Blanca
“It’s time!” nadinig ko ang salitang iyon mula sa earpiece ko. ‘Yun na ang hinihintay kong signal galing kay Ava kaya naman nilapitan ko na si Shayne para gisingin ito dahil magsisimula na ang aming munting palabas.“Shayne! Shayne!” tawag ko sa kanya habang niyuyugyog ang balikat niya“Gumising ka na! Kailangan na nating tumakas dito!.”Bigla namang napabangon si Shayne. Nakakunot pa ang noo niya na tila hindi ako naintindihan.“Sigurado ka ba Blanca?” tanong niya na kakikitaan ng takot sa kanyang mga mata“Natatakot ako Blanca, baka mahuli tayo.”“Ngayon na ang pagkakataon natin Shayne. Nakalimutan nilang i-lock yung pinto kaya makakalabas na tayo. Tulog na tulog na din sila, sobrang lasing na kaya tara na!”sabi ko sabay hila sa kanyang kamayDahan-dahan kaming lumabas ng kwarto. Ingat na ingat ang bawat hakbang namin para maiwasang makagawa ng ingay. Magkahawak-kamay naming nilagpasan ang mga bantay na hindi ko alam kung totoong tulog na o nagpapanggap lang. Gusto ko nga silang palakpakan dahil in fairness magaling silang umarte mula nung umpisa.Walang kahirap hirap na nakalabas kami ng safehouse. Lakad takbo ang ginawa namin para makalayo sa lugar na iyon. Kabisado ko naman ang daang palabas kaya hindi naging mahirap sa amin ang pagtakas.“Ayun sila!” narinig kong sigaw ng isa sa mga tauhan namin ng medyo makalayo na kami kaya mabilis kong hinila si Shayne.“Bilisan mo! Huwag kang lilingon!” sigaw ko dito dahil napahinto ito sa pagtakbo.Nakarinig pa ako ng mga putok ng baril kaya mas lalo kong binilisan ang pagtakbo at paghila sa kanya na noon ay nanginginig na sa takot.“Blanca natatakot ako!” ulit ni Shayne pero hindi ko na lang siya pinansin.Malapit na kami sa kalsada at tiyak na dadaan na ang sasakyan na kunwari ay paparahin ko.“Tulong! Tulong!” pumagitna ako sa kalsada ng matanaw ko ang headlight ng isang sasakyan. Nasisiguro ko na ito ang kasabwat namin base sa kulay na sinabi sakin ni Ava. Nakadipa ang kamay ko ng lumapit si Shayne at pilit kinakawayan ang sasakyan.Huminto naman ang sasakyan at pinagbuksan kami ng bintana kaya muntik pa akong natawa dahil ang nakaupo sa driver’s seat ay walang iba kundi si Winston, ang jowa ni KC, isa ding miyembro ng organisasyon.“What’s happening?’” tanong niya.‘Bwisit ka Winston huwag ka ng mag-English at dyan tayo mabubuko!’ gusto kong isigaw yun sa mukha niya dahil OA siya at hindi siya magaling umarte.“Tulungan mo po kami.” pakiusap ni Shayne“Nakidnap po kami at nakatakas lang, hinahabol po kami ngayon! Please tulong po!”Ilang putok ang narinig namin at mga papalapit na yabag kaya naman lalong natakot si Shayne. Napasigaw pa nga ito at kusa ng binuksan ang pinto ng sasakyan sa likod.“Sakay!’ sabi naman ni Winston “Bilis!” ayun kala mo naman talaga hindi sanay mag tagalog.Agad na nakapasok si Shayne sa backseat at pasunod na sana ako ng maramdaman kong humapdi ang balikat ko.“Ouch!”“Oh my God Blanca!” hiterikal na sigaw ni Shayne sabay hila sa akin papasok at saka mabilis na umandar ang kotse.“Kuya bilis umalis na tayo! Nabaril siya! Oh my God Blanca please hang on!”‘Bakit ako tinamaan? Wala sa plano ‘yun ah’Sabi ng isip ko kaya napapikit ako sa hapdi.Masakit ang balikat ko dahil sa daplis ng tama pero mas masakit ang tenga ko sa kakangalngal ni Shayne. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko. Bahala na si Winston, alam na niya kung ano ang gagawin.Amoy ng ospital at nagbububulungang mga tao ang gumising sa diwa ko ng umagang iyon. Nabosesan ko si Shayne na tila may kaaway pero mas pinili kong huwag magmulat ng mga mata.“Nakita niyo naman diba? May tama ang kaibigan ko! Nabaril siya! Hindi pa ba sapat yung statement na binigay ko? Maawa naman kayo!” tinig iyon ni Shayne“Calm down Shayne! They are just doing their job.” sabi naman ng isang baritonong boses at hindi ako pwedeng magkamali dahil tiyak ko na si Marcus ‘yon.