Share

Chapter 11

Sophia

“Ma’am nandito na po tayo!” sabi ni Mang Fidel. “Nasa parking lang po ako Ma’am. Aantayin ko po kayo!”

Sinilip ko ang lugar kung saan kami huminto. Isa itong salon kaya hindi ko naman maintindihan kung ano ang gagawin ko dito.

Bumaba ako ng kotse at naglakad patungo sa entrance. Agad naman akong binati ng babae na sumalubong sa akin sa reception.

“Good afternoon po, ipinadala po ako ni Ma’am Andrada. I’m Sophia Angeles po.” pagpapakilala ko sa sarili ko.

“Ah yes po Ma’am. Antay lang po tatawagin ko po ang magaassist sa iyo.

Inangat niya ang telepono at may kinausap. Hindi naman nagtagal ay lumabas ang isang beki na mas sexy pa atang lumakad sa akin.

“Halika ka, ganda! Lalo pa kitang papagandahin!” sabi nito sabay hila sa pulsuhan ko. Kamag-anak kaya ni Hendrix ito at panay ang hila?

Dinala niya ako sa isang kwarto saka binigyan ng robe, underwear at twalya.

“Mag shower ka muna para makapagsimula na tayo!” Utos nito sa akin kaya naguluhan ako

“Teka muna! Bakit ako magsh shower?
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status