Share

Chapter 2.1

Chapter 2.1

Papaanong ang paglingon niya ay nagbigay sa akin ng ibang pakiramdam? Parang may karera sa dibdib ko dahil sa lakas ng pagsabog ng nararamdaman ko. Siya lang ang bukod tanging nagparamdam sa akin ng ganito at ayoko nito. Masarap sa pakiramdam pero nakakatakot. Nakakatakot ang ideyang posible akong malunod nito at kung hindi papalarin ay hindi na ako makakaahon pa.

Even if his face is against the light of the bright fireworks in the sky, I could still see him clearly like in the broad daylight. His picture perfect features that will make every woman drool over him. Hindi na niya kailangan lumapit sa mga babae dahil ang mga babae na mismo ang lalapit sa kaniya, they will definitely throw themselves on him. 

"I don't know if you're staring at me or at that f*cking fireworks." 

Napakurap ako at napatingin sa madilim niyang mga mata. Unti-unti siyang naglalakad papalapit sa akin at gustuhin ko mang umatras ay hindi ko magawa dahil nakaupo ako. Nawawalan na rin ng lakas ang mga paa ko dahil sa uri ng pagtingin niya sa akin. 

Umiwas ako sa tingin niya at napalunok. Kinakabahan ako sa kung ano pero hindi ko matukoy.

"Anong ginagawa mo dito? You should be inside enjoying the night with your woman. Not with the random girl you've just met." 

"Don't think highly of yourself woman. I was just looking for you because Mr. Valdez told me to, not because I want to." 

Humiwa ang sakit sa puso ko dahil sa sinabi niya. Sobrang sakit niyang magsalita, ni hindi man lang siya nag-isip kung makakasakit siya ng damdamin ng isang tao. Iniiwas ko ang paningin sa kaniya at itinoun na lang ang paningin sa baso ng wine nasa nasa harapan ko. Kunti na lang ang laman no'n, marami din pala akong nainom na wine. Sumakit ang ulo ko nang maalalang hindi pala ako sanay uminom. 

"Hey! I've been looking for you. I thought you'll gonna dance with me." Bumaling ako sa pintuan ng veranda at nakitang sumulpot mula doon ang babaeng kasama niya kanina at agad inilingkis ang kamay sa braso niya. 

Nahilo ako sa amoy ng pabango ng babaeng kasama niya. Putek! Mukhang mas madaling umepekto sa akin ang wine na ininom ko kanina. Para na tuloy akong masusuka habang tumatagal na naaamoy ko ang pabango niya. Bago pa man mangyari 'yon ay agad na akong tumayo sa kabila ng panghihina ng tungod ko. Mabuti na lang talaga at hindi ako natumba sa harapan nilang dalawa. 

Dahil sa ginawang ingay ng bakal na upuan ay napatingin silang dalawa sa akin. Ang nanunuring mata ng kasama niyang babae ay agad akong tiningnan mula ulo hanggang paa at pabalik. Tumaas ang kaliwa niyang kilay at nakaka-insultong ngumisi sa akin.

"And who's this woman you're with? Really? You'll choose to be with this cheap bitch than to be with me?"

Kahit nakamaskara ay ang ganda niya, gano'n din ang sout niyang damit na talaga namang halatang mamahalin at sigurado akong gawa iyon ng sikat na fashion designer. Pero nawala ang paghangang iyon sa basurang ugali niya. Maganda ang sout niya at postura pero hindi nagawang itago ng marangya niyang kasoutan ang bulok niyang ugali. Hindi ko alam kung bakit nabibiyayaan ng ganitong yaman ang mga taong ni wala man lang ni katiting na magandang ugali. Kung sino pa 'yong mabababait sila pa itong naghihirap. Gustuhin ko mang ipaglaban ang sarili ko ay hindi ko ginawa, hindi ako pumapatol sa mga mapanghusga at makikitid na utak na tulad niya. 

Hindi ko na siya pinansin at agad na tumalikod sa kanilang dalawa. Bagay nga sila, parehong masasama ang ugali. 

Pagkabalik ko sa event hall ay nasa gitna na ang karamihan sa mga bisita at sumasayaw kasabay ng malamyos na musika na binabalot ang boung paligid. Imbes na dumeretso sa comfort room para maghilamos nang mahimasmasan sa pagkahilo ay huminto ako sa harapan ng waiter na may dalang baso ng wine. Kumuha ako ng isa at inisang lagok ang laman no'n. Ibinigay ko ulit ang baso sa waiter at kukuha pa sana ulit nang may pumigil sa akin. 

Gano'n na lang ang panlalaki ng mata ko nang makita ko siyang nasa harapan ko at madilim na naman ang tingin ng mga mata sa akin. Umigting ang panga niya at matalim ang tinging ibinigay sa waiter na agad na umalis. 

"That's enough woman. Let's go." Galit niyang saad at hinaklit ang braso ko. Muntik pa akong matapilok sa biglaan niyang paghila sa akin.

"Hoy! Let me go!" Pilit kong inaalis ang kamay niyang nakahawak sa braso ko pero ang higpit nang pagkakahawak niya sa akin. 

"Not gonna happen." 

"Ano ba!" 

