Share

Chapter 4

Author: Lianna
last update Last Updated: 2024-02-13 18:46:15

Blanca

Isang linggo na din ang lumipas buhat ng unang pagkikita namin ni Marcus sa club kaya naman inip na inip na ako para sa susunod naming hakbang. Hinayaan ko muna ang tatlo na muling bumalik sa club gaya ng plano namin at mukhang effective naman dahil panay daw ang hanap at tanong ni Marcus sa akin. Pilit pa daw niyang inaalam ang number ko pero siyempre hindi naman yun binigay ng tatlo.

“Ready na ang mga tao natin.” saad ni Ava kaya naman napangiti ako dahil sa wakas sisimulan na namin ang susunod na plano.

“Ready ka na ba, Blanca?” tanong ni Ava sakin habang patuloy sa pagtipa ng laptop niya.

“More than ready!” sagot ko sakanya sabay tanong

"Nakuha na ba nila?”

"Yup sis! Papunta na sila sa dito” sagot niya uli.

Nakaramdam ako ng excitement dahil tagumpay ang mga tauhan namin na dukutin ang bunsong kapatid ni Marcus na si Shayne Marie Thompson. Isa siyang sikat na modelo dito sa Pilipinas at nagsisimula na din siyang makilala sa ibang bansa.

Pinadukot siya ni Trish dahil kailangan namin ng mas maraming kapanalig para mas mapabilis ang pagtupad sa misyon ko. Mas madaming kakampi mas mabuti, sabi nga niya. Si Trish ang tumatayong lider ng Amor Quatro dahil sa aming apat siya ang pinakamatagal nang kasapi ng grupo. Pamangkin siya ni Mama Sandra at siya ang maaring magmana ng oragnisasyon sa oras na magretiro ito.

Tumayo na ako para simulan ang munti naming palabas at pumasok sa isang kuwarto kung saan dadalhin si Shayne. Nandito na kami sa isa sa mga safehouse ng grupo habang hinihintay ang pagdating ng aming panauhin.

“Sino ba kayo?! Pakawalan niyo ako!” may halong gigil na tili ng isang babae na natitiyak ko na ang bihag namin kaya naman pumwesto na ako sa gilid ng kama at nagkunwaring takot na takot.

“Hoy babae, tumahimik ka! Kanina pa sumasakit ang tenga ko sa’yo.” Angil naman ng isa sa mga tauhan namin.

Pagbukas ng pinto ay agad niyang tinulak papasok si Shayne na nagsimula ng umiyak.

Naupo ito sa kama na tila hindi napansin ang presensya ko.

“Huwag kang umiyak.” tila anghel na sabi ko kaya napalingon siya sa kinaroroonan ko.

“Kinidnap ka din?” gulat na tanong niya kaya tumango ako sabay lapit sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya na nanginginig na sa takot kaya naman medyo nakunsensya ako pero wala ng atrasan ito. Isa pa anak siya ng taong nagpapatay sa magulang ko kaya dapat walang puwang ang awa.

“Dalawang araw na ako dito,” pinalungkot ko pa ang boses ko para mas kapani-paniwala.

“Natatakot ako baka saktan nila tayo. Ano ba kasi ang gagawin nila sa atin?” sabi niya saka uli siya umiyak ng umiyak.

“Hindi ko din alam kung ano gagawin nila sa atin pero lakasan mo ang loob mo. Makakaalis din tayo dito” pang-aalo ko sakanya.

Napangisi ako ng yumakap ito sa akin na para bang sa akin siya kumukuha ng lakas ng loob.

‘Ganyan nga, magsimula na kayong matakot. Mas matindi pa dito ang ipaparanas ko sa inyo sa oras na mahanap ko ang tatay mo’ sigaw ng utak ko.

Nagulat kami ng biglang bumukas ang pinto at lumapit ang isa sa mga tauhan namin.

“Umayos kayong dalawa at manahimik kayo!” sigaw nito habang turo sa amin.

“Subukan niyong tumakas, papatayin ko kayo naiintindihan niyo?’

Naramdaman ko ang panginginig ni Shayne kaya niyakap ko siya ng mahigpit. Napa-igtad pa siya ng halos magiba ang pinto ng isara ito ng tauhan namin.

