Share

Chapter 4

Valeen

Pumasok kami sa isang pinto at sa tingin ko ay opisina iyo. Inalalayan pa ako ni Drake na maupo saka siya tumabi sa akin.

Hindi nagtagal ay pumasok din ang lalakeng tinawag ni Drake na Jackson. May dala itong ice pack at inabot kay Drake. 

Nahiya naman ako dahil kasalanan ko kung bakit siya nasaktan kaya ako na ang umabot sa icepack at nagdikit sa kamay niya.

Nakita ko na ngumiwi siya kaya nakaramdam naman ako ng awa dito.

“Masakit ba?” gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa tanong ko. Malamang Valeen masakit iyon, namamaga na nga eh.

“ Okay lang Alie! Hindi naman ako papayag na bastusin ng kung sinong gago ang mga tao dito.”

I almost rolled my eyes! Kung alam lang niya na ako ang pangit na sekretarya ni Sir Marcus, makuha pa kaya nitong magsalita ng ganito.

Kaya ba siya mabait dahil maganda ang Valeen na nakikita niya ngayon?

Nag-angat ako ng ulo dahil bigla siyang natahimik and then I saw his eyes. Nakatitig siya sa akin kaya kumalabog nanaman ang mukha ko.

“May dumi ba ako sa mukha?” pinilit kong magmukhang biro ang sinabi ko dahil napakaseryoso naman talaga ng gwapo niyang mukha

“Ang ganda ganda mo!” muntik akong matawa sa sinabi niya. Balak balak ko na talagang sabihin sa kanya na ‘hoy hambog, ako to! Yung babaeng nilalait mo kanina!’

“Lasing ka ba?” yun naman ang nanulas sa bibig ko kaya nakita ko ang pagtawa niya. 

Aaminin ko na mas lalo siyang gumagwapo kapag tumatawa. Lumiliit ang mata niya whenever he laughs at litaw ang pantay pantay niyang ngipin. May manipis siyang bigote na bagay na bagay sa mukha niya. His skin is fair pero makinis lalo na ang kamay niya. Halatang kamay ng mayaman.

‘oh Valeen Alicia Flores! Bakit puring puri mo ata si hambog!’ bulong naman ng utak ko

“Hindi! I’m not drunk! And totoo ang sinasabi ko, you are really beautiful.”

Hindi ko na ito pinansin at pinagpatuloy ko na lang ang paglagay ng cold compress sa kamay niya. Inangat ko iyon at nakita ko na lalo itong namaga.

“Gaano ba katigas ang mukha ng lalakeng yun?” tanong ko sa kanya kaya tumawa siya ulit

“Kahit gaano pa iyon katigas, I am willing to whack his face again kapag hinawakan ka niya ulit!” seryoso nanaman ang mukhan niya pero ang tingin niya ay nanatili sa mga mata ko

“Pwede mo naman kasing hindi na sinuntok! Ayan namaga tuloy ang kamay mo!” hinaplos ko pa ang partemg namumula saka ko uli dinikit ang ice pack

“Sana pala ako na ang nagpagulpi para naman alagaan mo ako!” banat niya kaya naman akala ko may dagang naghahabulan sa dibdib ko

Umiling na lang ako sa kalokohan niya hanggang sa biglang nag ring ang phone ko. Kinuha ko iyon mula sa bag at nakita ko ba si Ozzy yun.

“Ozzy!” sagot ko dahil nakalimutan ko na may kasama nga pala ako na maaring hinahanap na ako

“Nasaan ka ba?! Aba’y hilo na ako kakahanap sayo? Sabi mo magbabanyo ka lang eh!” inis na ang boses nito 

“Sorry! May nangyari lang! Nasaan ka ba?” pinakinggan ko ang sagot 

“Sige sige, susunod na ako.” sagot ko saka ko binaba ang tawag at binalingan si Drake

“Ahm okay ka na ba? Mauuna na kasi ako! Hinahanap na ako ng kasama ko.” Paalam ko kay Drake.

Tila naman ito naalarma at bigla itong tumayo.

“Alie..”

“Salamat pala sa pagtulong mo sa akin ha! Sobrang na appreciate ko yun!” putol ko sa gusto niyang sabihin at saka ako ngumiti sabay talikod

“Alie, wait!” pinigil niya ang braso ko kaya para nanamang lalabas ang puso ko sa dibdib ko

“May kailangan ka pa?” tanong ko dito

“Ahm! Can I see you again? I mean pwede ba kitang ma invite for dinner?”

his eyes was so intense and I can see tha spark in it as he looks at me

“Nag aaya na kasi yung kaibigan ko. Pauwi na kami.” sabi ko pero hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko

“Can I have your number then?” muli niyang sabi in the most hopeful tone

Hindi ito maari! Hindi kami pwedeng magkita ulit!

“I’m sorry Drake. Hindi kasi pwede!” sabi ko dito.

“Why? May boyfriend ka na ba?” Hindi ako makasagot sa tanong niya kaya hinila ko na lang ang kamay ko at ramdam ko na natigilan siya

“Thank you Drake!” sabi ko na lang saka ako nagmamadaling lumabas ng bar

Naririnig ko pa ang pagtawag niya pero hindi na ako lumingon. Hindi na kami dapat magkita dahil magiging kumplikado lang ang lahat.

Nahanap ko naman agad ang kotse ni Ozzy kaya agad akong sumakay dito. Nagtataka ang mukha niya kaya ngumiti lang ako dito.

