"Good luck! Alam kong kaya mo 'yan. 'Wag ka na lang aalis sa tabi ni Rafael," bilin sa akin ni Trina.
Pagkagising ko pa lang kaninang umaga ay kabado na ako dahil ngayon ang unang araw nang pagpapanggap ko bilang girlfriend ni Rafael. Maraming tumatakbo sa isip ko at natatakot ako na mabisto kaming dalawa, pero kailangan kong kalmahin ang sarili ko.
"Sinabi mo na ba kay Rafael na kailangan mong umuwi before twelve o'clock?" tanong niya sa akin.
Mabilis naman akong tumango. Hindi ko rin naman balak magtagal sa party na 'yon dahil alam kong hindi ako nababagay sa kanila. Maiintindihan naman siguro ni Rafael kapag sinabi kong kailangan ko nang umuwi dahil walang magbabantay kay Lola sa bahay.
Hindi pa man ako tuluyang nakakahinga nang maluwag, dumating na ang sasakyan ni Rafael kaya nagmadali na ako.
"Ikaw na ang bahala kay Lola. Kapag tinanong nila kung nasaan ako sabihin mo na lang na may raket ako. Bye!" sunod-sunod na bilin ko kay Trina.
Naglakad ako papunta sa sasakyan ni Rafael pero medyo nabigla ako nang kinailangan niya pang bumaba para salubungin ako.
Kahit nasa malayo pa siya ay na-realize ko kung gaano talaga siya naiiba. He looks so expensinve!
Naka-black tuxedo siya na fit sa perfect niyang katawan. Yung buhok niya, dark at medyo messy na styled pa rin somehow. And his face? Parang 'yung mga model na madalas kong nakikita sa malalaking billboard. Ang mga kilay niya ay makakapal at maayos ang pagkaka-arko, framing his almond-shaped eyes na para bang kaya kang i-hypnotize kapag matagal mo siyang tinignan.
My gosh, Gianna Rae! Talagang nagawa mo pang purihin ang bawat parte ng katawan niya huh? Well, totoo naman na gwapo siya pero ang nakakainis lang sa kaniya ay ang labi niyang palaging may bahid ng ngisi. Hindi ko tuloy alam kung nang-aasar siya or nagpapa-cute lang.
"Alam kong gwapo ako, Miss Cuevas, pero 'wag mo namang ipahalata." Sabi niya pagkatapos ay bahagyang natawa.
Halos manliit naman ang mga mata ko dahil sa narinig mula sa kaniya.
"Alam mo? Hindi ka rin mayabang no'?" sarkastikong tanong ko sa kaniya.
Muli siyang natawa at tinignan ako mula ulo hanggang paa.
"You look more beautiful in that outfit. Are you ready?" tanong niya habang nakangisi.
"Kapag ba sinabi kong hindi ako ready hindi na tayo tutuloy?" muling tanong ko.
"Of course not. Whether you like it or not sasama ka sa'kin," sagot niya pagkatapos ay nagkibit ng balikat.
Napabuntonghininga naman ako at napairap.
"Sabi ko nga 'di ba? So let's go!" sabi ko at nauna nang pumasok sa sasakyan niya.
"You know what? Hindi mo kailangan kabahan. Ipapakilala lang kita sa family ko as my girlfriend and that's it. Busy sila sa mga bisita kaya sigurado akong hindi na sila magtatanong tungkol sa atin," paliwanag niya nang makasakay na rin siya sa sasakyan niya.
Muli akong nagbuntonghininga at tumango. Sana nga ay gano'n na lang ang mangyari. Sana ay 'wag na silang maging interesado sa akin at magtanong nang kung ano-ano.
"Okay." Sagot ko sa kaniya kahit na kabado pa rin ako.
Buong byahe namin ay tahimik ako at iniisip ko na lang ang sinabi niya para makalma ako. Paminsan-minsan ay napapansin ko ang pagsulyap niya sa akin pero hindi naman ako makatingin sa kaniya pabalik.
"Malapit na tayo." Sabi niya.
Akala ko kanina ay nakalma ko na ang sarili ko pero nang marinig ko sa kaniya na malapit na kami sa venue ay muling kumabog nang mabilis ang puso ko. Hindi ko alam kung saan ako mas kinakabahan. Kung sa party ba, sa mga taong makakasalamuha ko roon, o sa idea na kailangan maging sweet kami ni Rafael sa isa't-isa para makita ng mga tao kung gaano namin ang kamahal ang isa't-isa.