“Huwag mo ‘kong iiwan.” pakiusap nito sakin kaya lalo ko siyang niyakap.

“Hindi kita iiwan” nakangiti kong bulong sa kanya.

Sa loob ng dalawang araw namin sa safehouse ay mas nakilala ko si Shayne. Hindi siya mahirap pakisamahan at nakikita ko naman na mabait siya. Hindi din siya maarte na gaya ng inaasahan mo sa mga anak mayamang babae at sikat na modelo pa. Hindi siya maselan dahil lahat ng pagkaing dinadala sa amin ay kinakain naman niya. Malinis naman ang mga iyon at inoorder pa nga ito ni Trish sa mga sikat na resto.

Kagabi, matapos kong paamuyin si Shayne ng pampahimbing ng tulog ay lumabas ako sa sala dahil nandoon ang tatlo.

“Maghanda ka na bukas, tatakas na kayo dito.” sabi ni Trish habang umiinom ng kape sa sala.

“Oh my God salamat naman!” sabi ko pagka-upo ko at tumabi kay KC na agad namang yumakap sa akin “ Bored na ako dito!”

“Kamusta naman yung alaga mo sa loob?” tanong ni KC.

“Ok naman. Mukhang nakuha ko na ang loob niya gaya ng plano natin.” sagot ko.

“Mas makukuha mo pa ang loob niya kapag nakaalis na kayo dito.” si Ava ‘yun na as usual nakaharap nanaman sa laptop niya.

“Anong balita sa mga Thompson?” tanong ko kay Trish.

“Nothing to worry about sis,” she assured me “wala silang nakitang kahit anong trace na magtuturo sa mga tauhan natin since na-hack lahat ni Ava ang mga CCTV sa lugar.”

“May mga tauhan tayo sa lahat ng presinto sa Maynila kaya siguradong makakakuha tayo ng information kung sakaling magkakaproblema.” dagdag pa ni Ava.

“That’s good!” sabi ko at bago ako humigop ng kape.

“Ano bang plano mo sa mga Thompson?” tanong pagdaka ni Trish. “Ang sabi ni Mama tulungan ka namin pero ikaw daw ang bahala sa pagpaparusa.”

Ibinaba ko ang tasa ng kape sa centertable at saka ako tumayo.

“Walang makakaligtas sa galit ko, alam niyo ‘yan. Isa- isa kong papatayin sa harap ni Simon Thompson ang mga anak niya. Gusto kong masaksihan niya kung paano malagutan ng hininga ang mga anak niya at saka ko siya isusunod! Sisiguraduhin ko na matitikman niya ang pinakamasakit na kamatayan!” napasinghap naman ang mga kasama ko na akala mo naman ay bago sa kanila ang pumatay ng tao.

“Walang kasalanan ang mga anak niya Blanca,” iling ni Trish “Alam mong labag sa batas ng organisasyon ‘yan. Hindi tayo mandadamay ng inosente.”

“Wala din kaming kasalanan sa kanila , Trish, pero anong ginawa niya? Nang dahil lang sa lupa na hindi niya makuha ay pinatay niya ang pamilya ko!” nanginginig sa galit na sagot ko.

“Nandun na ako at naiintindihan kita pero hindi mo dapat idamay ang mga anak niya. Isa pa baka nakakalimutan mo, hindi pa tayo sigurado kung ang matandang Thompson nga ang utak sa lahat, hindi ba?” mahinahon na paliwanag ni Trish.

Tumayo naman si Ava at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

“We understand your pain sis. Galing din kami diyan hindi ba? Pero sana wag kang magpadalos dalos. Aaralin natin ang lahat at aalamin ang totoo okay?”

Lumapt nadin si KC at niyakap ako.

“Nandito kami sa tabi mo sis, pero sa ngayon get a hold of your feelings. Huwag kang mag-alala, kapag napatunayan natin na si Simon Thompson nga ang utak sa lahat ng ito, susunod kami sa gusto mo. Pero sa ngayon, kumalma ka muna ha?”

Huminga ako ng malalim at saka ako tumango sa kanila. Sa ngayon susundin ko muna ang gusto nila pero hindi ako mangangako na hindi madadamay ang mga anak ni Simon. Kahit ikamatay ko, gagawin ko ang plano ko, kasama ko man silang tatlo o hindi.

