Aliw na aliw si Gilbert na tila medyo mapang asar ang mga gawi. Samantala, si Bryan ay pinaglalaruan ang pulang sobreng wlang laman, at sinulyapan siya habang diretsahang nagtanong "hmmm sinulot mo Ang mapapangasawa ng iyong pamangkin?"
Ang dalawang ito ay lumaki kasama ni Marcus, malapit sila sa isat isa. Noon pa man ay alam na nila na may espesyal itong pagtingin kay Beatrice. Kadalasan, masama ang mukha ni Marcus kapag nababanggit ito. Pero ngayong araw, maganda ang kanyang mood at itinama ang mga ito"Asawa ko na siya ngayon." "Talaga?" Sinulyapan ni Bryan si Marcus na halatang nagmamayabang. "Oo."Sagot ni Marcus nang walang pagbabago sa ekspresyon. Halos bumuka nang sobrang laki ang bibig ni Gilbert na parang kasya ang dalawang itlog: ... Muling sumingkit ang mga mata ni Bryan at nagtanong ulit: "Nakuha mo na ba ang kasulatan?" "Oo." Nang sinabi iyon, maingat na kinuha ni Marcus ang dalawang marriage certificate mula sa loob ng bulsa ng kanyang suit, binuksan ang mga ito, at inilapag sa mesa. Hindi makapaniwala si Gilbert at inabot ang kamay upang kunin ito, ngunit pinalo siya ni Marcus bago niya ito mahawakan. “Gilbert, Hugasan mo muna ang mga kamay mo. Huwag mong hawakan ang marriage certificate ko gamit ang marurumi mong kamay." Matalim siyang tiningnan ni Marcus at binalaan, pagkatapos ay maingat na kinuha ang dalawang maliit na pulang libro, binuksan ang isa, at ipinakita ito sa dalawa. Pagkatapos ng ilang segundo, maingat niya itong ibinalik sa bulsa ng kanyang suit. "Ganito ba ito kahalaga?" ani ni Gilbert Habang nagrereklamo, siniko ni Gilbert si Bryan sa tagiliran nito, "Uy, Bryan hindi ba sobrang nkakapagtaka ito?" Humipak muna si Bryan bago nagbuga ng usok at nagwika: "Ano bang nakakagulat? Noon pa man alam na nating Hindi talaga gusto ni Mrs. Minda si Beatrice para sa kanyang anak. Marahil yun Ang dahilan kaya ginawa iyon ng ginang." "Tama ka." Napakunot ng kilay si Marcus at ikinwento Ang bubong pangyayari. Nanlaki ang mga mata ni Gilbert sa mga narinig "Ibig mong sabihin, si Gng. Minda na hipag mo ang nanuhol upang lagyan ka ng droga Ang inumin mo?" Bahagyang napatango si Marcus. "Pero hindi ka ba napipinsala ng mga drogang iyon? Palagi kang nagtiis ng pagbabad sa tubig na may yelo at pagdurugo. Pero nakasama mo pa rin siya ngayon?" Medyo tumaas ang boses ni Gilbert. Bahagyang ngumiti si Marcus "Kapag siya ang kaharap ko, wala na akong magawa. Hindi ko makontrol ang sarili ko..." Ang mga babaeng nakilala niya noon Hindi nya mga gusto. Nakaramdam siya ng pagkasuklam, kaya natural na naitaguyod niya ang pagpipigil sa sarili. Pero sa harap niya, bumigay agad ang ipinagmamalaki niyang disiplina. Hindi pa nagkaroon ng relasyon si Gilbert kaya hindi niya lubos na maunawaan ang mga ganitong bagay, pero tinapik niya si Marcus sa balikat nang may emosyon at itinaas ang kanyang baso bilang pagbati. "Bro, masaya talaga ako para sa'yo. Akala ko habangbuhay ka nang magiging single! Hindi ko inaasahan na ikaw pa ang mauuna sa ating tatlo na magpapakasal! Tara, bro, binabati kita