Home / Romance / The Billionaire's Borrowed Bride: TAGALOG / Chapter 5: Dignity Over Millions

Share

Chapter 5: Dignity Over Millions

Author: Reidpurplelh
last update Last Updated: 2025-09-03 08:24:20

Kinabukasan ay umaga pa lang, naririnig ko na si Trina sa labas ng bahay.

"Girl! Buksan mo 'tong pinto kung ayaw mong lumamig 'tong pandesal mo!" sigaw niya habang kumakatok sa bahay.

Napabuntonghininga naman ako habang dahan-dahang bumabangon mula sa higaan ko. Ngayon ako nakakaramdam ng antok dahil hindi ako nakatulog nang maayos. Halos magdamag ko yatang iniisip ang mga nangyari kagabi.

Naghihikab pa ako nang pagbuksan ko si Trina nang pinto at nakita kong may dala siyang pandesal.

"Fresh from pan de boy!" sabi niya at nauna nang nagpunta sa lamesa.

"Inagahan ko talaga punta dito dahil baka wala ka mamaya. So, ano'ng nangyari sa De Leca party kagabi?" tanong niya pagkatapos ay naupo.

Napasinghap naman ako at napairap. Kumuha ako ng dalawang tasa at mainit na tubig para magtimpla ng kape.

"Ano pa nga ba? Para akong lumusong sa ginto tapos nalunod ako," sabi ko sa kaniya.

Natawa naman siya kaya naupo ako sa monobloc chair at sumandal doon.

"Wow! Ang lalim niyan ah? So ano nga ang nangyari? Na-meet mo na ang family niya? Nagustuhan ka ba nila?" sunod-sunod niyang tanong.

"Syempre hindi! Ngayon lang nagpakilala si Rafael ng babae sa pamilya niya kaya nanibago sila. Hindi sila makapaniwala kung nagseseryoso na ba siya," pagkukwento ko.

"Sobrang intimidating ng mommy niya at 'yong kuya niyang si Leandro judgemental naman. Isipin ba naman na gold digger ako?!" patuloy ko.

"Pero yung grandpa nila ang naiiba. Mabait si Don Severino. Nakakainis lang talaga si Leandro dahil ang taas ng tingin niya sa sarili niya. Feeling perfect!" inis na sabi ko.

Muling natawa si Trina habang pinakikinggan ang mga kwento ko.

"Pogi rin ba si Leandro? Ano sa tingin mo?" nakangising tanong niya.

"Girl! Kahit gaano kagwapo ang isang lalaki kung masama naman ang ugali e wala rin!" sagot ko pagkatapos ay napairap.

"Oh my gosh! So, pogi rin si Leandro? Baka pwede mo akong ipakilala sa kaniya?" tanong niya pagkatapos ay muling natawa.

Alam kong nagbibiro lang siya, pero sinamaan ko siya nang tingin.

"Joke lang!" depensa niya agad sa sarili niya.

Nagkwentuhan lang kaming dalawa roon hanggang sa nagising na si Lola. Pinakain ko siya at nagpaalam naman si Trina na uuwi na, pero ilang saglit pa lang siyang nakakaalis ay muli siyang bumalik sa bahay.

"May nakalimutan ka ba?" kunot-noo na tanong ko sa kaniya.

Mabilis naman siyang napailing.

"Wala, pero sabi ni Jose may naghahanap daw sa'yo sa labas. Naka-kotse. Mukhang si Mr. Pogi!" paliwanag niya.

"Mr. Pogi? Sino 'yon, Gigi? May manliligaw kana ba?" tanong naman ni Lola.

Mabilis akong napailing at pinanlakihan ng mata si Trina.

"A-Ah hindi po, Lola. Baka isa sa mga client ko. May pick up kasi ngayon na mga accessories," pagsisinungaling na sabi ko.

Agad kong kinuha ang phone ko na nakapatong sa lamesa para tignan kung tumawag ba sa akin si Rafael, pero wala naman akong nakitang missed call. Napailing na lang ako at napabuntonghininga dahil mukhang hindi siya sumusunod sa usapan.

