分享

Chapter 398

作者: Raine
last update publish date: 2026-07-31 21:51:50

Nakuha ang atensyon ng marami roon at maging si Czarina. Kunot-noong hinanap ng babae ang tinutukoy nilang bagong mukha at nagulat siya nang makita ang pamilyar na mukha na iyon.

Walang iba kundi ang lalaking iniligtas niya kagabi, ang nagpakilala bilang si Kyle Ford ng Ford Clan!

Ano'ng ginagawa nito rito?

Magkakatabi sa mga oras na iyon si Zayden, Calix, at ang hindi inaakala ni Czarina na kaibigan nila na si Kyle.

Talagang agaw-pansin ang tatlo dahil sila ang pinakainaabangang lalaki s
在 APP 繼續免費閱讀本書
掃碼下載 APP
已鎖定章節
評論 (4)
goodnovel comment avatar
Cristina Terre
Angtipid naman mag update ni ms A, di b pwedeng dagdagan ng chapter kada update. Mabagal na nga ang takbo ng story tinitipid pa sa uodate
goodnovel comment avatar
aira...
hay Chloe sana dyan na lalabas ang lahat ng katutuhanan...akala mo nasa sayo ang lahat Chloe wag ka it's tym naman si cza naman ngayon dami magtatanggol sknya.
goodnovel comment avatar
aira...
sana si Kyle nalang mapagsilos sana ni cza si zayden
查看全部評論

最新章節

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 398

    Nakuha ang atensyon ng marami roon at maging si Czarina. Kunot-noong hinanap ng babae ang tinutukoy nilang bagong mukha at nagulat siya nang makita ang pamilyar na mukha na iyon. Walang iba kundi ang lalaking iniligtas niya kagabi, ang nagpakilala bilang si Kyle Ford ng Ford Clan! Ano'ng ginagawa nito rito? Magkakatabi sa mga oras na iyon si Zayden, Calix, at ang hindi inaakala ni Czarina na kaibigan nila na si Kyle. Talagang agaw-pansin ang tatlo dahil sila ang pinakainaabangang lalaki sa gabing iyon. Everyone's not yet married, Zayden just got divorced... pare-parehong may magandang imahe sa business world at bonus pa ang kagwapuhang taglay ng tatlo. Iba-iba silang klase ng kagwapuhan. Pinagmasdan ni Czarina ang tatlo. Zayden looks like a mysterious kind of guy. Bagaman misteryoso naman talaga ito, ay iyon din ang pinapakita ng awra nito. He also looks intimidating at the same type, tipo ng lalaki na pagpapantasyahan talaga ng babae. Si Calix naman ay parang happy-go-lucky

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 397

    Tumingin lang si Zayden kay Chloe at hindi sinagot ang tanong ng babae. Ilang beses na nangyari ito pero sa tuwing sinasabi iyon ni Chloe ay hirap pa rin siyang sagutin iyon.Napakagat ng labi si Chloe. Sa reaksyon palang sa mukha ni Zayden ay alam niya na na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin nakukuha ang puso ng lalaki."What? Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko ay wala pa rin sa'yo? Zi, mahal mo ba talaga ako o si Czarina talaga ang gusto mo?" galit na sabi ni Chloe. "Have you forgotten about what happened and what I did that night?"Bumuntong-hininga si Zayden. Sa totoo lang ay naririndi na siya na marinig iyon, at nagi-guilty rin siya na napapaisip siya sa bagay na iyon."Chloe, hiwalay na kami ni Czarina. You already saw the divorce certificate. We'll get married, okay?"Namuo ang luha sa mga mata ni Chloe at niyakap si Zayden. Kailangan na talagang mawala ni Czarina sa buhay nila.*****Pagkaalis ni Chloe ay umikot ang mga mata ni Zayden sa tahimik na bahay. Kaya ayaw niyang umu

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 396

    Sabay na napatingin sa itaas sina Czarina at Chloe nang marinig ang boses ni Zayden.Pababa na ang lalaki sa hagdan at nakatanaw sa dalawang babae na nakaupo sa sala ng bahay niya ngayon. Parehong nakatanaw sa kanya ang mga ito, ang isa ay kalmado at tila wala na halos emosyon sa mukha, samantalang ang isa ay parang punong-puno ng inggit.Wala sa sariling nagtagal ang mga mata ni Zayden kay Czarina. Mula noong umalis ito sa bahay nila at lalo na noong tuluyan ng natuldukan ang relasyon nila, ay palamig nang palamig ang trato sa kanya ng babae.Nang umapak ang paa ni Zayden sa ikaunang palapag ng bahay ay mabilis na tumayo si Chloe at sinalubong ang lalaki."Zi!" sinukbit nito ang kamay sa braso ng lalaki. "Tapos ka na sa meeting mo?""Nandito ka pa rin?" medyo nagtataka at gulat na tanong ni Zayden.May kinuha lang naman at dinaanan si Chloe sa bahay niya kaya ito narito at nagsabi na aalis din agad kaya naman nagtataka si Zayden kung bakit naroon pa rin ito."Ah, hinintay muna kita m

