Blanca
Panay ang tawa ng tatlong kasama ko habang umiinom kami. Nakita daw kasi nila ang reaksyon ni Marcus nang lagpasan ko ito kanina at hindi pansinin. Pati daw ang mga kasama nito sa lamesa ay nagtawanan sa nasaksihan.“First time sigurong maranasan ni lover boy ang deadmahin kaya ayun, parang lumipad sandali ang kaluluwa niya at natulala!” natatawang kwento ni KC“I told you, effective ang plano ko diba?” proud na sabi ni Trina. “Babaerong tao ‘yan. Lahat ng gusto nakukuha niya. Walang sineseryoso at ang babae, basahan lang sa kanya. Kapag may babaeng hindi yan pinansin, asahan mo magwawala ang ego niyan!”“So tuloy na tuloy na ba tayo sa plan A?” tanong ni Ava kaya tumango ako.“We will go as planned. Paibigin at paikutin si Marcus para makakuha ako ng impormasyon kung nasaan ang hayop niyang ama!” tumungga ako ng alak at ninamnam ang pagguhit nito sa lalamunan ko.Nang mag-angat ako ng ulo ay nagtama ang paningin namin ni Marcus. Ngumiti siya pero tinaasan ko lamang siya ng kilay sabay hablot ulit ng baso at itinaas sa mga kaibigan ko.“Cheers!!!” hiyaw namin lahat at saka sabay sabay na tinungga ang tequilla.“Here he comes!” warning ni Ava kaya ko lang napansin na nakaupo na pala sa tabi ko si Marcus.“Hi!” nakangiting bati nito sa akin pero sinimangutan ko lang siya.“Excuse me?!” nakakunot ang noo na sabi ko sa kanya kaya naman nagulat siya.“Huh?!”“I said, excuse me!” Ulit ko at mas nilakasan ko na ang boses ko.“I just want to introduce myself.” nakangiti pang sabi niya. Nakita ko din na naglapitan na ang dalawa pa niyang kasama sa table at pawang nakangiti sa amin.“Am I asking for it?” sagot ko sa kanya na sinabayan ko ng tayo. “Girls, I wanna dance!” medyo nilandian ko pa ang boses ko.“Go ahead girl!” sabi naman ni KC.“Excuse me!” padarag kong sabi at saka ko nilagpasan ang mga lalakeng halos mapanganga na ata sa ginawa kong di pagpansin kay Marcus.Pagdating ko sa dancefloor ay agad akong nakihalo sa mga taong nagsasayaw. Maharot at mabilis ang tugtog pero kayang kaya ko naman iyong sabayan. Itinaas ko pa ang kamay ko at sumabay sa saliw ng tugtog na parang walang pakialam sa mundo. Kinagat ko pa ang aking mga labi habang gumigiling dahil alam ko na nakatingin sa akin ang lalaking pakay ko.Naramdaman ko nalang na may pumulupot na kamay sa bewang ko mula sa aking likod. Napangisi ako.‘Kung sineswerte ka nga naman’ bulong ko.Humarap ako sa may ari ng mga kamay na iyon. Matangkad siya at gwapo din naman. Sa palagay ko may lahi itong foreigner dahil nadin sa mestizo features niya.Ikinawit ko ang mga kamay ko sa batok niya at pasimpleng sinilip si Marcus na hanggang ngayon ay hindi umaalis sa puwesto niya. Madilim ang mukha nito at mahigpit ang hawak sa railings habang nakatanaw sa akin.“Galit na galit gustong manakit!” sabay tawa ni Ava sa earpiece ko pero hindi ako sumagot.“You’re just in time baby boy!” malanding bulong ko sa kasayaw ko. “Bored na bored na ako!” habang patuloy akong gumigiling sa harapan niya.“Do you want to get out of here?” sagot nito sa akin. Mukhang nadadala na ang guwapong unggoy sa pang-aakit ko.“I’m sorry, may mga kasama kasi ako eh!” sagot ko at mas dinikit ko ang mukha sa pisngi niya. “Let’s just dance for now, shall we?” tanong ko at pinagbigyan naman niya ako.Kahit malayo ay kitang kita mo ang madilim na mukha ni Marcus.Natawa ako sa isip ko. Sobrang natapakan ko ba ang ego niya kaya ganun siya? Napangiti ako ng makaisip ako ng kalokohan lalo pa at nagiging agresibo na ang kasayaw ko. Kung saan-saan na nakakarating ang kamay niya kaya naman kailangan kong magpigil at baka mapatulog ko ito ng wala sa oras.“Do you think my boyfriend will get mad if I kiss you right now?” malandi kong tanong sa kanya habang kagat ang labi ko. Nasa batok pa rin niya ang mga kamay ko at patuloy lang kami sa pagsasayaw.Natawa pa ako ng makita ko siyang namula at nag-igting ang mga panga.Well normal reaction naman na iyon ng mga marurupok na lalake. Sanay na sanay na ako dahil kung may itinuro man sa amin ang organisasyon, iyon ay maging mga babaeng kaakit-akit na hindi kayang tanggihan ng mga kalalakihan.I myself have mastered the art of Seduction at ito ang ginagamit ko para kumagat ang mga lalaking target namin sa bitag. Sa ganitong paraan napapasunod namin sila at nakukuha ang anumang gustuhin namin, impormasyon man yan o mismong mga buhay nila.