"Lalabas po muna ako, Lola. Kumain po muna kayo," paalam ko.

"Gusto sana kita samahan kaya lang may gagawin pa ako sa bahay. Bye!" paalam naman sa akin ni Trina nang makalabas ako sa bahay.

Malayo pa lang ako ay natatanaw ko na ang pangmayaman na sasakyan. Nanliit ang mga mata ko dahil hindi naman 'yon ang kotse ni Rafael, pero dahil mayaman siya sigurado akong marami siyang sasakyan.

Nang makalapit ako ay bumukas ang pintuan ng sasakyan. Aawayin ko na sana si Rafael dahil hindi siya tumawag sa akin bago magpunta rito, pero halos manlaki ang mga mata ko nang makita kong hindi siya 'yon.

Si Leandro. Nakasuot siya ng suit at mukhang papasok pa lang sa trabaho. Inalis niya ang shades niya at diretsyong akong pinasadahan nang tingin.

"A-Ano'ng ginagawa mo rito? At paano mo nalaman ang address ko?" tanong ko kaagad sa kaniya.

Hindi siya nagsalita at napalingon sa paligid bago muling tumingin sa akin.

"How much do you want para lang layuan ang kapatid ko?" tanong niya at bakas sa boses niya ang panghuhusga.

"H-huh?" kunot-noo kong tanong sa kaniya.

"I know you're just fooling my brother. You're just using him to get money, right?" diretsyong sabi niya sa akin.

Halos kumalabog ang puso ko dahil sa maling akusasyon na binibintang niya sa akin.

"Three hundred thousand. Ang bilis mong nakuha without working hard. Hindi ko alam kung paano mo napapayag si Rafael nang gano'n na lang," patuloy niya.

Kinuyukom ko ang dalawang kamay ko dahil nakaramdam akong muli ng panghuhusga niya. Hindi ko alam kung paano niya nalaman na binigyan ako ni Rafael ng gano'ng kalaking pera, pero isa ang nasisigurado ko. Wala siyang alam sa usapan namin ng kapatid niya.

Humugot ako ng malalim na hininga bago magsalita.

"Kung wala kang magandang sasabihin, makakaalis ka na." Sabi ko sa kaniya.

Nanapangisi siya na para bang hindi nagpapatinag sa sinabi ko.

"Name your price, Miss Cuevas. Five hundred thousand? Or let's make it two million? For sure mas malaki pa sa two million ang makukuha mo sa kapatid ko, but I wont let that happen. Let's end this," sunod-sunod niyang sabi.

Halos malaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. Akala ko ay huli na ang pang-iinsulto niya sa akin kagabi, pero hindi pa pala dahil nakuha niya pang magpunta rito para lang sabihan na naman ako ng mga masasakit na salita.

Napataas ang dalawa niyang kilay habang nakatingin sa akin.

"What? Masyado ka bang na-overwhelm sa two million? Do you want me to make it three million?" nakangising tanong niya.

Sa sobrang inis ko ay napahugot ako nang malalim na hininga dahil hindi ko na matiis ang kayabangan niya.

"Gan'yan ba talaga tingin mo sa aming mahihirap?" matapang na tanong ko sa kaniya.

"Dahil ba hindi ako nakasuot ng mga designer clothes at hindi kasing yaman niyo, gold digger na agad?!" patuloy ko gamit ang naiinis na boses.

Hindi siya nagsalita, pero nanatili ang mga ngisi sa labi niya na siyang nagpapainit lalo ng ulo ko.

"Hindi mo ako kilala, Mr. De Luca at wala kang alam sa pinagdadaanan ko. Kahit gaano pa kalaking pera 'yang inaalok mo, hindi ko tatanggapin lalo na kung galing sa taong kasing yabang at arogante mo!" tuloy-tuloy kong sabi sa kaniya.

Napakurap siya at halata sa mukha niya ang bahagyang pagkagulat dahil sa hindi inaasahan na pagsagot ko sa kaniya.

