Share

Chapter 390

Author: Raine
last update Petsa ng paglalathala: 2026-07-10 20:37:04

Nagkatinginan sina Czarina at Zayden nang makita kung sino ang nagsalita. Kapwa sila nagulat at nagtaka kung bakit nandoon si Ivan.

"Mr. Karlos!" bulalas ni Czarina. "Ano'ng ginagawa mo rito?"

"Sinundan kita. Nahuli lang dahil may kausap ako kanina." Itinaas nito ang kamay na may suot na relo. "Medyo late na. I just want to make sure you go home safe."

Awtomatikong nagsalubong ang dalawang kilay ni Zayden at tila nandilim ang paningin.

Ang ibig bang sabihin no'n ay magkasama ang dalawa kani
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (6)
goodnovel comment avatar
Phoebe Dacara-Facun
wala namang ganap author. more updates please...
goodnovel comment avatar
Cecil Montina
ang iksi ng chapter.. sana author mlan nacang totoo n
goodnovel comment avatar
Virgie Pilar Mulawin
naku author malapit ka ng mawalan ng mag babasa ng story mo kawawa ka namn gandahan mo pina pailot mo lang diba
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 390

    Nagkatinginan sina Czarina at Zayden nang makita kung sino ang nagsalita. Kapwa sila nagulat at nagtaka kung bakit nandoon si Ivan. "Mr. Karlos!" bulalas ni Czarina. "Ano'ng ginagawa mo rito?" "Sinundan kita. Nahuli lang dahil may kausap ako kanina." Itinaas nito ang kamay na may suot na relo. "Medyo late na. I just want to make sure you go home safe." Awtomatikong nagsalubong ang dalawang kilay ni Zayden at tila nandilim ang paningin. Ang ibig bang sabihin no'n ay magkasama ang dalawa kanina? At kailan pa sila naging close para lumabas na sila lang? "Tss," iling ni Czarina. "Kaya kong umuwi ng mas late pa rito at normal na sa akin iyon. It's actually a good thing I have my car with me. Na-try ko na maglakad mag-isa ng hatinggabi noon." Bumalik ang mata ni Zayden kay Czarina. Hindi niya alam kung para saan at sinabi iyon ng babae kay Ivan. Pinupunto ba nito na kaya niyang mag-isa, o na walang kwenta ang asawa niya noon, o gusto lang nito mag-share ng karanasan kay Ivan? "Oh?"

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 389

    "Hindi pa tayo close pero darating din tayo diyan, CL." Tinignan ng masama ni Czarina si Ivan. Hindi naman siya natalo kaya wala siyang dahilan para sabihin ang totoo rito. "Hindi nga ako si CL," iritadong sabi niya. Nagkibit ng balikat si Ivan. "Okay, sabi mo, eh." Matapos sabihin iyon ay unti-unting bumalatay ang ngisi sa mga labi ni Ivan. Kahit ano pa ang sabihin ni Czarina ay hindi niya maloloko ang lalaki. He's sure enough that Czarina is CL. At hindi lang iyon ang alam niya tungkol sa babae. ***** Maghahatinggabi na nang umalis si Czarina sa lugar na iyon. Sa halip kasi na umalis agad kanina ay napagtanto niyang mas maganda ng manood nalang din kahit papaano. She stayed for another hour before leaving. May nadaanan siyang bilihan ng streetfoods na open twenty-four seven. Bumaba siya doon at nag-take out. Pagkatapos ay nag-park siya ng sasakyan sa isang park na malapit. Wala gaanong tao at tahimik ang paligid nang maupo siya sa bench. Habang ninanamnam ang binili niyang

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 388

    Magkatapat na ang sasakyan ngayon ni Czarina at ang lalaking naghamon sa kanya, si Van."Walang iyakan kapag natalo," pasigaw na sabi ng lalaki para marinig ng kalaban ang sinabi.He won't go easy just because she's Czarina Laude. Hindi niya na hahayaang matalo muli ng isang babae."Baka ikaw pa ang umiyak dito," sagot naman ni Czarina na competitive din sa mga oras na iyon.Hindi niya rin hahayaang matalo siya.Pagkatunog ng hudyat nila upang magsimula, ay sabay na humarurot ang kanilang sasakyan.Sa mga unang segundo ay nangunguna ang sasakyan ni Czarina. Wala siyang pinapalagpas na segundo at tutok lang ang mga mata niya sa kanyang harapan.Ang mga nanonood na balak ng umuwi kanina ay biglang napabalik sa kanilang pwesto."Si Van na naman? Hindi pa ba siya tapos? Dire-diretso naman na ang panalo niya, ah," sabi ng nasa audience."Babae yata yung kalaban niya...""Nakita ko iyon kanina, pamilyar nga eh. Siya yata yung babae rin na nakatalo noon sa magaling na racer sa kabilang race