Bingi siya sa mga sinabi ko na kahit na magsisigaw at maglupasay ako rito ay wala siyang pakealam. Buti na lang talaga at abala ang ibang mga bisita sa pagsasayaw kaya hindi nila napapansin ang paghihilahan namin ng lalaking ito. Nang subukan ko ulit hilahin ang kamay ko ay muntikan na talaga akong mabuwal. Maluwag na pala ang pagkakahawak niya sa akin, samahan pa na nahihilo na ako sa dami ng nainom ko ngayon. 

Inis siyang bumuntong-hininga at para na talaga siyang mauubusan ng pasensya sa akin. Umayos ako sa pagkakatayo at tumingin sa paligid. Laking pasasalamat ko na walang nakakita sa nangyari sa akin. 

"You're such a very stubborn woman." 

Umiikot na ang paningin ko sa boung paligid, nang tingnan ko siya ay may sinasabi siya pero hindi ko maintindihan. Pumipikit-pikit na ang mata ko nang maramdaman ko ang sarili kong bigla na lang lumutang. Naamoy ko kaagad ang pamilyar niyang pabango, isinandal ko ang pisngi ko sa dibdib niya bago ako lamunin nang kadiliman. 

Naggising ako kinabukasan sa hindi pamilyar na kwarto, malayo ito sa hotel room na tinutuluyan ko rito sa Singapore dahil mukhang mas triple ang laki nito at sa tingin koy gano'n din ang presyo. Nang maalala ang nangyari kagabi ay agad kong tiningnan ang sout ko. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang 'yon pa din naman ang sout ko. Pinakiramdaman ko din ang sarili ko kung may masakit ba o ano. I thank all the Gods in heaven that I'm okay. Boung-bou pa naman ang pagkababae ko, walang labis at walang kulang. 

Napadako ang tingin ko sa malaking bintana sa gilid ng kamang kinahihigaan ko, sumasayaw ang puting kurtina sa gilid dahil sa may kalakasang hangin at nakitang sobrang liwanag na sa labas. May nakita rin akong isang paso ng halaman sa gilid nito na bumagay sa puting pintura ng kwarto, mas nagmukhang maaliwalas ang paligid. Mula roon ay dumako ang tingin ko sa malaking tv na kaharap ng kama, may mga nakalagay namang mga magazine sa isang estante sa ilalim no'n. Katabi naman no'n ay ang isang pintuan na kulay brown. 

Naalis ang paningin ko roon nang may marinig akong yabag sa kaliwa ko. Napaawang ang labi ko nang makita siyang nagpapatuyo ng buhok at puting tuwalya lang ang natatakip sa pang-ibabang parte ng katawan niya. Mukha pang hindi nakaayos ang pagkakatapis no'n dahil maling galaw lang niya ay siguradong mahuhulog ang ma swerteng tuwalya na 'yon. Tumutulo pa ang tubig mula sa leeg niya hanggang sa ibaba ng— napalunok ako nang makita ang tiyan niya. Putek! Para na siyang may panaderya dahil sa dami ng pandesal! 

"Eyes up here woman." 

Kumunot ang noo ko nang hindi ko man lang makilala ang lalaking ito but his voice sounds familiar though. I think I've heard him before or we've met somewhere from the past. 

"Sino ka? And where the hell I am?" 

Hindi niya ako pinansin at sa halip ay naglakad siya papunta sa isang couch sa gilid na hindi ko napansin kanina. Prente siyang umupo roon, patuloy na pinapatuyo ang buhok niya. Gano'n nalang ang panlalaki ng mata ko at agad na umiwas ng tingin. 

Holy f*cking hell! This idiot! How could he just sit there, legs apart, without even wearing anything aside from that f*cking towel? Putek! Muntik ko ng makita ang gate ng langit! 

Narinig ko siyang tumawa. Paniguradong nakita niya ang pag-iwas ko ng tingin. Mamamatay ako ng maaga dahil sa mga kahihiyan na ito. Bwesit siya! 

Nang tingnan ko siya ulit ay wala na siya doon sa kinauupuan niya kanina. Siguro nagbibihis na ang lokong 'yon sa kung saan. Wala talagang manners, ni hindi man lang nahiya sa akin! Kinuha ko ang pagkakataon na iyon para bumangon mula sa kama at naglakad papunta sa banyo. Namangha ako sa ganda at laki ng banyo niya. Worth it nga talaga ang bayad niya rito. May malaking puting bath tub sa gilid, katabi naman no'n ay ang shower room. Nang tingnan ko ang sink ay kumpleto ang gamit doon may malaki ring salamin.

Dahan-dahan kong hinawakan ang mukha ko habang nakatingin sa salamin nang napagtantong wala na ang make up sa mukha ko.

Kung gano'n ay tinanggal niya 'yon? Kagabi ba 'yon habang wala akong malay? Ang tanging naaalala ko lang ay ang pag-agaw niya sa akin no'ng baso ng wine. 

Naghilamos lang ako ng mukha, lumabas din kaagad ako sa banyo kahit gusto ko pang maligo ay hindi pwede dahil wala naman akong pamalit. Nadatnan ko siyang nakaupo sa gilid ng kama at bihis na bihis na. Umaalingasaw din sa boung paligid ang pabango niya. 

"I'll give you 15 minutes to prepare yourself. You already have your things here. I'll just wait you at the lobby."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status