"Ngayon kung wala ka nang magandang sasabihi, makakaalis ka na. At kung may problema ka sa naging desisyon ng kapatid mo, talk to him. Hindi ako 'yung problema rito." Dagdag ko pagkatapos ko siyang irapan.

Tinalikuran ko siya at naglakad na ako pabalik sa bahay nang hindi na siya nililingon pa. Kahit na nakalikod na ako sa kaniya at ramdam ko pa rin ang bigat nang tingin niya sa akin na para bang may tinatantiya, at hindi maintidiahan.

Sobrang nakakainis ang lalaking 'yon! Three million para lang layuan ang kapatid niya? Kahit limang milyon pa 'yon ay hindi ko tatanggapin lalo na at isang buwan lang naman ang kasunduan namin ni Rafael. Kaya kahit hindi niya ako bigyan ng malaking pera, once na matapos ko ang isang buwan ay sisiguraduhin kong hinding-hindi na magtatagpo ang mga landas namin!

"Oh, ano'ng nangyari? Saan daw ang punta niyo ngayon ni Rafael?" sunod-sunod na tanong ni Trina nang makabalik ako sa bahay.

Natingin naman ako sandali kay Lola na tahimik lang na nanonood ng TV bago ako nagbaling nang tingin kay Trina.

"Hindi 'yon si Rafael." Sagot ko at may bakas pa rin na pagkainis.

"H-Huh? E, sino?" nagtatakhang tanong ni Trina.

"Sino pa nga ba? Walang iba kundi ang mayabang na Leandro na 'yon!" inis na sagot ko.

"Ano?! Si Mr. Sungit?! Ano namang ginawa niya rito at paano niya nalaman address mo?"

Napabuntonghininga ako at napailing dahil isa rin 'yon sa iniisip ko dahil malabo namang ipaalam 'yon ni Rafael sa kaniya.

"Hindi ko rin alam, pero nakakainis siya kaya hindi ko na naman napigilan ang sarili ko na sagutin siya. Mag-offer ba naman sa'kin ng three million kapalit ng layuan ko si Rafael! Ang nakakagalit pa ay tingin niya peperahan ko lang ang kapatid niya!" patuloy na sabi ko.

Namilog naman ang mga mata ni Trina na para bang gulat na gulat sa narinig.

"Three million?! Instant milyonarya ang dating, girl! Ano'ng tingin niya sa'yo? Kontrabida ka ng buhay nila?" sabi niya pagkatapos ay natawa.

"Exactly! Porket ba mayaman siya ay pwede niya na akong insultuhin at husgahan?" patuloy ko sa reklamo.

"Bakit hindi mo na lang sabihin kay Rafael? Para naman aware siya sa ginagawa sa'yo ng brother niya. Sigurado naman ako na ide-defense ka ni Rafael," suhestiyon niya.

Napairap naman ako. As if naman na mahalaga pa 'yon kay Rafael.

"Hindi na dahil baka mag-away pa sila at maging komplikado pa ang lahat. Isa pa, wala naman pakialam si Rafael sa mararamdaman ko," sagot ko pagkatapos ay nagkibit ng balikat.

"May point ka naman, pero kahit na ano'ng concern niyang si Leandro ay hindi ka dapat niya husgahan," sabi niya.

Napatango naman ako bago muling sumagot.

"Oo, kaya nga hindi ako nagpapatalo sa kaniya hindi ba? Kung sa tingin niya hindi ako lalaban sa kaniya, nagkakamali siya."

Agad naman pumalakpak si Trina kaya muli akong napairap sa kaniya.

"That's my girl! Kaya tuloy lang ang laban! Kaya 'wag ka talagang papayag na maliitin ka ng lalaking 'yon!" sabi niya.

Napangisi ako at napatango dahil kahit papaano ay nawawala ang inis ko kay Leandro dahil kinakampihan ako palagi ni Trina.

"Anyways, wala ka bang gagawin ngayon? Wala ba kayong pupuntahan ni Rafael?" tanong niya.