ng maligayang kasal!" Itinaas din ni Bryan ang kanyang baso: "Binabati kita dahil nakamit mo na ang gusto mo." "Salamat." Uminom si Marcus ng wine, ngumiti nang may kasiyahan, at seryosong sinabi, ” Ang lagay eh babatiin nyo lang ako, Hindi sapat yung bati lang dapat meron kayong pa ampao dyan" Nagkatinginan ang dalawa at napawika si Gilbert ng may pagtataka"Hindi, hindi ka naman kinakapos sa pera! Bakit mo masyadong iniintindi ang ambag namin?" Si Gilbert ay may pag ka kuripot kaya medyo mahirap sa kanya Ang maglabas at magregalo ng pera "Hindi ako kinakapos sa pera, pero masaya akong tumanggap ng mga ampao mula sa inyo." Tinanggal ni Marcus ang kanyang salamin, na nagpakita ng kanyang mapangahas na mga mata. Sa harap ng kanyang mga kaibigan, tinamad siyang magkunwari. "Magkano ba ang dapat kong ibigay?" Tanong ni Gilbert nang nag-aalangan. Sa totoo lang, hindi ito pwedeng sobra o kulang. Diyos lang ang nakakaalam ng pamantayan ng kanilang kaibigan. "Pwede na siguro ang tig 1 milyon." Napapangiti si Marcus habang iniisip Ang magiging reaksyon ni Beatrice “Sige na nga ibibigay ko na ang gusto mo." ani Gilbert. Mabilis nitong tinawag kanyang assistant upang kunin ang pera. Ganun din Ang ginawa ni Bryan. Pagkaabot nila ng sobreng may lamang pera "Hmm... alam ba nya Ang tungkol sa iyong mga paa?" Kinuha ni Marcus ang mga sobre at ngumiti. Ipinaliwanag ni Carlos na sa tamang pagkakataon: "Hindi pa alam ng snyorita. Ang tangi nya lang alam ay mahina at may sakit , nawalan ng lakas, at wala nang pera Ang senyorito. Kung makikita ninyo siya sa labas sa susunod, kailangan ninyong makipagtulungan." Nanlaki ang mga mata ni Gilbert at napataas Ang tonong nagwika. "Bro, naglalaro ka ng apoy! Hindi ka nag aalala na kapag malaman nya iyay magalit sya sa iyo at makipaghiwalay? Bro pag isipan mo ito" Naging seryoso ang mukha ni Marcus at seryosong nagwika"Hindi-hindi Ng mangyayari ang araw na iyon!" Parehas ng prinsipyo sa buhay si Marcus at Bryan. Kapag may gusto, wlang makakahadlang basta kukunin ko ito "Imposible 'yan. Ang sinuman na mabiktima ni Marcus, kailanmay hindi na makakawala." Nang marinig ito, medyo lumiwanag ang mukha ni Marcus, itinaas nito Ang kanyang baso patungo sa baso ni Bryan "Buti naman naintindihan mo ako." Kailanmay Hindi nya hahayaang mawala sa buhay nya si Beatrice. --Samantala, dumating si Beatrice sa Forbes at napansin na maganda nga ang pagkakagawa ng bahay at landscaping sa komunidad. Ang kapaligiran ay kaaya-aya. Bukod dito, may rampa para sa mga may kapansanan sa sahig ng komunidad, at kumpleto ang mga serbisyong pantulong. Tila ito ang dahilan kung bakit pinili ni Marcus ang lugar na ito. Pagbukas ng pintuan gamit ang susi, makikita ang malaking floor-to-ceiling na bintan. Ang bahay ay 220 square meters, maluwang, ngunit ang disenyo ay malamig at minimalistic. Sa isang hapon, bumili si Beatrice ng mga bulaklak at ilang pang mga dekorasyon. Nagluto rin siya ng sopas habang hinihintay si Marcus na umuwi. Hindi niya alam kung babalik ba si Marcus. Kakakasal lang nila