Share

Chapter 7

"Mahal kita Liezel, inaamin ko noong una,  hindi ko gusto ang set up natin dahil pakiramdam ko nawalan ako ng kalayaan. Pero habang tumatagal na realized ko mahal pala kita. Masarap pala sa pakiramdam na pagdating mo may asawang naghintay sa'yo. Nagluluto para sa'yo. And thankful ako dahil ikaw ang binigay ng dios para sa akin."

Tila nawala ang epekto ng alak sa kanya. Ang sarap sa pandinig ang sinabi ni Randy. Lalu na nang yakapin siya ng asawa. Diosko, hiyaw ng utak niya. Sa pangalawang pagkakataon ay bumigay siya dito. Sana ay totoo na ito. Natagpuan niya ang sarili na muling tinutugon ang yakap at halik nito. Naging marupok nanaman siya.

Masaya siyang gumising nang maaga. Araw ng linggo noon at walang pasok sa opisina si Randy. Nagluto siya ng paborito nitong sinigang na bangus isa daw iyon sa gusto nitong niluluto niya dahil ngayon lang ito nakatikim ng ganitong klaseng lutong bahay.

Nang matapos siyang magluto ay may nag-doorbell sa labas. Lumabas si Liezel at binuksan niya iyon.

Hindi na siya nagulat nang mabungaran si demielle. Gayonpaman ay nakakaramdam parin siya ng paninibugho kapag nakikita niya ito.

"Where's Randy?" mataray na tanong nito.

"N-natutulog pa, teka gigisingin ko,"

"Sandali," pigil nito sa kanya.

"Ba-bakit?" tanong niya nakaramdam siya kaba.

"Nandito ka pa pala? akala ko pinaalis kana ni Randy." naglakad ito papasok na parang sanay na sanay na ito na naroon.

"Bakit naman niya ako paaalisin?" napapalunok na tugon niya.

"Did you know,  that I'm his ex girlfriend?" Nang-uuring tanong nito.

"Alam ko." matipid niyang sagot.

"Alam mo ba, na nagkaka- mabutihan na kami ulit?"

Umiling siya. Muli siyang napalunok. Naumid ang dila niya. Hindi niya alam iyon. Ito na nga ba ang kinatatakotan niya. Pero hindi ba alam ng babaeng ito na mag-asawa sila ni Randy. Mukang hindi nga nito alam.

"Okay lang, kung handa ka ba namang maging kabit?" matapang niyang sagot sa kabila ng kabang nararamdaman. Ipaglalaban niya ang karapatan. Sinabi ni Randy na mahal siya nito at panghahawakan niya iyon.

"Anung sinasabi mo? mahal ako ni Randy at nararamdaman ko iyon," ani ni demielle na naiinis na.

"Did you hear me? I'm Randy's wife legally!"

"Lier!" sigaw nito.

"It's true!"  napalingon silang pareho. Si Randy iyon na nagising pala sa ingay nila. Lumapit ito sa kanila at umakbay sa asawa.

"What do you mean?" Tila naguguluhan tanong ni demielle.

"I'm sorry, Demi. Hindi ko gustong saktan ka. Hindi ko alam na ganyan pala ang nararamdaman mo sa akin. Nagkalinawan na tayo dati 'di ba? na hindi mo ako gusto at hindi rin kita gusto."

"Akala ko, oo pero hindi pala. Na- realized ko iyon nang subukan ko makipag relasyon sa iba after you. Pero natagpuan ko lang ang sarili ko na hindi ako masaya na mas masaya pala ako sa sa'yo. Kaya sinundan kita dito sa Pilipinas at gusto kung magkaayos tayo." pahayag nito.

"Hindi kita mahal Demi. Kaibigan lang ang turing ko sa'yo. Huwag mo sanang bigyan iyon ng ibang kahulugan. May mahal na akong iba at iyon ay walang iba kundi ang asawa ko. Natatandaan mo ba noong uminom tayo sa bar. Naikwento ko sa'yo ang tungkol sa babaeng mahal ko. Si leizel iyon, we get married at first sight. Lingid sa kaalaman ko na isinali ako ni daddy sa billionaire's app. At hindi ko sukat akalain na mamahalin ko ang babaeng pinili nila para sa akin." mahabang paliwanag ni Randy.

"What?? that's insane!" Hindi makaniwalang sambit nito.

"Yes, insane but I'm happy now!"

"Oh my god, so ridiculous! pati ba naman ikaw? nabiktima na rin nang apps na iyan. Kasalanan talaga 'to ni daddy." ang daddy na sinasabi nito ay ang ama ni John Drive Adkins na pinaka founder nang The billionaire's app.

Napapahawak ng ulo si Demi. Hindi malaman ang gagawin

Hindi makapagsalita si Randy, paano niya sasabihin sa babaeng 'to ang totoong nararamdaman niya. Gusto niya ng kalayaan gusto niyang lumaya.

Ngunit paano niya dito sasabihin ng hindi ito nasasaktan.

"H'wag kang mag-aalala hindi na pupunta dito si Demielle," sagot niya  dito.May gustong imutawi ang bibig niya pero pinigilan niya. Ayaw niya itong lalong masaktan.

Sa paglipas ng mga araw ay naging okay naman sila. Ngunit napansin niyang ilang araw ng mainit ng ulo nito at bihira siya nitong kausapin.

Hindi siya nito pinapansin, kaya naisipan niyang uminom ng alak.

"Bakit?" tanong ng asawa ng lumapit siya dito. Kasalukuyan itong nakaupo sa sofa, habang hinihilot ang sintido.