“Do you really want to do that?” nakangisi niyang tanong.”Then why don’t you break up with him and be with me instead?”“Really? Actually he is watching us right now” bulong ko sa tenga niya kaya naman agad siyang napalingon. Ni hindi mo kababakasan ng takot ang mga mata niya.“I don’t really care. As long as you want to come with me, I can fight him till the end!” mayabang na sabi nito.Gusto ko namang matawa pero nagpigil ako kahit pa naririning ko na ang tawanan ng tatlo sa earpiece ko.“Oh there he is!” sabi ko sabay tingin sa gawi ni Marcus na parang pinagsakluban ng langit at lupa.Nagulat ako dahil lumuwag ang hawak ng lalaki sa bewang ko.“Thompson? Is he your boyfriend?!” gulat na sabi nito.“Yes baby! Why?!” kunwaring tanong ko pero tuluyan na siyang bumitaw sa akin at kulang na lang ay sipain ako palayo sa kanya.“You’re crazy!” hiyaw nito saka ito lumayo sa akin.“Hey! Baby wait!” habol ko sa kanya at feeling ko talaga matatawa na ako dahil halos magkandarapa siya sa paglayo.“Gaga ka talaga!” boses iyon ni Trish sabay hagalpak ng tawa.Napailing nalang ako at saka ako humakbang paalis ng dancefloor. Tapos naman na akong maglaro kaya babalik na ako sa lamesa.Hindi padin nagbabago ng pwesto si Marcus at tila ba inaabangan pa ang pagbabalik ko. Inihanda ko na ulit ang poker at deadma face ko ng makarating ako sa taas at hindi man lang siya tinapunan ng tingin.“That’s a very dangerous move, miss!’ sabi niya habang iniikot ang alak na nasa basong hawak niya. “You can get yourself in trouble.” dagdag pa niya kaya naman huminto ako sa harap niya at humalukipkip.“Mukha ba akong takot? Tsk tsk tsk” sabi ko sabay iling dito. Napatingin pa ako sa mga kasama niya na hindi malaman kung paano pipigilan ang tawang gustong kumawala sa kanila.“Worry about yourself!” sabi ko sabay agaw ng basong hawak niya at ininom sa harap niya. I even licked my lips while intently looking at him.“Thank you!” bulong ko sakanya sabay balik ng baso sa mga kamay niya at ayun na nga, hindi na nakagalaw ang lalaki na kala mo natuklaw ng ahas. Well ahas naman talaga ako. Makamandag na ahas na lilingkis at papatay sa lahi nila!Pagbalik ko sa puwesto namin ay sinenyasan ko na ang tatlo at sabay sabay na din silang tumayo. Sa ngayon ay patikim muna ang ibibigay ko kay Marcus Ace Thompson dahil sa susunod na pagkikita namin ay guguluhin ko ang mundo nila.Mitchell Blake ThompsonIt is Dad’s birthday at nandito kami ngayon sa isa sa mga hotel namin for the celebration. I am now handling the business together with my brother Martin since kaming dalawa ang nahilig sa ganitong larangan.Actually, I wanted to be a Scientist when I was young, but growing up I realized that being the first born I have to inherit the business. I have to continue my Dad’s legacy and at the same time take care of the family.“Happy birthday Dad!” bati ko as my Dad entered the hall with my beautiful Mom.Even at their age they still look good together and are still in love with each other.“Hi Mom! You look gorgeous, as always!” I kissed my Mom and hugged her. I miss her, especially her cooking kaya naman twing umuuwi ako ng Mansion ay palagi akong nagbibilin para makapag uwi ako ng pagkain pagbalik ko sa penthouse.We grew up with her cooking and she is the best!“Thank you iho!” sabi naman nila sa akin. We went inside kung saan nandoon ang mga taong mahalaga
RiaMabilis na umikot ang panahon at masasabi ko na ang buhay may asawa at pamilya ay hindi naging madali para sa amin ni Marcus.Marami kaming pagsubok na pinagdaanan pero lahat iyon nakaya namin dahil hindi namin binitawan ang kamay ng isa’t isa.Linggo ngayon at gaya ng nakasanayan namin, araw ito ng pamilya. Mamaya lang iingay na ang paligid sa pagdating ng mga anak namin.Nakaayos na ang mesa sa labas ng pool. Kakatapos lang mag-ihaw ng kasambahay ng barbeque dahil iyon ang request ng panganay kong si Mitchell. He is already 28 years old at siya na ang nagma manage ng TGC pagkatapos ng training niya with his Dad. Gusto na rin daw kasing mag retire ni Marcus at mag enjoy nalang sa buhay kasama ako since malalaki na daw ang mga anak namin.Marcus also trained Martin and at the age of 25 ay katuwang na ito ng kuya Mitchell niya sa kumpanya.Hindi naman linya ni Mason ang business and we just let him be. Kung ano ang gusto ng mga anak namin ay susuporthan namin. He is already working