at wala silang oras na mag-usap, ni wala siyang contact information nito. Mag-isa siyang naupo sa sofa, kinakabahan. Sa kabutihang-palad, dumating si Marcus na inihatid sya ni Carlos matapos ang maikling paghihintay. Pagpasok niya sa pintuan, natigilan si Marcus saglit. Ang dating kulay-abong disenyo ng bahay ay biglang naging masigla dahil sa presensya ng babae sa sala, ang pink na rosas sa mesa, ilang paso ng halaman, at makukulay na tablecloth. Nang makita ang gulat na ekspresyon ni Marcus, nagmadaling ipinaliwanag ni Beatrice "Nakita kong medyo malamlam ang awra ng bahay kaya bumili ako ng ilang bagay para i-dekorasyon. Hindi ko nasabi sa'yo nang maaga, hindi ko alam kung magugustuhan mo ito” Napansin ni Marcuw ang ekspresyon ni Beatrice, itinulak ang wheelchair nang may pag-aalala, at marahang hinawakan ang kanyang kamay: "Mrs. Villamor, sobrang ko itong nagustuhan, salamat." Medyo nahiya si Beatrice nang tawagin siyang "Mrs. Villamor," ngunit muling narinig niya ang malalim na boses ni Marcus sa kanyang tainga. "Bea, sa'yo ang bahay na ito at Ikaw Ang maybahay ko. Maaari mong gawin ang anumang iyong naisin. Hindi mo na kailangang humingi pa ng opinyon ko; maaari kang magdesisyon para sa sarili mo." Natigilan si Beatrice "Maybahay?" "Oo, kapag nakuha na natin ang marriage certificate, kung hindi ikaw ang maybahay ko, sino pa?" Medyo pabirong sinabi ni Marcus, "Hindi, ikaw pa rin ang ulo ng tahanan." Agad na nabalot ng mainit na damdamin ang puso ni Beatrice, at matagal bago siya ngumiti nang bahagya at nagsabing, "Salamat." Pinapasalamatan niya si Marcus sa pagbibigay sa kanya ng tahanan ngunit mas nag mamasalamat sya dto pagbibigay ng respeto na nararapat para sa kanya. Mga bagay na hindi niya kailanman naranasan sa kanilang bahay noon. Bahagya ring ngumiti si Marcus "Dapat nga akong magpasalamat kay Mrs. Villamor sa pagbibigay ng tahanan sa akin." Muling nahiya si Beatrice sa tawag na "Mrs. Villamor," at namula ang kanyang mukha. Nang mapansin nilang si Carlos na naroon pa rin, lalo pang namula ang kanyang mukha. "Carlos, kumain ka na ba? O..." "Opo! Aalis na ako pagkatapos kong kunin ang dokumento." Si Carlos, na tahimik na "pinagmamasdan" ang matamis na tagpo, ay natataranta at mabilis na sumagot, halos nakakagat ang sariling dila. Pagkatapos makuha ang pahintulot ni Marcus, agad siyang nagtungo sa study area para kunin ang mga dokumento at mabilis na umalis. Biro lang ba? Mananatili siya rito bilang panira sa eksena? Ilang buhay ba ang meron siya? Mapapansin ni Beatrice na parang laging nagmamadali si Carlos, parang may humahabol sa kanya. Matapos sulyapan ang mga pagkaing nasa mesa, tumingin siya kay Marcus at nagtanong, "Kumain ka na ba?" "Hindi pa." "Kung gano'n, maghahain na mununa ako." Okay." Bumalik si Beatrice sa kusina, kinuha ang isang plato steamed fish, at tumingin kay Marcus "Marcus, add kita sa F******k at messenger para madali kitang macontact." Katatapos pa lang ng kanyang sinabi nang biglang tumunog ang phone ni Beatrice sa mesa ng isang "ding," at nagliwanag