Home / Romance / The Billionaire's Borrowed Bride: TAGALOG / Chapter 4: His Words Were a Blade

Share

Chapter 4: His Words Were a Blade

Author: Reidpurplelh
last update Last Updated: 2025-09-03 08:23:10

Naging abala ang mga guests nila Rafael at laking pasasalamat ko dahil nakalimutan na ako ng pamilya niya.

"I'll leave you here for a while. I'll just speak with someone and enjoy the party please," paalam sa akin ni Rafael.

Ayaw ko sana pumayag na iwan niya ako rito sa high cocktail table pero tumango na lang ako sa kaniya.

Naiwan akong mag-isa sa gitna ng eleganteng crowd na halata namang hindi ako belong. Hindi ko tuloy maiwasan mapatitig sa mga babaeng naroon na nakasuot ng mga mamahaling damit at jewelry. Sigurado akong mamahalin ang mga suot nila sa ordinaryong araw lang habang ako ay ngayon lang nakapagsuot ng ganitong damit.

Napabuntonghininga ako nang makaramdam ako ng gutom. Hindi ako nakakain kanina sa table kung saan kasama ko ang pamilya ni Rafael. Pakiramdam ko kasi ay isinusumbat sa akin ng mommy niya ang bawat piraso na kakainin ko roon.

Tumingin ako sa paligid at nakita ko sa gilid na may buffet doon kaya agad akong lumapit para makakuha ng kaonting pastry at nanghingi na rin ako ng iced tea. Sa totoo lang gusto ko na talagang umuwi! Kahit na gaano ako namamangha sa nakikita ko rito ay hindi ko pa rin makayanan na magtagal lalo na at alam kong hindi naman talaga ako belong!

Pabalik na ako sa table kung nasaan ako kanina at gusto ko na lang na lumipat sa ibang lamesa dahil nakita kong naroon si Leandro. Nakatingin siya sa akin na para bang hinihintay akong makabalik habang hawak niya ang isang glass na may alak.

Sharp suit. Sleeves rolled up just enough. Kabado akong naglakad palapit doon dahil ayokong isipin niya na umiiwas ako. Uminom siya ng alak habang ang isang kamay ay naka-rest sa pocket niya. Kinakabahan ako dahil ang talim ng mga tingin niya sa akin as if he could see right through my clothes, my skin, down to the lie I was carrying.

Mas ramdam ko ang kaba ko nang tuluyan akong makalapit. Don't tell me ay curious pa rin siya tungkol sa amin ni Rafael? Gwapo na sana siya pero mukhang tsismoso!

“You seem comfortable in your new role, huh? Mukhang sanay na sanay ka, ” he said with his low.

He's standing just inches away beside me and his one hand casually resting on the edge of the table.

Napakunot naman ang noo ko. Ano namang pinagsasasabi nito? Hindi ako nagsalita dahil hindi ko naman na-gets ang sinabi niya kaya naman narinig ko ang bahagyang pagtawa niya bago muling magsalita.

"How long have you doing this?" tanong niya.

This time ay nag-angat na ako nang tingin sa kaniya. Mas lalo akong kinabahan sa idea na baka alam niya ang totoo na nagpapanggap lang ako.

"A-Anong ibig mong sabihin? Tungkol saan ba 'yan sinasabi mo?" kunot-noo na tanong ko sa kaniya.

Ang sabi sa akin ni Rafael ay wala siyang pinagsabihan tungkol sa amin kaya naman nakatatak sa isip ko na kahit na ano'ng mangyari ay hindi ako pwedeng mabuking!

Uminom ng kaonti si Leandro sa inumin niya habang nanatili ang tingin sa akin.

"Rafael doesn’t usually bring anyone to events like this. Much less someone who clearly has no idea what fork to use at dinner."

What?! Pati 'yon ay napansin niya? My gosh! Nakakahiya! Kanina sa long table nila ay hindi ko alam kung ano ang dapat kong gamitin dahil sobrang daming utensils ang naroon.

Napakapit tuloy ako sa mesa. Hindi ko alam kung insulto ba 'yon or nagw-warning lang siya.

"I know people like you at kahit na bihisan ka pa ng kapatid ko gamit ang mamahalin na gamit, hindi mo pa rin maitatago sa'kin 'yang totoong pagkatao mo." Diretsyong sabi niya.

