UMAGA NA AT INAANTOK pa rin ako! Ano bang pwede kong gawin para makalimutan ko 'yong nakita ko kagabi? Hindi ako makatulog kagabi dahil doon!
Nasa hardin kami ngayon, heto ako tulalang nakatitig sa kawalan habang nagdidilig ng halaman. Wala akong ibang gusto ngayon kundi ang matulog pero may trabaho ako kaya hindi ko 'yon magawa. Buti pa si Adrianna, maayos ang tulog. Parang hindi nagising kagabi. Lahat ata ng tao dito sa mansyon maayos ang tulog, ako lang ang hindi. Tapos 'yong taong may kasalanan kung bakit hindi ako makatulog ay maayos din ang tulog. I feel so miserable.. Huminga ako ng malalim saka itinapat ang hose sa ibang halaman para madiligan ang mga ito. Marami pa akong gagawin ngayon pero mukhang iba ang tatapos dahil inaantok na talaga ako. "TATIANA!!" Agad akong napaharap sa taong tumawag sa akin pero umatras ito nang maitapat ko ang hose sa kanya. Buti na lang at hindi ko ito nabasa. Tinupi ko ang hose saka tumingin sa kanya. "Ano 'yon, ate Mirna?" tanong ko. May pag-aalala sa mukha ito, "Kanina pa kita tinatawag pero hindi ka sumasagot. Okay ka lang ba?" nag-aalala nitong tanong. Pilit akong ngumiti saka tumango, "Okay lang naman ako, ate Mirna" "Pero siya, hindi siya okay" nakangiwing ani niya sa akin tapos may itinuro sa gilid ko. Walang buhay kong tinignan ang tinuro ni Ate Mirna pero napalitan kaagad iyon ng gulat nang makita kong basang-basa ang isang kasambahay sa gilid ko, para itong naligo sa sobrang basa! "Ate! Anong nangyari sa'yo diyan?" nag-aalala kong tanong. Para kasi siyang nag-swimming habang balot na balot ang katawan niya. Kumunot ang noo ko nang galit itong tumingin sa akin. Anong ginawa ko dito? "Basang-basa ako dito dahil sa'yo!" singhal nito saka naglakad palayo. Kunot noong tumingin ako kay ate Mirna, hindi ko maintindihan ang sinabi nong babae. "Anong sinasabi niya, ate?" Hindi ito makapaniwalang tumingin sa akin, "Hindi mo ba gets? Nabasa mo siya habang nagdidilig ka. Nagdadamo siya diyan sa gilid tapos sakto naman na diyan mo tinapat 'yong hose kaya nabasa siya" paliwanag ni ate Mirna. Ahh...kasalana ko pala. Ngayon naintindihan ko na kung bakit siya galit sa akin. Ako pala ang dahilan kung bakit siya nabasa. Hihingi na lang ako ng pasensya sa kanya mamaya. "Ako pala ang may gawa no'n" Napairap na lang sa akin si ate Mirna saka ako sinabihan na pumasok na ako sa mansyon para magkape dahil mukha daw akong inaantok. Siya na daw tatapos sa pagdidilig. Hinayaan ko na lang si Ate Mirna na gawin iyon dahil mukhang kailangan ko talagang uminom ng kape. Pagkapasok ko sa kusina ay nakita ko si Manang Josie, ang mayordoma ng mansyon. May kasama itong dalawang kasambahay at mukha silang aligaga. 'Mukhang may bisitang dumating' Lagi kasing aligaga si Manang Josie kapag may bisitang dumadating dito sa mansyon. Nagliwanag ang mukha ni Manang Josie nang makita akong papasok sa loob ng kusina. "Tatiana, halika dito..." utos nito. Sumunod naman ako kaagad dahil baka mapagalitan pa ako, "Ano po 'yon, manang?" Inabit nito sa akin ang tray na may lamang tatlong kape at tinapay. "Kunin mo ito at dalhin mo doon sa office ni sir Alex, bilisan mo at may mga bisita siya" Huh?! Dalhin ko daw kay sir Alex?! E, iniiwasan ko nga 'yong boss namin tapos ako pa ang inutusan. Alam na alam talaga ng tadhana ang gagawin e. Sana pala hindi na ako pumasok dito sa loob ng kusina! Hindi na rin ako makaangal dahil sapilitang pinahawak sa akin ni Manang Josie ang tray kaya ngayon, naglalakad na ako papunta sa ikalawang palapag. ALESSANDRO 'AXL' VISCONTI'S POV. Napangisi ako nang makita ko kung paanong walang kamalay-malay na itinapat ni Tatiana ang hose sa gilid para madiligan ang ibang halaman pero imbes na halaman ay isa sa mga kasambahay ang nabasa niya. Kita mula dito sa bintana ng office ko ang hardin ng mansyon at kita ko rin kung ano ang nangyayari sa hardin ngayon. Mukhang wala sa sarili si Tatiana, mukhang hindi kumpleto ang tulog at alam ko kung ano ang dahilan. Mahina akong natawa, kung hindi siya sumilip sa kwarto ko kagabi ay siguradong maganda ang tulog niya. 