ang screen. Parehong napatingin ang dalawa at nakita ang messenger notification mula kay Albert. Biglang nanginig ang kamay ni Beatrice na may hawak ng plato ng isda.Sa bahay ng mga Salazar, biglang pumutok ang panubigan ni Beatrice. Napaupo siya sa sofa, nanlalaki ang mga mata. Si Marcus, na noon ay nagkakape pa, ay halos maibuga ang iniinom."Naku, Beatrice! Anong gagawin ko?!" sigaw niya habang paikot-ikot na parang nawawalang bata sa palengke. Sa sobrang gulat, ang una niyang nahawakan ay ang remote ng TV imbes na cellphone.Mabilis niyang tinawagan ang kanyang mga biyenan, sina Ginoo at Ginang Salazar, na nanonood lang ng telenovela sa sala."Ma! Pa! Si Beatrice! Pumutok na! Este... panubigan niya!" halos mapasigaw si Marcus.Napabalikwas si Ginang Salazar. "Ano?! Bakit hindi mo agad sinabi?!""Sinabi ko na nga po 'di ba?" sagot ni Marcus, habang pilit hinahanap ang susi ng sasakyan sa ilalim ng throw pillow.Samantala, ang mga kapatid ni Beatrice—sina Pablo, Stell, at Justin—ay parang mga contestant sa isang game show: nag-uunahan kung sino ang tatawag sa ospital, pero pare-parehong nahulog ang cellphone sa sahig."Ano ba 'to, emergency o fa
Damang-dama sa buong bahay ang kasiyahan—may tawanan, kwentuhan, at masaganang hapunan. Sa gitna ng kasayahan, hindi na rin napigilan ni Beatrice na ibahagi ang magandang balita sa kanyang matalik na kaibigan.Kinuha niya ang kanyang cellphone at agad na tinawagan si Genna."Best, may ibabalita ako sa’yo!" bungad ni Beatrice nang sagutin ni Genna ang tawag."Best! Mukhang sobra kang masaya ah," natutuwang sagot ni Genna mula sa kabilang linya."Oo, Best! Promise, sobrang good news ito. Punta ka dito sa bahay ng mga Villamor. Ipinasundo na kita kay Carlos."Nagmadali si Beatrice at tinawag si Carlos. "Carlos, pakisundo si Genna. Sabihin mong dito siya sa bahay pupunta, importante."Muling bumalik si Beatrice sa tawag."Hintayin mo si Carlos, ha? Dito na lang kita kukuwentuhan. Hindi ko kayang itext lang 'to."Pagkadating ni Genna sa mansyon, hindi niya napigilang mamangha sa laki at ganda nito. Noon lang siya nakatuntong sa bahay ng mga Villamor, at para sa kanya, tila ito'y isang pal
“Okay, eto na ang resulta,” mahinahong sabi ni Robert habang hawak ang sobre ng DNA test. Ramdam ang tensyon sa buong sala—lahat ay pigil hininga, tila tumigil ang oras.Marahan niyang binuksan ang sobre at inilabas ang dokumento. Tumingin muna siya sa mga mata ni Beatrice at ng mag-asawang Salazar bago siya muling nagsalita.“Ayon dito, 99.99% match ang mga DNA samples. Ibig sabihin... si Beatrice ay anak ng mga Salazar.”Sandaling katahimikan ang namayani, saka sumabog ang emosyon. Napatakip sa bibig si Beatrice, mga luha’y kusang bumagsak sa kanyang pisngi.“Oh my God... sobrang saya ko po. Kayo po pala talaga ang tunay kong pamilya,” nanginginig na tinig niya habang niyakap si Mrs. Salazar ng mahigpit. “Matagal ko na pong pinangarap ang ganitong klaseng pamilya…”Hindi napigilang mapaluha rin si Mrs. Salazar habang yakap-yakap ang nawawalang anak. “Anak… anak ko…”Isa-isa namang lumapit ang buong pamilya Salazar. Si Justin, ang bunso, ay halos tumalon sa tuwa.“Ate! Sobrang saya k