“Sabihin mo na Alie! Anong naganap?” may bahid panunukso ang tanong niya kaya naman napilitan akong i chika sa kanya ang nangyari

“Sabi ko na nga ba eh! Iba talaga ang tingin sa iyo ng isang yun!” 

“Hindi ko naman kasi akalain na sa dami ng tutulong sa akin siya pa!” maktol ko kay Ozzy

“So anong plano mo? Magpapakilala ka ba sa kanya?” tanong niya and for me it was ridiculous

“Bakit ko naman gagawin yun? E nagtatago nga ako diba?” 

“Exactly! Nagtatago ka kasi ayaw mong ipakasal ka sa hindi mo gusto, o edi maghanap ka ng lalakeng gusto mo at magpakasal ka! Solve ang problem mo!” Ay iba din mag-isip itong kaibigan ko. Pang genius lang talaga!

“At sa tingin mo ba si Drake yun?” 

“Why not, Alie? I mean obvious naman na nakuha mo ang attention niya! Malay mo naman!” napailing ako sa suggestion ni Ozzy

“Alam mo ba, ayon sa research ko sa magkakaibigan na yan, mga heartbreaker sila. Hindi uso sa kanila ang serious relationship!” nanlaki ang mata ni Ozzy sa sinabi ko

“Talaga ba? I mean, legit ba yun?” tanong niya pa

“Yun ang sabi. Kaya nga why would I involve myself with that guy? Isa pa magpapakasal ako sa taong mahal ko, okay! At hindi siya yun!”

“Okay okay fine! Wag kang magalit!” saka niya ito sinabayan ng tawa

Binuhay na ni Ozzy ang sasakyan at umalis na kami sa parking lot ng club. Pagdating namin sa condo ay kanya kanyang pasok na kami sa kwarto. 

Naglinis muna ako ng katawan at naglagay ng mga skincare ko. Kahit naman pangit ang itsura na pino project ko, hindi ko pa rin pwedeng pabayaan ang mga nakasanayan ko na. 

At dahil sa pangyayari kanina sa bar, hindi tuloy ako makatulog. Well aaminin ko naman, na iba ang kabog ng dibdib ko pagdating kay Drake lalo kapag tinititigan niya ako.

Kung sana hindi magaspang ang ugali niya kapag ako na si Valeen, baka sakali pang i entertain ko siya. 

Naputol naman ang pagmumuni muni ko ng pumasok si Ozzy sa kwarto ko.

“Ozzy? May problema ba?” tanong ko dahil nagmamadali itong pumasok

“Oh my God! Tumawag si Florence sa akin!” kinakabahan ang boses ni Ozzy kaya naman pinakalma ko ito

“Bakit daw?” I curiously asked ng makahinga na ito

“Pinipilit daw magtanong ni Drake tungkol sayo! Iba talaga ang tama nun sayo girl!”

“Ano daw sabi niya?” kinakabahan naman ako sa nangyayari

“Sinabi niya na first time ka niya ma meet at ako daw talaga ang may kilala sayo!” 

“What!” naalarma na ako kasi kung ganun, malamang si Ozzy naman ang kukulitin ni Drake

“Tumawag na nga kanina bago ako nagpunta dito!” dagdag pa niya

*Seriously?” 

“Oo nga! Sabi ko na lang na kaibigan kita nung college tapos aksidenteng nagkita tayo sa bar!” hindi ako makapaniwala sa nangyayari. 

“Tapos? May sinabi pa ba?” tanong ko ulit

“Eh yun nga pinipilit niya ako na ibigay ang number mo, sabi ko na lang dahil biglang may sumundo sayo, hindi na tayo nagkausap. Pati social media account mo hinahanap niya sabi ko nalang wala akong alam!” 

“Oh my God, Ozzy anong gagawin ko?” natataranta na ako sa nangyayari dahil sa bwisit na Drake na yan. “Paano kung magpunta pa yan dito?” 

“Hindi ko alam, sis! I’m sorry! Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari hindi na sana kita pinilit na sumama

“Wala ka namang kasalanan, sis!” sagot ko dito pero hindi maalis ang kaba ko.

Mukhang wrong move talaga ang pagsama ko sa bar kanina

“One more thing sis!” sabi niya sa akin kaya napatingin ako dito

“Naaprove na yung petition sa akin ng ate ko sa US. Kakatawag lang din niya kanina.”

“What? Iiwan mo na ako?” para bang bigla akong natakot sa balita. If aalis si Ozzy, mag isa na lang pala ako dito sa Maynila

“I have no choice, sis. Matagal na itong inayos ni ate, lalo pa at dalawa na lang kami at wala na ang magulang namin.”

Niyakap ko naman ito. Alam ko na gusto din ito ni Ozzy at wala naman akong karapatang pigilan siya.

“Pag umalis na ako, you can stay here sis! Nasa pangalan ko naman na ang unit na ito so you don’t have to worry!”

“Grabe! Akala ko pa naman makakasama kita ng matagal pero aalis ka na pala!”

“Ano ka ba! Palagi naman siyempre akong tatawag! Huwag ka ng malungkot!” alo niya sa akin

Ilang saglit pa kami nagkwentuhan hanggang sa lumabas na din sa kwarto ko si Ozzy para makapagpahinga.

Hindi naman ako takot mag-isa. Ang sa akin lang kasi mas maganda kung nandito ang kaibigan ko. Pero gaya ng sinabi ko, hindi ko naman siya pwedeng hadlangan.

Masaya ako pra kay Ozzy dahil makakasama na niya ang ate niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status