Share

Chapter 9

Sophia

Wala akong nagawa sa pagbuntot sa akin ni Hendrix mula sa simbahan hanggang sa palengke. Hindi ko naman magawang itaboy siya dahil nga sa pakiusap niya noong nagdaang gabi.

Buhat ng malaman ko ang nangyari noong nakaraan ay nakaramdam ako ng kakaiba sa kanya. Kung tutuusin, wala ka ng hahanapin kay Hendrix. Nasa kanya na ang lahat ng pangarap ng babae sa isang lalake.

Naisip ko na bakit nga hindi ko hayaaang magkakilala kami ng lubos. Mukha naman siyang mabait. May mga ugali lang talaga siyang hindi ko gusto pero siguro naman, kung talagang sersyoso siya, mababago niya iyon.

Isa pa, hindi pa ako pwedeng magmalaki ngayon. Kailangan ko ang trabaho ko at hanggang nagkakasundo kami, safe ang posisyon ko. Bonus nalang siguro kung magugustuhan ko din siya.

‘choosy ka pa girl?’ sabi ng isip ko pero hindi ko na lang iyon pinansin

“Mi amor, next time, sa grocery tayo mamili. Ang hirap dito sa palengke. Ang baho na tapos ang putik pa!” raklamo niya sa akin

“Hindi ako mayaman para sa gr
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status