Sa bahay ng mga Salazar, maagang dumating ang mag asawang Beatrice at Marcus. Agad silang sinalubong ng masayang si Mrs. Salazar. Excited din si Beatrice na makita ang matandang babae. Ang matandang babae na malaki ang posibilidad na kanyang tunay na ina.“Ninang, meron po akong sasabihin sa inyo.” Iginiya sya ng kanyang ninang sa may sofa at malumanay na nakinig sa kanya.“Ipinagtapat po sa akin ni Marcus na napag alaman nyang hindi po ako tunay na anak ng mga Aragon. Alam ko din pong alam na ninyo iyon. Ninang, malaki po ang posibilidad na kayo ang aking mga tunay na magulang”, excited nyang wika.“Beatrice, maari tayong mag patest. Malakas din ang aking pakiramdam na ikaw ay anak ko. Kung hindi man, ganoon pa din ang magiging treatment namin sa iyo”, wika ng ginang.Agad na inutusan ni Marcus si Carlos na dalhin ang mga sample ng buhok nina Mrs. Salazar at Beatrice sa laboratoryo ng kanyang kapatid. Dali daling pumunta si Carlos sa laboratoryo ni Robert at dinala Ang mga Samples
Labis ang galit ni Arturo sa kanyang mga naririnig. Doon nya na realized na mali ang kanyang ginawa sa kanyang mag ina. Hindi nya akalain na ganun pala ang tingin sa kanya ng pamilya ng kanyang kuya Isang palabigasan. Kayat agad syang umalis at bumalik sa kanilang tahanan.Pagkabalik nya sa kanyang tahanan, pinagmasdan nya ang kanyang mag ina. Masaya ang mga itong nagkukwentuhan habang nanonood ng paborito nilang palabas. Nanghinayang sya bigla. Naisip nya na sana kasama rin sya ng dalawang iyon na nanonood at nagsasaya. Ang mga bagay na sinayang nya sa loob ng maraming taon dahil sa pag una nya sa walang utang na pamilya ng kanyang kapatid.Hindi sya nakatiis at nagsalita “Ang saya nyo namang pag masdan”, may halong lungkot at pait sa kanyang tinig.Tiningnan sya ng kanyang mag ina. Napansin ng mga ito Ang lungkot sa kanyang mukha.“Tay, bakit po? May problema po ba kayo?”, Ang nag aalalang tinig ng kanyang anak.Naupo sya sa katabing upuan at agad na ikinwento ang nangyari.“Yan na
“Asawa ko, malaki ang posibilidad na ang mga Salazar ang mga magulang mo”. Ang mga katagang iyon ay parang isang malaking tambol na umalingawngaw sa kanyang tenga. Kinabahan sya ngunit mas nangibabaw ang saya. Ang ideal parents na pinapangarap nya, may posibilidad na maging magulang nya.Naalala nya Nung kinwento sa kanya ni Mrs. Salazar, yung panahon na namatay raw ang anak nito, yun din ang panahon na ipinanganak sya. Medyo naguluhan sya kayat nagtanong sya sa kanyang asawa.“Asawa ko, may posibilidad ba? Eh kung hindi ako anak ng mga Aragon, asan ang tunay nilang anak?” Naguguluhan nyang tanong sa kanyang asawa.“Asawa ko, namatay ang tunay na anak ng mga Aragon, natakot ang doctor na nagpaanak kay Lucy, kayat naghanap ito ng sanggol na ipapalit sa namatay na sanggol. At sakto naman na ipinanganak ka. Noong mga pnahon na iyon, ang dating kasintahan ni MR. Salazar ay nagplano na Miata maghiganti sa mga asawang Salazar, kayat kinuha nito ang sanggol na may nkalagay na baby girl Salaz
