Share

Chapter 39

Author: Raine
last update Last Updated: 2025-03-28 21:39:06

"Way to reject someone on the first date, huh?" pabirong saad ni Adrian.

Nahihiyang tumungo si Czarina habang nilalaro ang mga daliri niya. Ayaw niyang ma-offend ang lalaki lalo na't ang pamilya niya ang nagpakilala nito sa kanya.

"Hindi naman sa ganoon, Adrian, hindi lang talaga..." nagbuga siya ng hininga. "Alam ko na maraming babae ang mas better para sa iyo, hindi yung tulad ko na kinasal na."

Namungay ang mga mata ni Adrian. Sa halip na masaktan o mapanghinaan ng loob ay tumaas lalo ang respeto at paghanga niya kay Czarina. Noon pa man ay madami na siyang naririnig na magagandang balita tungkol dito pero pinilit niyang hindi na kilalanin ng husto ang babae dahil alam ng lahat kung gaano nito kamahal si Zayden. At nang ikasal ang dalawa, napagtanto ni Adrian na hindi siya kailanman magkakaroon ng tyansa kay Czarina.

Hanggang sa dumating ang pagkakataon ngayon.

"Czarina," umiling siya at natawa ng kaunti. "Stop downgrading yourself. Deserve mo lahat ng mayroon ka, ng mga tao sa pal
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jenelyn Sechico Rivera
yuckkkks kapal n apog mo piste ka,,ikaw nga may girlfriend...ka may narinig ka ba kay zcarina,,kpal ng hayop natu
goodnovel comment avatar
Analyn Arañez Reyes
NXT please author
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 127

    Habang nasa loob ng sasakyan ay umilaw ang phone ni Czarina. May nag-send sa kanya ng isang article na naglalaman ng tungkol sa nangyari sa lolo niya. 'The Chairman of the Laude family had a sudden heart attack and is currently in the hospital' Dumoble ang kaba ni Czarina nang mabasa iyon. Hindi niya alam kung saan galing ang balita na iyon pero batid niyang posibleng totoo iyon bagamab ikipinagtataka niya kung bakit heart attack. Healthy naman ang lolo niya, nagpapa-check up din ito taon-taon. Kaya paanong nagkasakit ito sa puso? O hindi niya lang alam dahil abala siya sa ibang bagay? Hindi na natiis ni Czarina at muling tinawagan ang ama. Naiiyak na siya sa sobrang sakit na nararamdaman. Hindi pa pwedeng mawala ang lolo niya, kailangan niya pang makasama ito ng matagal, kailangan pa niyang bumawi ng oras, panahon, at atensyon dito. "D-dad, kumusta ang lolo?" nanginginig ang boses na tanong ni Czarina nang sagutin ng kanyang ama ang tawag. ("Nasa loob pa, anak, eh. Hindi ko pa

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 126

    "ID and Marriage Certificate," sabi ni Zayden kay Czarina. Agad kinuha ng babae ang mga kailangan at ibinabang muli sa may window.Medyo gulat pa rin ang officer sa nasasaksihan. Tumingin ito sa dalawa at sinubukang kausapin ang mga ito."Sigurado na ba kayo na gusto niyong maghiwalay? Bilang mag-asawa ay talagang madami kayong kakaharapin na pagsubok at normal naman iyon sa lahat kahit na kayo pa ang pinakamayaman sa mundo. Ang totoo--""Napag-usapan na naman ito at final na ang decision namin," putol ni Czarina sa sinasabi ng officer.Mahalaga ang oras nila ni Zayden pareho, bihira sila magkaroon ng extra na oras para sa mga ganitong bagay kaya hindi na nila kailangan pang magsayang pa ng oras.Wala namang bagay na sumusubok sa kanilang dalawa. Wala silang pinagtatalunan na pinagtatalunan ng normal na mag-asawa.Ang isyu dito ay hindi siya mahal ni Zayden. At sa loob ng maraming taon ay ipinilit niya ang sarili sa lalaki. At ngayon ay pagod na siya. Gusto na niyang kumawala sa kasa