'Oh, Tatiana...' "Anong nginingisi-ngisi mo diyan, Alex?" Napatingin ako sa kaibigan kong si Clint na nakaupo sa mahabang sofa kasama si Zarick. "May nangyari lang sa hardin..." Ngumiti ito nang nakakaloko, "Iyong hardin ba talaga o 'yong isang kasambahay?" pang-aasar nito. I suddenly want to punch his face right now. Hindi ko na lang iyon pinansin saka umupo sa upuan ko. Hindi ko alam kung bakit nandito itong dalawang 'to ngayon. Pero hindi na dapat ako magtaka dahil lagi silang pumupunta dito sa mansyon ng walang pasabi. "Is she doing good right now?" Lumipat ang mata ko kay Zarick, kahit hindi niya banggitin ay alam ko kung sino ang tinutukoy niya. "She's doing good but she still doesn't remember anything" Rinig ko ang pagbuntonghininga ni Zarick, "Just wait, Alex" ani niya sa akin. 'I know. I've been doing that for a long time and I'm going to do that until she remember me' My brow suddenly shot up when the door of my office open. All of my men and my maids knew that they need to knock before opening the door. Kumalma naman agad ang mukha ko nang makitang ang anak kong sj Theo lang pala ang pumasok. Nakapambahay pa rin ito ng suot at hawak na naman niya sa kanang kamay niya ang laruan niyang sundalo. Nakamasid lang ako sa kanya na diretsong naglalakad papunta sa pwesto ko, mukhang hindi napansin ang mga Tito niya. "Daddy, where's mommy?" Napaubo ako ng wala sa oras nang marinig ko ang tanong niya. Ang dalawa naman sa upuan ay napatigil at nasa anak ko na ang atensyon nila. "Buddy, what are you talking about? Your mommy is not here" sagot ko. Hindi ko alam kung ito ba ang tamang sagot dahil ngayon lang naman nagtanong si Theo tungkol sa mommy niya. Hindi ko nga alam kung sino ang mommy niya. "She's here!" giit nito. Napahilot ako sa sintido ko. Ang aga-aga pero mai-stress ako sa sinasabi ni Theo sa akin. "Theo, your dad is telling the truth. Mommy's not here" malambing na saad ni Clint sa anak ko. Humarap si Theo sa kanya ng may galit sa mata, "Mommy's here! She even baked me some cookies last night!" galit na nitong saad. 'What? Maybe some of the maids did it' Sabay-sabay kaming apat na tumingin sa pinto nang bumukas ito at iniluwa doon si Tatiana na may hawak na tray. Pumasok ito pero iniiwasan nitong tumingin sa direskyon ko. "Mommy!!" Napatanga akong tumingin kay Theo nang tinawag niya si Tatiana na mommy saka tumakbo palapit sa babae at niyakap ang binti nito. Si Tatiana naman ay hindi rin makapaniwala sa tinawag sa kanya ni Theo. Sa gitna ng katahimikan ay narinig ko ang mapang-asar na pagsipol ni Clint habang nakatingin sa akin.I was staring at the rain that keep on pouring outside the window as I listened to Raul. Tinawagan niya kami para sabihin na papunta siya ngayon sa police station para kausapin ang kumupkop sa aming anak. Alex is sitting on the edge of the bed, also listening. "Update us later, Raul" Alex said. "Yes, sir Alex" Raul replied before ending the call. Bumuntong-hininga ako saka hinarap si Alex. Kakatapos niya lang maligo kaya tanging tuwalya lang ang tumatakip sa pang-ibabang parte ng katawan niya. Hindi siya natuloy na magpalit ng damit kanina dahil biglang tumawag si Raul. Kumunot naman ang noo ko nang bigla itong ngumisi. Natanto ko kaagad kung ano ang binabalak niya. Tinaasan ko siya ng kilay nang tumayo ito at dahan-dahang naglakad palapit sa akin. I chuckled, "What are you doing?" "Baby, it's cold. I need your warmth" saad nito. Tinaas ko ang palad ko para pigilan siya sa tuluyang paglapit sa akin. Ngumuso ito. "Nakalimutan mo atang umaga ng, Alex. Gising na ang mga bata" p
Tinitigan ko si Alex nang matapos niyang sabihin 'yon. Naging mabait sa akin si Alex kahit may amnesia ako. He did everything for me. Sinuportahan niya ako sa lahat ng mga desisyon ko. After hearing what he said, hindi ako makapaniwala na ginawa ko iyon. Nagbaba ako ng tingin saka huminga nang malalim. I need to talk to him about it later. May gusto pa akong malaman mula kay Raul. Nag-angat ako ng tingin at tinignan siya. "Do you know where she is right now?" tanong ko. "Nasa mental hospital siya ngayon sa amerika" sagot nito. I pressed my lips together as I nod my head. I'm a bit shocked though after hearing that my 'bestfriend' is in the mental hospital. Should I be happy or sad? Karma niya ba 'yon sa ginawa niya sa amin ng kambal ko? Bumalik ako sa tabi ni Alex. He immediately wrapped his arms on my waist. Pilit akong ngumiti, still guilty. "So, saan iniwan ng grupo na 'yon ang kambal ni Theo?" Alex asked. Raul looked at us with a serious face, "Malapit lang dito sa lugar n