Makalipas ang ilang minuto, huminto kami sa harap ng isang napakalaking mansion na may fountain sa gitna ng driveway. May valet pa na agad binuksan ang pinto para sa akin.
"Good evening, Ma'am!" nakangiting bati nito sa akin.
"T-Thank you." Nauutal na sagot ko pagkatapos ay lumabas sa kotse.
Parang nanikip ang dibdib ko habang pinagmamasdan ang crowd sa loob. Lahat sila ay naka-formal at halata sa kanilang lahat na mayayaman sila. Hindi ako belong sa ganitong klaseng mundo.
Mukhang napansin ni Rafael na kabado ako kaya naramdaman ko ang marahang paghawak niya sa kamay ko habang papasok kami sa loob. Hindi ko alam sa sarili ko, pero kahit papaano ay nakatulong 'yon para kumalma ako.
"Relax. They'll love you," bulong niya.
Gusto kong mapairap dahil sa sinabi niya. Madali lang para sa kaniya ang sabihin 'yon dahil lumaki siyang mayayaman na tao ang nakapaligid sa kanila. Habang ako? I'm just playing dress-up in a world I don't belong to.
Pumasok kami sa grand hall na puno ng mga chandelier at classic paintings. May tumutugtog na live string quartet sa gilid habang ang mga bisita ay nagku-kuwentuhan na parang wala silang problema sa mundo. Totoo pala ang ganitong eksena na kadalasan ko lang napapanood sa tv.
Hindi pa man kami nakakalayo ay may isang babae na ang lumapit sa amin. Nasa mid fifties siya at halos bumaba ang tingin niya hanggang sa ulo ko.
Tall. Regal. Fierce.
Naka-all white siya at isang silk pantsuit ang suot niya na alam mong hindi basta mabibili lang sa mall. She had her hair pulled back into a flawless bun, and her red lipstick looked so precise. Para siyang painting na gawa ng isang professional artist.
Inalis niya ang tingin sa akin at tumingin kay Rafael, pero ramdam kong ako talaga ang tina-target ng mga mata niya. Siya na ba ang Mommy ni Rafael?
"There you are, Rafael. I've been looking for you kanina pa. Saan ka ba nagpunta?" tanong niya.
"Mom."
Nasagot ang tanong ko nang marinig ko 'yon mula kay Rafael. Oh my gosh! Hindi ko tuloy alam kung paano ko siya babatiin!
"At ano na namang kalokohan ito, Rafael?" muling tanong niya pagkatapos ay nagbaling nang tingin sa akin.
Mas lalo kong naramdaman ang kaba. I think hindi niya ako magugustuhan! Well, hindi naman big deal sa akin kung magugustuhan ako o hindi ng pamilya niya. Mas mabuti na nga 'yon para matigil na itong si Rafael sa kalokohan niya.
"Don't you dare ruin your Lolo's party, Rafael! Nagsama ka na naman ng babae mo?" bakas sa boses niya na naiinis siya.
Napayuko ako at napaiwas nang tingin nang matalim niya akong tinitigan na para bang hinuhusgahan ako.
"Ma! Hindi lang siya basta babae ko, okay? She's my girlfriend!" pagdedepensa ni Rafael.
"Girlfriend? Kailan ka pa nagseryoso na magkaroon ng girlfriend? At saan mo naman nakilala ang babaeng 'to?"
I knew it. Napanood ko na ang ganitong eksena sa tv at nang tanggapin ko ang offer ni Rafael sa akin ay tinanggap ko na rin sa sarili ko na makakarinig ako ng mga ganitong salita mula sa mga taong malalapit sa kaniya.
Naramdaman ko ang mas paghigpit nang hawak sa akin ni Rafael bago siya muling magsalita.
"That's not important, Ma. Hindi ba ito naman ang gusto niyo? Ang makita na nagseseryoso ako sa babae? So bakit nagtatanong pa kayo?"
Muli akong nag-angat nang tingin kay Rafael dahil hindi naman niya kailangan makipagtalo pa sa Mommy niya. Hindi ko naman naiwasang mapatingin sa Mom niya at kita ko ang bahagyang pagkagulat nito dahil sa naging sagot sa kaniya ni Rafael.
