Bababa na sana ako sa sasakyan nang hawakan ni Joshua ang akiñg kamay. "Bakit?" Nanlaki ang aking mga mata nang kabigin niya ako at siniil ng mapusok na halik sa aking mga labi. Para na naman akong aatakehin sa puso dahil sa bilis ng tibok ng aking puso habang patindi naman nang patindi ang pag-atake niya sa aking mga labi. Hinihingal siya nang huminto siya sa paghalik. Nanatiling nakadikit ang kaniyang noo sa aking noo. "Aalis ako mamayang madaling araw. Pupunta ako ng Hongkong."Natahimik ako. Ilang araw naman kaya siya doon? Tiyak na mamimis ko siya. "Wala ka pang passport kaya hindi kita maisasama." Napangiti ako. "Aasikasuhin ko ang passport ko sa susunod para kahit saan ka magpunta, kasama mo ako," sagot ko naman. Mahina siyang tumawa. "Glad to hear that."Ngumuso naman ako at ginamit naman niyang pagkakataon iyon upang dampian ako ng mabilis na halik sa aking mga labi. "Ihatid na kita sa taas tapos uuwi din ako agad para makapag-impake.""Okay." Nakaakbay siya sa akin
Tumawa siya at agad umalis sa aking ibabaw. "Magpa-deliver na lang ako ng dinner natin," aniya. After dinner uuwi na din ako para makapagpahinga. Hindi ako nagsalita. Gusto ko sanang sabihin na maari naman siyang matulog dito, kaso baka mapahiya na naman ako. Magmumukha na akong patay na patay sa kaniya. Madami siyang in-order na pagkain na pinagsaluhan naming lahat. Naging masaya at maganang kumain ang mga bata. "Kayo na ang maghugas ng mga pinagkainan," utos ko sa mga bata. Hindi porket dito na kami nakatira at may kasambahay ay hindi na din sila gagawa ng gawaing bahay. "Opo, ate!" Pinagtulungan nila ang paghuhugas, habang kami naman ni Joshua ay tumambay muna sa balcony. Nakatayo siya sa aking likuran at yakap ako. "K-Kumusta ang meeting mo sa hongkong?" tanong ko dahil wala akong ma-i-topic. "Ayos naman.""Hindi mo sinabi na kasama mo doon si Kaitlin. Ahm. . .""I didn't expect her to be there. Ang kaniyang daddy naman ang madalas na dumalo sa mga meetings na ganoon." T
Alas-nuebe na ng makauwi ako ng condo. Hinatid ako ni Joshua at umuwi na din siya agad kahit pa kinukulit ko siya na matulog na lang dito. "Saan ako matutulog?" nakangisi niyang tanong. Alam ko na sinusubukan lang niya ako. Hindi ko talaga mapipilit. "Sa sofa," sabi ko naman. Makahulugan siyang tumingin sa akin. "Sasakit lang ang likod ko," pagdadahilan niya. Saka tiyak na hindi ako makakatulog dahil gagapangin mo ako. Tumawa siya nang malakas ng samaan ko siya ng tingin. "Bye, babe. Bukas ulit." Hinalikan niya ako. Apat na mabibilis na halik. Tumawa siya nang kumapit ako sa kaniyang balikat. "Goodnight." Agad na siyang tumalikod. Hindi naman maalis-alis ang ngiti sa aking mga labi habang tinatanaw siya hanggang sa makalapit siya sa may elevator. "Pumasok ka na," aniya sabay senyas sa akin. Matamis akong ngumiti at kumaway sa kaniya. Nag-flying kiss pa ako at agad naman niya itong sinalo. Tawang-tawa tuloy ako. At hanggang sa mahiga ako, hindi na maalis-alis ang ngiti sa aki
Matalas akong tinignan ni Kaitlin. At hindi gaya ng dati na kaya kong salubungin ang mga matalas na mga mata ng mga kahit na sinong tao. Ang mga mata ng mga tao sa paligid ay nakatuon sa akin. Alam ko ang mga ganiyang tingin. Hinuhusgahan nila ako at pinandidirihan. "Ano pa ang hinihintay mo?" mataray na tanong ni Kaitlin sa akin. "Umalis ka na!" pagtataboy niya at may kasama pa itong nagbabantang tingin. Lumunok ako at nag-ipon ng lakas upang makagalaw mula sa aking pagkakatayo. Dinampot ko ang aking coin purse sa lapag at nagmamadaling umalis. Tumakbo ako hanggang sa makarating ako sa labas. Wala akong makita na taxi na maari kong sakyan kaya nagpatuloy ako sa pagtakbo hanggang sa may kalsada. Nanginginig ang aking katawan dahil sa labis na gulat sa nangyari pero nakakapagtaka na may lakas pa din ako na tumakbo. Ang panghuhusga at sakit na nararamdaman ko ang nagbigay sa akin ng lakas. Nakalayo na ako nang saktong may taxi na dumaan. Pawis na pawis akong sumakay sa taxi. Tu