Mabilis naman akong napailing at nagkibit ng balikat. Tingin ko naman ay wala dahil walang message sa akin ni Rafael.

"Perfect! Dahil wala kang gagawin today, may gig tayo!" excited niyang sabi.

Agad naman napakunot ang noo ko.

"At ano'ng gig naman 'yan?" curious na tanong ko.

"Kay Mr. Daez! May malaking catering daw sila at kailangan pa nila ng tao. Tumawag siya sa'kin ngayong umaga lang para itanong kung pwede tayo," paliwanag niya.

Agad naman akong napangiti at napatango. Ilang buwan na rin matapos ang last gig namin kay Mr. Daez. Manager siya sa isang food and beverage company kung saan madalas mayayaman ang client nila.

"Tatanggi pa ba ako d'yan? Of course! Count me in!" sagot ko kaya nagtawanan kaming dalawa.

Nag-prepare ako kaagad sa araw na 'yon dahil alam kong mabigat ang magiging trabaho namin doon. Nag-text na rin ako kay Rafael para sabihan siya na may gig ako ngayong araw. Baka kasi bigla niya akong kailanganin tapos wala ako.

From Rafael:

No worries, babe. May agenda rin ako today.

Halos mapadiin ang hawak ko sa phone nang mabasa ang text message niya sa akin. Napangiwi na lang ako dahil mukhang in character siya kahit sa message lang kami nag-uusap.

Mabilis naman akong nag-type para mag-reply sa kaniya.

To Rafael:

Babe mo mukha mo!

Nang ma-send ko 'yon sa kaniya ay agad ko nang in-off ang phone ko. Hapon pa naman ang start ng event pero kailangan maaga kaming magpunta sa place para mag-ayos.

"Mag-iingat kayong dalawa. 'Wag kang mag-alala, Gigi. Ako ang bahala kay Nanay Jacinta," sabi ni Tita Amelia.

Napangiti naman ako at napatango. Sobrang laking pasasalamat ko dahil kahit na hirap kami sa buhay ay may mga tao pa rin akong nasasandalan katulad ng pamilya ni Trina.

Sobrang bilis lang ng oras dahil nang makarating kami sa place ay nagtrabaho kami kaagad hanggang sa hindi namin namalayan na malapit ng magsimula ang event.

"Gigi, do'n ka na sa hot foods area. Na-review mo na ba yung mga ingredients sa foods? Baka kasi magtanong ang mga guest lalo na yung may mga allergies," sabi ni Nico, isa sa mga waiter na kasama ko.

Mabilis naman akong napatango dahil aware naman ako sa mga gano'n. Mabilis lang din naman akong matuto lalo na at kailangan kong aralin ang mga ingredients ng foods na nakahain doon.

"Oo naman, Nico. Ako pa ba?" Mayabang na sagot ko.

Natawa naman siya at napatango dahil ilang beses na rin naman kaming nagkasama sa trabaho at never pa akong nagkamali.

"Alam ko. Kaya nga crush kita e!" pabirong sabi niya.

Napangiwi naman ako at napairap sa kaniya, pero mas lalo lang siyang natawa dahil sa naging reaksyon ko.

"Hoy, Nico! Tama na 'yang landi. Pumunta kana do'n at nakapasok na ibang guests," sabi ng isa naming kasama roon.

Natawa na lang ako at kinuha ang ibang mga pagkain para dalhin sa hot foods aread.

"Bitter mo naman bro! Oo na pupunta na ako. Totoo ba na isa sa mga guests natin ang De Luca?"

Napakunot naman ang noo ko at napahinto sa ginagawa nang marinig ko 'yon.

"De Luca? Sinong De Luca?" curious na tanong ko habang kumakabog ang puso ko.

"Hindi namin alam kung sinong De Luca. Bakit?" nagtatakhang tanong naman ni Nico.

Mabilis naman akong napailing kahit na ramdam ko ang kaba ko.

