แชร์

Chapter 2

ผู้เขียน: Lianna
last update วันที่เผยแพร่: 2026-06-25 21:51:13

 Della

Maingat akong lumabas ng silid matapos kong maghilamos at magbihis ng damit at sa totoo lang, medyo masakit pa rin ang katawan ko dahil sa galit sa akin ni Mason.

Hangga’t maari, ayokong gumawa ng ingay dahil natatakot ako na baka makasalubong ko si Mason at saktan niya ulit ako.

Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko pero wala na akong choice!

Hindi na ko pwedeng umatras!

Bumaba ako sa unang palapag ng mansion para pumunta sa kusina dahil nagugutom na ako. Kagabi pa ako walang kain at natulog na lang ako kahit pa nagrereklamo ang tiyan ko dahil sa gutom.

Ikaw ba naman ang salubungin ng sigaw at mura, makakakain ka pa kaya?

Nakita ko ang dining area ng mansion at naririnig ko ang boses ni Nanay Hilda, ang mayordoma ng mansion.

“Sige na Jessica, kumain ka na! Ihahatid ka pa ni yaya sa school!”

May sasabihin pa sana si Nay Hilda pero natigil ito nung makita niya akong papasok ng komedor.

“Good morning madam!” sabi ni yaya Manilyn at pagtapos ay yumuko na ito at ipinagpatuloy ang pag-aasikaso kay Jessica

Pati si Jessica ay nakayuko lang at tila wala itong ganang kumain.

Naupo ako sa tabi niya at muling nagsalita ang mayordoma.

“Nita, nandito na si Madam! Ang almusal niya!”

“Opo Nay Hilda! Saglit lang po!” sabi naman ng isang tinig na mula sa kung saan

I looked at Jessica at nakita ko na nakatingin ito sa akin.

“Belated Happy birthday!” nakangiting bati ko sa kanya at nagulat pa ako nung manlaki ang mata ni Yaya Manilyn

“Hindi ka ba magsasabi ng thank you, Jessica?” tanong ko dito at nakita ko na malapit na itong umiyak

Naalarma ako kaya naman agad ko siyang nilapitan at kinarga papunta sa aking kandungan.

“Sorry ha! Sorry kasi hindi nakapunta ang Mommy sa birthday mo! Hindi bale, babawi ako sa iyo ha! After ng school mo, gusto mo bang mamasyal tayo?” tanong ko dito at nagulat din ako sa biglaang pagyakap ni Jessica sa akin

“Yes po Mommy! I missed you po! Promise po, hindi na ako magiging bad girl para po hindi na kayo galit sa akin.”

Kinurot ang puso ko sa sinabi ni Jessica at hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

“Hindi ka naman bad girl! Ako ang bad kasi hindi ako nakapunta sa birthday mo at hindi kita inaalagaan! Pero don’t worry, promise ko sa iyo, nandito na si Mommy at hindi na ako aalis!”

Humigpit ang yakap sa akin ni Jessica at sobrang gaan ng pakiramdam ko habang yakap ko din siya.

“Sige na, kumain ka na para makapunta ka na sa school! Ihahatid kita!”

Naupo na si Jessica sa upuna at nanlaki pa ang mata niya nung sinabi ko sa kanya na ihahatid ko siya.

“Talaga po Mommy?” hindi makapaniwalang tanong niya

“Oo naman! Sasama ako kay Yaya sa paghatid sa iyo!” masayang sagot ko

Kung kanina ay tamilmil si Jessica, ngayon ay magana na itong kumakain at hindi na nga naalis ang ngiti sa kanyang mga labi.

Lumapit naman ni Nita at inilapag ang almusal na inihanda niya para sa akin.

“Good morning po madam! Gaya po ng gusto ninyo!” nakangiting sabi niya at napatingin ako sa platong inilagay niya sa harap ko

May isang itlog na nilaga at isang hiwa ng tinapay na kulay brown at may mataas na baso din ng orange juice.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa mga tao sa harap ko na noo’y nakatingin sa akin.

“Ahm…Nita, pwede ba akong makahingi ng kagaya nung kinakain ni Jessica!”

