Share

Chapter 2.2

Chapter 2.2

Wala ako sa sariling nakamasid lang sa kaniya habang nakatayo siya at no'ng palabas na siya ng kwarto. Pinoproseso pa ng utak ko ang mga sinabi niya. 

"A-ano?" 

Lumingon lang siya sa akin at tumingin doon sa isang sulok. Nang lingunin ko din iyon ay nando'n na ang lahat nga gamit na dala ko.

"T-teka lang ha? Bakit nandito 'yong mga gamit ko? At paano mo nakuha 'tong mga gamit ko?" 

He shrugged his shoulders and boredom was written all over his face. Wala talaga siyang kwentang kausap.

"I have my ways." 'Yon lang ang sinabi niya at lumabas na ng kwarto. 

Pagkaalis niya ay agad din akong naligo at nagbihis, baka ako pa ang pabayarin niya sa hotel na ito no. 

Inaayos ko na ang mga gamit ko nang bigla na lang mag vibrate ang cellphone ko na nasa ibabaw ng kama. I opened it and what I saw slapped me the cruel reality of the world. 

Mr. Valdez send me his payment on my bank account. 

Huminga ako ng malalalim at kinalma ang sarili ko. Ayokong umiyak, tapos na ako do'n. Dapat nga sanay na ako dito eh, pero sa tuwing nakikita ko ang mga digits ng pera na pinapasok sa bank account ko ay hinihila ako ng reyalidad na pinasok ko ang iniiwasan kong trabaho dati. 

Papalabas na ako sa kwarto ko nang makita ang dalawang lalaking nakaitim na pumasok sa loob ng kwarto at kinuha ang mga gamit ko. 

Pagkarating sa lobby ay nakita ko siyang nakaupo sa couch doon. Nakasout pa siya ng sunglasses habang seryosong nakatingin sa relo niya at tila naiinip na.

Nakakunot na ang noo niya at halos magsalubong na ang kaniyang dalawang makakapal na kilay nang tumingin siya sa gawi namin. Muntik pa akong magtago sa likuran no'ng mga lalaking may dala no'ng gamit ko nang matalim niya akong tiningnan.

"I said 15 minutes. How couldn't you follow a simple instruction?"

Gusto mang alamin kung tama ang sinabi niya ay hindi ko magawa kasi wala naman akong dalang relo. Tumingin ulit siya sa relo niya at nakakunot ang noo na tumingin sa akin. 

"We'll be late for our flight."

"Flight?" 

Anong flight? Bakit—

"Don't tell me that I'll go with you," hindi makapaniwalang saad ko.

"Sure."

Sumunod sa kaniya ang dalawang lalaki na bitbit pa din ang mga gamit ko habang ako naman ay nanatili sa aking kinatatayuan. Napanganga ako nang mapagtantong seryoso nga siya.

Ilang oras din ang tinagal ng flight namin pauwi sa Pilipinas. Natulog lang din ako dahil hindi rin naman siya nagsasalita at isa pa ay hindi naman talaga kami close. Ni hindi ko nga alam kung ano ang pangalan niya. Wala din akong interes dahil paniguradong ito ang una at huli naming pagkikita. 

"Welcome back Loise," I whispered to myself as I took a deep breathe. The heat and the smell of my surroundings proved that I'm really home. 

Pagkarating namin ay agad akong dumeritso sa hospital kung saan naka-confine si Daddy. He's still unconscious but as what his doctor said, he's stable and doing great. Gumaganda ang kalagayan niya dahil sa mga treatment but it also costs a lot kaya kailangan kong magtrabaho. Aside sa trabaho kong ito at may iba pa akong mga trabaho na nagtutustos sa mga kailangan ko araw-araw at sa gastos sa hospital. One job is not enough to pay all of that so I had no choice but to do such things for me to be able to save Daddy. 

"Hello ma'am," bati sa akin ng nurse ni Daddy pagkarating ko sa kwarto nito. He's still lying on his bed just like the last time I saw him before I went to Singapore. 

"Thank you ha?" I held her hand. I'm so thankful to her kasi hindi niya pinabayaan si Daddy kapag malayo ako at may trabaho. If it wasn't because of her help to take care of Dad when I'm not around, I don't know how to divide myself just so that I could work and take care of him. Iniisip ko palang ay sobrang hirap na. 

"Wala po 'yon ma'am. Parte na po ng trabaho ko ang tumulong." 

I said my thank you's to her before she left me inside the room. Napatingin ako kay Daddy na mahimbing na natutulog sa kama. Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niyang may nakakabit na kung ano.

"Hey Dad. You've been sleeping for months now. Ain't you tired of doing it?" Natawa ako sa sinabi ko. "Paano ka naman mapapagod eh natutulog ka lang naman diba? And besides, you needed all the rest so that if you'll wake up sooner or later, you'll be as strong as before. You'll—" 

Napatigil ako at napatitig sa mukha ni Daddy. His face was laced with the stress he's been through before, but I know that it will be gone someday. Pagkagising niya I hope wala na ang mga bakas no'n. I can't bare to see him like that. I can accept all his painful words as long as he's doing okay. 

