Share

TEN

Author: Raine
last update Last Updated: 2025-02-23 21:23:04

PAGLABAS niya nang hotel ay agad niyang hinanap ang sundo niya pero mukhang wala pa roon ang driver nila. Kukunin niya na sana ang phone sa kanyang bag at tatawagan ito nang magtama ang mata nila ni Zayden.

Nakahalukipkip ang lalaki habang nakasandal sa itim na mustang nito. Masyadong agaw pansin ang awra nito na kahit galit si Czarina ay hindi niya maiwasang hindi mahulog sa karisma ni Zayden.

Umirap siya at lalagpasan na sana ang lalaki nang magsalita ito.

"Seriously? Hanggang kailan ka mag-iinarte ng ganito, Czarina?" may halong inis ang tono ng boses ni Zayden.

Humarap si Czarina sa kanya at nagtaas ng kilay. Pasimple niyang sinilip ang loob ng sasakyan kung naroon ba si Chloe pero dahil tinted ay wala siyang makita.

"Nasaan ang babae mo? Himala at hindi nakabuntot sa'yo?"

Gumalaw ang panga ni Zayden at halos mapigtas ang mga litid sa leeg sa sobrang galit.

"Were you always like this, huh? Rude and very unreasonable," sabi ni Zayden sa kanya.

Hilaw na napangiti si Czarina at tumi
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 63

    Bumaba ang tingin ni Zayden sa mga kamay ni Czarina na nakalapat sa palapulsuhan niya. Ang simpleng pagdikit lang ng balat nilang dalawa ay parang nagpapawala sa kanya sa ulirat. She looks weak and strong at the same time.Dahil nauuna ito ay napansin ni Zayden ang tattoo nito na butterfly sa bandang likuran. Iyon ang unang beses na nakita iyon ni Zayden sa malapitan. Kapag tinitigan mo ng mabuti iyon ay mapapansin mo na parang may peklat sa ilalim at ginamit ang tattoo upang itago.Wala sa sariling nagtaas ng kamay si Zayden upang hawakan sana ang parteng iyon pero hindi niya natuloy dahil agad humarap si Czarina sa kanya at patulak na binitawan ang kamay.Tumikhim si Zayden upang itago ang pagkataranta sa muntik gawin.Parehong-pareho ang pwesto ng tattoo ni Czarina sa sugat din ni Chloe sa likuran.Nagbaba siya ng tingin upang salubungin ang masamang tingin ni Czarina sa kanya."Ano ba ang nasa isip mo para sabihin kay grandma na magdi-divorce tayo?" kita ang iritasyon sa mukha ni

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 62

    "Sa tingin mo ba deserve ni Czarina ang lahat ng ito, huh?"Hindi. Aminado naman siya na hindi deserve ni Czarina lahat ng sakit na dinulot niya. Pero hindi tama na ipagpatuloy ang lahat ng ito. Kailangan siya ni Chloe at pinangakuan niya ng kasal ang babae."Hindi ko mahal si Czarina, mom. This is just a marriage for convenience, alam mo iyan. I have no feelings for her at all."Napapikit sa inis ang mommy ni Zayden sa mga salitang narinig. Mahal ni Marissa Hart, ang nanay ni Zayden, si Czarina na tila ba isang tunay na anak nito. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi ito magustuhan man lang ng anak niyang si Zayden gayong napakabait ng babae. Bukod doon ay matalino ito, madaming talento, masayang kasama, at nanggaling sa maganda at mayamang pamilya.She has everything a man would ever asked for.Umiling siya upang ipakita ang pagkadisgusto sa mga narinig."Czarina do not deserve any of this, Zayden! Ilang taon niya ring tiniis ang lahat ng ito. Dapat ay bumabawi ka sa kanya, hind