Nagugutom talaga ako at hindi ko kakayanin kung ito lang ang kakainin ko ngayong umaga.

“Sigurado ka Madam? Hindi ka naman kumakain ng kanin eh!” ani Nay Hilda at bakas din naman sa mukha niya ang pagtataka

“Eh kasi po nay, nagugutom po talaga ako at hindi po ako mabubusog dito! Kung meron lang naman po pero kung wala, okay na po ito sa akin!” magalang na sagot ko sa mayordoma kaya naman napatitig siya sa akin 

Si Nita at Manilyn naman ay halos mapanganga sa sinabi ko.

“Nita, ano pang tinatayo mo diyan! Ikuha ng almusal si madam!”utos ni nay Hilda at tila doon na nga natauhan si Nita

“OPo Madam! Teka po!” nagmamadaling sabi niya at napahinto pa siya nung magpasalamat ako

“Salamat!”

Napailing na lang ito bago siya tumalikod papunta sa kusina kaya binalingan ko naman si Jessica na nakangiti pa rin.

“Saan mo pala gustong mamasyal mamaya, baby?” malambing na tanong ko kay Jessica kaya naman nag-isip ito

“Alam na ba ni Mason na ipapasyal mo ang anak niya?” tanong ni nay Hilda habang matamang nakatingin sa akin

“Hindi pa po! Pero Pwede ko naman pong ipagpaalam! Anak ko naman din  po si Jessica, diba?” mahinahong sabi ko kaya natahimik na naman ang lahat

“Tama ka naman diyan, madam! Wala pa si Mason, hindi pa siya umuuwi! Siguro, sa ospital na natulog kagabi. Kundangan eh…” hindi na itinuloy ni nay Hilda ang sasabihin niya at tumalikod na lang siya sa akin

Aam ko naman  na ako ang sinisisi niya dahil umalis pa si Mason kagabi dala ng matinding galit niya sa akin.

“Madam, ito na po ang almusal ninyo!” sabi ni Nita at muli akong nagpasalamat sa kanya bago ako kumain

Nandoon ang ngiti sa mga labi ko sa twing nagtatama ang paningin namin ni Jessica. 

“Daddy!” 

Halos hindi ako makahinga nung maramdaman ko ang presensya ni Mason sa likod ko. Kahit nakatalikod ako, ramdam ko ang init na nagmumula sa nagbabagang mga mata nito.

“Hi princess!” sabi naman ni Mason sa bata

“Daddy, ang saya po ng morning ko kasi nandito na si Mommy! And she wants to come to school para ihatid ako and later after school, mamamasyal po kami!” pagbibida ni Jessica sa kanyang Daddy

Hinintay ko ang sagot ni Mason hanggang sa makita ko na nkaupo na pala siya sa harap ko.

“Kakain ka ba ng almusal, iho?” tanong ni nay Hilda pero ang mata ni Mason ay nanatiling nakapako sa akin

“Kape na lang po, nay!” sagot ni Mason dito

“Daddy, Mommy, tapos na po akong kumain, magbibihis na po ako!” magalang na paalam ni Jessica sa amin ng Daddy niya at pinayagan naman din ito ni Mason

At dahil tapos naman na akong kumain ay tumayo na din ako para magbihis pero pinigilan ako ni Mason.

“Maupo ka lang muna diyan!” kalmado na ang boses ni Mason pero ramdam mo pa rin ang galit nito sa akin

Sumunod na lang ako at hinintay ko na lang ang kung ano mang sasabihin niya sa akin.

“Balak mo bang tumakas kaya kunwari at ipapasyal mo ang anak ko?” 

Napahinga ako ng malalim sa sinabi ni Mason at sa totoo lang, hindi ko siya maintindhan.

“Ano bang sinasabi mo! Hindi ba ito naman ang gusto mo? Ang magpaka-ina ako! At kung aalis man ako, hindi ko kailangang tumakas dahil pwedeng-pwede ko namang gawin yun!” sagot ko kay Mason

“Binabalaan kita, Della! Sa oras na may gawin kang…”

“Oo na! Oo na! Gets ko na! Babalikan mo ang pamilya ko, hindi ba? Akala mo ba hindi ko pa naiintindihan yun!”