"How dare you to talk to me like that, Rafael?!"
Napahugot naman nang malalim na hininga si Rafael.
"Ikaw na ang nagsabi, Ma. Let's not ruin Lolo's party. So please, excuse us."
Hinila ako palayo ni Rafael mula sa Mommy niya at wala naman akong ibang nagawa kundi ang sumunod sa kaniya.
"Mukhang nagalit yung Mom mo. Sana hindi mo na lang siya sinagot," sabi ko sa kaniya.
"Don't mind her. Nabigla lang 'yon kaya gano'n ang reaskyon... let's go and I'll introduce you to my Lolo," sagot niya.
Napasimangot naman ako at hinayaan na lang siya. Sobrang daming bisita at bawat table na madaanan namin ay hinihintuan ni Rafael dahil may mga ilan na tumatawag sa kaniya. May iba rin na curious kung sino ako at iba naman ay parang walang pakialam.
Ngayon ko lang na-realize, base sa mga naririnig ko sa mga kakilala ni Rafael ay isa siyang babaero at mahilig sa party. Never siya nagseryoso sa mga nagiging babae niya kaya medyo nagulat din ako nang nalaman ko na ako ang unang babae na ipapakilala niya sa pamilya niya.
"Jasmine, where's Lolo?" tanong ni Rafael sa isang babae na abalang nakikipag-usap sa ibang panauhin doon.
"Nasa long table na si Don Severino kasama sila Sir Leandro. Kanina ka pa nila hinihintay Sir Rafael," sagot nito pagkatapos ay lumipat ang tingin sa akin.
Ngumiti siya sa akin kaya napangiti rin ako sa kaniya kahit nadadagdagan ang kaba na nararamdaman ko. They have long table? It means marami silang naroon!
"Just smile and greet my Lolo a happy birthday. 'Wag mo masyadong ipahalata na kinakabahan ka," sabi ni Rafael pagkatapos ay bahagyang natawa.
"Duh? Paano naman akong hindi kakabahan? Sa Mommy mo pa lang ay tiklop na ako," sagot ko sa kaniya.
Sa sobrang yaman ba naman nila ay sigurado akong malaki talaga ang pamilya ng mga De Luca. Narinig ko ang mahinang tawa ni Rafael.
"Just be yourself, okay? Isipin mo na lang na you're my girlfriend at walang kahit na sino ang pwedeng umapi sa'yo rito kahit na ang pamilya ko." Sabi niya.
Napanguso na lang ako. Kung hindi ko lang talaga kinailangan ang pera niya ay wala naman sana ako rito, pero wala naman akong ibang choice. Siguradong higit pa sa limang taon ang lilipas bago ko kitain ang three hundred thousand na binayad niya.
Habang papalapit kami sa long table, mas lalo akong kinabahan. Malayo pa lang ay tanaw ko na ang mga taong naroon lalo na nang isa-isa silang lumingon sa amin ni Rafael. Nahirapan akong lumunok. Bakas sa mga suot nila ang mamahaling damit o designer suits. Ang long table ay may puting tablecloth, gintong silverware, at puro crystal wine glasses. Parang pang-royalty!
Akala ko ay puno ang upuan sa long table pero lima lang silang naroon at dumagdag lang kami ni Rafael. Napansin ko na naroon na rin ang Mommy ni Rafael.
"Lolo," sabi ni Rafael at lumapit sa matandang lalaki na nakaupo sa dulo ng lamesa.
"Happy birthday!" masiglang bati ni Rafael.
Ngumiti si Don Severino. "Ah, Rafael. Akala ko ay nakalimutan mo na ang birthday ko at hindi ka darating."
"Of course not. I wouldn't miss your birthday," sagot ni Rafael, saka hinila ako palapit.
Kumalabog ang puso ko nang makaharap ko si Don Severino. Para siyang gobernador o presidente na napapanood ko sa tv.
"And this is Gianna. My girlfriend."
"Happy Birthday po, Don Severino." Nakangiting bati ko.
Napatingin sa akin si Don Severino. Mapagmasid ang mga mata niya, pero hindi malamig gaya ng sa Mommy ni Rafael. May bahid ng pagkamangha sa titig niya, pagkatapos ay ngumiti sa akin.
