Carlos, bakit mo sya sinaktan! Nakalimutan mo na ba ang mga itinuro ko sa'yo? Bukod pa riyan, wala na tayong kapangyarihan ngayon, at isa na akong walang silbi. Hindi na tayo puwedeng maging katulad ng dati!"
Galit na wika ni Marcus habang tinatapik ang armrest ng wheelchair, na parang dismayado sa isang tao. Yumuko si Carlos: "Patawad, senyorito, hindi ko lang talaga napigilan. Hindi ko matiis na may mga nagsasabi ng masama tungkol sa inyo." "Kailangan mong tiisin! Pamilya ito ng aking asawa. At nangako ako sa kanya na hindi na ako mananakit ng iba." Agad na hinarap ni Carlos si Beatrice at yumukod upang humingi ng tawad: "Senyorita, patawad po. Ako ang dahilan kung bakit nasira ng senyorito ang kanyang pangako sa iyo. Kung may dapat sisihin dito, ako yun at wala ng iba" Hindi naman naglit si Beatrice, bagkus labis na kasiyahan ang kanyang nararamdaman, ang pinakamagandang naramdaman niya sa buong buhay niya. Ngunit hindi niya ito maaaring ipakita, kaya't bahagya lamang siyang tumango at hindi sinabi kay Carlos na huwag nang maging padalos-dalos sa susunod. Naramdaman ni Beatrice na parang naging masama na rin siya. Lihim na ngumiti si Marcus, at tumingin kay Oscar: "Ama, kasalanan ko ito. Ako Ang nakakatanda at bayaw ni Abby. Mula ngayong araw, bilang bayaw ni Abby, ako na ang gagawa ng hakbang upang matutuan si Abby na respetuhin ang kanyang nakatatandang kapatid." Nabulunan si Lucy at hindi makapagsalita. Tumingin si Marcus sa mga antigong gamit na nagkalat sa sahig at sinabi: "Dahil ganito na ang nangyari, naibigay na ang mga regalo para sa kasal. Hindi ko na kayo aabalahin pa. Babalik kami sa susunod." Mas lalo pang nanakit ang dibdib ni Lucy sa kanilang mga narinig. Wala man lang sa kanilang naibigay na dote. Binasag din ng mga ito ang mga antigong naroroon sa kanilang sala. Ang mga antigong iyon ay ang kanyang mga kayamanan! Kung wala ang mga iyon, paano siya makakapag-imbita ng mga kaibigan sa bahay sa hinaharap? Hay naku~ sumakit ang ulo at dibdib ni Oscar. Palihim na napangiti si Beatrice at dali-daling itinulak ang wheelchair ni Marcus papalayo. Sinadya ni Carlos na magpaiwan sandali, tumingin kay Oscar at sa asawa nito, at nagbabala: "Ipinasasabi ng senyorito na ang kanyang asawa ay hindi basta-basta hinahamak. Mas mabuting mag-isip muna kayo bago magsalita." Matapos sabihin iyon, tumalikod si Carlos at umalis. Sa sala, si Abby ang unang nagreact. Galit na galit siyang nagpapadyak sa sahig. "Mommy! Si Beatrice, ang bruha, paano niya nagawang ganito! Paano niya nagawang magpakasal sa isang baldado at makakuha ng handog na regalo na higit sa 100 milyon, pati bahay at lupa! Mommy, sobrang galit ako! Dapat sa akin napunta ang lahat ng iyon!" Galit na galit si Abby, habang ang kanilang ina ay kakaiba ang mga ngitii at pinakalma ang bunsong anak. "Baby, huwag kang magalit. Nang dumating ang pera sa account at tumunog ang phone ng bruha kanina, sinilip ko. Wala namang ganoong kalaking halaga, tiyak na hindi milyon-milyon." Napahinto si Abby at tiningnan ang kanyang ina nang may pagdududa: "Sigurado ka ba?" "Oo, sigurado ako! Tingin ko, nasa 100,000 lang ang pinakamataas." Naningkit ang mga mata ni Oscar at tiningnan ang kanyang asawa: "Talaga bang malinaw mong nakita?" "Oo." Mariing tumango ang ina ni Beatrice. Hindi siya naniniwala na ang malas na iyon ay magkakaroon ng ganoon kagandang kapalaran. Matatag niyang sinabi, "Nagkakaisa lang sila para lokohin tayo! Isipin mo, nawala kay Marcus ang kapangyarihan matapos ang aksidente sa sasakyan. Paano siya