What if Mommy ni Rafael ang De Luca na tinutukoy nila?

Oh my, God! I'm doomed!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Borrowed Bride: TAGALOG   Chapter 76: The Yes I Meant

    Nanatiling tahimik si Luciana sa kabilang linya na para bang walang salita ang gustong lumabas mula sa bibig niya. Hindi ko naiwasang mapangisi kahit na ramdam ko ang kaba ko sa maaaring maging kapalit ng pagsabi ko sa kaniya tungkol sa relasyon namin ni Leandro. Naramdaman ko ang paghugot niya ng malalim na hininga mula sa kabilang linya bago tuluyang magsalita na para bang nakakuha na ulit siya ng lakas ng loob. "L-Leandro confessed to y-you?" nauutal niyang tanong na parang kinatatakutan niyang bigkasin ang mga salitang 'yon dahil natatakot siya sa magiging sagot ko. "Yes." Diretsyo at matapang na sagot ko naman sa kaniya. Mula sa kabadong boses kanina ay napaawang ang labi ko nang marinig ko ang pagtawa niya kaya hindi ko naiwasang mapakunot-noo. Napailing na lang ako at napabuntonghininga dahil mukhang nababaliw na nga talaga ang babaeng 'to. Nakakainis lang dahil bakit ba nakikipag-usap pa rin ako sa kaniya hanggang ngayon?! "Oh my, God! I really can't believe you!" nata

  • The Billionaire's Borrowed Bride: TAGALOG   Chapter 75: War of Words with Luciana

    "I-I'm sorry. Let's stop fighting, baby. Please? Let's fix this," paulit-ulit niyang sabi habang hinahaplos ako. Kahit na tuluyang bumuhos ang mga luha ko ay pinilit kong umalis mula sa pagkakayakap sa kaniya. Mabilis kong pinalis ang mga luha ko at nagtaas ng tingin sa kaniya. Mas lalo ko naman nakita ang pag-aalala sa mukha niya habang nakatingin sa akin kaya tinaas ko ang dalawa kong kamay para patigilin siya sa pagsuyo sa akin. "J-Just give me time tonight, Leandro. P-Please," paki-usap ko sa kaniya dahil tingin ko ay mas kakalma ako kung mapag-iisa ako ulit. Dinig ko naman ang mabigat niyang paghinga pagkagtapos ay tumango sa akin kahit na labag sa loob niya ang pakawalan ako kahit sandali lang. Nang tuluyan niya akong bitawan ay mabilis naman akong tumalikod palayo sa kaniya. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, pero dumiretsyo ako papunta sa kwarto. Sana lang ay 'wag niya muna akong sundan dito habang hindi pa kalmado ang emosyon na nararamdaman ko. Nagpasya ako na maligo

  • The Billionaire's Borrowed Bride: TAGALOG   Chapter 74: Love in the Middle of Fear

    Natapos ang pag-uusap namin ni Rafael nang gano'n lang. Hindi ko nakita kung ano ang exact na reaction niya after kong sabihin ang tungkol sa relasyon namin ni Leandro, pero alam ko na nabigla siya. Hindi ko alam kung kusa bang naputol ang linya ng tawag namin or sadyang binabaan niya lang ako ng tawag. Nawala rin kasi ang bar ng signal sa cellphone ko kaya hindi ako sigurado. Muli naman akong nagpakawala ng malalim na hininga nang muli kong maramdaman ang lamig ng hangin na tumatama sa balat ko. Napayakap ako sandali sa katawan ko at hinawi ang buhok na humaharang sa mukha ko dahil sa hangin pagkatapos ay napatingin ako sa cellphone ko. Eight thirty pa lang ng gabi at kanina pa ako rito nilalamig at nilalamok, pero tinitiis ko. Gusto ko lang din muna mapag-isa lalo na at sa wakas ay nakausap ko na rin si Rafael. May gaan sa puso ko at pakiramdam ko ay nabawasan ng kaonti ang ang bigat sa dibdib ko dahil sa pagtatago ko ng relasyon namin ni Leandro. Hindi rin totoo na mas mahalag