Nagpaalam nadin sila pagtapos naming pag-usapan ang “pagtakas” na magaganap bukas ng gabi. Alam ko na ang gagawin ko kaya naman nakahanda na ako.

Pagpasok ko sa kuwarto ay tulog na tulog padin si Shayne. May munting awa akong naramdaman para sa kanya pero dapat isantabi ko iyon. Hindi ako pwedeng maawa sa kanila. Madamay na ang lahat ng madadamay pero tuloy ang plano ko.

Matitikman nila ang galit ni Blanca dela Riva.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
12-HUMMS K BOLANTE, CLARK KEN
sobrang OA ni blanca
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Billionaire's Affair Bk. 1 WOUNDED HEARTS   Chapter 86 (Bonus Chapter)

    Mitchell Blake ThompsonIt is Dad’s birthday at nandito kami ngayon sa isa sa mga hotel namin for the celebration. I am now handling the business together with my brother Martin since kaming dalawa ang nahilig sa ganitong larangan.Actually, I wanted to be a Scientist when I was young, but growing up I realized that being the first born I have to inherit the business. I have to continue my Dad’s legacy and at the same time take care of the family.“Happy birthday Dad!” bati ko as my Dad entered the hall with my beautiful Mom.Even at their age they still look good together and are still in love with each other.“Hi Mom! You look gorgeous, as always!” I kissed my Mom and hugged her. I miss her, especially her cooking kaya naman twing umuuwi ako ng Mansion ay palagi akong nagbibilin para makapag uwi ako ng pagkain pagbalik ko sa penthouse.We grew up with her cooking and she is the best!“Thank you iho!” sabi naman nila sa akin. We went inside kung saan nandoon ang mga taong mahalaga

  • The Billionaire's Affair Bk. 1 WOUNDED HEARTS   Chapter 85 (BONUS CHAPTER)

    RiaMabilis na umikot ang panahon at masasabi ko na ang buhay may asawa at pamilya ay hindi naging madali para sa amin ni Marcus.Marami kaming pagsubok na pinagdaanan pero lahat iyon nakaya namin dahil hindi namin binitawan ang kamay ng isa’t isa.Linggo ngayon at gaya ng nakasanayan namin, araw ito ng pamilya. Mamaya lang iingay na ang paligid sa pagdating ng mga anak namin.Nakaayos na ang mesa sa labas ng pool. Kakatapos lang mag-ihaw ng kasambahay ng barbeque dahil iyon ang request ng panganay kong si Mitchell. He is already 28 years old at siya na ang nagma manage ng TGC pagkatapos ng training niya with his Dad. Gusto na rin daw kasing mag retire ni Marcus at mag enjoy nalang sa buhay kasama ako since malalaki na daw ang mga anak namin.Marcus also trained Martin and at the age of 25 ay katuwang na ito ng kuya Mitchell niya sa kumpanya.Hindi naman linya ni Mason ang business and we just let him be. Kung ano ang gusto ng mga anak namin ay susuporthan namin. He is already working

  • The Billionaire's Affair Bk. 1 WOUNDED HEARTS   Chapter 84

    MarcusI was pacing back and forth sa harap ng operating room kung saan ipinasok si Ria. She is already scheduled for a Caesarian Section this day dahil ayon sa doctor, baka mahirapan daw siya if we would wait for a normal delivery.“For God’s sake, Marcus, sit down! Kanina pa ako nahihilo sayo!” sita naman sa akin ni AvaKasama ko si Nanay Dang ng dalhin ko sa ospital si Ria. On our way tinawagan ko ang mga kaibigan niya at agad naman silang dumating.Nagkataon kasi na nasa labas sila ng mansion at may inasikaso sa site. Hindi ko naman na hinayaang sumama si Mama Sandra dahil na rin sa kundisyon niya.My family grew instantly sa pagdating nila and I really don’t mind at all. The mansion is too big at mas napapanatag ako pag alam kong may nakakasama ang mag-iina ko.Idagdag pa si Tatay Teban, si Nanay Dang at si Arthur, na nagsisimula na ding mag-aral at abutin ang pangarap niya. Tatay Teban worked diligently sa greenhouse and I can say na malaki ang naitulong ng kaalaman niya kaya l