magkakaroon ng ganoon kalaking pera?" "Ang lupa..." Pakiramdam ni Lucy na maliit na bagay lamang ang pera, ngunit malaking usapin ang lupa. Tumawa nang sarkastiko ang ina ni Beatrice: "Baka naman iyon ay kung anu-anong lupa lang, mga lupang hindi ma-develop at walang silbi. At sinasabi nilang ibibigay sa bruha na iyon, at sinasabi nilang ililipat. Sino ang nakakita? Isang palabas lang ito!" Naisip din ni Oscar na may punto ang kanyang asawa kaya tumango siya. "Si Marcus ay isa nang walang silbing tao ngayon. Siya mismo ang nagsabing nawalan na siya ng kapangyarihan at sinabi sa kanyang tauhan na magpakumbaba. Narinig mo iyon kanina” Habang patuloy na minamaliit ng kanyang asawa ang asawa ni Beatrice, mas lalo siyang nakakaramdam ng pagkainis. Hindi na sumagot si Oscar sa pagkakataong ito. Magulo ang kanyang isipan. Sa kanyang pananaw, mas may kakayahan si Marcus kumpara kay Albert, ngunit ang pagiging baldado ay naging dahilan upang isipin na nakakahiya na ito ang kanyang naging manugang. Hinaplos muli ni Lucy ang balikat ng kanyang bunsong anak: "Ngayon na ang ate mo ay napangasawa ang baldadong iyon, kailangan mong mas maging masipag. Kapag bumalik si Albert, pakitunguhan mo siya nang mabuti at subukang makuha ang loob niya." Nahihiya ngunit nangingiti nman itong tumango. Sa labas ng bahay, pagkapasok pa lang ni Beatrice sa sasakyan, narinig na niya ang nahihiyang boses ni Marcus. "Pasensya ka na. Hindi ko kayang ibigay ang ganoong kalaking halaga ng handog na pamamanhikan sa ngayon... Magbibigay muna ako ng 100,000 pesos para sa mga gastusin sa bahay. Ang natitira... babawiin ko na lang sa susunod." Bago pa siya makatapos ng salita, mabilis na umiling si Beatrice. "Hindi, ayos lang ito. Alam ko na pinagtatanggol mo ako, at ayokong hamakin ako ng pamilya ko sa hinaharap. Sobrang nagpapasalamat ako sa'yo. Salamat sa lahat ng ginawa mo para sa akin. Mula pagkabata hanggang ngayon, wala pang kahit sino ang tumayo para sa akin." Kahit si Albert ay hindi kailanman ay hindi nito nagawa para sa kanya. Si Albert ay isang tahimik na tao na mahilig sa arkeolohiya. Palagi niyang pinapayuhan si Beatrice na tiisin ang kanyang sitwasyon, sinasabing magiging maayos din ang lahat pagkatapos niyang magpakasal. Hindi kailanman naranasan ni Beatrice ang ganitong kagandang pakiramdam gaya ng naramdaman niya kanina. Parang nawala ang lahat ng lungkot at pakiramdam ng kamalasan na naipon sa kanyang puso sa loob ng maraming taon. Habang nagsasalita, iniabot ni Beatrice ang dokumento ng lupa, "Hindi ko rin ito kailangan, salamat." Tiningnan ni Marcus ang dokumento at matagal bago ito kinuha: "Kung gusto mo ito balang araw, Kunin mo na Lang ito sa akin." "Sige." Dinala ni Carlos si Beatrice sa Forbes bago inihatid si Marcus sa lumang bahay. Pagkapasok pa lang ni Marcus sa study area, narinig na niya ang malalim na boses ng matanda. "Narito ka na?" "Oo." Iwinasiwas ng matanda ang kanyang kamay, at kusa namang lumabas sina Carlos at ang matandang tagapamahala ng bahay. Nang sila na lamang dalawa sa study area, seryosong lumapit ang natandang Villamor sa safe, ipinasok ang password, kinuha ang isang dokumento, at ibinato ito kay Marcus. "Para sa'yo. Inihanda ko ito para sa kasal mo." Binuksan ni Marcus ang dokumento, sinilip ang kasulatan ng paglilipat ng equity, at bahagyang ngumiti: "Sa tingin n'yo ba nagpakasal ako para dito?" Tiningnan siya ng Matandang Villamor at nagwika "Talaga bang iniisip mong matanda na ako at makakalimutin? Hindi ako makikipagtulungan sa'yo kung hindi ko alam