The Billionaire's Affair Bk.12 The Aftermath of Betrayal

The Billionaire's Affair Bk.12 The Aftermath of Betrayal

last updateTerakhir Diperbarui : 2026-08-27
Oleh:  LiannaTamat
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
6 Peringkat. 6 Ulasan-ulasan
88Bab
5.7KDibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

"Hindi man tama na mahalin ka, susugal ako! I will make everything possible to have that second chance with you! Pero mangako ka na hindi mo na ako iiwan!" Mason Rouge's marriage is filled with lies and betrayal. Bulag ang pagmamahal pero dumating ang hangganan ng lahat. And when he was about to give up, natagpuan niya ang kanyang sarili na muling minamahal ang babaeng pinakasalan niya. Posible bang mahalin ulit ang isang taong sobra lang sinaktan at dinurog?

Lihat lebih banyak

Bab 1

Chapter 1

Mason

Malungkot akong nakatingin sa anak ko na ngayon ay mahimbing ng natutulog sa kanyang silid.

It was her seventh birthday pero alam kong hindi gaano ang kaligayahan niya dahil wala ang kanyang ina.

Ang aking asawa, si Della!

Napahinga ako ng malalim dahil hindi ko na alam ang gagawin ko.

Alam ko naman na hindi ako mahal ng asawa ko pero mahal na mahal ko siya at handa akong magpakatanga para manatili lang siya sa tabi ko.

For the past years, impyerno ang pagsasama namin ni Della pero alam ng Diyos kung paano kong pinilit na maging maayos ang lahat.

Nakilala ko si Della sa isang party na dinaluhan ko and right there and then, I fell for her.

Anak siya ng isang businessman na kakilala ng pamilya at matapos ang gabing yun, hindi ko na siya pinakawalan.

I was starting my career then as a surgeon pero tiniyak ko na hindi ako nawalan ng oras sa kanya.

We dated hanggang sa may mangyari na sa amin after we got drunk. 

Akala ko, tuloy na ang saya namin pero hindi pala. Ako lang pala ang masaya dahil hindi siya okay sa nangyari.

Alam ko naman na  hindi niya ako ganun kagusto at pinakikisamahan niya lang ako dahil kailangan ng pamilya niya ang suporta ng pamilya ko sa negosyo.

Pero hindi ko yun inisip dahil nangako ako na gagawin ko ang lahat para matutunan niya akong mahalin.

I confess that it was an obsession. 

A deadly obsession….

Nakakabaliw pero masarap sa pakiramdam!

She got mad dahil nabuntis siya at yun ang hindi ko matanggap. Gusto niyang ipalaglag ang anak ko na nagsisimulang mabuo sa sinapupunan niya.

Hindi ako pumayag at agad kong kinausap ang magulang niya. Alam kong masaya sila dahil alas para sa kanila ang anak ko.

We got married at alam kong hindi masaya si Della pero wala siyang nagawa nung ang mga magulang na niya ang nagpasya.

They need us at yun ang dahilan kaya naging asawa ko siya.

When My daughter Jessica  was born, nagkaroon lalo ng saysay ang buhay ko. Pero doon na nagsimula ang kalbarryo ko sa pagsasamama namin ni Della.

Alam kong may iba siya. Pero nagbulagbulagan ako.

Inakala ko na mapapabago ko siya pero hindi nangyari yun.

She had affairs na alam ko namang nangyayari pero tinanggap ko para nanatiling buo ang pamilya namin.

Ayokong lumaki si Jessica na sira ang pamilya kaya natuto akong makuntento sa kung anong naibibigay sa akin ng asawa ko.

Sa huling tatlong taon na pagsasama namin, wala ng nangyayari sa amin ni Della at alam kong dahil yun sa galit niya sa akin.

Pero pinili kong manahimik dahil ayokong masaksihan ng anak ko ang pag-aaway namin ni Della.

Pero ngayon, sagad na sagad na ako!

Hindi ko na yata kayang magtiis pa!

“Sir, hindi pa ba kayo matutulog?” tanong sa akin ni Manilyn, ang Yaya ng anak ko

“Dito na lang ako matutulog, Manilyn. Gusto kong samahan ang anak ko!” sagot ko naman sa kanya

“Eh sige sir!” sagot naman ni Manilyn sa akin pero hindi pa siya nakakalabas ay pumasok naman ni Nanay Hilda, ang mayordoma ng aming tahanan

Siya ang nag-alaga sa aming magkakapatid noon at nung bumukod na ako, sumama siya sa akin sa mansion na pinagawa ko.