“Pasensya na po, Ms. Thompson, cge po at babalik nalang po kami sa ibang araw ‘pag maayos na ang lagay ni Ms. dela Riva.” sagot ng kausap ni Shayne.Tumahimik ang paligid hanggang sa narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto kaya tiyak umalis na ang mga kausap ni Shayne.“Cge na po Mr.Thompson, kami na po ang bahala kay Blanca, iuwi niyo na din po si Ms. Shayne para makapagpahinga din siya.” tinig iyon ni KC.“Please call me when she wakes up.” naramdaman ko na may humawak sa kamay ko at alam ko na si Shayne ‘yun.“We will Ms. Thompson.” sagot naman ni Ava.Natahimik ulit ang paligid saka ko narinig ang pagsarado ng pinto.“Oy idilat mo na mga mata mo! Wala na sila!”tumatawang sabi ni Trish kaya automatic na bumukas ang mga mata ko.“Langya! Bakit ako binaril? Wala naman sa plano ‘yun ah!” galit na sabi ko sakanila pero tinawanan lang nila ako kaya napaupo ako sa sobrang inis ko sa kanila.“Huwag kang OA, Blanca. Daplis lang ‘yan. Wala pa nga ‘yan sa mga naranasan natin sa training dati no!” nakangising sabi ni Trish kaya inirapan ko siya.“Okay lang ‘yan sis. Tignan mo naman, bidang bida ka sa magkapatid! Lalo kang mamahalin ni Marcus niyan!” kinikilig pang sabi ni KC.“Grabe nga makatingin ang isang iyon, sis. Halatang nag-aalala siya para sa’yo. Hindi nga siya umalis sa tabi mo buhat sa ER hanggang ilipat ka ng kuwarto.” kwento pa ni Trish. “Ang husay ko talagang magplano!”“Sigurado ba kayo na malinis ang lahat?” paniniguro ko dahil ayaw ko ng problema lalo pa at mukhang maayos ang takbo ng plano.“Oo naman sis. Walang sabit!” sabay-sabay pa nilang sagot kaya napailing nalang ako. Nahiga na lang ulit ako dahil medyo kumirot ang sugat ko.“I’m sure after this mas makakalapit ka na sa magkapatid, Blanca. Magagawa na natin ang plano mo!” sabi ni Trish kaya napapikit ako ng mariin.‘Konting tiis nalang inay, itay, kuya Ramil. Maipaghihiganti ko na din kayo’ bulong ko.Hindi naman ako iniwan ng mga kaibigan ko sa ospital. Gusto ko na ngang lumabas dahil wala lang naman itong tama ko pero hindi ako pinayagan ng doktor.Bandang hapon ay nagulat ako ng may kumatok at ng buksan ni Ava ang pinto, ang gwapong mukha ni Marcus ang bumungad sa akin. May dala itong basket of fruits at may boquet din. Napaayos ako ng upo ng makita ko na palapit siya sa kama.“For you.” sabi niya sabay abot sa akin ng bulaklak. Agad ko namang tinanggap ‘yon at nagpasalamat.“How do you feel?” tanong niya.“I’m okay. Gusto ko na ngang lumabas pero ayaw pa ako payagan ng doktor.” sagot ko.“Mas mabuti nang dito ka muna para mas gumaling ka pa. Don’t worry, ako na ang bahala sa lahat ng gastos dito.” nakangiti niyang sabi.Tumango lang ako saka ko ibinaba ang paningingin ko. Pa-demure effect muna tayo sa ngayon.“Salamat at hindi mo iniwan ni Shayne.” tumingin akong muli sa kanya at saka ko siya nginitian.“Wala ‘yun. Kamusta na nga pala siya?”tanong ko dito.“She’s fine. It’s a good thing na kasama ka niya that time. Kung hindi, baka hanggang ngayon hawak pa rin siya ng mga kidnappers.” bumuntong hininga siya sabay tingin sa akin. “She is our princess, obviously, and I really think she’s lucky to have you there. Hindi siya kasing tapang mo na iisiping tumakas pag nabigyan ng pagkakataon.”Sa mga salita niya pakiramdam ko ay may humaplos sa puso ko. Nakita ko kung gaano kamahal ni Marcus si Shayne. Naalala ko tuloy ang kuya Ramil. Ganito din siya sa akin noon. Inaalagaan ako at pinagtatanggol sa mga batang umaaway sa akin.Naramdaman ko nalang na hinawakan ni Marcus ang kamay ko. Gusto ko sanang bawiin ito pero hindi ko magawa. Napatingin ako sa kanya ng maramdaman ko ang pagpisil niya sa palad ko."Thank you so much, Blanca.” he said while looking at me straight in the eyes.I froze.BlancaDalawang araw pa akong nanatili sa ospital at kahit inip na inip na ako ay wala naman akong magawa dahil kailangan ko daw tapusin ang mga gamot ko.Palagi namang dumadalaw si Shayne sa akin kaya ang tatlong bruha ay tuwang-tuwa dahil palagi silang kasahog sa mga pagkaing dinadala dito ng dalaga. Ang ending, busog sila araw-araw.