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 61

    Masama ang tingin kay Zayden ng buo niyang pamilya nang makapasok siya sa hospital room ng kanyang grandma. Nasaktuhan niya na nandoon ang doctor at nagpapaliwanag ng kasalukuyang lagay ng matanda. Dumiretso ang mga mata ni Zayden sa kanyang lola na nakahiga at mahimbing na natutulog. May mga nakatusok sa kanya na kung ano-ano at masakit ang puso ni Zayden na makita ito sa ganoong kalagayan. "Hindi na ganoon kaganda ang lagay niya," sabi ng doctor. "Hindi siya pwedeng ma-stress maski sa maliliit lang na bagay. Humihina na rin ang puso niya. Ang magagawa lang natin sa ngayon bukod sa mga gamot ay maiwasan niyang mag-isip-isip ng sobra." Lumunok si Zayden at nahihiyang nagbaba ng tingin. Hindi niya masalubong ang mga mata ng kanyang pamilya. "Pasensya na, doc, naistorbo ka pa namin. Hindi ka pala naka-duty ngayon..." sabi ng mommy ni Zayden. Ngumiti ang doctor at tumingin sa gawi ng matanda. Malaki ang utang na loob nito sa grandma ni Zayden dahil ang kumpanya nila ang nagbiga

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 60

    Tahimik ang buong bahay nang pumasok si Zayden. Sinuyod niya ang buong sala, ni walang fresh na bulaklak doon, napalitan na ng mga plastic flowers. Dati, pagkadating niya galing trabaho ay naaamoy niya agad ang natural na amoy at bango ng mga sariwang bulaklak. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya. Kahit kagagaling sa hospital at kahit ilang paalala ang narinig niya ngayong araw ay dumiretso pa rin siya sa may ref at kumuha ng beer. Walang maririnig na kahit ano sa buong bahay. Ramdam na ramdam ni Zayden na mag-isa siya at hindi niya gusto ang pakiramdam na iyon. Ibinaba niya ang beer sa mesa at sinagot ang nagri-ring niyang cellphone. Napapikit siya nang makita kung sino ang caller. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa grandma niya. Pagod na siyang magsinungaling. Ayaw niya man sagutin ay mas lalong nakakatakot kapag hindi niya iyon sinagot. "Hello, grandma..." Malalalim na hininga ang narinig ni Zayden mula sa kabilang linya. Wala pang salitang lumalab

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 59

    Tulala at namumula sa galit ang mukha ni Chloe habang nakatingin sa anunsyo sa kanyang cellphone. Ilang sikat na pahayagan at mga pages na madadaming likes ang nagsabi na nahanap at nabenta na raw ang snow lotus grass. Nanginginig ang mga kamay niya at hindi niya na namalayan ang pagtulo ng mga luha. Puno ng hinagpis ang puso niya. Pakiramdam ni Chloe ay iyon lang ang tanging paraan para mapaamo ang matanda na siyang tangi ding dahilan para makapasok ng maayos sa pamilya ni Zayden. "Wala na," sambit niya. "Tapos na, wala na, Zi... may nakakuha na ng snow lotus grass. Wala na akong pag-asa na tanggapin pa ng pamilya mo. Paano na 'to? Wala na..." Humihikbi siya habang nakatingin pa rin sa cellphone. "What's wrong?" mahinahong tanong ni Zayden, nag-aalala. "Bakit ka umiiyak? Ano'ng wala na?" Ipinakita ni Chloe ang isa sa mga post na nakita niya. 'Snow lotus grass, a rare herb, was sold for one billion' "Isang bilyon?" kunot-noong basa ni Zayden. Nanghihina pa rin siya p

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 58

    "Seriously? Hatinggabi, Czarina? Ano'ng gagawin mo rito?" Sinundan ni Viktor papasok sa basement si Czarina. Kalmado lang ang mukha ng babae pero nagngingitngit ang kalooban nito. "Saan ka ba galing? Hindi ka ba hinahanap nila Tito?" pangungulit ni Viktor dahil kinakabahan na siya sa gagawin ni Czarina. Kapag seryoso ito sa isang bagay ay talagang gagawin niya ang lahat para magtagumpay. At iyon ang nakikita ni Viktor ngayon. She looks like she's about to destroy someone. Umupo si Czarina sa harap ng malalaking computer kung saan siya talagang nakapwesto. "May nakahanap na ba ng snow lotus grass?" tanong ni Czarina habang pumipindot ng kung ano sa key board. Nangunot ang noo ni Viktor. Snow lotus grass? Bakit kaya nabanggit iyon bigla ni Czarina? Interesado din ba ang pinsan niya roon? "What do you mean?" puno ng pagtatakang sabi ni Viktor at umupo sa katabing upuan habang nakatingin sa pinsan niya na wala ng emosyon ang mukha. "Akala ko wala kang interes na hanapin