Ako ang bunso at masasabi ko na mahal na mahal ako ni Nanay Hilda. 

Triplets kami pero sabi ni Mommy, ako nag sakitin noon kaya naman mas ang atensyon nila sa akin kaysa kay Mason at Regina.

Pero hindi ito naging problema sa mga kakambal ko dahil naiintindihan naman nila ang sitwasyon.

“Nandyan na ang asawa mo, Mason!” 

Napatingin ako kay Nay Hilda sabay tayo kaya agad naman niya akong nilapitan.

“Anak, huminahon ka lang! Pag-usapan niyo ito ng maayos!” sabi niya sa akin pero hindi ko yata kayang kumalma

“Nay, sa palagay niyo ba kaya kong huminahon matapos ang ginawa ni Della?” mahina lang ang tinig ko dahil ayokong magising ang anak ko

Nakatulugan na nga niya ang pag-iyak dahil sa sama ng loob at ayokong magising siya para makita pa ang siguradong pagtatalo namin ng Mommy niya.

“Sir, baka naman pwedeng bukas mo na kausapin si Madam!” sabi ni Manilyn pero umiling ako

Sa tagal na ni Manilyn sa amin, kilala na talaga niya pag galit ako. Halos sila na ni Nay Hilda ang nagpalaki kay Jessica kaya naman malaki din ang utang na loob ko sa kanila.

“Bantayan mo si Jessica at pag nagising siya, huwag mong papalabasin ng kwarto!” bilin ko dito saka ako lumabas ng kwarto ng anak ko

Kasunod ko naman si Nay Hilda pero hindi talaga niya mapipigilan ang galit na nararamdaman ko.

Pagkasara ko ng pinto ay nasa hallway na si Della at lumilinga pa siya na akala mo naliligaw sa sarili niyang bahay.

“Umuwi ka pa?!” sabi ko kaya napalingon siya sa akin

Nakita ko na napataas siya at humigpit ang hawak niya sa maleta niya.

“Mason…”

“Ang kapal mo talaga! Pagkatapos mong hindi siputin ang birthday ni Jessica, may lakas ka pa ng loob na umuwi dito!” 

Napalunok si Della at hindi ko nga alam kung bakit tila nakikita ko na natatakot siya samantalang noon, pag galit ako, sinasabayan niya ako.

“Dito ang bahay ko! Saan pa ba ako uuwi!” matigas na sagot niya sa akin kaya naman napailing ako

Akala ko lang pala yun!

Nilapitan ko si Della at agad kong hinaklit ang braso niya.

“Saan ka galing? Bakit hindi ka umuwi samantalang ilang beses kong niremind sa iyo ang birthday ni Jessica!” galit na tanong ko

“Alam mong nasa conference ako! Bitawan mo nga ako!” palag niya pero hindi ko ito ginawa

“Napaka sinungaling mo! Akala mo ba hindi ko alam na tatlong araw lang yang sinasabi mong conference? Dalawang linggo kang nawala, Della! Hanggang kailan mo ba ako gagawing tanga!” galit na tanong ko ulit sa asawa ko pero alam ko na kahit pilipitin ko ang leeg niya, hinding-hindi siya aamin sa akin

“Namasyal ako! Wala na ba akong karapatang gawin yun!” 

Ipiniksi ni Della ang kamay niya at agad niyang hinila ang bag niya papunta sa kanyang kwarto.

Oo. Kwarto niya dahil ilang taon na din kaming hindi natutulog sa isang silid.

Sinundan ko si Della dahil hindi ako papayag na hindi matapos ang usapan naming ito ngayong gabi.

“Sino ang kasama mo?” tanong ko sa asawa ko nung makapasok ako sa kwarto niya kaya lumingon siya sa akin

“Wala akong kasama!”

“Sinungaling ka talaga!” galit na sigaw ko saka ako lumapit sa kanya at hinawakan ko ulit ang braso niya

Alam kong nasaktan siya sa higpit ng hawak ko pero wala na akong pakialam!

“Dalawang linggo kang nawala? Akala mo ba maniniwala ako na wala kang kasama? Sino ha? Si Warren Castillo ba? O si Francis Lucero? Sabihin mo sa akin sino?! O baka naman may bago ka na naman?!” gigil na sigaw ko at kita ko ang takot sa mga mata ni Della

Pero alam kong ako lang ang nag-iisip noon! Hindi marunong matakot si Della lalo na kung tungkol sa mga lalake niya.

She knows I am aware of it at sanay na siya na tinatanggap ko lang ito.