"Mahal kita, Randy, hindi ko mapigilan ang totoo kung nararamdaman.  Ang sakit nasasaktan ako sa ginagawa mo sa akin!" aniyang sunod sunod ang pagtulo ng luha.

"Siguro kaylangan muna natin maghiwalay. Total naman nakuha muna ang perang napanaluhan mo 'di ba? sabihin mo lang sa akin, kung kulang pa palayain mo lang ako!"

Hindi niya mapigilan ang mapaluha sa sinabi nito. So, wala lang siya sa asawa? hindi parin siya magawa nitong mahalin.

"Randy, hindi ako aalis kaya ko pa magtiis. Mananatili ako dito hangga't kaya ko." natataranta niyang sabi.

"Bakit ang tigas ng ulo mo," anitong tumayo sa pagkakaupo at pabalibag na sinarado ang pinto.

"Randy, kausapin mo naman ako," wala siyang nagawa habang kinakatok ang pinto.

Umiiyak na napahiga siya sa sofa akala niya ay magiging okay na ang Ngunit nagkamali siya akala niya mahal din siya nito. Hanggang nakatulugan niya ang pag-iyak.

Nataranta siya ng bangon alas siyete na ng umaga sa sofa siya nakatulog. Napansin niya ang kumot sa katawan niya. Alam niya ang asawa ang gumawa non, may concern parin ito sa kanya kaya mas nagkakaroon siya ng lakas ng loob na mag stay sa asawa.

May nakita siyang pagkain sa ibabaw ng hapag kainan. Hotdog at itlog ang naroon at unfairness ha, hindi na sunog ang hotdog.

Napangiti siya, at maganang kumain. Itinuon niya ang maghapon sa paglilinis at pagluluto sa bahay.

Nakangiti niyang tinungo ang pinto ng tumunog ang doorbell. Ngunit agad din napalis ang kanyang mga ngiti ng makita ang pumasok.

"Hi, I'm Brittany Randy's secretary Are you he's maid?" taas kilay na tanong nito.

Hindi siya nakahuma sa tanong nito. Ilang saglit lang ay sumungaw sa pinto ang magaling niyang asawa.

"Dito kami kakain, zel ipaghanda mo kami," anitong hinila papasok sa loob ang babae nito.

"Maulan sa labas kaya dito muna siya magpapalipas ng gabi."

"Ahh k-kumain na kayo naghanda na ako ng pagkain sa hapag." kanina pa niya hinanda ang hapag para sa kanilang dalawa ng asawa. Ngunit ang ending ay para sa kanila ng secretary nito. Simula kasi ng kinasal sila ng asawa ay dito na ito pumasok sa opisina ng ama.

"Thanks, " matabang na sabi ni Randy.

Nakatulala siyang nakatingin sa dalawang kumakain.

"Sir,oh kain kapa pakabusog ka sir!" nilagyan pa ng kanin at ulam sa plato ang asawa.

"Thanks britt," sagot ng asawa.

Pagkatapos kumain ng mga ito ay magkuwentohan ang dalawa sa veranda habang umiinom ng wine.

Habang siya ay abala sa panghuhugas ng Plato. Gusto niyang umiyak sa selos, bakit kasi inamin niya rito nag nararamdaman? heto siya ngayon napapahiya dahil alam na ng asawa ang nararamdaman niya.

Bumuntong hininga siya. Kaya ko 'to Huhh.. Hindi ako susuko!" aniyang pinapakalma ang sarili.

Ilang oras ng nasa veranda ang dalawa ayaw naman niyang pumunta doon. Nakakaramdam na siya ng kaba baka kong ano na ang ginagawa ng mga ito. Naninikip mag diddib niya sa kakaisip, feeling sumisikip ang mundo. Pumasok siya sa silid at kumuha ng jacket, may malapit na convenience store sa condo doon muna siya.

Nang makarating doon ay agad siyang bumili ng root beer at sinimsim iyon. Tumutulo ang mga luha niyang nakatingin sa kawalan.

Lumipat siya ng upuan sa labas ng convenience store, may upuan naman sa labas noon. Mula doon ay tanaw niya ang veranda ng condo ng asawa naroon parin ang dalawang bulto. Ngunit wala siyang idea ng mga gingawa ng mga ito.

Lumipas ang oras tatlong oras na siyang nasa labas. Nilalamig na siya kahit naka jacket.

Wala sa sariling naglakad siya pabalik sa condo sinuong niya ang ulan.

Nang makabalik siya ay patay na ang ilaw. Nang binuksan niya ito, ay nakita niyang nakahiga sa sofa ang babae. Nang sinilip niya ang kwarto ang asawa ay natutulog na ito doon.

Kahit papaano'y nakahinga siya ng maluwag.

Kinabukasan ay nagising siya ng maramdaman ang pagbuhat sa kanya at dahan dahang nilapag sa kama.

"Bakit ba kasi dito ka natulog?" may inis na sabi nito. Sa lapag siya ng kama natulog hindi siya tumabi sa asawa dahil inis na inis siya dito.

Hindi siya tumugon sa sinabi ni Randy. Imbes na kausapin, ay tumalikod siya. Nawalan siya ng gana kumilos. Alas siyete na ng umaga pero ayaw niyang bumangon.

Narinig niya ang pagbuntong hininga ng asawa bago ito lumabas sa silid nila.

Muli niyang ipinikit ang mata parang ayaw niyang magising. Dahil alam niyang pagising niya mas marami pa siyang nararamdamang sakit. Susuko naba siya?

Nakaramdam siya ng pagkahilo kaya ipinikit pikit niya ang mata.

Nang pilitin niyang bumangon ay lalong nagdilim ang paningin niya. Nangangasim ang sikmura niya, at naduduwal siya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status