Sa kabilang dako, sa laboratoryo ng black eagle hawk, nagkaroon ng aberya sa kanilang makina. Isang malakas na pagsabog ang naganap. Ang mga sumingaw na kemikal ay parang asido na unti unting nakakalusaw ng kanilang balat. Ang kanilang paghinga ay naapektuhan. Nagkataon naman na lahat ng miyembro ng black eagle hawk ay naroroon dahil Meron silang pagpupulong kaugnay ng kanilang planong pagsalakay sa Villamor group kabilang si Albert na noon ay nakikipagtulungan na din sa grupo. Nalanghap nila ang usok na unti unting pumatay sa kanila walang nakaligtas ni Isa. Kahit sa Alana na Nung panahon na iyon ay nasa loob ng operating room at isinasagawa Ang plastic surgery. Wala na. Naubos na lahat ng miyembro ng black eagle hawk, maging si Gerald Mendez na lider ng grupo ay namatay din.Ang balitang iyon ay nakarating din kay Marcus, “Ano? Wala na si Albert at ang lahat ng miyembro ng black eagle hawk?” halos hindi makapaniwala si Marcus sa ibinalita ni Carlos.“Asawa ko, bakit naman nadamay si
Ang medikal na koponan ng pamilya Alba ay nanatili sa kanilang lugar, ngunit inalis nila ang mga tali na nakakabit kay Arturo.Parang tinuklaw ng kaluluwa si Arturo. Nagsimulang matigilan siya at naglakad ng pauntog tungo sa lamesang kahoy upang magbuhos ng tubig.Ang mga tanawin ng nakaraan ay paulit-ulit na umuusbong sa kanyang isipan na parang isang pelikula.Sa isang gilid ay ang mga mata ng kanyang misis at anak na puno ng pangamba, at sa kabilang gilid ay ang eksena ng kanyang sarili na ipinagkakaloob ang magagandang bagay sa pamilya ng kanyang panganay na kapatid.Patuloy itong nagsasama-sama, parang mga palaso na bumabagsak mula sa langit, at bawat palaso ay tumutusok sa kanyang puso.Hindi makainom ng tubig si Arturo. Nakapatong ang kanyang mga kamay sa lamesa, patuloy na nanginginig, at hindi mapigil ang mga luha sa kanyang mata.Yay, ang matandang pinto ng kahoy ay binuksan, at mula sa likod ay narinig ang tinig ni Ara na nagsasabing nais niyang makipaghiwalay.Tumingin si
Nagkatitigan sina Rostum at ang kanyang ina.Ang hipag ni Arturo ang unang kumilos, at itinaas ang property book na hawak niya: "Anong ibig mong sabihin sa bahay mo? Pag aari ko na ang bahay na iyan, amin na ang bahay na ito! Ako na ang may-ari."Lumapit ang malaking lalaki sa harap, tumingin sandali, at sinabi nang direkta: "Peke ito. Sigurado akong na-loko kayo ng isang real estate agent. Ipinagbibili ko na ang bahay na ito, pero hawak ko pa rin ang property book."Habang sinasabi ito, itinuro ng malaking lalaki ang mga tao sa likod niya: "Tingnan niyo, dinala ko ang mga kamag-anak ko para tingnan ang bahay."Nagbago ang mukha nina Rostum at ng kanyang ina bumilis ang tibok ng puso nila, at may hindi maipaliwanag na pakiramdam ng kaba sa kanilang mga puso."Kung sabi mong peke, peke nga!""Tama, sabi ko rin na peke ang property book na hawak mo!"Sabay na sinabi ng mag-ina.Kinuha ng malaking lalaki ang pekeng deed of sale at binuksan ito, tinuro ang isang seal at sinabi: "Tingnan n