Hindi ako nakapagsalita agad. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa pagkatapos ay muling uminom ng alak. Hindi naman nakakabastos ang mga tingin niya, pero yung mga salita niya? Mas matalim sa kutsilyo. Kung hindi lang talaga siya kapatid ni Rafael ay baka kanina pa ako nakipagtalo sa kaniya.

“You’re lucky,” he said quietly, eyes cold. “Not everyone gets this kind of... opportunity.”

Hindi ko ma-gets ang sinasabi niya, pero nakakaramdam na ako ng pagkainis. Nasaan na ba kasi si Rafael? Ang sabi niya ay babalik din siya kaagad dito. Mas gugustuhin ko na lang umuwi kaysa naman makinig sa mga pasaring ng kapatid niyang 'to.

"You know what? Matalino ang kapatid ko, pero hindi ko ma-gets na naging tanga siya pagdating sa isang tulad mo," patuloy niya.

Nag-angat ako nang tingin sa kaniya at this time ay hindi ko na napigilan na bigyan siya ng matalim na tingin. Ang yabang niya!

“Some people date for love,” tuloy niya, habang umiikot ang alak sa glass niya. “Others date to survive. To escape. To get somewhere they could never reach on their own. Parang ikaw lang," dagdag niya pagkatapos ay tumawa.

Napakagat ako sa loob ng pisngi ko. Kanina ko pa pinipigilan ang sarili ko na 'wag siyang sagutin. Kanina ko pa gustong ipagsigawan sa kaniya ang nasa loob ko pero hindi ko ginawa dahil ayaw kong ipahalata na hindi talaga ako belong sa mundo nilang mga mayayaman.

Kanina ko pa pinakakalmanang sarili ko, pero ngayon ay hindi ko na kaya.

Tinignan ko siya nang diretsyo at gano'n din naman siya sa akin, puno ng panghuhusga ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.

"Hoy! Pinalalabas mo ba na mangga-gancho ako?!" inis na tanong ko sa kaniya.

Natawa siyang muli at wala akong magawa kundi mainis lalo dahil sa tawa niya.

"Hindi man ako kasing yaman niyo, o ngayon lang nakapunta sa ganitong party, but I work hard. I earn what I have, kahit maliit lang! At hindi ko kailangan gumamit ng tao para lang makarating sa ganito," tuloy-tuloy kong sabi sa kaniya.

Huminto ako saglit at mas matalim siyang tinignan.

"Kaya 'wag kang umakto na parang kilala mo ako." Mariin na sabi ko sa kaniya.

Napatango at ngisi siya na para bang na-amuse siya sa pagsagot ko sa kaniya.

“Interesting,” sabi niya. “Let’s see how long that story holds up.” patuloy niya.

Magsasalita pa sana ako kaya lang ay biglang dumating si Rafael.

"Kuya, what are you doing here?" tanong ni Rafael, pagkatapos ay humawak sa bewang ko.

Bahagya akong nagulat sa ginawa niya, pero naalala ko na nagpapanggap nga pala kaming dalawa kaya naman inilapit ko na lang ang katawan ko sa kaniya.

"What's going on?" muling tanong niya habang nagpapabalik ang tingin sa amin ng kapatid niya.

Gusto ko sana sabihin sa kaniya na halos insultuhin ako ng kapatid niya at itigil na namin 'tong pagpapanggap, pero alam kong kahit ano'ng sabihin ko ay wala rin magagawa.

"Nothing, Rafael. Gusto ko lang makilala itong girlfriend mo. You must be really serious about her," pagsisinungaling na sagot ni Leandro.

Gusto kong mapairap. Hindi nga mapagkakaila na magkapatid silang dalawa, dahil parehas silang sinungaling.

"O-Oh, yeah. Of course! But sorry. We have to go." Sabi ni Rafael.

"Why? The party is not yet done. Why don't you join us para naman makilala pa ng iba nating kaibigan si Gianna," sabi naman ni Leandro.

Napabuntonghininga ako dahil mukhang hindi siya titigil sa ginagawa niya.

"Thanks, Kuya, but my girlfriend is not feeling well. Besides, marami pa namang pagkakataon para maipakilala ko si Gigi sa mga kaibigan natin." Paliwanag ni Rafael pagkatapos ay nagkibit ng balikat.

Halos makahinga naman ako nang maluwag. Mabuti na lang ay marunong makiramdam si Rafael at sobrang saya ko dahil sa wakas ay makakauwi na ako! Hindi ko na kailangan magpanggap buong gabi na kabilang ako sa mundo nila.

"Woah! Kailangan ko ng fresh air!" sabi ko nang makalabas kami ni Rafael sa venue.