  • The Billionaire's Affair Bk. 1 WOUNDED HEARTS   Chapter 83

    RiaHindi na ako makapaghintay na makita uli ang pamilya ko lalong lalo na ang kambal. Sobrang miss na miss ko na sila. Cleared naman na daw ako sabi ng doctor at pwede na akong bumyahe kaya naman kinausap ng asawa ko si Tatay at Nanay. Napagpasyahan nila na bukas na sumunod sa Maynila dahil aayusin pa nila ang ibang gamit na maiiwan nila. Tinawagan na ni Marcus si Joseph para bigyan ng instructions kung saan susunduin sila Tatay at Nanay.“Mag-iingat kayo ha!” bilin ni Nanay sa amin ng palabas na kami sa kwarto. May helipad naman ang ospital kaya dito na kami susunduin ng chopper“Hihintayin ko kayo Nay, Tay. Darating po bukas si Joseph para sunduin kayo ha!” naisip ko kasi na baka magbago ang isip nila“Darating kami, anak!” pagtitiyak naman sa akin ni TataySabay sabay na kaming sumakay sa chopper. Napahinga ako ng malalim habang hawak ang kamay ni Marcus. Ilang saglit nalang makikita ko na sila.“Are you okay? Hindi ka nahihilo?” may pag-aalala sa tinig ni Marcus pero agad k

  • The Billionaire's Affair Bk. 1 WOUNDED HEARTS   Chapter 82

    RiaNakaupo ako sa labas ng bahay ng hapon na iyon. Kakatapos lang namin magluto ni Nanay at namahinga muna kami bago mag tanghalian.Hinihimas ko ang tiyan ko. Sabi ni nanay, malaki daw ito pero hindi naman masabi kung ilang buwan na nga ba.Iniisip ko na sana magbalik na ang alaala ko dahil nung mga nakaraan ay panay ang pagsingit ng mga mumunting alaala sa isipan ko. Hindi nga lang ito malinaw pero umaasa ako na sana maging maayos na din ang lahat.Patayo na sana ako ng matanaw ko si Arthur na paakyat sa daang ginawa ni Tatay Teban.“Nay! Tay! Umuwi na po si Arthur!” masayang tawag ko “Ano ba kamo?” sabi ni Tatay na lumabas na din mula sa kubo“Si Arthur po paparating. At may mga kasama po siya!” ulit ko ditoLumabas na din si Nanay at tinanaw ang daan.“Aba’y oo nga! Batang yan! Bakit biglang umuwi e Martes palang naman ngayon?” may pagtataka sa tinig ni nanayNg makalapit na sila ay naagaw ang pansin ko sa lalaking nasa likod ni Arthur. Nagulat ako sa biglang pagtibok ng puso k

  • The Billionaire's Affair Bk. 1 WOUNDED HEARTS   Chapter 81

    MarcusIsang buwan na at hanggang ngayon wala pa rin kaming balita kung nasaan ni Ria. Pati ang organisasyon na kinabibilangan niya dati at hindi matukoy kung nasaan siya.Halos mapatay ko si Floyd ng mahuli siya nila Zues pagkatapos ng ginawa niyang pagtatangka sa buhay ng mag-iins ko. Tahimik lang niyang tinanggap ang lahat ng suntok at mura ko sa kanya. Wala din siyang idea kung nasaan si Ria dahil nanlaban daw ito at natakasan siya.We could not track her dahil ipinasa niya pala kay Maegan ang tracker na ibinigay ni Ava sa kanya.Halos manlumo ako ng makita ko ang nasusunog na bahay. I first thought that my kids ang Ria is inside. Pinigilan lang ako ni Zues at ng mga kaibigan ko na pasukin ang bahay dahil baka pati ako mapahamak.Napaupo na lang ako at napaiyak sa maaring sinapit ng mag iina ko. Not until Ava said that may nasasagap siyang signal sa tracker ni Ria.Agad namin iyon sinundan at nakita ko na nagtatago sa likod ng isang batong malaki ang kambal. Mitchell was hugging he

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status