“Nakakatuwa kayo ano?” sabi ni Shayne habang inaayos ang prutas na dala niya sa lamesa. “Hindi talaga kayo nag-iiwanan.”“Aba oo naman Shayne,” sagot ni KC habang nilalantakan ang dala ni Shayne na doughnut. “Alam mo kasi sabay-sabay kaming lumaki, kaya eto, hindi kami mapaghiwalay.”“Oo nga eh. Nakakainggit lang. Puwede din ba akong maki-join sa inyo?” tanong ni Shayne kaya naman biglang napaubo si Trish habang umiinom ng kape. Naibuga niya pa ito kay Ava na as usual nasa laptop nanaman ang atensyon.“Trish naman!” hiyaw nito sabay punas ng mukha niya na nabugahan ng kape.“Ang dugyot lang talaga!” Nag peace sign lang si Trish dito saka nginisihan si
BlancaAfter a week of medication ay magaling na ang sugat ko sa balikat. Nakapag pahinga ako ng maayos dahill wala madalas ang tatlong kaibigan ko na hindi ko malaman kung ano ang pinagkakaabalahan. Si Shayne naman ay tumatawag paminsan minsan dahil sa busy na din ito sa trabaho.Ngayong gabi nga ay paalis ako dahil pinagbigyan ko ang pangungulit ni Marcus na lumabas kami at mag-date. I just wore a simple black mini dress na tinernuhan ko ng pulang stilletos. Sleeveless ito at sakto lang ang v- cut nito sa dibdib dahil ayaw ko naman na masyadong revealing ang isusuot ko sa gabing ito. Eversince the tragedy ay nahilig na ako sa kulay itim. Maybe because I have a dark past at ito din marahil ang dahilan kung bakit Blanca ang tinawag sa akin ni Mama Sandra.Lahat kami sa organisasyon ay gumagamit ng fake identities. Ang dahilan? Para kung sakaling magsimula kami ng bagong buhay ay walang anumang bahid na makikita sa tunay naming katauhan.By birth, ako si Ria Celestine Alonzo, pero
BlancaLaunching ng bagong business nila Marcus at ng mga kaibigan niya ngayon kaya naman busy ako at ang tatlo sa pag-aayos dahil syempre invited kami sa event.After ng date namin ni Marcus ay naging busy naman siya sa pag-aasikaso ng bagong negosyo niya kaya hindi pa iyon nasusundan. Although he calls me often and sends me flowers, I have this feeling na nami-miss ko ang presensya siya. But I chose to ignore that. This is a mission. At hindi kailangan ang puso dito.“Tara na girls!” naiinip na yaya ni Ava sa aming tatlo. Siya talaga sa amin ang tipong mabilis kumilos kaya naman naiinip siya sa paghihintay.Sunod-sunod na kaming lumabas ng condo. We look like models sa mga suot namin dahil isang fashion launch ang gaganapin ngayong gabi. Kailangan naming maging elegante at maganda of course. Ayon sa research ni Ava, isang clothing line na sikat sa US ang itatayo nila dito. Pag-aari ito ng pamilya ni Hendrix Saavedra at magtatayo sila ng branch dito sa Pilipinas.Sa Hotel de Paraiso g
Blanca“Cheers!!!” sigaw ni Shayne sabay taas ng shot glass niyang may tequilla. Sumunod naman kami at saka sabay-sabay na tinungga ang laman nun.“Wooohh!!” napahiyaw pa si KC sabay tawa habang sinasalinan ng alak ang mga baso naminNanatili lang akong tahimik pero sumasabay naman ako sa inuman ng apat. I don’t know, I’m not just in the right mood to enjoy the night. And to hell with it hindi ko alam kung bakit? Pakiramdam ko ay sinasakal ako sa tindi ng galit na nararamdaman ko. Para sa matandang Thompson at pati na din kay Marcus.Tinungga ko ulit ang alak at hindi ko na hinintay ang mga kasama ko. Agad akong nagsalin ng panibago sabay tungga ulit. “Hey, dahan-dahan lang!” paalala ni Ava sa akin pero agad kong itinaas ang kamay ko para patigilin siya. Wala akong planong makinig ngayon. Gusto ko lang uminom ng tahimik.Tumungga ulit ako ng isa pa habang inaalala ang mukha ni Simon Thompson. I am already murdering him in my mind dahil naalala ko ang sinapit ng pamilya ko nung gabing