Natawa naman siya bago tuluyang bumitaw sa pagkakahawak sa bewang ko.

"Why? May tinanong ba sa'yo si Kuya?" tanong niya sa akin.

Naglalakad na kami ngayon papunta sa parking lot at tanaw ko rin ang napakaraming security na nagkalat sa paligid.

Halos mapairap naman ako nang maalala kk ang Leandro na 'yon. Kung makaasta ay ang taas ng tingin niya sa sarili niya!

"Wala naman siyang tinanong, pero ininsulto niya naman ako. Hello? Kung hindi ko lang talaga kailangan ng pera mo ay hindi ko naman tatanggapin 'to, pero kailangan ko talaga para kay Lola—"

Napahinto ako sa pagsasalita nang ma-realize ko na nabanggit ko na si Lola sa kaniya.

"What happened to your grandma?" tanong niya.

Halos mapakagat ako sa labi ko at mapapikit nang mariin. Sinasabi ko na nga ba! Once na mabanggit ko ang isa sa mga nangyayari sa buhay ko ay magsisimula siyang magtanong.

"I know that's personal, pero pwede ko bang malaman kahit kaonti lang? Besides, naipakilala naman kita sa family ko," patuloy niya.

"Wow! Hindi mo sinabi na utang na loob ko pala 'yon sa'yo," sagot ko sa kaniya.

Napabuntonghininga ako. Sige na nga. Wala naman mawawala sa akin kung sasabihin ko sa kaniya ang dahilan kung bakit ko tinanggap ang offer niya.

"May sakit si Lola at kailangan niyang maoperahan agad sa mata. I needed your money dahil hindi ko na kayang tiisin na makitang nahihirapan siya," pagkukwento ko.

"Sorry to hear that. How is she now? I can help you sa magaling na doctor—"

Pinutol ko siya sa pagsasalita.

"Uh-oh! No! Sapat na sa akin yung binayad mong pera. Isa pa, ayoko naman ma-extend yung contract natin. Ang hirap kaya magpanggap na girlfriend mo!" sabi ko sa kaniya.

Natawa naman siya nang mahina. Hindi naman siya nagsalita nang makarating kami sa harapan ng kotse niya.

"Thanks," sabi ko nang pagbuksan niya ako ng pintuan.

Nang makapasok siya sa sasakyan ay akala ko paaandarin niya na ang sasakyan niya pero tinignan niya lang ako.

"“You’re amazing, you know that?” biglang sabi niya.

Napakunot naman ang noo ko pero bahagyang natawa.

"Of course, I am." Mayabang at pabiro kong sagot sa kaniya.

Akala ko matatawa siya pero tumango lang siya.

"You just reminded me what real strength looks like,” sabi niya. “You talk like it’s all fine and funny, but I can tell... that wasn’t easy."

Natigilan ako at sandaling napatingin sa bintana. Ayoko ng masyadong seryoso dahil baka makita niya ang kahinaan ko.

Humugot ako nang malalim na hininga at muling nagbaling nang tingin sa kaniya.

"Ano ka ba? Sa panahon ngayon hindi pwedeng puro ka iyak. Mas mapapansin ka ng maraming tao kung marunong kang maging masaya kahit na pinaparanas sa'yo ang magulong mundo." Sabi ko sa kaniya.

Natahimik siya at napabuntonghininga.

"You're right. Kaya hindi ko maintindihan ang pamilya ko kapag ginagawa ko yung bagay na nagpapasaya sa'kin," sabi niya.

Napaayos ako sa pagkakaupo ko.

"Like what?" curious na tanong ko.

Dahil sino ang magulang na hahadlang sa anak niya na sumaya?

"I mean si Kuya Leandro. He's got everything figured out. Top student back then, future CEO, almost man of the family, and he makes everything look easy nang hindi nagkakamali. Ako ang kabaligtaran niya, because I always mess things up and doesn't meet my family's expectations." Paliwanag niya.

"Oh. The golden brother." Sabi ko at hindi naiwasan mapairap.

"Everyone in my world is trying to be perfect, habang ako? Gusto ko lang naman mag-enjoy sa buhay. I love partying and be with all the girls that I want," patuloy niya pagkatapos ay bahagyang natawa.

"Sounds rough, pero 'wag mong isipin na mali 'yang ginagawa mo. Maikli lang ang buhay kaya mag-enjoy ka lang dahil kung ako ang nasa position mo baka gan'yan din ang gawin ko," sabi ko.