MarcusI was pacing back and forth sa harap ng operating room kung saan ipinasok si Ria. She is already scheduled for a Caesarian Section this day dahil ayon sa doctor, baka mahirapan daw siya if we would wait for a normal delivery.“For God’s sake, Marcus, sit down! Kanina pa ako nahihilo sayo!” sita naman sa akin ni AvaKasama ko si Nanay Dang ng dalhin ko sa ospital si Ria. On our way tinawagan ko ang mga kaibigan niya at agad naman silang dumating.Nagkataon kasi na nasa labas sila ng mansion at may inasikaso sa site. Hindi ko naman na hinayaang sumama si Mama Sandra dahil na rin sa kundisyon niya.My family grew instantly sa pagdating nila and I really don’t mind at all. The mansion is too big at mas napapanatag ako pag alam kong may nakakasama ang mag-iina ko.Idagdag pa si Tatay Teban, si Nanay Dang at si Arthur, na nagsisimula na ding mag-aral at abutin ang pangarap niya. Tatay Teban worked diligently sa greenhouse and I can say na malaki ang naitulong ng kaalaman niya kaya l
RiaHindi na ako makapaghintay na makita uli ang pamilya ko lalong lalo na ang kambal. Sobrang miss na miss ko na sila. Cleared naman na daw ako sabi ng doctor at pwede na akong bumyahe kaya naman kinausap ng asawa ko si Tatay at Nanay. Napagpasyahan nila na bukas na sumunod sa Maynila dahil aayusin pa nila ang ibang gamit na maiiwan nila. Tinawagan na ni Marcus si Joseph para bigyan ng instructions kung saan susunduin sila Tatay at Nanay.“Mag-iingat kayo ha!” bilin ni Nanay sa amin ng palabas na kami sa kwarto. May helipad naman ang ospital kaya dito na kami susunduin ng chopper“Hihintayin ko kayo Nay, Tay. Darating po bukas si Joseph para sunduin kayo ha!” naisip ko kasi na baka magbago ang isip nila“Darating kami, anak!” pagtitiyak naman sa akin ni TataySabay sabay na kaming sumakay sa chopper. Napahinga ako ng malalim habang hawak ang kamay ni Marcus. Ilang saglit nalang makikita ko na sila.“Are you okay? Hindi ka nahihilo?” may pag-aalala sa tinig ni Marcus pero agad k
RiaNakaupo ako sa labas ng bahay ng hapon na iyon. Kakatapos lang namin magluto ni Nanay at namahinga muna kami bago mag tanghalian.Hinihimas ko ang tiyan ko. Sabi ni nanay, malaki daw ito pero hindi naman masabi kung ilang buwan na nga ba.Iniisip ko na sana magbalik na ang alaala ko dahil nung mga nakaraan ay panay ang pagsingit ng mga mumunting alaala sa isipan ko. Hindi nga lang ito malinaw pero umaasa ako na sana maging maayos na din ang lahat.Patayo na sana ako ng matanaw ko si Arthur na paakyat sa daang ginawa ni Tatay Teban.“Nay! Tay! Umuwi na po si Arthur!” masayang tawag ko “Ano ba kamo?” sabi ni Tatay na lumabas na din mula sa kubo“Si Arthur po paparating. At may mga kasama po siya!” ulit ko ditoLumabas na din si Nanay at tinanaw ang daan.“Aba’y oo nga! Batang yan! Bakit biglang umuwi e Martes palang naman ngayon?” may pagtataka sa tinig ni nanayNg makalapit na sila ay naagaw ang pansin ko sa lalaking nasa likod ni Arthur. Nagulat ako sa biglang pagtibok ng puso k
MarcusIsang buwan na at hanggang ngayon wala pa rin kaming balita kung nasaan ni Ria. Pati ang organisasyon na kinabibilangan niya dati at hindi matukoy kung nasaan siya.Halos mapatay ko si Floyd ng mahuli siya nila Zues pagkatapos ng ginawa niyang pagtatangka sa buhay ng mag-iins ko. Tahimik lang niyang tinanggap ang lahat ng suntok at mura ko sa kanya. Wala din siyang idea kung nasaan si Ria dahil nanlaban daw ito at natakasan siya.We could not track her dahil ipinasa niya pala kay Maegan ang tracker na ibinigay ni Ava sa kanya.Halos manlumo ako ng makita ko ang nasusunog na bahay. I first thought that my kids ang Ria is inside. Pinigilan lang ako ni Zues at ng mga kaibigan ko na pasukin ang bahay dahil baka pati ako mapahamak.Napaupo na lang ako at napaiyak sa maaring sinapit ng mag iina ko. Not until Ava said that may nasasagap siyang signal sa tracker ni Ria.Agad namin iyon sinundan at nakita ko na nagtatago sa likod ng isang batong malaki ang kambal. Mitchell was hugging he