Home / Romance / The Billionaire's Borrowed Bride: TAGALOG / Chapter 50: Yours Before Anyone Else

Share

Chapter 50: Yours Before Anyone Else

Author: Reidpurplelh
last update Last Updated: 2025-10-05 23:56:48

Hindi ko alam kung gaano na kami katagal sa bar at hindi ko na rin mabilang pa kung nakailang bote na ba ako ng alak. Ang tanging alam ko lang ay masyado kaming nagkakatuwaan ng mga kaibigan ko at hanggang ngayon ay kinukulit nila ako sa dare nila.

"Go na, Miss Gigi! Hahanapan kita ng lalaki na hahalikan mo!" tumatawang sabi ni Theo.

"Humanap ka ng tatlo at papiliin mo si Miss Gigi!" Sabi naman ni Mika.

Nagtawanan kami roon habang lumilinga ang mga kaibigan ko sa paligid para maghanap ng lalaki. Napailing na lang ako dahil kahit may tama ako ng alak ay nakakaramdam pa rin ako ng hiya. Napapadalawang isip pa nga ako kung dapat ko bang gawin ang dare nila, pero wala namang mawawala sa akin kapag ginawa ko 'yon.

Twenty-five years na akong nabubuhay sa mundong 'to, pero kahit isang beses ay hindi ko man lang naranasan makipag-date, dahil busy ako sa paghahanap buhay para sa amin ni Lola. Hindi naman siguro masama kung mage-enjoy ako kahit ngayong gabi lang hindi ba?

"Let's go dance!"
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mezken Avila
update please
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Billionaire's Borrowed Bride: TAGALOG   Chapter 104:

    Chapter 104:Halos manginig ang kamay ko at panunuyo ng labi ko habang binubuksan ang result ng DNA test namin ni Mr. Rocco. Halos kumalabog naman ang puso ko at tuluyang tumulo ang mga luha ko nang umabot ang tingin ko sa pinaka-dulo ng papel.Ninety nine point ninety nine percent ang nakalagay roon at kahit na umiiyak pa ako ay hindi ko na napigilang mapaangat ang tingin ko sa kaniya. Nang makita kong nakangiti siya sa akin gamit ang mangiyak-ngiyak na mata ay napatayo na ako mula sa kinauupuan ko at lumapit sa kaniya para mayakap ko."Totoo nga. Ikaw ang Papa ko!" umiiyak na sabi ko habang magkayakap kaming dalawa.Naramdaman ko ang panginginig ng katawan niya na tingin ko ay umiiyak na rin siya. Mabuti na lang ay nasa isang private restaurant kami kaya malaya kaming magyakapan na hindi inaalala ang makakakita sa amin."I really can't believe. All this time ay may anak pala ako," umiiyak na sabi niya pagkatapos ay umalis mula sa pagkakayakap sa akin. "M-May anak pala kami ni Gaia."

  • The Billionaire's Borrowed Bride: TAGALOG   Chapter 103:

    "W-Where did you get that necklace?" tanong niya habang nauutal at kita ko rin ang pamumutla niya.Agad naman napakunot ang noo ko lalo na nang lumapit siya sa akin para makitang mabuti ang suot kong kwintas. Bakas sa mukha niya ang kuryosidad at pabalik-balik ang tingin niya roon at sa akin. Napahugot naman ako nang malalim na hinga at napailing. Hindi naman siguro rare ang ganitong kwintas no'ng panahon nila Mama kaya sigurado ako na marami itong kaparehas."Bakit mo natanong, Tito?" nagtatakhang tanong ko.Tumingin naman siya nang diretsyo sa akin at kahit na hindi pa siya magsalita ay nababasa ko sa mga mata niya ang labis na kaba lalo na nagmagsimula muli siyang magsalita."I once gave someone a necklace just like this... and it meant so much back then," paliwanag niya habang mangiyak-ngiyak. "Nag-iisang design lang 'yan noon kaya gusto kong malaman kung saan galing 'yan."Halos mapakurap-kurap naman ako at napayuko para tignan ang pendant ng kwintas ko. Bahagyang napakunot ang n

  • The Billionaire's Borrowed Bride: TAGALOG   Chapter 102:

    Hindi ko alam kung hanggang ano'ng oras ako sa resto-bar na kakwentuhan si Mr. Rocco. Ang sabi niya ay kauuwi niya lang ulit dito mula sa Europe matapos ang isang dekadang taon na lumipas. Na-kwento niya rin sa akin na matagal nang namatay ang asawa niya at hindi sila nagkaroon ng anak. Mag-isa na lang din siya sa buhay at tingin ko sa sobrang yaman niya ay gusto niya na lang maglibang sa kung ano-ano'ng bagay. Gusto ko rin sana itanong kung magkaibigan lang ba talaga sila ni Madame Celestine para naman mabigyan ko ng peace of mind si Rafael, pero hindi ko na ginawa dahil mukhang masyadong personal na tanong na 'yon.Magaan siyang kasama at kausap. Mahilig din siyang magpatawa kaya naman lahat ng iniisip ko ay pansamantalang nawala. Marami rin siyang naging life advices sa akin at pakiramdam ko tuloy ay nagkaroon ako ng tatay dahil sa kaniya kahit pansamantala lang. Isa pa ay naka-gain din siya ng tiwala ko nang sabihin niyang hindi makakarating sa kahit na kanino ang mga pinag-usapan

  • The Billionaire's Borrowed Bride: TAGALOG   Chapter 101:

    "Wala kang mapapala sa amin kaya kung ako sa'yo, umalis kana."Napailing ako at nanatiling nakatitig sa lalaking nagsalita. Nandito na ako ngayon sa presinto kung saan nakakulong ang dalawang salarin sa pagsunog sa bahay namin. Kanina ko pa rin sila tinatanong kung sino ang nag-utos sa kanila na gawin 'yon, pero isa sa kanila ay hindi ko mapaamin at palaging gano'n ang sagot sa akin."Kung hindi kayo makikipag-cooperate ay baka matagalan pa kayo d'yan. Kaya kung ako sa inyo ay sabihin niyo na lang kung sino ang nag-utos sa inyo!" sunod-sunod kong sabi at halos magmakaawa na ako sa boses ko.Natawa naman ang isang lalaki habang nakasandal sa pader at tamad na sumulyap sa akin."Sa tingin mo miss, ipapahamak namin ang pamilya namin para lang sa'yo?" tanong niya at muling natawa ng sarkastiko.Bahagya naman nanlaki ang mga mata ko at napaayos sa pagkakatayo dahil sa sinabi niya. Ramdam ko rin ang pagkalabog ng puso ko dahil possible na tinatakot sila ng taong nasa likod nitong lahat."Ib

  • The Billionaire's Borrowed Bride: TAGALOG   Chapter 100:

    Chapter 100:Naging maganda ang dinner namin kagabi dahil nagkasama-sama ulit si Leandro, Rafael, at ang Lolo nila. Kahit na wala si Madame Celestine ay na-enjoy pa rin nila ang hapunan na pinahanda ko. Maagang umalis si Leandro at as usual ay hindi naman na siya naga-almusal sa bahay. Ako naman ay palaging nahuhuli sa pag-alis sa bahay dahil nakikisabay ako kay Don Severino sa pagkain ng almusal. Nang makatapos akong gumayak ay bumaba na ako kaagad kaya lang ay halos mapahinto ako dahil hindi ko inaasahan na maabutan ko roon si Madame Celestine na kapapasok lang din sa mansion nila.Hindi pa man ako tuluyang nakakababa mula sa hagdan ay napaangat na agad ang tingin niya sa akin. Kahit na kita ko ang pag-angat ng isang kilay niya nang makita ako ay napalihis ang tingin ko sa lalaking kasama niya na hindi rin nalalayo sa edad nila. Napaawang ang labi ko dahil parang may kakaiba akong naramdaman.Hindi naalis ang tingin ko sa lalaki at kita ko ang pagkunot ng noo niya pero napangisi ba

  • The Billionaire's Borrowed Bride: TAGALOG   Chapter 99: Held Close After a Long Day

    Halos mabuga naman ni Rafael ang iniinom niya habang natatawa kaya naman napakunot ang noo ko habang nakatingin pa rin sa kaniya, dahil bigla akong naguluhan sa kaniya. "What's with that face, Gigi?" natatawang tanong niya pagkatapos ay napaayos sa upuan niya. "Of course, I'm just kidding." Halos makahinga naman ako nang maluwag at napairap na lang sa kaniya habang umiiling dahil akala ko talaga ay seryoso siya sa sinabi niya. Napailing na lang tuloy ako at napairap na lang sa kaniya dahil wala pa rin pagbabago sa kaniya, pero natawa na lang din ako. At least ngayon ay hindi totoo ang sinabi niya dahil kung hindi ay sigurado akong magkakagulo na naman sila ni Leandro. Gusto kong magkasundo sila ulit at ayaw kong mangyari ulit sa kanila ang pag-aaway dahil lang sa isang babae. Ilang sandali pa kaming naroon ni Rafael habang pinag-uusapan ang mga nangyari. Masaya ako na tanggap niya na kami ni Leandro, at sinabi niyang masaya siya para sa aming dalawa. Iyon lang din naman ang gusto

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status