Natahimik naman si Mason at hindi na nagsalita kaya tumayo na ako.

“Ihahatid ko si Jessica sa school at ipapasyal ko na din!” sabi ko kay Mason at akala ko nga ay kokontra pa siya

“Papasundan ko kayo sa bodyguard!” aniya kaya nagkibit- balikat na lang ako

Kung ito ang paraan para mapanatag siya, hahayaan ko na lang!

“Long time no see, Della!”

Napatingin ako sa babaeng pumasok sa komedor at napakunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya.

“Nakabalik ka na pala! You look good ha! Teka, parang pumuti ka? I guess, salamat gluta na naman yan ano?"

I just smiled at tumalikod na ako para makapunta na sa kwarto ko. 

“Oh Charity, nandito ka pala!”

Hinanap ko ang telepono ko at nung makita ko ito ay agad akong pumasok sa banyo. I dialled a number at nung sumagot na ang nasa kabilang linya ay tila nakahinga ako ng maluwag.

“O, anong kailangan mo?!”

“Bakit hindi mo sinabi sa akin ang totoo?” tanong ko 

“Ang alin?” patay-malisyang sabi niya kaya naman napapikit na lang ako

“Della, bakit hindi mo sinabi sa akin na birthday pala ng anak mo nung araw na pinapunta ninyo ako dito! At bakit hindi mo sinabi sa akin na niloloko mo pala ang asawa mo? Alam mo bang halos mapatay niya na ako kagabi?” sabi ko sa aking kausap

OO, tama kayo, hindi ako ang tunay na Adella Trinity Thompson.

Ako si Ava! Ava Maureen Fransisco.

At kung paano ako napunta sa sitwasyong ito, ibabahagi ko din sa inyo!

“O c’mon Ava! Huwag kang madrama! Malaking pera ang gagastahin namin ni Kurt sa nanay mo kaya naman wala kang karapatang magreklamo!” inis na sagot niya sa akin

“Della, nanay natin! Kambal tayo, hindi ba?” paalala ko dito pero pinagtawanan niya lang ako

“Hindi ko nanay ang nanay mo, okay! Maaring siya ang nagluwal sa akin pero the moment na ipinaampon niya ako, hindi ko na siya ina!”

Napahinga ako ng malalim dahil sa ngayon, wala na akong magagawa! Nandito na ako at kung hindi ko ito gagawin, ang nanay ko ang malalagay sa panganib.

“Okay sige! Hindi na kung hindi! Pero sana, sinabi mo sa akin ang totoo para alam ko kung paano ako kikilos dito! Lahat nalang ng tao, galit sa akin dito! Pati na ang anak mo!” nagbakasali akong masundot man lang ang konsensya ng kapatid ko pero mukhang malabo ito

“Hayaan mo lang sila, Ava! Ang papel mo kaya ka nandyan ay para mapanatag si Mason na hindi ako umalis! Sakyan mo kung ano ang aabutan mo diyan! Yun lang!” utos sa akin ni Della

“Diyos ko, Della!”

“Huwag mong sabihing aatras ka pa! Paalis na kami ni Kurt kaya umayos ka!”

“Paano kung mahuli ako?” takot na tanong ko sa kapatid ko

“Hindi ka mahuhuli basta gawin mo lang yung mga prinaktis natin! Isa pa, hindi naman naglalagi diyan si Mason. Nasa ospital ang buhay nun kaya ang mga muchacha lang ang kasama mo diyan. Magrelax ka nga!” 

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa totoo lang, natatakot na ako sa mga nangyayari. Parang gusto ko ng umuwi pero alam kong hindi na pwede. Isa pa, hindi ko alam kung saang ospital dinala ni Della ang aming ina.

Kaya naman kahit tumakas ako dito, hindi ko alam kung saan ko pupuntahan ang nanay ko. At baka nga gawan pa nila ito ng masama dahil hindi ako tumupad sa kasunduan.

“May isa pa, Della. May babaeng nagpunta dito. Charity ang pangalan! Sino siya?” sabi ko dahil hindi yata siya nabanggit ng kapatid ko sa akin

Natawa si Della sa kabilang linya.

