แชร์

Chapter 382

ผู้เขียน: Raine
last update วันที่เผยแพร่: 2026-06-28 23:20:13

"Lolo!"

Niyakap at bineso ni Czarina ang kanyang lolo na nakaabang sa may terasa ng bahay nila. Umiinom ito ng tsaa at tila nagmumuni-muni.

"Nakita ko kung sino ang naghatid sa'yo," sabi ng matanda. Hindi man lumabas ay alam niya ang sasakyang madalas gamitin ni Zayden.

"Nagkasalubong lang kami sa pinuntahan ko, 'lo. Hindi kami magkasama. Saktong pauwi na ako kanina kaya..." paliwanag ni Czarina. "Ano po pala ang ginagawa niyo rito? Medyo malamig na dito sa labas, ah?"

"Hinihintay ko a
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก
ความคิดเห็น (6)
goodnovel comment avatar
Dyana
Maganda man story mo author, kaso mahina ang usad. Pero sana gawin mong worth it yung sa Chasing part. 'Yong MAS masasaktan si Zayden ni Czarina, na sya din ang iiyak at kawawa. Na sya din yung magseselos. Baliktarin mo rin sitation nilang dalawa! ng makaganti
goodnovel comment avatar
Dyana
Umabot pa talaga ng almost 400 chpters bago nag divorce! Ang chasing part kaya nito? Aabot din muna guro ng ika 1000th chapter bago ang chasing2 part 'kuno'.
goodnovel comment avatar
Lenlen Esquillo Monterozo
qng alam q lang na ganito ang mangyayari d q na lang sana xa binasa nkktamad na tlga xa basahin kaso nacu curious aq qng anu ang mangyayari Kya pinagtitiyagaan q na lang basahin..pwd ba gawin mong dalawa ang update mo ..para kht Paanu makabawi bawi ka man lang sa mga readers mo ms A..
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 382

    "Lolo!" Niyakap at bineso ni Czarina ang kanyang lolo na nakaabang sa may terasa ng bahay nila. Umiinom ito ng tsaa at tila nagmumuni-muni. "Nakita ko kung sino ang naghatid sa'yo," sabi ng matanda. Hindi man lumabas ay alam niya ang sasakyang madalas gamitin ni Zayden. "Nagkasalubong lang kami sa pinuntahan ko, 'lo. Hindi kami magkasama. Saktong pauwi na ako kanina kaya..." paliwanag ni Czarina. "Ano po pala ang ginagawa niyo rito? Medyo malamig na dito sa labas, ah?" "Hinihintay ko ang lola mo, hindi pa umuuwi. Hindi rin sumasagot ng tawag," anito na halatang nag-aalala. Tumango-tango si Czarina at umupo sa tabi ng kanyang lolo. Tinignan niya ang oras sa kanyang relo at medyo late na nga sa usual na oras ng uwi ng kanyang lola. Sakto namang pagbaba niya ng kamay ay may dumating na sasakyan at laman no'n ang lola niya. Mabilis na tumayo ang lolo niya at sinalubong ang kanyang asawa. Bagaman nagbabangayan ay kitang-kita niya kung paano gumaan ang pakiramdam ng lolo niya n

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 381

    Paalis na si Czarina sa restaurant at naghihintay na lang ng sundo niya nang may humintong pamilyar na sasakyan sa kanyang harapan. Bumukas ang bintana ng driver seat at iniluwa no'n si Zayden Hart. "Get in the car," anito, kalmado, seryoso, pero hindi galit. He looks a bit off right now. Bagaman hindi maipagkakaila na gwapo talaga ang lalaki, ay halata ang pagod sa mukha nito, na tila hindi na nakakatulog ng maayos sa dami ng iniisip. "Uuwi na ako, Mr. Hart," malamig na sabi ni Czarina rito. Aminado si Czarina na nagulat siya sa pagdating ni Zayden. Ilang minuto pa lamang ang lumipas mula nang sinundan nito si Chloe. Nasaan na kaya ang babaeng iyon? Alam niya na na nandito ang fiance niya? "Get in the car," pag-uulit ni Zayden na tila walang narinig. "Bakit ba? Uuwi na nga ako," pairap na sagot ni Czarina dahil maski siya'y nauubusan na ng pasensya. Magsasalita na sana si Zayden ng isasagot sa kanya nang tumunog ang cellphone ng babae. Nag-notif na sa kanya ang isang m

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 380

    "Do you know each other?" tanong ni Czarina kay Fred, halata ang pagkalito sa mukha nito. Iniwas ni Fred ang tingin kay Czarina. Samantalang nanatiling kalmado naman si Zayden. "Wait, dis I just hear you mentioned the cypress flowers?" singit naman ni Chloe at doon nakitaan ng reaksyon si Zayden. "Binigay mo sa kanya?" dagdag ng babae at tiningnan ang kasama. "Let's just eat peacefully," malamig na sabi ni Zayden at pilit iniwas ang usapan. Mariin ang tingin ni Czarina kay Zayden. Lumakas lalo ang pakiramdam niya na totoo nga iyon, si Zayden ang may-ari no'n at kay Zayden iyon galing. Hindi nito iniwas ang tingin sa lalaki hanggang sa magtama ang mga mata nila, parehong nilalabanan ang isa't isa. Walang gustong bumitiw. Hanggang sa iharang ni Chloe ang kanyang ulo sa pagitan ng titigan ng dalawa kaya naputol iyon at napakurap na lamang si Czarina. Zayden wouldn't answer her directly. Kaya naman kinuha ni Czarina ang pagkakataon na iyon upang si Chloe ang tanungin. "Kay Zayden