"Hmm. This is the first time na nagpakilala ka ng babae sa pamilya natin. So, I think you're getting serious now huh?" sabi ni Don Severino.
"Thank you and nice meeting you, Gianna. Please, have a seat." Dagdag na sabi niya at itinuro ang upuan.
Tipid naman akong ngumiti. Mukhang mabait naman si Don Severino, pero hindi pa rin mawala sa akin ang kaba lalo na at ramdam ko ang matalas na tingin sa akin ng Mommy ni Rafael.
Hinila ni Rafael ang isang upuan para sa akin at sa harapan namin ay isang lalaking tahimik lang, pero nakaka-intimidate rin. Matangkad siya, moreno, at iba ang presensya na nararamdaman ko sa kaniya.
"Enjoy the food, Gianna... Gan'yan din itong si Luciana noon, pero kita mo naman ngayon ay kaya na niyang sumabay sa amin," natatawang sabi ni Don Severino.
Napatingin ako sa babaeng tinutukoy ni Don Severino.
"She's Luciana, fiance siya ni Kuya Leandro." Sabi ni Rafael sa akin.
Oh, gets ko na. So itong tahimik na lalaki na nasa harapan namin ay Kuya ni Rafael at ang magandang babae na katabi nito ay ang fiance niya. Tipid lang naman ngumiti sa akin si Luciana at nagkibit ng balikat habang si Leandro ay hindi man lang nagbigay kahit isang sulyap sa akin. Suplado!
Binigyan ako ng pagkain ni Rafael sa plate ko at napahawak ako sa mga kutsara at tinidor na para bang katumbas ng presyo ng mamahaling phone!
Akala ko ay tapos na at makakahinga na ako nang maluwag, pero hindi ko pa tuluyang natitikman ang pagkain nang magsalita ang Mommy ni Rafael.
"I'm still waiting for Rafael to explain where exactly he met this girl."
Agad akong nag-angat nang tingin sa kaniya at napakagat nang mariin sa labi ko. Sana naman ay 'wag na niyang palakihin ito.
Lumingon si Rafael sa Mom niya gamit ang kalmadong mukha pero bakas sa panga niya na naninigas ito.
"Mom, can we please do this another time?"
Right! Baka pwede namang sa ibang araw na lang niya itanong kung saan ako nakilala ni Rafael? Baka pwede naman na pag-usapan nila ako nang wala ako sa harapan nila.
"No. We're here now. And if you're serious about her, then she should be able to answer simple questions, right?" sagot nito habang nanatiling nakantingin sa akin.
"Mom is right, Rafael. This is the first time you introduce a woman to us. So, I think we deserve to know more about her, right?" dagdag na sabi naman ni Leandro.
Oh no. Interrogation time na ba 'to?!
I swallowed hard. Lahat ng mata, nasa akin na. Gusto ko na lang maglaho na parang bula, pero alam kong imposibleng mangyari 'yon. Nandito ako sa harapan nila at kailangan kong panindigan 'to!
Humugot ako nang malalim na hininga at umayos mula sa pagkakaupo bago magsalita.
"R-Rafael and I met through a mutual... situation," sagot ko, pilit na kinakalma ang sarili
"I returned something that belonged to him. Nanakawan po siya ng phone street," dagdag ko para magpaliwanag.
"Ah," sabi niya at bakas na hindi siya na-impress, "So fate na pala ang drama ngayon?" tanong niya at sarkastikong natawa.
"Mom," Rafael said firmly.
Don Severino cleared his throat. Mukhang nakaramdam na sa pag-uusap namin.
"Celestine, we are celebrating tonight. If you have concerns, bring them up after dinner."
Natahimik si Ma'am Celestine. She took a sip of her wine, like she wasn't affected, pero kita ko ang bahagyang pagtaas ng kilay niya bago siya muling umiwas nang tingin.
Bumuntonghininga ako nang mahina.
Rafael leaned closer and whispered, "You did great."
Napailing naman ako dahil ramdam ko ang panunuyo ng lalamunan ko dahil sa kaba. Bahagya lang siyang natawa at mahinang piniga ang kamay ko sa ilalim ng table.
Tahimik na ang lahat pero hindi pa rin ako mapakali dahil sa mga titig sa akin ni Leandro na para bang hanggang ngayon ay hinuhusgahan ang buong pagkatao ko. What wrong with him?!