Natapos ang pag-uusap namin ni Rafael nang gano'n lang. Hindi ko nakita kung ano ang exact na reaction niya after kong sabihin ang tungkol sa relasyon namin ni Leandro, pero alam ko na nabigla siya. Hindi ko alam kung kusa bang naputol ang linya ng tawag namin or sadyang binabaan niya lang ako ng tawag. Nawala rin kasi ang bar ng signal sa cellphone ko kaya hindi ako sigurado. Muli naman akong nagpakawala ng malalim na hininga nang muli kong maramdaman ang lamig ng hangin na tumatama sa balat ko. Napayakap ako sandali sa katawan ko at hinawi ang buhok na humaharang sa mukha ko dahil sa hangin pagkatapos ay napatingin ako sa cellphone ko. Eight thirty pa lang ng gabi at kanina pa ako rito nilalamig at nilalamok, pero tinitiis ko. Gusto ko lang din muna mapag-isa lalo na at sa wakas ay nakausap ko na rin si Rafael. May gaan sa puso ko at pakiramdam ko ay nabawasan ng kaonti ang ang bigat sa dibdib ko dahil sa pagtatago ko ng relasyon namin ni Leandro. Hindi rin totoo na mas mahalag
Halos matulala ako habang nagluluto ng hapunan namin ni Leandro. Hanggang ngayon ay hindi pa rin pumapasok ng maayos ang lahat sa isip ko dahil mas inaalala ko si Rafael. Sigurado ako na may hinala na siya lalo pa at nagsinungaling ako sa kaniya sa pag-alis ko. Napabuntonghininga na lang ako nang matapos akong magluto at sandaling napatulala sa cellphone ko. Hanggang ngayon ay tulog pa rin si Leandro at hindi ko alam kung gigisingin ko na ba siya para kumain ng hapunan namin or tawagan ko na lang muna si Rafael para magpaliwanag sa kaniya. Hindi ko naiwasang mapakagat sa labi ko nang mariin dahil kapag tinawagan ko siya ngayon at nagpaliwanag ako ay hindi ba magmumukhang defensive ako? Halos mapahawak na lang tuloy ako sa ulo ko dahil paano naman ako makakapag-enjoy rito kung may iniisip na iba hindi ba? "My gosh, Trina!" bulong ko sa sarili ko dahil naalala kong si Trina ang nakaaksideng sabihin 'yon kay Rafael. "Gianna?" Halos mapatalon naman ako sa gulat nang marinig ko ang b
Sa hapon ay nakatulog kami ni Leandro at napasarap yata ang tulog namin dahil nang magising ako ay halos pawala na ang liwanag sa labas. Pinagmasdan ko sandali si Leandro na mahimbing pa rin ang tulog. Nakalihis ang comforter hanggang sa bewang niya at kitang-kita ko ang mga abs niyang nakatambad sa harapan ko. Nakasanayan ko nang makita 'yon, pero hindi pa rin ako makapaniwala na sa akin lahat 'yon. Nag-init tuloy ang pisngi ko sa tuwing naiisip ko na maraming babae ang halos maglaway sa kaniya, pero heto ako. Ako lang ang laging nakakakita at nakakahawak dahil lahat ng parte ng katawan niya ay sa akin na ngayon. Napangisi na lang ako at tinawanan ang sarili dahil sa sariling kapilyuhan ko. Napailing na lang ako at humugot nang malalim na hininga bago tuluyang bumangon para magluto ng hapunan namin at kinuha ko rin muna ang cellphone sa bedside dahil tatawagan ko si Trina. Sa taas kami natulog kaya mahaba pa ang nilakad ko bago ako tuluyang makababa sa kitchen. Kanina ko pa n
Hindi pa man ako tuluyang nakakabawi mula sa sinabi ni Leandro sa labas ay mas lalo akong hindi nakapagsalita nang makita ko ang buong itsura ng buong bahay. Napanganga ako at parang hindi makapaniwala na totoo ang nakikita ko sa harap ko. Maliwanag at maluwag ang loob, at puti ang halos lahat ng dingding at sahig na gawa sa makinis na kahoy. Ang unang bumungad sa akin at ang malawak na living area na may malalambot na beige na sofa at malalaking glass windows na diretsong tanaw ang dagat. Para bang kahit nasa loob ka lang, ramdam mo pa rin ang presensya ng dagat at simoy ng hangin sa bawat sulok. "S-Sobrang laki nito... sigurado ka ba na dalawa lang tayong mag-stay rito?" tanong ko kay Leandro habang patuloy na ginagala ang mga mata ko. Sa kanan ko ay may nakahilera na shelves na puno ng mga libro at sa kabilang side naman ay may nakasabit na mga paintings na halatang personal na pinili. "Yup! And we can do whatever we want here," sagot naman niya pagkatapos ay yumakap sa a
Alam ko sa sarili ko na nakakatakot mahalin ang isang katulad ni Leandro. Noon pa lang ay naisip ko na magiging komplikado ang lahat kapag pinagpatuloy ko ang pagkakaroon ng feelings sa kaniya kaya naman ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para lang iwasan siya. Ginawa ko naman ang lahat at pinilit kong ang sarili ko na 'wag tuluyang mahulog sa kaniya, pero tao lang din ako. Tao lang na hindi rin kayang pigilan ang sarili lalo na ang puso. At tuluyan ngang nahulog ang loob ko sa kaniya lalo na nang malaman kong parehas lang naman pala kami ng nararamdaman para sa isa't-isa. Pinaramdam at pinakita niya naman na mahal niya talaga ako at ramdam ko pa nga na sa aming dalawa ay siya ang mas nagmamahal. Masaya ako na kasama ko siya, si Leandro na never naman sumagi sa isip ko kahit na isang beses na magiging boyfriend ko. Si Leandro na hate na hate ko noon dahil sa pagiging judgemental niya ay ngayon takot na akong mawala sa akin. Sana ay palagi na lang kaming ganito. Palaging masaya s
Sa sobrang daming pangyayari ay hindi ako makapaniwala na si Steven pala ang nakakausap ni Trina sa dating app. Nakakatawa kung iisipin dahil sobrang liit lang talaga ng mundo at parang sinadya o pinagplanuhan ng tadhana na magkita ulit silang dalawa. Kapag naiisip ko 'yon ay napapangiti na lang ako dahil kung si Steven ang makakatuluyan ni Trina ay mas magiging masaya ako. Napatingin ako sa salamin at pinagmasdan ang sarili ko na nakausot ng kulay puti na dress. Ang buhok kong bagsak ay pinanatili kong nakalugay at kahit kaonti lang ang nilagay kong blush on ay kitang-kita ko ang mamumula ng mukha ko. Nag-aayos ako ngayon dahil inaya ano ni Leandro na lumabas. Hindi ko alam kung saan kami pupunta at ang tanging sabi niya lang ay kakain kami, pero magbihis ako ng maganda. Na-gets ko naman siya kaagad dahil hindi naman siya ordinaryo or simpleng tao lang. He's De Luca at bilyonaryo siya! Nakakahiya naman kung hindi ko ibabagay ng kaonti ang sarili ko sa kaniya hindi ba? Isa pa