Humigpit ang hawak ko sa kamay niya hoping that he'll also feel my hand holding his. I want him to know that he's not alone, that I'm still here. I'll be with him all the time. 

"So, spill the tea sis." Catelyn playfully sipped her drink while looking at me. I rolled my eyes, wala naman kasi akong sasabihin sa kaniya. 

Pagkatapos kong magdamag na bantayan si Daddy kagabi ay niyaya ako ni Catelyn na lumabas nang makauwi ako sa tinutuluyan ko. She insisted to bond with me because she wants to know the 'tea' she's talking about now. 

"Hindi ko na kailangan sabihin sa'yo ang tungkol doon kasi it will be our first and last encounter okay? Last na 'yon. Huuwag ka ng umasa, masasaktan ka lang." 

Siya naman ngayon ang umirap sa akin kaya natawa ako.

"Tsk. He's the most handsome man that night. I really thought that it was Wyatt you're with that night but I saw an article that he was with his girlfriend that time." 

"Wyatt, who?" 

I've never heard that name before, even though we're a little bit on a same circle before I wasn't able to meet Dad's friends or business partners. I'm always on the dark side, I just observe people from afar. Hindi naman kasi niya ako sinasama sa mga gatherings because he just simply hate my existence. 

"'Yong totoo? Naging magkapareho ba talaga ang mundo niyo dati?" Tumango lang ako. "Kung ganon, bakit hindi mo siya kilala? Jusme sa sobrang gwapo no'n kulang na lang lumuhod 'yong mga babae sa harapan niya mapansin lang. Tapos ikaw? Hindi mo kilala? May feelings ka pa ba?" Galit-galitan siyang kumain sa pagkain niya habang nilalaro ko lang 'yong akin.

"Meron. Hindi nga lang para sa kaniya." Napasimangot naman siya sa sagot ko, "Eh sa hindi naman gano'n kalaki 'yong circle of friends ko o meron ba talaga. Tsaka wala akong oras mangalap ng impormasyon tungkol sa mga lalaki," Depensa ko sa sarili kasi totoo naman. I'm busy doing my best to make my Daddy proud. 

"Tsk. Kung sa ikakadilig mo naman, why not right?" Binato ko siya ng tissue. Pasmado talaga bibig niya minsan eh. 

"I'm innocent." 

"Innocent your ass." 

I stucked my tongue out and then we laughed. After we ate and her unending questions about that Wyatt guy that I actually avoid to answer though, we went home. 

I spent my days looking for a job while I took care of Daddy in the hospital. Nakakahiya na din kasi do'n sa pinapakiusapan kong nurse na bantayan si Daddy dahil wala naman akong binabayad sa kaniya. She's just too kind to do that without receiving any cents from me. 

I wonder why no one's contacting me for a few days now. Dati naman ay sunod-sunod ang mga tumatawag. Si Catelyn nga ay sobrang busy sa buhay niya kaya minsan na lang kaming magkita na pinagpasalamat ko naman. She's keep on insisting that the guy I was with was Wyatt. Ni hindi ko naman kilala kung sino 'yon tsaka— ugh! Ayoko na maalala 'yong lalaking 'yon. 

I was trying to forget that guy but here is Catelyn, my walking Showbiz-whatever-news she got from her sources. Ewan ko sa kaniya! Kahit hindi kami nagkikita pakiramdam ko ay updated ako sa Wyatt na yun dahil nagm-message si Catelyn about his whereabouts na hindi ko naman hiningi at kailangan. Parang gusto ko na tuloy magpalit ng kaibigan. 

Days rolled so fast that I didn't notice everything around me. Busy ako sa paghahanap ng trabaho nang marinig kong may kumatok sa pintuan ng kwarto ni Dadd. I looked at him before I went to the door to open it. Nakangiting mukha ni Catelyn ang sumalubong sa akin. And here I thought that she'll be busy for months.

"Wow! Ang saya mo naman," sarkastikong saad niya sa akin.

Sasagot na sana ako nang tuloy-tuloy siyang naglakad papunta sa loob at umupo sa isang monoblock na nasa gilid. 

"Guess whaaaaat!" Para siyang bulate na binudburan ng asin, kilig na kilig siya sa kung ano na hindi ko maintindihan.

"Guess, what?" 

She rolled her eyes. 

"You'll be in Paris! Geez! I'm so exciiiited!" Namumula na siya dahil sa kakatili. 

"Why?" I confusingly asked her. Obviously puzzled of what she said.

"Here." May inabot siya sa aking cellphone and there's someone on the other line. I looked at her. Eyes full of questions, but she just shrugged and urge me to answer the call.

"Yes?"

"See you tomorrow at 9am in the morning. NAIA Terminal 3." My mouth went wide open as I recognized the voice on the other line. 

Oh sh*t!

What happened to the first and last encounter?

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Veronica Paguntalan
yes exciting
goodnovel comment avatar
Yolanda Atienza
yes exciting
goodnovel comment avatar
dinah Antenor
exciting haha
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status