Share

Chapter 5

Valeen

Maaga akong pumasok kinabukasan para ihanda ang mga kailangan ni Sir Marcus. May meeting kasi ito at nagkataon naman na wala si Ms. Marissa dahil may nilakad daw ito para sa pag-alis niya.

Hindi naman nagtagal ay dumating si Sir Marcus kasama ang mga kaibigan niya. Normal lang naman ang reaksiyon ng iba since first time nila akong nakita pero siyempre ang hambog na si Drake ay inis na naman sa pagmumukha ko.

Ng makapasok na sila ay sumunod na ako para basahin ang schedule ni Sir Marcus. Nakaupo na ito sa pwesto niya habang ang apat naman ay nasa sofa.

“Good morning Sir, your schedule po!” masayang sabi ko dito

“Good morning Val. What’s for today?” tanong naman sa akin ni Sir kaya sinimulan ko ng basahin ang schedule niya

“At nine AM sir you have a meeting with the board, I already prepared the conference room sir.” inabot ko sa kanya ang ang isang folder

“That is the agenda of the meeting sir.” 

“At eleven AM, you have a lunch meeting at the Safari with Mr. Lagdameo, for the confirmatiom of your contract with LV builders.”

Tumango naman si Sir at nagpatuloy sa pakikinig.

“And finally po at two PM, you have a scheduled site visit in Morong Bataan.”

“Thank you, Val!” sabi pa nito.

“I’ll just get your coffee sir!”paalam ko dito at ng mapadaan ako sa mga kaibigan niya at inalok ko naman ang mga ito.

“Yes please! Black cofee kami lahat, no sugar!” sabi ng isang kasamahan nila Drake. Nakita ko naman siya sa bar kagabi pero hindi ko naman naitanong ang mga pangalan nila

“So ikaw pala ang bagong secretary ni Thompson?”tanong ng isa sa mga ito

“Yes po Sir. Actually po, under observation pa lang po.” sagot ko naman dito

“By the way, I am Xavier Monteverde, this is Lucian Philippe Segovia, Hendrix James Saavedra and Anton Drake Samaniego.”

“Nice to meet you po! Excuse me po, kuha lang po ako ng coffee niyo!” Paalam ko pa dito

“Oh God! This is torture!” inis na reklamo ni Drake pero hindi ko na lang pinansin 

“Shut it, Samaniego! Nagsisimula ka na naman!” pigil naman ni Sir Marcus dito

Lumabas na ako para ikuha sila ng kape. In my mind, kailangan ko talaga ng mahabang pasensya lalo na kay Drake. Talagang inis na inis ito sa akin pero hindi ko naman siya papatulan. Matira matibay na lang talaga sa aming dalawa.

Pagpasok ko ng opisina ay nasa sofa na sila lahat at magkakaharap. Maaga pa naman kasi para sa meeting kaya siguro nandito muna sila.

Isa isa kong nilapag ang kape at dahil nandito ako ay hindi ko maiwasang marinig ang kwentuhan nila.

“Anak ng pating! Kailan ka pa humina sa babae Samaniego? Ni hindi ka man lang naka first base, pinakawalan mo na agad?” Biro dito ni Sir Lucian

“Nataranta nga kasi ako nung magpaalam siya. Ni hindi ko nga nahabol dahil paglabas ko biglang nawala!” kwento pa nito

At dahil umandar ang pagka Maritess ko, gumawi muna ako sa table ni Sir para kunwari ayusin ang mga folder na nandun.

“So anong plano mo? Well marami namang babae, Drake! Huwag mo ng pagkaabalahan yun!” payo naman ni Sir Xavier

“Hindi pwede! I need to find her!” he dismissed the topic kaya napa angat ang kilay ko. Ano na love at first sight ba sa akin kaya gusto pa akong hanapin? Well goodluck na lang sa kanya!

“Paano mo hahanapin e ni apelyido hindi mo alam? Yung kaibigan kamo, hindi din alam kung nasaan?!” tinig iyon ni Sir Marcus

“Mahahanap ko siya, Thompson!” mayabang na sabi ni Drake kaya napaismid na lang ako

“Mukhang tinamaan talaga si Samaniego!” Pang aasar ni Sir Hendrix at dahil baka mapansin na ako, nagpaalam na ako kay Sir Marcus.

“Tawagin ko na lang po kayo pag nasa conference room na ang lahat.” 

“Thank you Val!” sagot naman ni Sir Marcus

“Bakit ba nandito ka pa? Nakikinig ka ba sa usapan namin?” iritang tanong ni Drake sa akin

“Ay wala po akong narinig sir! At kung may marinig man po ako, sikreto na lang po natin yun!” Sagot ko dito kaya naman nagtawanan ang mga kaibigan niya

“Thompson! Please fire this b****h! She is so insolent!” Baling nito kay Sir Marcus kaya naman bigla ako nakaramdam ng takot. Baka nga sisantehin na ako pero luckily hindi naman ganun ang nangyari

“Why would I fire her? She is good and an efficient secretary,  besides, tama naman siya, Samaniego.” kontra naman ng boss ko

“Samaniego, grow up! Bakit ba inis na inis ka kay Ms. Valeen?” tanong naman ni Sir Hendrix

“Hindi niyo ba nakikita ang itsura niya? Ang pangit niya!”

“Hey!”

“Samaniego!”

“Gago!” 

Makapanabay na sigaw ng mga kaibigan ni Drake. Natuwa naman ako kasi may kakampi naman pala ako laban sa kanya.