“Ang kapal talaga ng mukha mo! Marumi kang babae! You’re a slut!” 

“Wala nga akong kasamang lalake! Nasasaktan na ako Mason!” she said kaya marahas ko siyang itinulak sa kama

Napasubsob siya doon at ako naman ay hinihingal na sa sobrang galit.

Nagsisinungaling pa talaga siya!

“Makinig ka sa akin, Della! Sawang-sawa na ako sa mga ginagawa mo! Kung noon, kaya Kong tanggapin ang pambababoy mo sa kasal natin, ngayon, sinasabi ko sa iyo, hindi na ako papayag!”

Della looked at me and I swear I saw tears in her eyes na agad niyang pinahiran.

Wow! That is a first!

“Huwag kang umiyak dahil hindi ako madadala ng mga luhang yan! Gaya ng sinabi ko, hindi na ako papayag! Mapapatay na kita sa oras na malaman ko na nakikipagkita ka pa sa ibang lalaki! Gawin mo ang obligasyon mo sa akin bilang asawa mo at bilang ina ni Jessica! Dahil kung hindi, maniwala ka sa akin may kalalagyan ang pamilya mo!” dagdag ko pa kaya nanlaki ang mga mata niya

“Mason…anong…”

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang panga niya. 

Mariin at alam kong nasaktan si Della dahil sa pagsinghap niya.

“Gagapang sa lusak ang pamilya mo, Della! Alam mong kaya kong gawin yan kaya ngayon pa lang, mag-isip ka na! Hindi ako nagbibiro!”

Marahas kong binitiwan ang mukha ni Della saka ako tumayo sa harap niya.

“Noon ko pa dapat ginawa yan, Della! Noon pa dapat pero nagbubulag bulagan ako kasi mahal na mahal kita! Tinanggap ko ang panloloko mo sa akin at nilunok ko ang pride ko, kahit pa pinagtatawanan na ako ng buong mundo dahil iniiputan mo ako sa ulo! Pero hindi na ako papayag! Gagawin ko ang dapat noon ko pa ginawa! Kung hindi ka magtitino, bukas ang pinto ng bahay na ito! Lumayas ka na at tanggapin mo ang ganti ko!”

Hindi nagsalita si Della pero dinig ko mahinang pag-iyak niya.

Pero wala itong dating sa akin!

Kilala ko siya at alam ko na umaarte lamang siya dahil sukol na siya at binigyan ko na siya ng ultimatum.

Kung aalis siya, hindi na ako maghahabol. Aayusin ko ang lahat ng dapat ayusin para mapawalang-bisa ang kasal namin.

Gising na gising na ako at mulat sa katotohanan na kahit kailan, hinding-hindi niya ako mamahalin!

Lumabas na ako ng kwarto ni Della dahil sa totoo lang, twing nakikita ko siya ngayon, sukang-suka ako.

I married a slut!

Isa akong kahihiyan sa pamilya at hindi pa huli para iayos ko ito.

Pumasok ako ng kwarto ko at agad kong hinagilap ang jacket at susi ng kotse ko. Nagmadali akong umalis ng bahay kaht pa anong pigil sa akin ni Nay Hilda.

Kailangan kong huminga at natagpuan ko na lang ang sarili ko sa unit ni Charity, ang kaibigan at kasamahan ko sa ospital.

She opened the door at nakita ako ang pag-aalala sa mga mata niya upon seeing me. Binuksan niya ng maluwag ang pinto at agad akong pumasok saka ko ibinagsak ang katawan ko sa couch.

“Huhulaan ko, dumating na si Della at nag-away na naman kayo!”

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


Ulasan-ulasanLebih banyak

Rizza Macaraig
Rizza Macaraig
grabe ang ganda talaga ng story mo ms A lahat talaga nagustuhan ko at thank you kasi tinatapos mo bawat STORY . HIGHLY RECOMMENDED
2026-08-07 23:10:02
1
0
Emz Cesar
Emz Cesar
Grabeh ka miss Lianna sobrang exciting tong story na to! very anticipating bawat chapters! Lahat Ng stories mo magaganda talaga worth it basahin Ng Paulit ulit, and take note lahat completed bawal paasa sa yo miss Author..
2026-07-22 23:34:48
2
0
Ilocana
Ilocana
highly recommended 🫶
2026-07-14 14:40:48
1
0
Emz Cesar
Emz Cesar
Thank you miss A sa panibago na namang lovestory!
2026-07-08 08:07:25
1
0
CellieA
CellieA
Another highly recommended...
2026-06-28 00:05:40
1
0
88 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status