Share

Chapter 36

Author: Raine
last update Last Updated: 2025-03-24 21:14:32

Nagulat si Czarina sa sinabi ng ama. Iyon ang unang beses na sinabi sa kanya iyon ng dad niya gamit ang tono na hindi niya rin gustong pakinggan. Sa pagkakasabi nito ay tila ba inoobliga siya at hindi siya pwedeng humindi.

Hindi nagustuhan ng mga magulang ni Czarina ang nangyari ngayong araw, sa isipan nila ay umiral na naman ang pagiging marupok ng anak kay Zayden. Hindi sila galit sa babae pero natatakot sila na masaktan muli ito.

"Dad," kinakabahang sabi ni Czarina. Natatakot siyang mapagalitan kapag mali ang nasabi. "P-pwede po ba'ng hindi pumunta?Promise, itutuloy ko ang divorce. M-may nangyari lang po talaga ngayong araw kaya hindi kami natuloy..."

Hindi umimik ang ama ni Czarina at tumingin lang sa kanya. Sa kaseryosohang meron ito ngayon ay alam na agad ni Czarina kung ano ang sagot nito.

"Pero, dad, hindi pa ako divorced kay Zayden. Legally, kasal pa rin ako sa ibang lalaki. H-hindi ba siya magagalit? O baka madismaya lang siya," palusot niya na ang tinutukoy ay ang ka-blind
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Johnny Jan Canonio
ang nakaka inis minsan sa kwento ang iyong pagiging martir. nakakasura!!!!!!!!!
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 124

    Paglabas ni Czarina ng area department nila ay natanaw niya na agad ang lalaking nakaupo sa may sofa sa visitor's area na naghihintay sa kanya. Medyo malayo ang pwesto nito sa mga dumadaang mga tao at wala ring nakaupo sa malapit. Nakasuot ng itim na suit si Zayden at modelong-modelo ang dating nito habang nakaupo at nakadekwatro ng upo. Seryoso lang ang mukha habang pasilip-silip sa kanyang mamahaling relo. Lumapit si Czarina at agad napansin ni Zayden ang pagdating niya. Nag-angat ng mukha ang lalaki at nagtama ang mga mata nilang dalawa. "Ano'ng kailangan mo?" kalmado, hindi galit at hindi rin masaya, na sabi ni Czarina. Sa tono pa lamang ng boses nito ay naghahayag na na tapos na nga sila. Na wala na ring patutunguhan ang relasyong mayroon sila. Tinuro ni Zayden ang maliit na mesa sa kanyang harapan. May naka-envelope doon na mukhang naglalaman ng importanteng dokumento. Pinulot iyon ni Czarina at dahan-dahang binuksan.Divorce Agreement!Mabilisang binasa ni Czarina ang mga

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 123

    ("Ma'am, tama po kayo, bumisita nga si Mr. Hart ngayon sa kulungan") Kausap ngayon ni Chloe ang assistant na si Jude sa telepono. Nasa trabaho siya ngayon at kanina pa niya inaabangan ang update ng assistant. Nitong mga nakaraan ay nagdududa na siya sa kinikilos ni Zayden, ibang-iba ito sa Zayden noon. "Ano ang tinanong niya?" ("Kung sino raw ang nagligtas sa kanya noon.") Napigil ni Chloe ang paghinga ng ilang segundo. Kinakabahan siya. "A-ano ang sinagot?" ("Don't worry, Ma'am, sumunod naman siya sa usapan.") Doon lang nakahinga nang maayos si Chloe. At talaga palang pinagdududahan na siya ni Zayden. Sasagot pa sana siya nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa no'n si Czarina kasunod ang ilan pang mga doctor at nurse. Pasimpleng ibinaba ni Chloe ang tawag at sinundan ng tingin ang mga ito. "Grabe, magkano ang nagastos mo kagabi, Czarina? For sure mahal iyon, ang laking bawas no'n sa ipon mo." Ibinaba ni Czarina ang mga gamit sa mesa bago tinali ang kanyang b