Habang nakaupo kami ni Alex dito sa may garden, biglang pumasok ang tauhan ni Alex. Pinaalam niya sa amin na dumating na si Raul—ang taong kinuha ko para hanapin ang isa pa naming anak. I flashed a friendly smile when I saw him walking inside the living room. Manghang nilibot nito ang tingin sa mansyon. He immediately smile when he saw us waiting for him here in the living room. "Raul..." I said as I shook my hand with him. "Ang ganda pala ng bahay mo, Tatianna" puri niya saka nilibot ang tingin sa loob. Simple akong natawa, "Hindi naman sa akin 'to" I glanced at Alex, "Sa fiancée ko 'to." Tumingin si Raul sa taong nasa tabi ko. Kinamayan din siya ni Alex saka simpleng nginitian. "Alex Visconti, Tatianna's future husband" pakilala nito sa kanyang sarili. "Raul po, sir Alex" malawak ang ngiting saad ni Raul. Tumingin ito sa akin, "Napakagwapo ng mapapangasawa mo, Tatianna" saad nito sa akin. Natawa si Alex sa sinabi ni Raul. Pinaupo agad namin siya sa pang-isahang upuan.
Umangat ang tingin ko kay Alex nang palapit na siya sa sofa dito sa loob ng office niya. Huminga ulit ako nang malalim para mabawasan ang kaba ko. Umusog ako kaunti sa gilid ng umupo siya sa tabi ko. Umangat ang kilay niya sa ginawa ko. Pinulupot niya ang kamay niya sa bewang ko at hinila palapit sa kanya. "Gusto mo na bang sabihin sa akin ang sasabihin mo ngayon? We can talk tomorrow kung hindi mo pa kayang sabihin" he muttered. Umiling ako, "Ngayon na para makausap agad natin siya" sagot ko. Nagsalubong ang kilay niya, "Who are we going to talk to?" I licked my lower lip, "Remember the day na pumunta dito si Roland?" "Yes. What about him?" Heto na. Sasabihin ko na. I hope he won't get mad na patago ko 'yong ginawa. Huminga ako nang malalim. "Pagkatapos niyang umalis... A-Ano....nagpatulong ako sa kakilala ko para h-hanapin ang isa pa nating anak" pikit matang saad ko. Ilang saglit pa ay wala akong narinig na boses mula kay Alex. Kung hindi ko lang ramdam ang kata
"May problema ba?" Bumalik ang tingin ko kay Alex. Nakatingin ito sa akin nang may kalituhan sa mga mata. "Wala. May nakita lang akong tao na pamilyar sa akin" bulong ko. Tumingin ako sa machine, "Hindi ka na maglalaro?" pag-iiba ko ng usapan. He glanced at the machine before scanning the whole play zone. "Let's just play something else. I'm too strong for this" biro niya. Natawa ako sa sinabi niya. Too strong for this?! Baka kung magsara na 'tong mall wala pa rin siyang nakukuha ng stuff toy. "Sige, sabi mo, e" I shrugged, still laughing. His eyes narrowed, "Bakit parang napipilitan ka lang?" "Hindi no! Imagination mo lang 'yon" tanggi ko saka hinawakan ang kamay niya at hinila papunta sa ibang machine. Huminto ako sa may basketball. Siguro naman alam niyang maglaro ng ganito? Halos lahat ata ng lalaki dito sa Pilipinas alam 'tong laruin, e. Hinarap ko si Alex. "You know how to play this?" He nodded his head, "Yes, that's easy." Naks! Ang taas ng k
My lips automatically formed a smile when I saw the kids playing on the garden happily. Rinig na rinig ang hagikhik ng apat habang naghahabulan sila. Dalawang linggo ng nakatira ang magkakapatid dito mula nong nakita ko sila sa labas ng convenience store. Simula ng tumira sila dito ay puno na ng ingay ang buong mansyon dahil sa kanila. Alex didn't mind about them living here in the mansion. He even bought them clothes since wala silang nadalang damit. Nang makauwi ako dito sa mansyon kasama sila ay ikinuwento ko ang nangyari. He immediately reported it to the police. Hindi ko na siya pinigilan sa bagay na 'yon. Sobra na ang ginawa nila sa mga bata because of the money. Now, I'm watching them from on the balcony. "What are you doing here, baby?" Napatigil ako saglit bago tumingin sa aking likod. He's leaning on the doorway with a smile on his face. Saglit kong binalik ang tingin sa mga bata saka binalik ang tingin sa kanya. "I'm watching the kids. Why?" Umiling ito saka na