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 387

    From: Unknown Hey there, CL! Wanna race tonight? Kunot ang noo na binalikan ni Czarina ang convo nila ng lalaking iyon. Sa pagkakaalala niya ay nai-block niya ito, o hindi ba? Iyon na naman ang taong text ng text sa kanya at pinipilit na siya si CL. Pero dahil gusto niya ring magpapawis ngayong gabi at gustong lumabas ay interesado niyang tinignan iyon. Habang nagta-type ng ire-reply sa hindi kilalang tao na iyon ay nag-text itong muli. Nag-send ito ng isang kilalang race track na hindi kalayuan sa lugar nila. From: Unknown Pagdating mo ay sabihin mo lang ang code name ko: Van. See you there. Czarina put on her racing uniform and went out. "Saan ka pupunta?" tanong ng dad niya nang maabutan siya sa may garage nila upang kumuha ng sasakyan. Mahirap na kasi mag-abang ng taxi sa mga oras na iyon. "Dad," medyo kabado niyang sabi. Kahina-hinala pa naman ang suot niya. "Mag-e-excercise lang po." "We have a gym here," nagtatakang sabi ni Mr. Laude. "Ah, gusto ko rin sana magpahang

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 386

    "Ano'ng ibig mong sabihin, Karlos?" Nagkibit ng balikat si Ivan at itinaas pa ang dalawang kamay. Puno ng sarkasmo ang bawat kinikilos nito. "Hindi ako magsasalita maliban nalang kung tatanggapin mo ang offer kong deal," sagot nito. "Pero sinasabi ko sa'yo, magugulat ka kapag nalaman mo." Humakbang si Ivan na tila aalis na sa lugar na iyon ngunit huminto ito at nilingon si Zayden. "Hiwalay naman na kayo ni Miss Laude, hindi ba?" Hindi maunawaan ni Zayden kung ano ba ang lihim na agenda ni Ivan. He knows this man very well. He's stubborn, very. Kaya ano naman ang pakay nito kay Czarina? Does he like her? Kaya ba ito nagkakaganito? O baka naman gusto niyang saktan si Czarina o kaya ay may kailangan siya sa mga Laude? Umigting ang panga ni Zayden sa galit dahil sa mga naiisip na posibleng dahilan. Humakbang siya palapit, taas noo, at tiim bagang niyang tinitigan ng masama si Ivan. "Don't dare to touch her." Natawa si Ivan sa tinuran ni Zayden. "Touch her? Woah! Tingin

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 385

    "Release my goods, then I'll release yours," sabi ni Ivan Karlos. May ngisi ng tagumpay sa mga labi niya dahil pakiramdam niya ay nanalo siya. "Madali lang naman akong kausap." Ilang segundo siyang tinitigan ni Zayden. Hanggang sa unti-unti itong nagpakawala ng maikling ngiti. He really dared to fight him, huh? Sa loob ng ilang taon ay ilang beses ding sinubukan ni Ivan na sirain ang mga Hart. Pero ano ang magagawa nito? He's too weak for them. "Don't push your luck here, Karlos," mayabang na wika ni Zayden na parang isang bata lamang ang kanyang kaharap na walang laban. "You know what I can do. Alam mo rin na hindi lang kita pinapatulan dahil sa relasyong mayroon ang pamilya mo at pamilya ko noon. Pero may hangganan lang ang pasensya ko." Sa halip na matakot ay mas lalong nanaig ang nararamdamang galit ni Ivan kay Zayden. Nagpadagdag pa sa nararamdaman nito ang pagbanggit ni Zayden sa isang sensitibong topic. He hate Zayden's tone. He hate his guts. He hates everything ab

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 150

    Tahimik lang si Czarina hanggang sa nakalabas na sila ng village at madami-dami ng pwedeng sakyan sa paligid. "Itigil mo nalang siyan sa gilid. Magta-taxi na lang ako," sabi niya, hindi na napigilan ang sarili. Agad nitong tinanggal ang kanyang seat belt na hindi man lang hinintay ang isasagot n

    last updateHuling Na-update : 2026-03-26
  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 158

    Limang minuto bago matapos ang oras na ibinigay sa kanya ni Zayden ay dumating si Czarina sa napag-usapan nilang lugar. Nadatnan niya ang lalaki na kumakain, may kape sa mesa at dalawang klase ng pasta. He was eating elegantly. Hindi napigilan ni Czarina na hindi mapairap. Lahat ng ginagawa ni Za

    last updateHuling Na-update : 2026-03-26
  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 152

    Lumabas si Czarina ng store at malakas pa rin ang ulan. Hindi maganda ang pakiramdam niya at nanginginig pa rin sa inis sa kabila ng pilit niya ginawang kalmado na pagharap sa saleslady at sa isa pang babae kanina. Itinaas niya ang kamay para sana takpan ang ulo niya laban sa mga patak ng ulan. H

    last updateHuling Na-update : 2026-03-26
  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 149

    Balak pa lang na sumunod ni Zayden ay napahinto na ito dahil nasigawan ng kanyang grandma."At talagang gusto mo na magalit ako, ha?" sigaw ng matanda.Halatang nahihirapan si Zayden at hindi na alam ang gagawin. Alam niya na hindi gusto ni grandma si Chloe pero hindi naman yata tama na pagsabihan

    last updateHuling Na-update : 2026-03-25
Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status