“Hay naku! ANg mga linta talaga, ang higpit kumapit! Huwag mong problemahin ang babaeng yan. Kasamahan yan ni Mason sa ospital at kaibigan na din. So you see, hindi lang ako ang masama dito, Ava! Kung ako nanlalalaki, si Mason naman, may babae! Pero don’t worry, hindi magiging problema ang babaeng yan. Hangga’t ako ang asawa ni Mason, kabit lang siya habangbuhay!”

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
ความคิดเห็น (1)
goodnovel comment avatar
Rizza Macaraig
ahhhh ibang tao pala sya mabait siguro itong nagpapanggap
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • The Billionaire's Affair Bk.12 The Aftermath of Betrayal    Chapter 88

    EPILOGUEMasonKakagaling ko lang sa duty ko sa isang ospital bilang isang resident doctor pero imbes na umuwi agad sa mansion ay dumiretso na ako sa isang party na kailangan kong daluhan.Hindi pumayag ang parents ko na hindi magpakita doon lalo na at ninong ko sa binyag ang may kaarawan kaya naman kahit pagod na ako ay kailangan kong sumaglit doon para bumati at magbigay na din ng regalo.Hindi ko alam kung nandoon pa ang parents ko pero sa palagay ko, wala na din sila doon lalo na at hindi pwedeng magpuyat ang aking ama.Nagmaneho na ako papunta sa venue at pagdating ko doon ay agad kong hinanap ang aking ninong to greet him a happy birthday. I don’t have plans to stay long kaya naman matapos kong makipagkwentuhan sandali ay unti-unti akong lumayo para hindi mapansin ni Ninong Ted na tatakas na ako.Nagpunta ako sa bar para humingi ng wine dahil ayokong uminom ng hard drinks lalo na at malayo din ang driving distance ko pauwi.Naglibot ang mata ko at nakita ko na busy na din ang Nin

  • The Billionaire's Affair Bk.12 The Aftermath of Betrayal    Chapter 87

    AvaMasayang-masaya ako dahil ngayon, maiuuwi na namin ni Mason ang aming mga anak.Isang buwan din silang nanatili sa incubator at sa buong panahon na yun, hindi ako umalis sa tabi nila.Ang bawat hinga, hikab, iyak, pagdilat ng mata at pagngiti ng mga anak ko ay nakikita ko kaya naman sobrang saya ng puso ko.At nung unang beses ko silang mahawakan after nilang mailabas sa incubator ay napaiyak ako.They are my new angels!Ang unang inilabas sa akin through Caesarian Section ay si Aaron Made. Ang second boy naman ay si Ronan Vane at ang pangatlong lalaki ay si Soren Beau.Ang bunso sa kanila ay isang babae and we named her Aria Maeva.Ang lahat nang pangalan nila ay kinuha sa pangalan namin ni Mason at matagal nga namin itong pinag-isipan.Fraternal twins ang mga anak ko kaya naman hindi sila gaya namin ni Della na magkamukha.Pagdating namin sa mansion ay maingat namin silang ibinaba sa mga stroller nila.Ang buong pamilya pati na nag extended families ay n

  • The Billionaire's Affair Bk.12 The Aftermath of Betrayal    Chapter 86

    Ava“Della, huwag mong gawin ito! May oras pa, pwede ka pang magbago!” In my mind, baka sakaling mapabago ko pa ang isip ng kapatid ko.“Hindi ako magsumbong!Nakikinig naman sa akin si Mason! Hahayaan ka naming makaalis just please, please, let me go!” pakiusap kong muli pero nagmatigas siya“Ano bale! Sa dami ng pinagdaanan ko, akala mo ba, may takot pa akong nararamdaman? Wala na Ava! Kaya kung mamamatay ako ngayon, sisiguruhin ko na kasama ka!” sagot ni Della sa akin“Akala mo ba, naging madali ang lahat sa akin, Ava?! Pwes nagkakamali ka! Kaya hindi ako papayag na kayo lang ang maging masaya!” dagdag pa nito at sa puntong ito, naisip ko na wala ng pag-asa na mapabago ko ang isip ni DellaBinalot na ng galit ang puso niya kaya hindi na ito magbabago.“Akala niyo siguro, tuluyan niyo na akong nabura ano?! Kaya ang saya-saya ninyo pero pasensya na kayo, hindi pa ako Patay! Dahil ang sunog na babaeng nakita ng mga pulis ay si Vina at hindi ako!” Nagulant

