na baka makakuha siya ng clue kung sino ang nagpa-kidnap sa kanya. Bagaman hindi niya rin sigurado kung makakaalis pa ba siya ng lugar na iyon ng buhay. "Hindi mo rin iyon kilala," sabi ng kidnapper. "Sino?" pangungulit pa rin ni Cza

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 105

    "Mauuna na ako at baka nakakaabala na po ako sa inyo," pagpapaalam ni President Yu. Muli itong sumulyap kay Czarina, seryoso ang mukha nito at tila naninimbang. "It's okay. Mag-start na rin ang apo ko na magtrabaho sa inyo sa mga susunod na araw. Kindly guide her." "Yes, of course. We will gladly

    last updateLast Updated : 2026-03-23
  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 115

    Ngumisi si Chloe nang makita ang tila hindi makapaniwalang reaksyon ni Czarina. Iniisip ni Chloe na walang pambayad si Czarina, akala nito ay normal na mga doctor lang ang pamilya nito pero hindi niya alam na sa likod ng mga malalaking negosyo ay madaming investments ang mga Laude, bukod pa ang sar

    last updateLast Updated : 2026-03-23
  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 104

    ("Sir, I have a bad news for you.") sabi ni Jax, ang assistant ni Zayden mula sa kabilang linya. ("Nag-email sa atin ang Guazon Corp. at hindi na raw nila itutuloy ang pinagpaplanuhan nating project. Nagkaroon ako ng kaunting research kung ano posible ang dahilan ng biglaan nilang pag-atras at iisa

    last updateLast Updated : 2026-03-23
  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 114

    Naghahanda na ang lahat papunta sa restaurant. Tapos na ang trabaho nila ngayong araw at may mga matitira lang na standby ngayong gabi. Nakapag-usap na silang lahat na sa Japanese Restaurant na lamang sila kakain para hindi na sila lumayo pa. Nagpaiwan si Czarina nang mapansin na wala sa kanya ang

    last updateLast Updated : 2026-03-23
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status