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 57

    "Hindi ako si Chloe, Zayden," pag-uulit ni Czarina nang ayaw pa rin siya pakawalan ni Zayden.Kinakabahan siya. Nasa proseso siya ng pagmo-move on at ang mga ganitong galawan ni Zayden ay hindi makabubuti sa puso niya."I..."Bago pa maituloy ni Zayden ang gustong sabihin ay malakas na bumukas ang pinto at sa gulat ay naitulak ni Czarina si Zayden ng buong lakas.Ang mas ikinagulat pa nito ay nang makita si Chloe sa may pintuan at masama ang tingin sa kanila.Bago pa makapagsalita si Chloe ay agad ng inalmahan ni Czarina ang iniisip nito."Don't get the wrong idea, Chloe," depensa ni Czarina. "Hinatid ko lang siya rito. Wala rin akong plano na mag-stay, naghihintay lang ako ng magbabantay. Aksidente lang kaming nagkita sa daan, lasing siya, at bigla nalang hinimatay."Pinanliitan ni Chloe ng mata si Czarina pagkatapos ay tinapunan ng matatalim na tingin si Zayden. Nanghihina pa rin ang lalaki pero sa halip na kay Chloe ang atensyon nito ay nakatitig lang ito kay Czarina na tila may na

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 56

    Matapos i-check ng doctor ang lagay ni Zayden ay agad lumapit si Czarina rito. "Kumusta siya, doc?" nag-aalalang sabi ng babae habang pasulyap-sulyap kay Zayden. "Ayos lang siya. Magpapalagay lang ako ng IV para lumakas siya ng kaunti dahil medyo nanghihina siya. Mrs. Hart, kabisado mo na ang pasyente, alam mo na ang lagay niya. Maging maingat siya sa mga kinakain niya." Mahinang tumango si Czarina. Pamilyar ang doctor na iyon sa kanya dahil madalas na iyon ang attending physician sa tuwing tumatakbo sila rito sa hospital, iba pa ang personal na doctor ng pamilyang Hart. Pagkalabas ng doctor ay lumabas din si Kevin para bumili ng gamot na kailangang inumin ni Zayden. Walang nagawa si Czarina kung hindi manatili roon para magbantay. Umupo siya sa tabi ni Zayden. "Ayan, akala mo kasi isa kang makapangyarihang tao na hindi nagkakasakit," nakairap na sambit ni Czarina kahit tulog naman ang kausap niya. "Hanggang ngayon ba naman hindi mo pa rin maalagaan ng maayos ang kalusugan mo?"

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 55

    Walang pagdadalawang-isip na tumakbo si Czarina patungo sa nakahandusay na katawan ni Zayden sa gilid ng kalsada.Kinakabahan siyang lumapit, umupo sa tabi nito, at akmang hahawakan na niya ang lalaki nang bigla siyang natigilan. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin sa isa pang tao na naroon.Si Kuya Kevin, ang long-time driver ni Zayden, na siyang naunang lumapit.Nanginginig ang mga labi at hindi malaman ni Czarina ang gagawin. Tumalikod na siya kanina at hindi na dapat siya lumingon. Bumalik ang tingin niya kay Zayden, namumutla ang mga labi nito ganoon din ang buong mukha niya. Kunot ang noo na parang may iniindang sakit at ang kamay ay nakahawak sa kanyang tiyan. Kinabahan si Czarina, alam niya na madalas sumasakit ang tiyan ni Zayden, kaya todo alaga rin siya rito lalo kapag umiinom ang lalaki."K-kaya mo naman na ito, Kuya Kevs, 'di ba?" tanong niya."Ma'am!" tarantang sabi ni Kevin. "Tulungan niyo nalang po ako maihatid si Sir sa hospital, wala ring magbabantay sa kanya roo

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status