  • The Billionaire's Affair Bk.12 The Aftermath of Betrayal    Chapter 85

    AvaMabilis na lumipas ang mga buwan at walong buwan na ang tiyan ko ngayon. Sa mga buwan na nagdaan ay unti-unti ko ng nararamdaman ang pagbabago sa katawan ko at ang pirmi kong iniinda ay ang aking likod na sumasakit.Hulaan ninyo?Matutupad ko na ang kahilingan namin ni Mason na magkaroon ng malaking pamilya.On my fourth month, labis ang naging tuwa namin dahil lumabas sa ultrasound na apat ang sanggol na pinagbubuntis ko.Hindi nga ako makapaniwala noong una at nag-iyakan na lang kami ni Mason when my OB confirmed that we are having quadruplets.Hindi pa confirmed ang genders nila dahil hindi pa ito makita ng malinaw ni doktora.“Rouge, natatakot ako! Kakayanin ko ba?” tanong ko sa asawa ko buty he assured me na hindi niya ako pababayaan“Nandito lang kami para sa iyo, Ava! Just do as I say and I am sure, malalagpasan mo ito!” sabi naman ng aking OBNung ibalita namin ito sa pamilya at sa extended family na din, sobra ang naging saya nila.Unang beses sa pamilya na magkakaroon n

  • The Billionaire's Affair Bk.12 The Aftermath of Betrayal    Chapter 84

    AvaNakatanaw ako sa terasa ng hotel suite kung saan kami naroon ni Mason ngayon. It is our honeymoon at sa Baguio namin napiling magpunta dahil sa totoo, hindi pa ako nakakapunta dito.Maaga akong nagising ngayong umaga kaya naman dahan-dahan akong bumangon para hindi magising ang asawa ko. Kahit ayoko pa sanang bumangon dahil tinatamad pa ako pero hindi naman maari dahil naiihi na ako at normal ito sa mga buntis.Nakapag pacheck-up na ako bago pa ang aming kasal at binigyan na ako ng mga vitamins na kailangan ko para sa aking pregnancy.Napag usapan namin ni Mason na sa fourth month na kami magpa ultrasound para malam namin ang gender ng aming baby. Pinuno ko ang aking dibdib ng malamig na hangin na nagmumula sa maagang hamog ng umaga at saka ko ito dahan-dahan na ibinuga. Nagpapasalamat ako dahil maganda naman ang pakiramdam ko at hindi ako nahirapan sa biyahe lalo na at sa private plane kami ng pamilya sumakay.Ang driver naman ng branch ng Grand Hotel dito sa Baguio ang siyang n

  • The Billionaire's Affair Bk.12 The Aftermath of Betrayal    Chapter 83

    MasonI held my breath as the door opened after that long wedding entourage. Malayo pa si Ava pero natatanaw ko na siya and how she walked gracefully habang suot ang kanyang simple pero eleganeng gown.This is her request at wala naman akong nagawa lalo na at hindi na nga napagbigyan ang hiling niya na simple at intimate na kasalan lamang ang mahanap.And I guess, she understood naman lalo na nung ipaliwanag ni Daddy na marami din silang mga kaibigan na maaaring magtampo pag hindi naimbitahan.Her gown fits her perfectly at kahit na wala itong mga batong kumikinang bilang palamuti, nangibabaw pa rin ang ganda niya habang suot niya ito.Hera did a great job at nasunod naman niya ang gusto ni Ava sa kanyang damit pangkasal.She is so beautiful at kahit pa natatakpan ang kanyang mukha ng belo na nakakabit sa mahabang trail ng kanyang gown, masisilip pa rin ang taglay niyang kariktan na siyang bumihag sa puso ko noong una ko siyang makita.Halos hindi ako makahinga as I watch her walk

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status