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 122

    Nakaramdam ng matinding poot at galit si Zayden pagpasok niya sa isang kwarto kung saan haharapin niyang muli ang taong nagbigay ng matinding trauma sa kanya at sa mga tao sa kanyang paligid. Nakaupo sa loob ng kwartong iyon ang isang lalaki na medyo malaki ang katawan, madaming tattoo sa braso at may yabang ang dating ng bawat kilos at tingin niya. Ngayon niya malalaman mula sa lalaking ito kung sino nga ba ang nagligtas sa kanya. At sa hindi maintindihang rason, sa isip at puso niya ay umaasa siya na hindi si Chloe ang isasagot nito kundi si Czarina. Umaasa siya na si Czarina... pero naroon din ang takot na baka ito nga. Pinilit niyang maging kalmado habang paupo sa upuang nasa harapan ng lalaki. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Gusto kong sagutin mo ako ng diretsahan..." malamig ba sabi ni Zayden. Madilim ang mga mata nito at bahagyang nakakatakot. "Sino ang nagligtas sa akin ng araw na iyon?" Kinakabahan na ang kidnapper sa kaharap kahit wala pa man itong sinasabi. Ito a

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 121

    Naiinip na si Zayden at kanina pa siya pasilip-silip sa pintuan pero walang dumadating na Czarina. Ano ba ang ginagawa nito sa CR at sobrang tagal niya?Tatayo na sana siya upang alamin kung ano na ang nangyayari rito nang tumunog ang cellphone niya at naka-receive ng chat.Message iyon mula kay Czarina. Binasa niya ng dalawang ulit ang message na iyon at mas lalo siyang nainis.Umuwi na ito? Ng wala man lang pasabi?To: Czarina???Pagka-click niya ng send ay agad iyon nag-error. Inulit niyang muli pero hindi pa rin nagse-send.Doon niya lang napagtanto na naka-block na siya kay Czarina. Sinubukan niyang tawagan pero hindi na niya ito matawagan.Inis niyang hinampas ang mesa. Tinignan niya ang mga pagkain na hindi pa nakakalahati, may laman pa rin ang pinggan ni Czarina at sigurado si Zayden na binalak ng babae na ubusin iyon.Pero bakit umuwi na lang ito bigla? Tapos gano'n pa ang message nito. She was obviously cutting him off. At talagang blinock niya pa si Zayden!Umigting ang pa

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 120

    Pagkaalis ni Czarina ay napahampas si Zayden sa mesa, hindi niya mapigilan ang galit na nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Kunot ang noo at masama ang tingin sa kung saan. Ni hindi niya alam kung saan siya nagagalit, dahil ba sa yaman na paghahatian nila, sa divorce, sa reaksyon ni Czarina, o sa isang posibilidad na mali ang inaakala niya tungkol sa nangyaring kidnapping noon? Nasa ganoon siyang posisyon nang tumunog ang cellphone niya. Napabuntong-hininga na lamang ito nang makita kung sino ang tumatawag.("Zi, nakauwi ka na?") malambing na tanong ni Chloe mula sa kabilang linya.Tumingin si Zayden sa pintuang nilabasan ni Czarina. Gamit ang mababang boses ay sinagot niya ang tanong ni Chloe, "I'm home."("Uhm, p'wede mo ba akong ihatid bukas ng umaga?") mahinahong tanong ni Chloe, tila nanghihingi ng atensyon.Hindi agad nakasagot si Zayden. May lakad siya bukas kaya hindi niya masusundo si Chloe at maihahatid ito."Susunduin na lang kita pagkatapos ng shift mo," sagot ni Zayd

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 119

    Mas lalong naguluhan ngayon si Zayden. May nakakita sa kanila na magkasama doon sa mismong lugar ng insidente ng araw na iyon. Ano ang ginagawa ni Czarina doon? Naalala niyang muli ang sinasabi ng halos lahat ng nasa paligid nila, na laging nakasunod sa kanya si Czarina. Dumagdag pa na wala ito sa kanyang pamilya noong panahon ng kidnapping. Mabigat ang paghinga niya at kagat niya ang kanyang daliri habang palapit sa pwesto ni Czarina. Gawain niya iyon kapag sobrang daming bumabagabag sa kanyang isipan. Umupo ito sa tapat ni Czarina at agad napansin ng babae ang lalim ng gitla sa noo nito pati na rin ang pagkagat-kagat niya ng kanyang daliri. "Ano ka, bata? Kinakagat pa rin ang daliri? Tss." Umiling-iling si Czarina. Inalis ni Zayden ang daliri sa bibig at umayos ng upo. Napatitig siyang muli sa babae sa kanyang harapan. Si Czarina nga kaya ang nagligtas sa kanya noon at hindi si Chloe? Pero bakit? Paano? Wala siyang narinig mula kay Czarina sa loob ng maraming taon tungkol s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status