“What? Pagtutulungan niyo ako, ganun ba?” sabi pa nito

“You may go!” sabi sa akin ni Sir Marcus kay naman lumabas na ako agad

Grabe lang talaga ang lalakeng iyon! Walang pakundangan ang bibig. Wagas kung makapanlait samantalang kagabi, panay puri sa akin! 

****

Nakayuko lang ako sa tabi ni Sir Marcus habang kumukuha ng minutes ng meeting na nagaganap ngayon.

Hindi na ako halos nag aangat ng paningin dahil baka magalit na naman si sir Drake sa akin.

Although alam ko naman na ipagtatanggol ako ni sir Marcus mas mabuting umiwas na lang. 

Ayokong isipin nila na porke kinakampihan ako ni Sir ay magmamalaki na ako. 

The meeting went well at isa isa ng naglabasan ang ibang nandito pwera lang sa magkakaibigan habang ako naman ay sinasamsam ang mga folders.

“Pupunta ako bar ni Jackson mamaya!” narinig kong sabi ni Drake sa mga kaibigan niya

“Pass muna ako bro, may mga kailangan akong i overtime sa office!” sabi ni Lucian kaya natawa si Drake

“Gago mo! Ang sabihin mo may babae ka na namang kikitain!” 

“And so? Last time I checked, single naman ako so anong problema?” pagtatanggol ni Sir Lucian sa sarili

“Baka naman sa turo turo mo lang pakainin ang babae mo, Segovia! Mahiya ka naman!” sabi ni Sir Xavier kay Sir Lucian. Wait, kuripot ba ito kaya ganun ang sinasabi nila

“Ewan ko sa inyo! Ako na naman ang nakita niyo!” 

“Well, kung may mga lakad kayo, okay lang naman. Basta ako, babalik ako dun mamaya. Baka kasi makita ko uli si Alie.” Sabi ni Drake kaya naman bigla ako napaubo

“Excuse me po sir. Lalabas na po ako. Remid ko lang po ung meeting niyo ng eleven boss.” paalala ko kay sir Marcus

“Pangit na nga may sakit pa atang nakakahawa!” komento na naman ni Drake pero hindi ko na pinatulan

Narinig ko pa ang pagsaway ng mga kaibigan niya sa kanya kaya napailing na lang ako.

Dapat dito sa hambog na ito e tinuturuan ng leksyon eh!

Napangiti ako ng makaisip ako ng kalokohan. Humanda ka sir Drake! Lintik lang talaga ang walang ganti!

Mag-isa na lang na pumunta si Sir Marcus sa lunch meeting niya at dederetso na daw ito para sa site visit sa Bataan.

 Sinabihan niya ako na umuwi ng maaga at wag ng magpa gala gala dahil malalagot daw siya kay Yaya Nette kapag may nangyaring hindi maganda sa akin.

Bumili ako ng pagkain sa cafeteria at saka bumalik sa taas. Naiilang kasi ako sa tingin ng mga tao sa akin.

Pagkatapos kong kumain ay inayos ko na ang mga schedules ni Sir bukas kaya pagtuntong ng alas singko ay umuwi na ako agad sa condo ni Ozzy. 

Wala pa ito dahil may overtime daw sila kaya naman naghanda na ako sa plano ko.

Eksakto alas otso ay tumulak na ako sa bar na pinuntahan namin kahapon. Titiyakin kong mawiwindang si Drake sa gagawin ko. 

Nakasuot ako ng pulang mini dress na tinernuhan ko ng high heels na kulay pula din. Hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok ko at naglagay ng konting make up.

Huminga muna ako ng malalim habang papasok ako sa bar. Marami ulit tao gaya nung nagdaang gabi at dahil nag iisa naman ako sa bar counter muna ako nagpunta.

“Margarita please.” sabi ko sa bar tender at agad naman ako nitong binigyan. 

Paunti unti lang ang naging inom ko dahil hindi ako pwedeng malasing since hindi ko pa namamataan si Drake. 

Pasimple kong inilibot ang paningin ko at nakita ko si Drake, nasa gawing itaas siya at halatang may hinahanap at inaabangan.

Nakita ko ang panlalaki ng mata niya ng magkasalubong ang tingin namin pero pinagmukha kong hindi ko siya napansin at nagpatuloy lang ako sa paginom.

Nawala agad siya sa mata ko at hindi nga ako nagkamali dahil halos patakbo pa siyang bumaba sa hagdan para makalapit sa akin.

I felt his presence at my side kaya naman ng lumingon ako ay ang mga mata niyang magaganda at ang mukha niyang nakangiti ang sumalubong sa akin.

“Alie!” sabi niya sa akin na medyo hinihingal pa

“Oh hi! Nandito ka ulit?” patay malisyang tugon ko sa pagbati niya.

“Yeah! Actually kanina pa ako dito! Inaabangan kasi kita.” He frankly said to me kaya napangiti ako

“Bakit mo naman ako aabangan?” painosenteng tanong ko sakanya

“Well after last night, hindi na kasi ako mapakali. I feel like I need to see you again!” seryosong sabi niya

“I see!” sagot ko na lang na parang hindi ako interesado

“Are you alone?” he asked me so I nodded

“Yeah! Just grabbing a drink tapos uuwi na din ako!” sagot ko

“What? I mean, hindi ka ba pwedeng magstay kahit sandali lang?” tanong niya

Tinignan ko ang relong pambisig ko then I shrugged my shoulders. 

“One more hour siguro?” sagot ko

He smiled! Ewan ko kung bakit sa twing ngumingiti siya ay kumakalabog ang dibdib ko.

‘Valeen Alicia Flores, hindi ka pwedeng magkagusto sa taong ito!’

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status