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 395

    "Czarina?"Nagulat si Czarina nang ang bumungad sa kanya sa bahay nila noon ni Zayden, na bahay nalang ng lalaki ngayon, ay walang iba kundi si Chloe.Alam ni Zayden na darating siya ngayon kaya bakit nandito si Chloe? He knows they're not in good terms. Ano kaya naman ang nasa isip ng lalaki?Bahagyang dumilim ang mukha ni Czarina at halata na hindi ito natuwa nang makita ang babae."Nandito ako para kausapin si Zayden," aniya."Oh," gulat na sabi ni Chloe at pagkatapos ay ngumiti sa kanya. "May meeting lang si Zayden sa taas. Pasok ka muna."Niluwagan ni Chloe ang pagbubukas ng pinto na parang siya na talaga ang may-ari ng bahay.Pagpasok sa loob ay iminuwestra ni Chloe ang upuan na para bang hindi ilang taon na tumira roon si Czarina. Kumuha rin ito ng tubig upang ibigay sa kanya.Tahimik na pinagmasdan ni Czarina ang bawat kilos ni Chloe. She looks too homey. Parang ilang taon na itong nakatira sa bahay na iyon at kabisado na niya ang lahat.Palihim din namang pinag-aralan ni Chlo

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 394

    Bitin ang tulog ni Czarina dahil mag-uumaga na siya nakauwi. Una niyang hinanap ang kanyang cellphone pero lowbatt iyon at hindi na ma-open kaya chinarge niya muna at habang hinihintay iyon ay kakain muna siya. Mag-a-alas nwebe na pala ng umaga.Patapos na mag-breakfast ang mga magulang nang makababa siya, medyo nagulat pa nga siya nang maabutan pa ang mga ito roon."Good morning, mom, dad, lolo, lola," aniya bago umupo sa kanyang upuan."How's your sleep? Hindi na kita naabutan kagabi na nakauwi, ah?" sabi ng dad niya."Medyo late na nga, dad. May minor incident din kasi so I took care of it before going home.""Mamaya na ang cruise party, 'wag kang mawawala doon ha. Nakahanda na ang mga gamit mo at isusuot. And that's a great place to socialize," sabi naman ng mommy niya.Ngumiti siya rito at hindi na sumagot. May plano siya sa kanyang isipan pero hindi niya alam kung paano iyon iaanunsyo sa pamilya.But she has to."Uh... may sasabihin po pala ako..." Nakuha niya agad ang atensyon

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 393

    Kita ang gulat sa mukha ni Czarina nang banggitin ni Kyle Ford ang pangalan niya. Pamilyar ang babae rito dahil sa industriya nila ay malaking aspeto ang dapat kilala niyo ang isa't isa.Wala siyang maalala na naging pag-uusap nila ng lalaki noon at hindi rin pamilyar ang mukha nito sa kanya pero sa pangalang gamit nito ay alam iyon ni Czarina. Lumaki sa ibang bansa ang lalaki kaya hindi rin talaga ito nakakasalamuha ng babae."So, I assume we're friends now," mahina pero nakangiting wika ni Kyle.Pinanliitan ng mata ni Czarina si Kyle. "Why would you even assume that, Mr. Ford?""Because Zayden and I are good friends?" patanong na sagot nito. "And if I'm not mistaken, you're Zayden's wife.""Oh," mabilis na reaksyon ni Czarina. "Seems like you're really mistaken, Mr. Ford. Akala ko ba magkaibigan kayo? Bakit hindi ka updated sa buhay niya?"Bumalatay ang pagkalito sa mukha ni Kyle. Lumipat ang tingin nito kay Ichan na hindi pamilyar kung sino ba ang mga Ford. Ang mga mata ni Kyle ay

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 195

    Malalim na ang gabi, wala ng mga bisita sa hospital, at tahimik na ang paligid.Umupo si Chloe sa kanyang pagkakahiga. Hindi siya makatulog. Wala siyang kasama sa loob ng kwarto ngayon at aminado siya na kahit papaano ay takot siya sa mga kwentong multo sa hospital.Kinakabahan na kinuha niya ang k

    last update最後更新 : 2026-03-29
  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 198

    Habang palabas si Czarina ng inpatient department ay narinig niya ang boses ni Sanya na tinatawag siya. "Czarina!" Lumingon si Czarina at hinintay makalapit sa kanya ang ngayong hinihingal na na si Sanya. "Bakit?" kalmadong tanong ni Czarina pero sa loob niya ay kabado siya sa posibleng marin

    last update最後更新 : 2026-03-29
  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 188

    Maraming kayang gawin si Czarina, maraming talento. Pero lahat iyon ay tinalikuran at kinalimutan niya nang mahulog ang loob niya kay Zayden. Nagchi-cheer ang mga tao sa paligid nila. "Ang kapal ng mukha mo'ng sabihin iyan sa aming mga babae, eh, galing ka din naman sa nanay mo!" Patulak na b

    last update最後更新 : 2026-03-28
  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 167

    "By the way," lumingon si Yvo Laude kay Zayden. "Nabalitaan ko na nakikipag-agawan ka sa lupa na malapit sa airport." Nagkibit ng balikat ang lalaki. "Narinig ko dahil family friend din namin ang may-ari no'n at malapit iyon kay Czarina."Isang tango ang naging sagot ni Zayden."Ano ba ang balak mo

    last update最後更新 : 2026-03-27
更多章節
探索並免費閱讀 優質小說
GoodNovel APP 免費暢讀海量優秀小說,下載喜歡的書籍,隨時隨地閱讀。
在 APP 免費閱讀書籍
掃碼在 APP 閱讀
DMCA.com Protection Status