Share

Chapter 10

Sophia

Nagpaalam naman na si Hendrix matapos ang tanghalian namin. Sumabay na din sa paglabas nito si Trevor kaya kahit papano ay nakahinga na ako ng maluwag.

Pagtapos kong magligpit ay pumasok na ako sa kwarto para maidlip sandali. Wala naman akong gagawin ngayon at parang masarap matulog muna.

Alas singko na ako nagising. Bale naka tatlong oras naman ako ng tulog kaya ang gaan ng pakiramdam ko. Naligo muna ako at nagsepilyo dahil balak kong puntahan ang Mama ni Trevor sa kabilang bahay. Matagal tagal na din kaming hindi nakakapag kwentuhan.

Paglabas ko ng pinto ay nagtaka ako dahil nasa labas pa rin ang kotse ni Hendrix. Nakaramdam ako ng kaba kaya lumabas ako at sinilip ang loob. Wala namang tao kaya agad kong kinuha ang phone ko. I dialled his number pero ring lang ito ng ring.

Nakarinig ako ng tawanan sa tapat ng bahay nila Trevor at ng makalapit ako ay nakita ko si Hendrix na nakyukyok sa lamesa. May mga tumbang alak sa harap nila. Kasama niya sa lamesa si Trevor na lasing na
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status