  • The Billionaire's Borrowed Bride: TAGALOG   Chapter 73: The Fear Between Us

    Halos matulala ako habang nagluluto ng hapunan namin ni Leandro. Hanggang ngayon ay hindi pa rin pumapasok ng maayos ang lahat sa isip ko dahil mas inaalala ko si Rafael. Sigurado ako na may hinala na siya lalo pa at nagsinungaling ako sa kaniya sa pag-alis ko. Napabuntonghininga na lang ako nang matapos akong magluto at sandaling napatulala sa cellphone ko. Hanggang ngayon ay tulog pa rin si Leandro at hindi ko alam kung gigisingin ko na ba siya para kumain ng hapunan namin or tawagan ko na lang muna si Rafael para magpaliwanag sa kaniya. Hindi ko naiwasang mapakagat sa labi ko nang mariin dahil kapag tinawagan ko siya ngayon at nagpaliwanag ako ay hindi ba magmumukhang defensive ako? Halos mapahawak na lang tuloy ako sa ulo ko dahil paano naman ako makakapag-enjoy rito kung may iniisip na iba hindi ba? "My gosh, Trina!" bulong ko sa sarili ko dahil naalala kong si Trina ang nakaaksideng sabihin 'yon kay Rafael. "Gianna?" Halos mapatalon naman ako sa gulat nang marinig ko ang b

  • The Billionaire's Borrowed Bride: TAGALOG   Chapter 72: Whispers and Unspoken Fears

    Sa hapon ay nakatulog kami ni Leandro at napasarap yata ang tulog namin dahil nang magising ako ay halos pawala na ang liwanag sa labas. Pinagmasdan ko sandali si Leandro na mahimbing pa rin ang tulog. Nakalihis ang comforter hanggang sa bewang niya at kitang-kita ko ang mga abs niyang nakatambad sa harapan ko. Nakasanayan ko nang makita 'yon, pero hindi pa rin ako makapaniwala na sa akin lahat 'yon. Nag-init tuloy ang pisngi ko sa tuwing naiisip ko na maraming babae ang halos maglaway sa kaniya, pero heto ako. Ako lang ang laging nakakakita at nakakahawak dahil lahat ng parte ng katawan niya ay sa akin na ngayon. Napangisi na lang ako at tinawanan ang sarili dahil sa sariling kapilyuhan ko. Napailing na lang ako at humugot nang malalim na hininga bago tuluyang bumangon para magluto ng hapunan namin at kinuha ko rin muna ang cellphone sa bedside dahil tatawagan ko si Trina. Sa taas kami natulog kaya mahaba pa ang nilakad ko bago ako tuluyang makababa sa kitchen. Kanina ko pa n

  • The Billionaire's Borrowed Bride: TAGALOG   Chapter 71: Falling Despite the Fear

    Hindi pa man ako tuluyang nakakabawi mula sa sinabi ni Leandro sa labas ay mas lalo akong hindi nakapagsalita nang makita ko ang buong itsura ng buong bahay. Napanganga ako at parang hindi makapaniwala na totoo ang nakikita ko sa harap ko. Maliwanag at maluwag ang loob, at puti ang halos lahat ng dingding at sahig na gawa sa makinis na kahoy. Ang unang bumungad sa akin at ang malawak na living area na may malalambot na beige na sofa at malalaking glass windows na diretsong tanaw ang dagat. Para bang kahit nasa loob ka lang, ramdam mo pa rin ang presensya ng dagat at simoy ng hangin sa bawat sulok. "S-Sobrang laki nito... sigurado ka ba na dalawa lang tayong mag-stay rito?" tanong ko kay Leandro habang patuloy na ginagala ang mga mata ko. Sa kanan ko ay may nakahilera na shelves na puno ng mga libro at sa kabilang side naman ay may nakasabit na mga paintings na halatang personal na pinili. "Yup! And we can do whatever we want here," sagot naman niya pagkatapos ay yumakap sa a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status