Kung may choice nga lang ako na mag-enjoy na lang sa buhay ay ginawa ko na pero wala. Kailangan kong maghanap buhay para sa amin ni Lola.

Napangiti naman siya at napatango bago tuluyang pinaandar ang engine ng sasakyan niya.

"Thank you, Gigi. For the first time may isang taong kumampi sa akin at hindi ko inaasahan na ikaw 'yon," sabi niya.

Napangiti naman ako at napailing.

"Hoy! Bawal ma-attach sa'kin ha?" Pabirong sabi ko.

"Sigurado ako after one month ng contract natin ay hindi na ulit magtatagpo ang landas natin," dagdag ko.

Natawa siya at nagsimulang mag-drive.

"We'll see, Gigi... Kain muna tayo?" nakangiting tanong niya.

Agad naman akong napatango sa kaniya dahil kanina pa talaga ako nagugutom. Nakakainis naman kasi si Leandro dahil sa kaniya ay hindi ko man lang natikman ang mga pagkain na naroon.

Hanggang ngayon tuloy ay hindi siya mawala sa isip ko. Sana lang ay 'wag na kami muli magkita dahil baka mas lalo kong hindi mapigilan ang sarili ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Borrowed Bride: TAGALOG   Chapter 103:

    "W-Where did you get that necklace?" tanong niya habang nauutal at kita ko rin ang pamumutla niya.Agad naman napakunot ang noo ko lalo na nang lumapit siya sa akin para makitang mabuti ang suot kong kwintas. Bakas sa mukha niya ang kuryosidad at pabalik-balik ang tingin niya roon at sa akin. Napahugot naman ako nang malalim na hinga at napailing. Hindi naman siguro rare ang ganitong kwintas no'ng panahon nila Mama kaya sigurado ako na marami itong kaparehas."Bakit mo natanong, Tito?" nagtatakhang tanong ko.Tumingin naman siya nang diretsyo sa akin at kahit na hindi pa siya magsalita ay nababasa ko sa mga mata niya ang labis na kaba lalo na nagmagsimula muli siyang magsalita."I once gave someone a necklace just like this... and it meant so much back then," paliwanag niya habang mangiyak-ngiyak. "Nag-iisang design lang 'yan noon kaya gusto kong malaman kung saan galing 'yan."Halos mapakurap-kurap naman ako at napayuko para tignan ang pendant ng kwintas ko. Bahagyang napakunot ang n

  • The Billionaire's Borrowed Bride: TAGALOG   Chapter 102:

    Hindi ko alam kung hanggang ano'ng oras ako sa resto-bar na kakwentuhan si Mr. Rocco. Ang sabi niya ay kauuwi niya lang ulit dito mula sa Europe matapos ang isang dekadang taon na lumipas. Na-kwento niya rin sa akin na matagal nang namatay ang asawa niya at hindi sila nagkaroon ng anak. Mag-isa na lang din siya sa buhay at tingin ko sa sobrang yaman niya ay gusto niya na lang maglibang sa kung ano-ano'ng bagay. Gusto ko rin sana itanong kung magkaibigan lang ba talaga sila ni Madame Celestine para naman mabigyan ko ng peace of mind si Rafael, pero hindi ko na ginawa dahil mukhang masyadong personal na tanong na 'yon.Magaan siyang kasama at kausap. Mahilig din siyang magpatawa kaya naman lahat ng iniisip ko ay pansamantalang nawala. Marami rin siyang naging life advices sa akin at pakiramdam ko tuloy ay nagkaroon ako ng tatay dahil sa kaniya kahit pansamantala lang. Isa pa ay naka-gain din siya ng tiwala ko nang sabihin niyang hindi makakarating sa kahit na kanino ang mga pinag-usapan

  • The Billionaire's Borrowed Bride: TAGALOG   Chapter 101:

