Marahang humakbang papasok ng hospital suite si Kiel. Once inside, agad na nagtama ang maga mata nila ni Erin. She still looked pale and weak, but she managed to give him a slight smile.Parang may kung anong bigat ang agad na naaalis sa dibdib ni Kiel nang ngumiti si Erin. And that gave him the confidence to step closer.“Maybe we should let them talk,” umpisa ni Lara, ipinaikot ang tingin sa mga kasama na naroon. Tumango si Jace, nanunang naglakad patungo sa pinto. Sumunod sina Lily at Liam. Muling ibinalik ni Lara ang tingin sa kaibigan, bahagyang pinisil ang kamay nito, “Sa labas lang kami,” anito bago tuluyang lumabas ng silid.Nang tuluyang silang maiwan na dalawa sa loob ng hospital suite, muling naglakas loob si Kiel na humakbang palapit sa kama ni Erin.“Hi,” ani Kiel, pabulong alanganing hinawakan ang kamay ng dalaga.Agad nangilid ang luha ni Erin, there were too many things she wanted to say but she doesn’t know how to start and so the tears. “I-I’m s-soryy, K-Kiel…” pili
“Natawagan mo na ba ang lahat?” tanong ni Ernesto sa asawang si Melanie. Pinagalaw na ng matandang Dela Fuente ang kanyang koneksyon. Sa lahat ng ayaw niya ang hindi siya sinusunod.Ngayon, malalaman ni Kiel at ng babae nito kung sino siya at ang ano ang kaya niyang gawin.Marahang tumango si Melanie, alanganin. “O-oo, Ernie. Natawagan ko na ang lahat ng network. Ang sabi nila they will cover the story first hour in the morning."Nauna nang ginamit ng matandang lalaki ang kanyang koneksyon upang mawalan ng kabuhayan si Kiel at si Ms. Villegas. Alam niyang mapapabagsak niya ang negosyo ng dalawa bago pa man matapos ang araw. But he is not over just yet. Dudurugin niya ang dalawa hanggang sa… wala nang mapagpipilian si Kiel kundi ang sumunod sa kanyang gusto.He knew, his ways are elaborate and sometimes costly but… they are always effective. Walang hindi gagawin ang taong desperado. And that’s where he always comes in.Sumimsim ng alak si Ernesto, tinanaw ang kabuuan ng siyudad mula sa
Tahimik ang magkapatid na Kiel at Lucas habang magkatabi sila sa bench sa labas ng private suite na kinuha ni Kiel para kay Erin. Doon pinasyang mag-usap ng magkapatid upang hindi nila maistorbo si Erin na noon ay kasalukuyang natutulog. Binigyan ito ng sedative ng doktor upang makapagpahinga nang husto.Kasasabi lang ni Kiel kay Lucas ang totoong nangyari sa pagitan nila ni Erin. Alam ng binata na magulo ang sitwasyon. He is engaged but he’ll be having a child with his brother’s ex-girlfriend. But in the middle of that chaos he is in, alam ni Kiel na ang simula ng solusyon ng lahat ng iyon ay ang pagsasabi ng totoo sa kapatid.Tumikhin si Kiel nang dumaan ang ilang sandali ng pananahimik.“I know, this is a lot to take in, Lucas. But it is what is. Mahal ko si Erin. And you do know na pumayag lang akong magpakasal kay Michelle dahil sa isang kumpromiso that involves Dad. I want to apologize for not telling you all of this. It’s not that I don’t trust you but… I-I’m not sure if… y-you
Kanina pa nagpapalakad-lakad si Kiel sa harap ng emergency roon na pinagdalhan niya kay Erin. Malakas ang pagkabog ng dibdib ng binata at hindi mawala-wala sa kanyang isip ang hitsura ni Erin nang ilapag niya ito sa gurney at ibigay sa pangangalaga ng mga doktor kanina. She was pale, weak and shaking. He wanted to stay beside her, hold her hand and comfort her. Kung siya ang masusunod, hindi siya aalis sa tabi nito hanggang hindi niya nasisiguro na maayos na ang kalagayan nito. But the nurses pushed him away and said that they are going to take care of Erin and his child.His child.Sumikdo ang dibdib ni Kiel nang maalala na magkakaanak na sila ni Erin. Isang anak na ngayon ay nasa panganib.Muli, napuno ng mga tanong ang isip ng binata. When did she found out she was carrying his child? Was that the reason she went away? Balak ba nitong itago sa kanya ang lahat?Naguguluhang isinuklay ni Kiel ang mga kamay sa kanyang buhok. Muling napupuno ng abot-langit na kaba, pag-aaalala at mga
“Erin! Oh goodness, you’re really here!” nakangiting bati ni Ingrid kay Erin nang makita ng matandang babae ang pamangkin sa loob ng hall.Pilit na ngumiti si Erin, nagkunwaring masaya sa muling pagkikita nila ng tiyahin. The last time she had seen her aunt was years ago, nang sadyain niya ito abroad. Her aunt had many opinions then about her life and with just about everything. At sigurado si Erin, mas marami pa itong sasabihin sa kanya ngayon. “A-Aunt Ingrid,” alanganing tawag ng dalaga sa tiyahin, kusa itong b*ineso bago pinasadahan ng tingin ang suot nitong black long dress. “You look stunning as always, Aunt Ingrid,” she complimented.Si Ingrid ay mabilis ding pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng pamangkin. “And you look, thin,” kunot-noong sagot ng matandang babae. “You’re really sick. Ano bang sakit mo at pumayat ka ng ganyan, Erin? Sinabi ko naman kasi sa ‘yo na alagaan moa ng sarili mo at h’wag puro trabaho. Hindi magandang tignan na may pera ka nga pero buto’t balat ka nama
“You’re silent. May masakit ba sa ‘yo?” tanong ni Liam kay Erin nang mapansin ng binata na tahimik ang dalaga habang patungo sila sa hotel kung saan gaganapin ang launching ng DF Appliances.Mula sa bintana ng sasakyan ay agad na bumaling si Erin kay Liam. “I-I am okay. Medyo pagod lang. Marami akong trinabaho ngayong araw. Alam mo na, pending papers,” pagsisinungaling ng dalaga.Hindi siya pagod. Actually, pumirma lang ng mga documents, mag-review ng progress ng on-going at future projects ang ginawa niya sa opisina kanina. Not really heavy work. Lalo pa at laging nakaalalay si Lily sa kanya. So hindi siya pagod dahil sa trabaho. But she is silent because she is anxious.Kinakabahan siya sa kung ano mang maari niyang makita sa event. Naroon sina Kiel at Michelle. Naroon din ang kanyang Aunt Ingrid na halos ilang linggo lang ang nakakaraan nang pagbantaan siyang sisingilin sa utang niya rito kapag hindi niya inayos ang kanyang trabaho sa mga Dela Fuente.Her heart and her company is b