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 379

    From: Fred Kuya, inaaya akong mag-dinner ni Miss Czarina bilang pasasalamat daw. Ano'ng sasabihin ko? Iyon ang bumungad sa screen ng cellphone ni Zayden matapos ng sunod-sunod na meeting niya. Sinagot niya iyon at sinabing huwag pumayag, baka kung ano pa ang masabi nito at madulas. Hindi na nag-reply ang lalaki kaya buong akala ni Zayden ay ayos na. Pero kinagabihan ay nag-text itong muli at sinabing nangungulit si Czarina at walang matinong maidahilan ang lalaki kaya naman pumayag na lang din ito. "Who's that?" tanong ni Chloe nang makitang may mensaheng natanggap si Zayden. Magkasama sila ngayong gabi upang mag-dinner. Inaya siya ni Chloe na lumabas at sinabing nakapa-reserve na raw ito kaya hindi na pwedeng i-resched. "My cousin," tipid na sagot ni Zayden at binitawan ang kanyang phone. Humigpit ang hawak niya sa manibela. Gusto niyang mainis na pumayag si Fred pero kahit papaano ay alam niya namang matalino ito. Alam naman nito ang hindi at dapat sabihin. ***** M

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 378

    "Cypress flowers?" Lumiwanag ang mukha ng matandang Laude nang makita iyon. Ang kaninang medyo naiinis na awra nito ay napalitan ng tuwa. "Pinahanap ko pa iyan sa apo mo," sabi ng lolo ni Czarina at tinapik ang balikat ni Czarina. "Hindi ko alam na mabilis mong mahahanap iyan, hija." Ngumiti si Czarina at masaya siyang makita ang mga ito na masaya. Akala niya'y tapos na ang trabaho niya roon pero inaya siya ng kanyang lola na sumama sa lab. Bagaman pagod ay na-excite din naman ito dahil iyon ang unang beses niyang makakapunta roon. "Sino iyan?" medyo mataray ang salubong sa kanya ng isang babae na mukhang mataas ang posisyon doon dahil malakas ang loob magtaray sa harap ng lola niya. "Prof., bakit kailangan mo pang magdala ng mga taong hindi naman natin kailangan dito?" "Watch your words, this is my granddaughter," halatang hindi natutuwang sabi ng lola niya. Tumingin ang babae kay Czarina pero halatang nagtataray ito. Nakataas ang kilay at masama ang tingin. Hindi na

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 377

    Pagpasok sa restaurant ay inikot agad ni Czarina ang kanyang mata upang hanapin kung saan nakapwesto si Zayden. "Miss Czarina," lumapit ang isang waiter sa kanya. "Nandito na po ang ka-meeting niyo, hinihintay kayo sa taas." Mas lalong dumilim ang mukha ni Czarina. Ano ba ang pinaggagagawa ni Zayden? Pa-mysterious pa ito. Nang-aabala lang ng mga tao. Halos padabog na tinahak ni Czarina ang daan patungo sa itinurong daan ng waiter. Pero nagulat siya nang sa halip na si Zayden Hart ay isang lalaking mas bata sa kanila ang nandoon. Nakasuot ito ng eyeglasses at pormal na pormal ang itsura. "Miss Czarina Laude!" Napatayo ito nang makita siya at in-offer ang kamay para sa isang handshake. "It's nice meeting you." Halos wala sa sariling tinanggap ni Czarina ang kamay nito at hindi niya namalayan na matapos ang ilang minuto ay nakaupo na siya sa tapat ng lalaki. "Who are you?" tanong niya rito. Hindi siya pamilyar sa lalaki na iyon. He doesn't look like Zayden's staff or so

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 138

    Bago pa makakilos si Czarina, dahil napansin din ni Zayden na natigilan ito, ay nilagpasan na siya ng lalaki at ito na mismo ang pumindot ng password. Pagkatapos ay lumingon siya kay Czarina upang magpaliwanag. "Iyan na rin ang nakasanayan kong gamitin kaya ibinalik ko na sa dati para hindi ko na

    last updateปรับปรุงล่าสุด : 2026-03-25
  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 145

    Pagkababa ng tawag ay napatampal muli sa noo si Czarina. "Sh*t! Ano ba ang ginagawa mo, Czarina? Gusto mo na ba talagang tuluyang magalit ang pamilya mo sa'yo?" pagsesermon niya sa sarili habang naiiyak na. Bakit ba kasi hindi niya sila kayang tanggihan? Kapag nalaman ng dad niya ito ay hindi

    last updateปรับปรุงล่าสุด : 2026-03-25
  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 147

    Hindi nagugustuhan ni Czarina ang mga sinasabi ni Chloe pero aminado siya na tama naman ito. Bakit nga ba pumunta siya rito na walang dala? Ipagtatanggol na sana niya ang sarili nang nauna ng magsalita si grandma. Seryoso ito at halatang hindi natutuwa sa mga naririnig. "Miss Smith, naririnig m

    last updateปรับปรุงล่าสุด : 2026-03-25
  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 141

    Binuksan ni Zayden ang pintuan sa kwarto ni Chloe at pinapasok doon ang babae. Pinaupo niya ito sa bed at tinulungang magtanggal ng sapatos. Pagkatapos ay malamig niyang tinignan ang babae at kinausap. "Matulog ka na at magpahinga. Bukas na tayo mag-usap." Tumayo si Chloe mula sa kama at umiiya

    last updateปรับปรุงล่าสุด : 2026-03-25
บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status