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 125

    Pagpasok ni Czarina sa department nila ay agad siyang dumiretso sa CR. Sinandal niya ang sarili sa pintuan, mabigat ang paghinga niya sa mga oras na iyon, at naninikip ang kanyang dibdib sa sakit na nararamdaman. Akala niya okay na siya. Matagal na rin mula nang umalis siya sa bahay nila ni Zayden. Ilang linggo at umabot na rin ng buwan mula noong pumirma siya ng divorce agreement... akala niya ay ayos na, na hindi na siya masasaktan ng ganito kalala. Pero hindi pala. Hindi pa rin pala. Niloloko niya lang pala ang sarili niya. Nang banggiting muli ni Zayden ang salitang divorce, pakiramdam niya ay gumuhong muli ang mundo niya. Pero ganoon talaga, doon pa rin pala hahantong ang lahat... sa hiwalayan. Pilit niyang pinapakalma ang sarili sa kabila ng bigat na nararamdaman. Pinipigilan niya ring lumuha dahil lalabas pa siya mamaya at nasa work pa siya, hindi naman magandang lalabas siya na namamaga ang mata sa kaiiyak. At ayaw niyang makita ni Chloe o ni Zayden iyon. Pride na

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 124

    Paglabas ni Czarina ng area department nila ay natanaw niya na agad ang lalaking nakaupo sa may sofa sa visitor's area na naghihintay sa kanya. Medyo malayo ang pwesto nito sa mga dumadaang mga tao at wala ring nakaupo sa malapit. Nakasuot ng itim na suit si Zayden at modelong-modelo ang dating nito habang nakaupo at nakadekwatro ng upo. Seryoso lang ang mukha habang pasilip-silip sa kanyang mamahaling relo. Lumapit si Czarina at agad napansin ni Zayden ang pagdating niya. Nag-angat ng mukha ang lalaki at nagtama ang mga mata nilang dalawa. "Ano'ng kailangan mo?" kalmado, hindi galit at hindi rin masaya, na sabi ni Czarina. Sa tono pa lamang ng boses nito ay naghahayag na na tapos na nga sila. Na wala na ring patutunguhan ang relasyong mayroon sila. Tinuro ni Zayden ang maliit na mesa sa kanyang harapan. May naka-envelope doon na mukhang naglalaman ng importanteng dokumento. Pinulot iyon ni Czarina at dahan-dahang binuksan.Divorce Agreement!Mabilisang binasa ni Czarina ang mga

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 123

    ("Ma'am, tama po kayo, bumisita nga si Mr. Hart ngayon sa kulungan") Kausap ngayon ni Chloe ang assistant na si Jude sa telepono. Nasa trabaho siya ngayon at kanina pa niya inaabangan ang update ng assistant. Nitong mga nakaraan ay nagdududa na siya sa kinikilos ni Zayden, ibang-iba ito sa Zayden noon. "Ano ang tinanong niya?" ("Kung sino raw ang nagligtas sa kanya noon.") Napigil ni Chloe ang paghinga ng ilang segundo. Kinakabahan siya. "A-ano ang sinagot?" ("Don't worry, Ma'am, sumunod naman siya sa usapan.") Doon lang nakahinga nang maayos si Chloe. At talaga palang pinagdududahan na siya ni Zayden. Sasagot pa sana siya nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa no'n si Czarina kasunod ang ilan pang mga doctor at nurse. Pasimpleng ibinaba ni Chloe ang tawag at sinundan ng tingin ang mga ito. "Grabe, magkano ang nagastos mo kagabi, Czarina? For sure mahal iyon, ang laking bawas no'n sa ipon mo." Ibinaba ni Czarina ang mga gamit sa mesa bago tinali ang kanyang b

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 122

    Nakaramdam ng matinding poot at galit si Zayden pagpasok niya sa isang kwarto kung saan haharapin niyang muli ang taong nagbigay ng matinding trauma sa kanya at sa mga tao sa kanyang paligid. Nakaupo sa loob ng kwartong iyon ang isang lalaki na medyo malaki ang katawan, madaming tattoo sa braso at may yabang ang dating ng bawat kilos at tingin niya. Ngayon niya malalaman mula sa lalaking ito kung sino nga ba ang nagligtas sa kanya. At sa hindi maintindihang rason, sa isip at puso niya ay umaasa siya na hindi si Chloe ang isasagot nito kundi si Czarina. Umaasa siya na si Czarina... pero naroon din ang takot na baka ito nga. Pinilit niyang maging kalmado habang paupo sa upuang nasa harapan ng lalaki. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Gusto kong sagutin mo ako ng diretsahan..." malamig ba sabi ni Zayden. Madilim ang mga mata nito at bahagyang nakakatakot. "Sino ang nagligtas sa akin ng araw na iyon?" Kinakabahan na ang kidnapper sa kaharap kahit wala pa man itong sinasabi. Ito a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status