"Dito na ba talaga tayo titira?" tanong ni Ney Ney habang nakatingin sa loob ng kuwarto na kinaroroonan namin. Hindi ako nakaimik sa tanong niya. Nagkatinginan naman ang ibang mga bata. "Bakit kung dito tayo titira? Sanay nga tayo sa bangketa matulog!" inis na sabi ni Badjao. "Ang arte naman nito!" sabi din ni Bochok. "Hindi ka nakakatulong!""Tinatanong ko lang naman, e," nanlalaki ang butas na paliwanag naman ni Ney Ney. Malungkot akong tumingin sa kanila. Alam kong kahit paano nasanay na sila sa ilang araw o linggo na pagtira namin sa condo. Naging komportable sila doon. "Huwag na kayong mag-away diyan," awat ko sa kanila."Dito na tayo titira. Babalik din ulit tayo sa dating gawi para makakain tayo. Mag-iipon tayo at magsusumikap. Magtulungan tayo. Okay ba iyon?" "Opo, ate!" Sabay-sabay nilang sagot. Alam ko naman na lahat sila naninibago, kaso pinapakita nila sa akin na ayos lang para hindi na ako malungkot at masaktan pa lalo. "Siya magpahinga na muna kayo." Wala akong
Alas-dos ng madaling araw nang nakapaubos kami ng paninda. Bumili na lang kami ng pagkain upang sa inuupahan na namin kainin, dahil pagod na pagod na talaga ako. Sumasakit na din ang aking ulo at ang aking katawan ay nananakit. Mukhang magkakasakit pa yata ako. Buhay na buhay pa ang mga tao sa gilid ng kalsada. At nang makita ako ng grupo ng mga nag-iinumang mga lalake, tinuro nila ako. "Petra, may naghahanap sa'yo! Kanina pa naghihintay," sabi nila sabay turo sa sasakyan na nakaparada sa kabilang bahagi ng kalsada. Itim na Montero sports. Sinalakay ako ng kaba sa aking dibdib. Hindi ako gumalaw sa aking kinatatayuan. Hinayaan ko ang kung sino mang tao na nasa loob ng sasakyan, na lumabas doon at lapitan ako. Siya naman ang may kailangan sa akin. Hindi ko din inalis sa aking isipan na baka kalaban ang tao na nasa loob. Maya-maya pa ay nagbukas ang pintuan ng sasakyan at lumabas doon ang isang medyo may edad na lalake. Nagmamadali itong naglakad palapit sa akin kaya bahagya akon
Pagkatapos kong maligo, pumasok ako sa walk in closet. Napanganga ako nang makita ko ang mga cabinet na punong-puno ng madaming naggagarbuhang mga gamit. "Nasaan ang mga damit ko?" tanong ko. Hindi ko mahagilap ang mga luma kong damit. "Nasa sulok po, Senyorita. Iyon po ba ang isusuot niyo? Ayaw niyo po ba ang mga pinamili sa inyo ng inyong abuela?" "Ang mga iyan? Ito? Sa akin ba ang mga ito?" "Opo, Senyorita."Ngumuso ako at isa-isang tinignan ang mga naka-hanger na damit. Pumili naman ang isa sa kanila. Pinakita niya sa akin ang isang kulay puting bestida. "Sige, iyan na lang," sabi ko. Ang isa naman ay pinilian ako ng sandals. Tinulungan nila akong mag-ayos. Ultimo paglalagay ng lotion sa aking katawan ay sila pa ang gumawa. Nakakailang, kaso hindi ko naman sila masaway. Bl-in-ower nila ang buhok ko. Nilagyan ako ng ipit sa gilid ng buhok, bago ako nilagyan ng manipis na make up sa mukha. Ilang segundo kong tinitigan ang mukha ko. Sino ba naman ang mag-aakala na ang isang
Two weeks bago ang alis namin papunta ng Spain, nagpunta kami sa Baguio. Sa lumang ancestral house ng pamilya. Dito muna namin iiwan ang mga bata. Sa mga katiwala na tinuring na din daw na pamilya ng lolo at lola ko. "Esmeralda!" Nagulat ako nang makita ko ang matandang babae. Bakas din ang gulat sa kaniyang mukha. Gulat, pag-aalala at pagkasabik na makita ako. Nakilala ko siya. Siya ang matanda noon sa restroom na tumawag sa akin ng Esmeralda. Si Manang Shon at ang kaniyang dalagang anak na si Melanie. Nag-uulyanin na daw si Manang Shon, sabi ni Lola. Tama ang naisip ko noon, pero nakakatuwa na kahit nag-uulyanin na. Hindi pa din niya nakakalimutan ang mukha ng aking ina. Tumayo daw itong pangalawang magulang ni Mommy noon. At sa kanilang mag-anak pansamantalang iiwan ang mga bata. Pinalakad na nina Lolo ang mga birth certificates ng mga bata. I-ho-homeschool din muna sila ng ilang mga buwan bago sila papasok sa isang eskuwelahan. Madaming kuwento si Manang Shon tungkol sa ak