ang ginagawa ko." Habang sinasabi iyon, hindi naiwasang tumingin ang matanda sa kanyang likuran "Ayos ka lang ba?" "Hindi naman ako mamamatay." Walang emosyon na sagot ni Marcuw. Napabuntong-hininga nang matagal ang matanda at may bahagyang seryosong ekspresyon: "Kpag inilabas na ang kasunduan tungkol sa lupa, ipapaalam ko ito Kay Minda at bibigyan ko siya ng babala. Kailangang malinaw sa kanya kung sino ang namumuno sa pamilya Villamor." Sa kasalukuyan, ang pamilya Villamor ay magkukontrata ng proyekto para sa nuclear power energy development. Isang magandang proyekto ito na makakabuti sa kalikasan, sa bansa, at sa mga tao. Ngunit kulang pa ng isang piraso ng lupa mula sa pamilya nina Minda. Ito rin ang dahilan kung bakit, kahit alam ng matanda ang tunay na ugali ng kanyang manugang, hindi niya ito masyadong pinagalitan. Nauunawaan ni Marcus ang relasyon ng kapangyarihan at kalmadong tumango: "Huwag kang mag-alala, alam ko ang ginagawa ko." "Isa pa, mabuting babae si Beatrice. Huwag mo siyang sasaktan." Tiningnan ni Marcus ang kanyang "Kailangan mo pa bang sabihin 'yan?"Sa bahay ng mga Salazar, biglang pumutok ang panubigan ni Beatrice. Napaupo siya sa sofa, nanlalaki ang mga mata. Si Marcus, na noon ay nagkakape pa, ay halos maibuga ang iniinom."Naku, Beatrice! Anong gagawin ko?!" sigaw niya habang paikot-ikot na parang nawawalang bata sa palengke. Sa sobrang gulat, ang una niyang nahawakan ay ang remote ng TV imbes na cellphone.Mabilis niyang tinawagan ang kanyang mga biyenan, sina Ginoo at Ginang Salazar, na nanonood lang ng telenovela sa sala."Ma! Pa! Si Beatrice! Pumutok na! Este... panubigan niya!" halos mapasigaw si Marcus.Napabalikwas si Ginang Salazar. "Ano?! Bakit hindi mo agad sinabi?!""Sinabi ko na nga po 'di ba?" sagot ni Marcus, habang pilit hinahanap ang susi ng sasakyan sa ilalim ng throw pillow.Samantala, ang mga kapatid ni Beatrice—sina Pablo, Stell, at Justin—ay parang mga contestant sa isang game show: nag-uunahan kung sino ang tatawag sa ospital, pero pare-parehong nahulog ang cellphone sa sahig."Ano ba 'to, emergency o fa
Damang-dama sa buong bahay ang kasiyahan—may tawanan, kwentuhan, at masaganang hapunan. Sa gitna ng kasayahan, hindi na rin napigilan ni Beatrice na ibahagi ang magandang balita sa kanyang matalik na kaibigan.Kinuha niya ang kanyang cellphone at agad na tinawagan si Genna."Best, may ibabalita ako sa’yo!" bungad ni Beatrice nang sagutin ni Genna ang tawag."Best! Mukhang sobra kang masaya ah," natutuwang sagot ni Genna mula sa kabilang linya."Oo, Best! Promise, sobrang good news ito. Punta ka dito sa bahay ng mga Villamor. Ipinasundo na kita kay Carlos."Nagmadali si Beatrice at tinawag si Carlos. "Carlos, pakisundo si Genna. Sabihin mong dito siya sa bahay pupunta, importante."Muling bumalik si Beatrice sa tawag."Hintayin mo si Carlos, ha? Dito na lang kita kukuwentuhan. Hindi ko kayang itext lang 'to."Pagkadating ni Genna sa mansyon, hindi niya napigilang mamangha sa laki at ganda nito. Noon lang siya nakatuntong sa bahay ng mga Villamor, at para sa kanya, tila ito'y isang pal