MarcusI woke up with a light heart and a smile on my face this morning kahit na hindi ako masyadong nakatulog kagabi. I had a hard time last night because I can’t sleep knowing that this woman is just inches away from me.I admit nakaramdam ako ng inis sa kanya when I saw her smiling at my dad. Ngayon niya lang nakilala ang daddy ko pero kung makangiti siya wagas, samantalang ako e kulang nalang bugahan niya ng apoy nung una naming pagkikita.I looked for Blanca after the event only to find out na umalis na pala ito kasama ang kapatid ko. I called my sister at once and she told me that they are in some bar kaya lalo akong nagmadaling puntahan ang dalaga. She might again do something stupid kaya kailangan kong makarating agad dun.She’s a little bit drunk when I found her kaya naman I forced her out of the bar at inuwi sa penthouse. I cannot stand it especially seeing some random guys around gawking and staring at her. The usual hardheaded Blanca at first resisted but in the end nana
BlancaI stared blankly at the ceiling while lying in my bed. Dito ako dumeretso pagkahatid sa akin ni Marcus. Tahimik ang bahay at hindi ko alam kung nasaan ang tatlong kaibigan ko. I tried calling them pero puro patay ang mga phone nila. Napabuntong hininga ako. Iniisip ko ang mga bagay na sinabi ni Marcus kanina. Masakit din pala ang pinagdaanan niya kaya pala ganun nalang ang reaksyon niya upon seeing my eagerness to know more about his dad. Hindi magiging madali ang pagkuha ng impormasyong kailangan ko kung ganyang may trust issues siya kaya dapat talaga ay makuha ko ang loob niya. Maybe I should consider having a relationship with him. In that way ay hindi siya magdududa sa akin. Ready na ba ako? Maybe? I don’t know. At first akala ko magiging madali lang but the way I see things parang hindi. I shook my head. Hindi pwedeng maging mahina. Kahit anong mangyari ay itutuloy ko ang plano. Masaktan na ang masasaktan.“We’re here!’ maingay na bungad ni KC sa akin pagpasok niya ng
BlancaNaghuhumiyaw na karangyaan. ‘Yan ang masasabi ko sa lugar na dinatnan namin ngayong gabi. Hindi maipagkakaila ang yaman na tinatamasa ng mga Thompson na kahit siguro ang ikatlo o ikaapat na henerasyon sa pamilya ay hindi magugutom.Alas-otso na ng gabi ng makarating kami dito dahil gusto ko ay grand entrance ang mangyari sa pagdating ko. I made sure na mapapansin agad ako ng mga tao sa oras na itapak ko ang mga paa ko sa loob.This time pinili ko ang kulay pulang gown para isuot sa okasyong ito. Hindi pa naman patay ang taong may utang sa akin kaya hindi akma ang itim para dito. Tube ang upper part ng gown na may mga kumikinang na bato sa gilid forming an intricate design. Naka-expose ang balikat ko na makinis naman kaya hindi nakakahiyang i-flaunt pwera sa sugat ko nung nakaraang madaplisan ako ng bala na kinaya namang takpan ng concealer. Mahaba ito hanggang sakong kaya I chose to wear a three inch black sandals. May slit sa gilid showing half of my long and curvy legs.I
Blanca“Happy birthday po sir.” tumayo ako at pilit pinasigla ang tinig sa harapan ni Simon nang lumapit ito sa mesa kung saan ako naroroon.Ngumiti naman ito sa akin at nagpasalamat. Medyo kinilabutan lang ako sa paraan ng pagtingin niya sa akin. My senses never fail me kaya alam ko na may kakaiba sa mga titig na iyon.Umalis saglit si Marcus para salubungin ang ilang kaibigan nito na kakarating lang kaya naman mag-isa lang ako nang lumapit ang matanda.“Salamat iha. Blanca dela Riva right? “ anito sabay upo sa upuang nakaharap sa akin. “Yes sir.” I politely answered.“By the way, are you somehow connected with the dela Riva’s of Davao? Or the dela Riva’s of Pamapanga?”‘I don’t think so sir, actually my mother is from Bicol. Hindi ko po nakilala ang father ko and wala pong binabanggit ang mama ko about him. And I respect that po.” sagot ko dito.“Oh I see. Sorry iha.” hinging paumanhin nito pero umiling naman ako.“Wala pong problema sir.”“May naalala lang kasi ako noong unang be