    "Wala kang mapapala sa amin kaya kung ako sa'yo, umalis kana."Napailing ako at nanatiling nakatitig sa lalaking nagsalita. Nandito na ako ngayon sa presinto kung saan nakakulong ang dalawang salarin sa pagsunog sa bahay namin. Kanina ko pa rin sila tinatanong kung sino ang nag-utos sa kanila na gawin 'yon, pero isa sa kanila ay hindi ko mapaamin at palaging gano'n ang sagot sa akin."Kung hindi kayo makikipag-cooperate ay baka matagalan pa kayo d'yan. Kaya kung ako sa inyo ay sabihin niyo na lang kung sino ang nag-utos sa inyo!" sunod-sunod kong sabi at halos magmakaawa na ako sa boses ko.Natawa naman ang isang lalaki habang nakasandal sa pader at tamad na sumulyap sa akin."Sa tingin mo miss, ipapahamak namin ang pamilya namin para lang sa'yo?" tanong niya at muling natawa ng sarkastiko.Bahagya naman nanlaki ang mga mata ko at napaayos sa pagkakatayo dahil sa sinabi niya. Ramdam ko rin ang pagkalabog ng puso ko dahil possible na tinatakot sila ng taong nasa likod nitong lahat."Ib

  • The Billionaire's Borrowed Bride: TAGALOG   Chapter 100:

    Chapter 100:Naging maganda ang dinner namin kagabi dahil nagkasama-sama ulit si Leandro, Rafael, at ang Lolo nila. Kahit na wala si Madame Celestine ay na-enjoy pa rin nila ang hapunan na pinahanda ko. Maagang umalis si Leandro at as usual ay hindi naman na siya naga-almusal sa bahay. Ako naman ay palaging nahuhuli sa pag-alis sa bahay dahil nakikisabay ako kay Don Severino sa pagkain ng almusal. Nang makatapos akong gumayak ay bumaba na ako kaagad kaya lang ay halos mapahinto ako dahil hindi ko inaasahan na maabutan ko roon si Madame Celestine na kapapasok lang din sa mansion nila.Hindi pa man ako tuluyang nakakababa mula sa hagdan ay napaangat na agad ang tingin niya sa akin. Kahit na kita ko ang pag-angat ng isang kilay niya nang makita ako ay napalihis ang tingin ko sa lalaking kasama niya na hindi rin nalalayo sa edad nila. Napaawang ang labi ko dahil parang may kakaiba akong naramdaman.Hindi naalis ang tingin ko sa lalaki at kita ko ang pagkunot ng noo niya pero napangisi ba

  • The Billionaire's Borrowed Bride: TAGALOG   Chapter 99: Held Close After a Long Day

    Halos mabuga naman ni Rafael ang iniinom niya habang natatawa kaya naman napakunot ang noo ko habang nakatingin pa rin sa kaniya, dahil bigla akong naguluhan sa kaniya. "What's with that face, Gigi?" natatawang tanong niya pagkatapos ay napaayos sa upuan niya. "Of course, I'm just kidding." Halos makahinga naman ako nang maluwag at napairap na lang sa kaniya habang umiiling dahil akala ko talaga ay seryoso siya sa sinabi niya. Napailing na lang tuloy ako at napairap na lang sa kaniya dahil wala pa rin pagbabago sa kaniya, pero natawa na lang din ako. At least ngayon ay hindi totoo ang sinabi niya dahil kung hindi ay sigurado akong magkakagulo na naman sila ni Leandro. Gusto kong magkasundo sila ulit at ayaw kong mangyari ulit sa kanila ang pag-aaway dahil lang sa isang babae. Ilang sandali pa kaming naroon ni Rafael habang pinag-uusapan ang mga nangyari. Masaya ako na tanggap niya na kami ni Leandro, at sinabi niyang masaya siya para sa aming dalawa. Iyon lang din naman ang gusto

  • The Billionaire's Borrowed Bride: TAGALOG   Chapter 98: Unveiling Truths

    I started to heal and live again dahil gano'n naman talaga ang buhay hindi ba? We need to move forward, so we can finally heal the wound that neither of us caused, that neither of us ever wanted to carry. Hindi naging madali sa akin ang lahat, pero kinakaya ko at lumalaban ako sa araw-araw kahit na walang oras na hindi ako nangulila sa pagkawala ni Lola. Tanggap ko na noon pa na balang araw ay iiwan niya ako sa mundong 'to dahil matanda na siya, pero hindi ko matanggap na sa gano'ng paraan siya nawala... at kahit na ilang beses na sinasabi sa akin ni Leandro na pabayaan ko na siya na magtrabaho para roon at sa kaniya na ipabuya ang pagi-imbestiga ay hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko. Ngayon pa? Ngayon pa na binigyan ako ng idea ni Luciana na siya ang may kagagawan ng sunog sa lugar namin. Hindi ako titigil na makuha ang hustisya hindi lang para kay lola kundi na rin sa ibang mga tao na nabiktima niya. Nagpakawala ako ng malalim na hininga nang buksan ko ang drawer ko sa rito s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status