“Okay, eto na ang resulta,” mahinahong sabi ni Robert habang hawak ang sobre ng DNA test. Ramdam ang tensyon sa buong sala—lahat ay pigil hininga, tila tumigil ang oras.Marahan niyang binuksan ang sobre at inilabas ang dokumento. Tumingin muna siya sa mga mata ni Beatrice at ng mag-asawang Salazar bago siya muling nagsalita.“Ayon dito, 99.99% match ang mga DNA samples. Ibig sabihin... si Beatrice ay anak ng mga Salazar.”Sandaling katahimikan ang namayani, saka sumabog ang emosyon. Napatakip sa bibig si Beatrice, mga luha’y kusang bumagsak sa kanyang pisngi.“Oh my God... sobrang saya ko po. Kayo po pala talaga ang tunay kong pamilya,” nanginginig na tinig niya habang niyakap si Mrs. Salazar ng mahigpit. “Matagal ko na pong pinangarap ang ganitong klaseng pamilya…”Hindi napigilang mapaluha rin si Mrs. Salazar habang yakap-yakap ang nawawalang anak. “Anak… anak ko…”Isa-isa namang lumapit ang buong pamilya Salazar. Si Justin, ang bunso, ay halos tumalon sa tuwa.“Ate! Sobrang saya k
Sa bahay ng mga Salazar, maagang dumating ang mag asawang Beatrice at Marcus. Agad silang sinalubong ng masayang si Mrs. Salazar. Excited din si Beatrice na makita ang matandang babae. Ang matandang babae na malaki ang posibilidad na kanyang tunay na ina.“Ninang, meron po akong sasabihin sa inyo.” Iginiya sya ng kanyang ninang sa may sofa at malumanay na nakinig sa kanya.“Ipinagtapat po sa akin ni Marcus na napag alaman nyang hindi po ako tunay na anak ng mga Aragon. Alam ko din pong alam na ninyo iyon. Ninang, malaki po ang posibilidad na kayo ang aking mga tunay na magulang”, excited nyang wika.“Beatrice, maari tayong mag patest. Malakas din ang aking pakiramdam na ikaw ay anak ko. Kung hindi man, ganoon pa din ang magiging treatment namin sa iyo”, wika ng ginang.Agad na inutusan ni Marcus si Carlos na dalhin ang mga sample ng buhok nina Mrs. Salazar at Beatrice sa laboratoryo ng kanyang kapatid. Dali daling pumunta si Carlos sa laboratoryo ni Robert at dinala Ang mga Samples
Labis ang galit ni Arturo sa kanyang mga naririnig. Doon nya na realized na mali ang kanyang ginawa sa kanyang mag ina. Hindi nya akalain na ganun pala ang tingin sa kanya ng pamilya ng kanyang kuya Isang palabigasan. Kayat agad syang umalis at bumalik sa kanilang tahanan.Pagkabalik nya sa kanyang tahanan, pinagmasdan nya ang kanyang mag ina. Masaya ang mga itong nagkukwentuhan habang nanonood ng paborito nilang palabas. Nanghinayang sya bigla. Naisip nya na sana kasama rin sya ng dalawang iyon na nanonood at nagsasaya. Ang mga bagay na sinayang nya sa loob ng maraming taon dahil sa pag una nya sa walang utang na pamilya ng kanyang kapatid.Hindi sya nakatiis at nagsalita “Ang saya nyo namang pag masdan”, may halong lungkot at pait sa kanyang tinig.Tiningnan sya ng kanyang mag ina. Napansin ng mga ito Ang lungkot sa kanyang mukha.“Tay, bakit po? May problema po ba kayo?”, Ang nag aalalang tinig ng kanyang anak.Naupo sya sa katabing upuan at agad na ikinwento ang nangyari.“Yan na
“Asawa ko, malaki ang posibilidad na ang mga Salazar ang mga magulang mo”. Ang mga katagang iyon ay parang isang malaking tambol na umalingawngaw sa kanyang tenga. Kinabahan sya ngunit mas nangibabaw ang saya. Ang ideal parents na pinapangarap nya, may posibilidad na maging magulang nya.Naalala nya Nung kinwento sa kanya ni Mrs. Salazar, yung panahon na namatay raw ang anak nito, yun din ang panahon na ipinanganak sya. Medyo naguluhan sya kayat nagtanong sya sa kanyang asawa.“Asawa ko, may posibilidad ba? Eh kung hindi ako anak ng mga Aragon, asan ang tunay nilang anak?” Naguguluhan nyang tanong sa kanyang asawa.“Asawa ko, namatay ang tunay na anak ng mga Aragon, natakot ang doctor na nagpaanak kay Lucy, kayat naghanap ito ng sanggol na ipapalit sa namatay na sanggol. At sakto naman na ipinanganak ka. Noong mga pnahon na iyon, ang dating kasintahan ni MR. Salazar ay nagplano na Miata maghiganti sa mga asawang Salazar, kayat kinuha nito ang sanggol na may nkalagay na baby girl Salaz